Chapter 35 - For her happiness
Chapter 35
Third Person POV
IT WAS before midnight when Drake helped Ingrid escaped from his father. Whatever his father was planning, he's against it. Hindi na siya papayag na mapahamak pa ang babaeng minamahal.
"Huwag kang mag-alala, Ingrid. Po-protektahan kita sa maabot ng aking makakaya." He sincerely said to her. Kahit kabado ay pinilit ng dalaga na ngumiti.. Nagtitiwala siya kay Drake. Dahil sa panahon ngayon, si Drake lang ang may kakayanang mailayo siya sa kapahamakan.
"I trust you, Drake." Mahina ngunit sapat upang marinig niya 'yon. He was happy hearing it from her. 'Yon lang ang gusto niya, ang pagkatiwalaan ulit ng babaeng minamahal niya. "At napatawad na kita, Drake." Ingrid continued.
"Thank you, Ingrid." Niyakap ni Drake si Ingrid. Nang pakawalan niya ito ay bigla na lang na may tumambad na dalawang bantay sa harap nila.
"Master Drake. Bakit niyo po pinakawalan ang babae?!" Galit na sambit ng bantay.
"Paraanin niyo kami."
"Pero master Drake, mahigpit pong pinag-utos ng Master Devant na h'wag pong palalabasin ang babaeng bihag lalo na't magsisimula na ang labanan." Paliwanag ng isa.
"Wala akong pakialam." Sagot ni Drake. Binalingan niya si Ingrid. "Hold my hand, Ing." Kahit hindi alam ni Ingrid kung bakit gusto niyang pahawakan kamay niya dito ay ginawa din niya. Nakita na lang niya sarili niya sa ibang lugar. Sa makahoy na lugar. Tanaw nila ang dalawang grupo na handa na sa pakikipaglaban.
Pana at espada ang gamit nila habang naglalaban. King Vladimir aims his bow to the Sanguinarian's heart. Marami siyang napapatay na kalaban pero 'di niya matamaan si Devant. Masyado itong mailap.
Tumakbo si Cris sa dulo ng kakahuyan, kanyang kalaban ang kanang kamay ni Devant na si Aethan. Parehong nakatutuk ang espada nila sa isa't-isa
"Ito na ang katapusan mo, Cris!" Nakangising sabi ni Aethan.
Bago pa man malaslas ni Aethan ang leeg ni Cris, bigla na lang itong lumuhod at napahawak sa gitna ng dibdib at tumumba. Pinana siya ni Tom.
"What will you do without me?" Pagyayabang ni Tom. Cris just smirked. Kahit 'di niya sabihin, nagpapasalamat siya kay Tom.
On the other hand, itatakas sana ni Drake si Ingrid sa kakahuyan kung saan nagaganap ang labanan ng may humarang sakanilang limang Sanguinarian. Itinutok nito ang mga espada nila sa dalawa.
"Ibigay mo sa amin ang babae, Master Drake." Sabi ng isang Sanguinarian.
Alam ni Drake na papatayin siya ng mga ito kahit anak siya ng Master nila. Malamang 'yon ang utos ng ama niya.
"Ingrid, tumakbo ka na. Ako na ang bahala dito." Mahinang sambit ni Drake kay Ingrid.
"H-ha? H-hindi. Hindi kita iiwan dito, Drake." Mas lalong hinigpitan ni Ingrid ang pagkakahawak niya sa braso ni Drake. Hindi niya gustong iwan si Drake habang alam niyang maaring mapatay 'to ng mga kauri niya.
"Sige na, Ingrid. I'll find you after I fight them." Nakikiusap na wika ni Drake.
Walang nagawa si Ingrid kundi sundin si Drake. Tumakbo siya palayo sa kinaroroonan. Dahil sa madilim at 'di niya kabisado ang lugar, alam niyang nawawala siya. Naramdaman niyang may sumusunod sa kanya kaya napalingon-lingon siya sa gitna ng gubat. Takot na takot. Kahit hinang-hina ay pinipilit niya pa ring tumakbo.
