Chapter 33 - Leaving
Chapter 33
Ingrid's POV
NASA harap kami ng hapagkainan at walang imik na kumakain. Well, sila lang pala kumakain kasi 'di ko man lang ginagalaw ang pagkain ko.
"Baby, eat your food. Gusto mo bang magkasakit?" sabi ni Mommy pero hindi ko siya pinansin.
"Ingrid! Listen to your mom! Eat then go back to your room!" Maawtoridad na utos ni Daddy.
"Babalik na lang po ako sa kuwarto." Malumbay kong sabi.
I was about to stoop up when dad stopmed his fist to the table. Nagulat ako at halos mapatalon sa kinauupuan ko.
"Huwag matigas ang ulo, baby. Magagalit na naman ang Daddy." Mahinang sabi ni Mommy.
Tumango na lang ako at kumain. Kumuha ako ng pagkain sa kutsara at subo lang nang subo. Kahit puno pa ang bigbig ko ay sinusubo ko na uli ang sunod. Nahuhulog na ang ibang kanin sa bibig ko pero wala akong pakialam.
"Watch your manner, Ingrid!" Sigaw na naman ni Daddy. Napainom muna ko ng tubig saka nilunon ang pagkain.
"You told me to eat! You didn't say to eat with manners, dad!" Sagot ko sa kanya.
"Ganyan na naman ba, Ingrid? Babalik ka na naman sa dati mong pag-uugali?!"
"Ganyan na naman ba, dad? Babalik ka na naman sa dati mong ugali?!" I said with mockery.
"Damn it!"
"Ington, relax. Your blood pressure."
Agad akong tumayo at tumakbo pabalik sa kuwarto. Hindi ko na hinintay na magsalita pa si Daddy at alam kong sisigawan na naman niya ako. Ni-lock ko ang pinto at saka humiga sa kama. Hindi ko na naman mapigilang umiyak. Naiiyak na naman ako sa sitwasyon. Bakit ba kasi nangyayari ito?
"Ate Ingrid. Ate, can you hear me?" Napabangon ako nang makarinig ako ng boses sa utak ko.
'Ate, don't be scared. It's just me, Erina. Dumungaw ka sa bintana.' Nagmamadali kong tinungo ang bintana at tinanaw si Erina. Hindi ako tumuntong sa terrace at baka makita ako ng mga guard.
I saw Erina and Maxhene sa harap ng mansion pero nagtatago sila sa bushes. Sila lang ba? Wala ba si Hansel? Kumaway ako sa kanila at gano'n din sila. She mouthed me some words pero hindi ko maintindihan. Narinig ko na lang bigla ang doorbell na tumunog. Hindi ko naman makita kung sino ang pumasok kasi natatakpan ito ng malaking puno.
"Ate, sila Kuya ang nagdoorbell. Bakit ka ba diyan? Hindi ka ba pinapalabas?"
Hindi ko pinansin ang sinabi ni Erina bagkus, agad akong lumabas sa kuwarto at bumaba. Nadatnan kong magkaharap sina Hansel at Daddy. Ang seryoso ng tinginan nila sa isa't-isa.
"H-Hansel..." I mutter.
Napatingin silang dalawa sa akin. Si Mommy ay nasa gilid lang katabi nina Cris at Tom. Ano'ng ginagawa nila dito?
"Go back to your room, Ingrid!" Dad commanded me.
"But—"
"No buts! Go back and I'm going to talk to him." dad said. Tiningnan naman ako ni Mommy at parang sinasabi na sundin ko na lang siya.
Nakayukong umalis ako sa living room at bumalik sa kuwarto. Kinakabahan ako. Alam ba ni Hansel na ayaw sa kanya ni Daddy? Mag-uusap ba sila dahil do'n?
* * *
Ington's POV
"I KNOW who you are, Hansel Kang." I said right after kaming makapasok sa library. Hindi siya umiimik. Nakatingin lang siya sa akin.
"Alam ko rin kung sino kayo. At kung ano kayo dati." Mariin niyang sabi. Hindi na ako nagulat kung malalaman niya. The moment I opened the box containing my secret, malalaman ng mga vampire (within the vicinity) na may supremo pa na nabubuhay.
"Kung gano'n huwag na tayong magpaligoy-ligoy pa. Layuan mo ang anak ko. 'Yon lang ang hihilingin ko sa'yo. Nananahimik na ako. Huwag niyo nang guluhin ang pamily ko." I puffed my tobacco cigarette. By the looks of Hansel, he's a kind of vampire that won't take no for an answer. He's just like his grandfather.
"I can't do that, Mr. Sy. I love your daughter so much. At kaya kong ipaglaban 'yon kung ipipilit niyo ang gusto niyo."
"Hindi sana ako tututol kung isa kang tao. But you are a vampire. You'll bring chaos to my daughter's life and I don't want that to happen. As much as possible gusto kong maging normal ang buhay niya. Hindi mo alam kung ano ang sinakripisyo ko para mamuhay bilang tao. Nakikiusap ako sa'yo, Prince Hansel. Leave my daughter alone."
"Ano ba'ng puwede kong gawin para pumayag ka sa relasyon namin?" He asked.
Agad naman akong umiling. "Wala. Iwan mo siya. 'Yon lang ang gusto ko."
"May kailangan kang malaman." Napatingin naman ako sa kanya.
"Ano 'yon?"
"Ingrid is the chosen one." Sabi niya na ikinagulat ko.
"What did you say?"
