Chapter 32 - A Daughter's Cry

Chapter 32

Ingrid's POV

"Bukas na bukas ay dadalhin kita sa states!"

Naalala ko na naman ang sinabi kanina ni Daddy sa akin. Pagdating ko galing beach ay 'yon agad ang salubong sa akin ni Daddy.

"Itigil mo na 'yang kahibangan mo sa Hansel na 'yan!"

I can't even get out on my own room. May naka-bantay na bodyguards sa labas ng kwarto ko maging sa baba ng balcony ng kwarto ko. He's no different from Devant. Locking me inside to keep me away from Hansel.

"Please talk to him, Mom. Please tell him not to do this. I love Hansel so much at ikamamatay ko kung mawawala siya sa akin." I beggingly said.

Tears pooling my eyes and I felt a tight knot on my chest. Niyakap lang ako ni Mommy habang umiiyak.

"M-Mom, where's Dad? I want to talk to him. Please, Mom." Pinalis ko ang luha sa na nagkalat sa pisngi ko at inayos ang sarili ko.

"Nasa study room ang Daddy, baby. Pero hindi mo siya makakausap ngayon." Sabi ni Mommy. Tinignan ko siya.

"How could you, Mom. I'm your daughter yet wala ka man lang magagawa para pigilan si Daddy? Nagtataka na talaga ako kung mahal niyo ako, eh! Palalayuin niyo ako sa mahal ko na hindi niyo man lang pinapaliwanag kung bakit!"

"Baby, Daddy didn't tell me his reasons. But I'm sure valid naman 'yon, eh. Baby, understand Daddy." Pakiusap sa akin ni Mommy pero napailing lang ako.

"N-no! I can't do that! Kung ipipilit niyo sa akin nakalimutan si Hansel. Pwes, kakalimutan ko rin na magulang ko kayo!" Malakas kong sigaw.

Napahawak na lang ako sa pisngi ko nang maramdaman ko ang malutong na sampal ni Mommy sa pisngi ko. Kahit kailan ay hindi pa ako nasampal ni Mommy. Ngayon lang! Napuno ng galit ang dibdib ko at marahas kong pinalis ko ang luha ko sa mukha.

"I hate yo and I hate dad!" I said full of rage.

"B-baby... I-I'm sorry..." Pilit na lumalapit sa akin si Mommy pero nilalayuan ko siya.

"GET OUT OF MY ROOM, MOM!"

"Baby..."

"I SAID GET OUT!" I angrily pointed the door. Nakatungong lumabas si Mommy sa kuwarto ko. Tinakbo ko ang pinto at ni-lock sa loob. If they don't want me outside, then no one can get in my room.

"Hansel, I wish you knew what is happening," I said teary.

* * *

Hansel's POV

"WALA, EH. Hindi pumasok," sabi ng isa sa blockmate ni Ingrid. Kanina ko pa siya tinatawagan pero cannot be reached ang phone niya.

Umalis na lang ako sa room nila. Bakit kaya siya hindi pumasok? May sakit kaya siya? Hindi ko maipaliwanag pero may kung ano akong nararamdaman. I wish Erina was here. Siya sana makakaalam kung ano'ng nangyayari kay Ingrid.

Pababa na akong building ng department nila Ingrid nang mahagip ng paningin ko si Drake. Ano na naman ginagawa niya dito? At bakit may dala pa siyang bulaklak? Agad ko siyang nilapitan. Hindi naman siya nagulat na makita ako sa harap niya.

"Ano na naman ginagawa mo dito?!" I glared at him. Sarap suntukin.

"Si Ingrid?" tanong nito at para bang wala man lang siyang pakialam na ang kausap niya ay ang boyfriend ng babaeng pino-pormahan niya.

"Wala. Hindi pumasok," seryoso kong sagot.

"Ahh. Pakibigay na lang 'to." Inabot niya ang bulaklak pero hindi ko ito kinuha. I just glared at him.

"Nananadya ka ba? Gusto mo na ba talagang mamatay?!" Ang sama ng tingin ko sa kanya. At kung puwede lang na makapatay ang mga titig ko kanina pa siya naging abo!

"Relax. Hindi ko naman aagawin si Ingrid sa'yo, eh. Mahal ka no'n kaya huwag kang mag-alala. Gusto ko lang humingi ng tawad sa kanya at pati na rin sa'yo. Pagpasensyahan mo na ang mga ginawa ko noon. Masyado ko lang talagang mahal si Ingrid, eh. Pero 'di mo 'ko masisisi, hindi siya mahirap mahalin. Alam mo 'yan kasi mahal mo siya." Wala akong masabi sa tula niya. Hindi ko magawang magalit o mainis kasi totoo lahat ng sinabi niya.

"Sige dre, alis na 'ko. Hindi ko kasi alam kung saan si Ingrid, eh. Hindi ko siya maamoy." He patted me on the back tapos umalis.

Bakit ba ako natameme sa sinabi niya?

Biglang lumakas ang pandama ko kay Ingrid. Why do I feel like she's suffering? Damn! Kung puntahan ko kaya siya sakanila?

* * *

HINANAP ko sina Maxhene at Denver sa loob ng campus. I found them at the academic building at busy si Denver sa kanyang phone.

"Hindi talaga sumasagot, sweetheart, eh," rinig kong sabi nito.

"Call her again," utos pa ni Maxhene.

"Hey! Have you seen Ingrid?" I asked them pero tiningnan lang ako ni Maxhene. She was worried.

"Kanina ko pa siya pinapatawagan kay Denver pero hindi siya sumasagot. Akala ko nga kasama mo siya," sagot naman ni Maxhene.