"Where are you going, miss?" Rinig niyang sabi ng isang Sanguinarian kaya napalinga-linga siya. Parang nag-e-echo ang boses nito sa tainga niya. Wala sa sariling tumatakbo siya. Hindi na niya alintana ang mga luhang nagraragasa sa pisnge niya. Halos hindi na niya pinapansin ang mga sanga ng kahoy na tumatama sa braso niya at sa mukha niya. Pakiramdam niya pinabayaan siya.
Napahinto siya nang makarating siya sa dulo ng gubat. Isang napakataas na bangin ang naabutan niya. Dahan-dahan namang lumalapit sa kanya ang Sanguinarian. Nakangisi ito. Ngising tagumpay at na-corner niya ang bihag niya.
"Wala ka ng matatakbuhan, babae." Palapit ito nang palapit. Pinikit na lamang ni Ingrid ang mga mata. Kung lalapit pa ang bampirang ito, wala siyang choice kundi ang magpahulog sa bangin. Tubig ang baba nito kaya hindi siya natatakot. Ang inaalala niya lang ay kung tumama siya sa bato.
"Please. H'wag mo kong papatayin." Umiiyak niyang pakiusap.
Pilit niyang inaalala kung bakit nasa ganitong sitwasyon siya. Ah, oo nga pala. Dahil hinayaan niyang pumasok sa buhay niya ang mga bampira. Hindi sa nagsisisi siya. Masama lang ang loob niya dahil ang lalaking nangako na ililigtas siya sa ano mang kapahamakan ay wala sa tabi niya. Mag-isa siya. At mas lalo siyang natatakot.
Hinintay ni Ingrid na hawakan siya ng Sanguinarian pero isang malakas na hangin at 'rawr' lamang ang narinig niya. Isang pamilyar na hangin na naging dahilan para magtaasan ang balahibo niya sa braso. Alam niya, kahit nakapikit siya ay kilala niya ang presensya niya. Dahan-dahan niyang minulat ang mata at nakita 'to.
"H-hansel," biglang tumulo ang mga luha sa mata niya. Sinugod niya 'to ng yakap at ikinawit ang mga braso sa leeg nito
"H-Hanseel. A-akala ko... A-akala ko..."
"Sshh.. I'm here now. You're safe," bulong nito sa kanya at mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya. Sobra niya 'tong na-miss at hindi na siya papayag na malayo rito. Papatawarin niya 'to sa pang-iiwan sa kanya basta huwag lang itong aalis muli.
Matapos matalo ni Drake ang limang Sanguinarian, nakita niyang papunta ang ama sa tinakbuhan ni Ingrid. Sinundan niya ito. Sa pagkaka-alam niya, naubos nang hari at nila ang Cris ang Sanguinarians.
Sinundan niya ang ama at dinala siya nito sa dulo ng gubat kung saan ang bangin. Nagulat pa siya nang maabutan si Hansel at yakap nito si Ingrid.
"Sumuko ka na, Devant! Ikaw na lang ang natitira!" Sigaw ni Haring Vladimir.
"Hindi! Kahit ikamatay ko pa, hinding-hindi ako susuko!" mariing wika ni Devant.
* * *
Ingrid's POV
NAKITA kong inilabas ni Devant ang pana niya. Tinutok niya 'to sa amin ni Hansel. Mas lalong humigpit ang pagkakayakap sa akin ni Hansel at iniharang pa nito ang katawan niya sa akin.
Inilipat ni Devant ang aim sa akin. Si king Vladimir ay nakatutok ang pana sa kanya pati si Cris at Tom. Kung papanain niya ako, mapapatay din siya nila Cris at Haring Vladimir.
Nakita kong pinakawalan niya ang arrow sa bow. Naipikit ko ang aking mga mata nang itulak ako palayo ni Hansel sa puwesto. Napaupo ako sa lupa at iniharang niya ang sarili niya sa akin. I wanted to scream pero nanunuyo na ang lalamunan ko. Wala na akong lakas para magsalita.