"You heard me. Ano sa tingin mo ang dahilan kung bakit nakapasok si Ingrid sa portal? Alam mo na walang tao na nakakapasok sa vampire city. Except, kung ikaw ang nakatakda. Kapag pinigilan mo 'to—"
"Stop it! Stop! How did this happen?! How come my daughter is the chosen one?" Naguguluhan kong tanong.
"Hindi ko rin alam. Kung magiging open ka sana, puwede mong tanungin si Ingrid kung ano ang naging adventure niya sa vampire city. Don't worry, alam niya kung anong klaseng nilalang kami." Napatiimbagang ako. I am protecting my daughter from him iyon pala may alam naman ang anak ko? "I didn't mean to be very disrespectful to you, sir. Pero anak mo si Ingrid. Hindi ata tama napanghimasukan mo ang buhay lovelife niya." Sabi pa niya."Can't you trust me? Can't you trust us?"
This time hindi na ako makatingin sa kanya.
"Ayoko lang na mangyari sa anak ko ang nangyari sa akin noon."
"Hindi mangyayari kay Ingrid ang nangyari sa'yo. Sinisiguro ko 'yan sa'yo, sir."
Matagal na katahimikan. Madaming bumabagabag sa isipan ko. Alam kong kaya niyang protektahan ang anak ko. Pero hindi pa rin mawawala sa akin ang mag-alala.
"Mahal mo ba talaga ang anak ko?" Tanong ko sa kanya.
"Yes, sir. Mahal na mahal ko ang anak mo." Deretso niyang sabi sa akin. No hesitations. No doubts.
"Gagawin mo ba ang kundisyon ko para sa anak ko?" Tanong ko pa sa kanya.
"Para kay Ingrid, oo."
"Very well. Layuan mo siya. 'Yan ang gusto ko..."
* * *
Ingrid's POV
Nakatayo ako sa balkonahe at pinagmamasdan ang langit. Hindi ko na makita sila Erina at Maxhene sa labas. Hindi ko rin alam kung lumabas na si Hansel sa bahay. Ano kayang pinag-usapan nila ni Daddy?
"Ingrid..." I turned around and saw Hansel inside my room. Masayang lumapit ako sa kanya at nayakap siya. God, I missed him so much!
"Hansel... I'm glad you're here. Ano'ng pinag-usapan niyo ni Daddy?" Sabi ko at saka bumitaw sa kanya.
Tiningnan ko ang mukha niya pero blanko lamang ito. Walang bakas ng ano mang emosyon. Halatang may gusto siyang sabihin pero parang pinipigilan niya.
"Hansel, say something. Galit ba si Daddy sa'yo?" Nagtataka kong tanong.
"Ingrid, I have to go." Napakaseryoso niyang sabi. Nawala ang mga ngiti sa labi ko.
"Ha? Uhh, oh sige. Pero bumalik ka bukas, ah." Sabi kong pinipilit na pasiglahin ang boses. Bakit ba aalis agad siya? Hindi niya ba ako namiss? Ayaw niya ba akong makasama nang mas matagal?
"I-I'm not coming back, Ingrid. H-hindi mo na ako makikita pa,"he said.
I counfusely gaped at him. Hindi ko maipaliwanag ang kabang naramdaman ko dahil sa sinabi niya. Pakiramdam ko may mali na ang pandinig ko.
"W-why? A-ano'ng pinagsasabi mo? Joke ba 'to?" I said trying to laugh but end up griming.
Nangingilid na ang mga luha sa mga mata ko pero pinipigilan ko lang 'to. Kung isa itong joke, well hindi nakakatuwa! Mag-joke na siya nang lahat huwag lang tungkol sa mga ganitong bagay!
"I'm afraid I'm not joking, Ingrid. You won't see me anymore. I'm sorry." Sabi niya.
So gano'n-gano'n lang 'yon? Iiwan niya ako? Aalis sana siya pero pinigilan ko ang braso niya.
"Did my father tell you that? Siya ang nag-utos sa'yo, 'no?"
Tuluyan nang pumatak ang luha sa aking mga mata na kanina ko pa pilit na pinipigilan.
"Your father has nothing to do with my decision. I've realized that we are really in a complicated situation. Bawal ang pag-ibig natin. Kahit sabihin na ikaw ang para sa akin, hindi pa rin puwede."
Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko. 'Pagkatapos ng mga pinagdaanan namin tapos isusuko niya ako nang ganito lang? Hindi niya ba ako ipaglalaban?
"Y-you love me, right? 'Di ba nag-promise ka na hindi mo ko iiwan? Hansel naman, eh! If this is one of your jokes, please stop it. Hindi na ako natutuwa!" galit kong sabi sa kanya.
"I'm sorry, Ingrid." nakayuko niyang sabi.
Tumalikod siya at naglakad papunta sa may balkonahe.
"Hansel..." nagmamakaawa kong sambit sa pangalan niya pero hindi niya ako nilingon.
"Goodbye, Ingrid." He said and slowly dissolving into thin air.
I run to him pero wala na siya. No! This is not happening! Panaginip lang ito! Hindi ito totoo! Kasi ang Hansel na nakilala ko ay hindi ako iiwan nang basta-basta!
"HANSEL!" Napaluhod na lang ako habang humahagulhul. Hindi ko matatanggap. Siya ang unang sumuko. All his promises were gone, just like him. Bakit niya ito nagawa sa akin? Hindi niya ako pinaglaban. Ang bilis niyang sumuko.
Mahal na mahal ko siya at kaya kong gawin ang lahat para sa kanya pero hindi niya 'yon kayang gawin para sa akin. Mahal na mahal ko siya kahit masakit na.
P
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top