Kinakabahan na ako. Alam kong may maling nangyayari.

"Puntahan kaya natin siya?" I said at agad naman na tumango si Maxhene.

Nagdrive kami papunta sa subdivision nila Ingrid. The moment we set foot on their vicinity ay may naramdaman akong malakas na hatak ng kapangyarihan.

"Did you feel that?" Sabi agad ni Denver.

"Yeah,"

Hindi ko maipaliwanag ang malakas ng aurang nararamdaman ko. Basta ang alam ko, hindi siya ordinaryong kapangyarihan.

"Ako rin," Pagsesegunda ni Maxhene.

"Hansel, huwag tayong papasok sa bahay nila Ingrid. Magmanman muna kaya tayo? Iba talaga nararamdaman ko, eh," sabi ni Denver.

Tinanguan ko siya kaya nagtago kami sa isang puno na medyo malayo sa bahay nila pero natatanaw pa rin naman.

"Tell me I'm wrong, Hansel. Bakit pakiramdam ko may ibang vampire na nakatira sa loob ng bahay nila Ingrid?" Sabi ni Maxhene.

I focused my attention on Ingrid's house. Maxhene was right. Its power wasn't ordinary and it feels old and ancient. Parang isang kapangyarihan na matagal na itinago.

"A Sanguinarian," I utter.

Pero sino? Kasi sigurado ako na hindi si Drake o si Devant ang nasa loob ng bahay nila. The scent is someone I know to be dead.

"Does that mean, Ingrid is in grave danger?" Maxhene said in didbelief.

Was it possible? Pero iba ang nararamdaman ko, eh.

* * *

Ington's POV

NI-LOCK ko ang study room at saka ko binuksan ang isang secret room. Sa likod ito ng family portrait. Doon ang lagusan para makarating sa secret room. Matagal na rin simula nang huli akong pasokok dito. At kung ako ang masusunod ay gusto ko nang ibaon sa limot ang nakaraan. Pero para itong multo na bumabalik sa akin.

Binuksan ko ang isang lumang baol na naglalaman ng nakaraan ko. A Pandora box of my past. Alam kong sa oras na binuksan ko 'tong baol, malalaman ng mga vampire na may nabubuhay pang isang Supremo na akala nila patay ay na. Isang dating Supremo ng Sanguinarian.

Let me tell you a story 300 years ago...

My name si Van Drey. I was the current leader of Sanguinarian tribe. A ruthless leader na walang ibang alam kundi ang pumatay ng mga tao. Dahil sa aking pamamalakad ay hindi nagustuhan ng mga Kang ang ginagawa ko. So we became their enemy.

Ang tanging gusto ko noon ay masakop ng buo ang vampire city.I want power and supremacy.

Pero nagbago 'yon. Binago lahat nang 'yon nang isang mortal na nag-ngangalang Vivian. Nakilala ko siya sa gitna ng daan at nagtitinda ng mga amulets. Hindi ako noon makalapit sa kanya dahil may isang amulet siya na anti-vampire.

Ginawa ko ang lahat para makalapit sa kanya. Nag-utos pa ako ng mga tauhan para nakawin ang mga tinda niyang amulet. Napaka-bango niyang dalaga kaya talagang naaakit ako sa kanya.

Pero nang mahawakan ko siya, iba na agad naramdaman ko. At doon ko natukoy na mahal ko siya. Isang imposibleng pangyayari sa buhay ko ang magkagusto lalo na sa tao. Pero binago 'yon ni Vivian.

To make the story short, naging mag-asawa kami. Dahil sa nalaman ng mga kaaway ko na may kahinaan na ako, pinatay nila si Vivian habang nasa paglalakbay ako. Binitawan ko ang pwesto bilang Supremo at binigay ito kay Devant. Ipinaalam ko sa lahat na patay na ako para hindi na ako hanapin pa.

Hindi ko matanggap ang nangyari. Pumunta akong Italy para maghanap ng magaling na babaylan na makakapagbuhay uli sa asawa ko. Ginawa iyon ng babaylan. Pero kailangang ako daw humanap ulit kay Vivian.

Ilang daang taon ko siya hinanap at nang makita ko siya, nasa ibang katauhan na siya. Siya si Rida. Ang ina ng nag-iisa kong Prinsesa, si Ingrid.

Hindi man ako maalala ni Rida, alam kong sa panahon ko, siya si Vivian. Handa ako noon magpakasal ulit. Dahil wala na naman na nakakaalam na buhay pa ako, ginawa ko ang bagay na isa sa pinakamahirap. Ang maging tao. Bumalik akong Italy at pumunta sa Abbey. Nagpabasbas ako sa isang pari.. Halos ikamatay ko ang pagiging tao. Halos mawalan ako ng lakas pero tinatagan ko ang sarili ko. Ginawa ko ito para sa mahal ko.

Doon nagsimula ang buhay ni Ington Sy. Nagpayaman ako at pinakasalan si Rida. At nangakong ibabaon sa hukay ang sikreto ko.

Pero hanggang kailan ko maitatago ang sikretong ito? Lalo na at nagkakagusto ang anak ko sa isang bampira. Nalaman kong bampira si Hansel nang banggitin niya si Vladimir. Ang ama ni Vladimir ay isa sa mga mahigpit kong katunggali.

Hindi naman ako against kay Hansel. Mabuti ang loob niya. Pero ayokong mangyari kay Ingrid ang nangyari kay Vivian. Hindi ko 'yon matatanggap. At lalong hindi ako papayag na maging vampirette siya para sa pagmamahal kay Hansel. Isa siyang tao. Hanggang doon lang 'yon.

:

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top