Gusto kong itulak si Hansel palayo sa akin pero nagulat ako nang biglang may bumagsak sa likod niya. Agad ko itong tiningnan at halos mamilog ang aking mga mata nang makita ko si Drake na nakahandusay. Nasa gitna nang kanyang dibdib ang pana.
"DRAKE!" rinig kong sigaw ni Devant. Lalapit sana siya nang panaain siya sabay-sabay nila Cris, Tom at King Vladimir.
Agad kong nilapitan ko si Drake at halos mapaluhod ako sa gilid niya.
"D-Drake."Naluluhang hinaplos ko ang mukha niya. Iminulat niya ang kanyang mga mata at pinilit niyang ngumiti. Mas lalo akong naiyak dahil sa ginagawa niya.
"Bakit mo 'yon ginawa?" Sabi ni Hansel sa tabi ko.
Natutup ko ang bibig ko nang may lumabas na dugo sa bibig. Nagkalat na rin ang dugo sa dibdib niya. He may be a son of a Sanguinarian but for me, he will always be a nice vampire and a human.
"H-hu...wag k-kang mag-alala, P-prince H-Hansel.. H-hindi ko 'yon g-ginawa para sa'yo," nahihirapan niyang sabi. May lumabas na luha sa gilid ng mata niya. Gusto ko na lamang siyang yakapin at iparamdam sa kanya na pinagsisisihan ko ang mga masasamang bagay na sinabi ko sa kanya noon. Gusto kong mag-sorry sa kanya dahil hindi ko maibigay sa kanya ang pagmamahal na hinahangad niya.
"Drake, h'wag ka nang magsalita. Mas manghihina ka," mahina kong sabi sa kanya. Hinaplos ko ang noo niya at nginitian na naman niya ako. Matalim man ang mga mata ni Drake pero napakabait niyang tingnan kapag ngumingiti. Pinilit kong ngumiti para sa kanya pero mas lalo lang akong naiyak.
"I-Ingrid... H-h'wag ka nang umiyak. G-gusto ko... lagi kang masaya. I will do anything for you, just to see you happy."
"Drake..." I whispered. It doesn't have to be this way. Drake was a good man. Isang mabuting kaibigan na kahit minsan niya akong nagawan ng pagkakamali. Pagkakamali na hindi naman niya ginusto dahil nagmamahal lamang siya.
"P-Prince H-hansel, alagaan mo si Ingrid. Mahal na mahal ko 'yan," tumango lamang si Hansel bilang tugon.
"Ingrid... S-salamat at napatawad mo na ako," umubo na naman siya at mas maraming dugo ang lumabas.
"Don't talk please... Dadalhin ka namin sa mang-gagamot," nag-aalala kong sabi sa kanya pero umiling siya. Hinawakan niya ang kamay ko.
"No. H-hindi na rin naman ako magtatagal. M-may isang kahilingan lang s-sana akong gustong sabihin sa inyong dalawa," napatango kami ni Hansel. "K-kapag nagkaanak kayo, puwede ipangalan niyo sa akin? Bayad niyo na lang sa pagsagip ko sa kasiyahan niyo." Tumawa pa siya kahit nahihirapan na. Nagkatinginan kami ni Hansel.
"Oo naman. Pangako," sagot ko.
"S-salamat," Pinikit niya mata niya.
"Drake?" Niyugyog ko balikat niya. Pero wala nang reaksyon mula sa kanya.
"Ingrid... H-he's gone." Sabi ni Hansel.
Tahimik lang ako umiyak. Itinayo ako ni Hansel at nakaalalay siya sa bewang ko. Patuloy akong umiiyak habang nakikita kung paano maging abo si Drake. Unti-unting dinala ng hangin ang katawan niya. Napayakap ako kay Hansel habang umiiyak.
"Thank you, Drake." I mutter.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top