Chapter 31 - First month of Love
Chapter 31
Ingrid's POV
"HIWALAYAN mo siya Ingrid." Ang bungad sa akin ni Dady nang makapasok ako sa study room niya. After umalis ni Hansel ay pinatawag niya ako.
"Ha? Ington, bakit? Mabait na bata si Hansel." Pagtatanggol ni Mommy kay Hansel.
"Daddy, don't do this, please. I love Hansel." Naiiyak kong sabi. Nakatayo lang si Daddy sa may bintana at nakatanaw sa malayo.
"Akala ko ba Ington nagkasundo na tayo na tatanggapin natin kung sino man ang mamahalin ng anak natin?!" Galit na sabi ni Mommy kay Daddy.
"Hindi kayo puwede ng Hansel na 'yon. Ngayon pa lang itigil mo na 'yan Ingrid. Kapahamakan ang dulot sa'yo ng nilalang na 'yon!" Galit na sabi ni Daddy.
"Ano ba'ng alam mo sa kanya, Ington?! You didn't even give him a chance to explain. Hansel is a nice boy,"
"Wala kang alam Rida! At ikaw Ingrid, sundin mo ang Daddy. Maniwala ka sa akin, please." Tinignan ako ni Daddy sa mata at nakikiusap ito. Napailing naman ako.
"No, Daddy. The last time I did that, I almost marry a crook! What made you think Dad, na tama ka this time? Akala ko nagbago ka na. Hindi pa pala." Patuloy ang pagdaloy ng luha ko sa pisngi. Kahit ano'ng sabihin ni Daddy hindi ko hihiwalayan si Hansel. Mahal na mahal ko siya.
"Listen to me, my Princess. He's not what you think he is. He will bring chaos to your life, Ingrid." Malumanay na sabi ni Daddy sa akin.
"You don't know him enough, Daddy. Stop judging people by your perspective. He was always there for me noong mga panahon na wala ako rito."
* * *
This feeling is like a de javu. Ganito rin 'yong naramdaman ko no'ng nagdesisyon si Daddy na ipakasal ako sa lalaking hindi ko mahal. But today is much worst kasi gusto niya akong palayuin sa lalaking mahal na mahal ko.
Kahit namamaga ang mga mata ko ay pinilit kong pumasok sa school. Naglagay na lang ako ng bb cream para hindi halata.
Hindi ko nga alam kung paano ko sasabihin kay Hansel ang sinabi ni Daddy. Ang hirap kapag ganito ang sitwasyon.
Pumasok ako sa klase ko at nagulat ako nang may nag-abot sa akin ng isang piraso ng pulang rosas. May maliit na note na nakasabit kaya agad ko itong binasa.
To my lovely friend, Ingrid. Have a nice day. Keep smiling.
--Drake.
"Galing kay Drake?" I muttered. Paano niya nalaman na dito ang room ko? At paano niya nalaman na dito ang school ko? Great! He follows me everywhere.
Inipit ko ang red rose sa libro ko kasama ng card nito. Sana lang hindi 'to makita ni Hansel. Mamaya pag-awayan pa namin. Hindi ko pa nga nasasabi sa kanya na kinausap ako ni Drake, eh.
Kahit occupied ang isipan ko dahil sa problema ay sinubukan ko ring maging active sa klase. Nag participate ako para lang makalimutan sandali ang problema.
After ng last subject ko sa umaga ay pinuntahan ko si Hansel sa building nila. Naabutan ko siyang nakasandal sa may railing ng corridor habang bumu-buo ng Rubik's cube.
"Hansel!" tawag ko sa kanya. Agad naman siyang napangiti nang makita ako.
"Tapos na klase mo?" tanong niya nang makalapit ako.
"Oo. Half day lang ako. Ikaw?" tanong ko sa kanya. Napatingin ako sa Rubik's cube at ang bilis ng mga kamay niyang gumalaw kahit hindi tumitingin.
"May hinihintay pa kaming subject," sagot niya. Mukhang hook na hook siya sa nilalaro niya.
Tumahimik ako at pinagmasdan lang siya. Ang bilis ng kamay niya at tanging ang mga cubes lang ang naririnig ko.
"Ang galing!" I exclaimed nang mabuo niya ang puzzle.
"This is my first time to play this," nakangiti niyang sabi.
"Sino nagturo sa'yo?" tanong ko.
"Si Denver. Binili raw nila ni Maxhene sa mall kaso nakita niya raw na kinalas ni Maxhene ang mga cubes kasi akala raw nito ay kung ano lang," sabi niya dahilan para matawa ako ng malakas.
Hindi ko ma-imagine na gagawin 'yon ni Maxhene. For I thought she's a smart bitch. Her ignorance amuses me.
"Sobrang nauso 'yan no'ng high school ako pero never akong nag try kasi alam kong hindi ko 'yan mabubuo," sabi ko sa kanya.
"How will you know if you won't try it?" sabi niya. Ibinigay niya sa akin ang cube pero umiling ako.
"No, thanks." Nakangiti kong sabi.
"Come on, I'll teach you." Hinapit niya ang bewang ko palapit sa kanya.
Tahimik lang ako habang pinapanuod siyang mag-explain. Sabi niya first time niyang magbuo ng Rubik's cube pero akala mo napaka expert na. Wala talaga ako sa kalingkingan ng bampirang 'to.
Kung puwede ko lang isa-isahin kay Daddy ang mga dahilan para mapatunayan sa kanya na mabuting siyang nilalang ay ginawa ko na. Kung ano man ang dahilan niya kung bakit ayaw niya kay Hansel para sa akin ay hinding-hindi ko 'yon matatanggap.
"Ehem! Ehem!"
Sabay kaming napalingon ni Hansel sa tumikhim. It was Maxhene. Kasama niya si Denver.
"Kanina pa ako nagte-text sa'yo. Kaya naman pala kasi kasama mo si Hansel," nakasimangot na sabi sa akin ni Maxhene.
"Pasensya na. Hindi ko napansin," sabi ko lang.
"Ano ba'ng gina—Hansel, bakit nasa sa'yo ang cubes ko?" nakataas kilay niyang sabi.
"Ah, ibinigay sa akin ni Denver kasi sini-sira mo lang daw," kibit balikat na sabi ni Hansel. Pinigilan ko naman ang matawa dahil nakita kong nanlaki ang mga ni Maxhene. Then she threw daggers to Denver.
"You told them?!" Maxhene exclaimed incredulously to Denver.
"W-well..."
"Binu-buo ang Rubik's cube, hindi sinisira," I said smirking.
"I know that!" she scowled.
"'Di ba hindi 'to ang department mo, Maxhene? Sinusundo mo si Denver?" nang-aasar kong sabi sa kanya. Magkapareho kasi ng course si Hansel at Denver at magkasama sa ilang subjects.
"H-hindi, ah!" pagkaka-ila nito. Natawa lang ako sa reaction niya.
"Okay lang ba na may ibang magustuhan si Denver?" tanong naman ni Hansel.
"Ano?! Hindi puwede! I mean... bahala siya!" natawa kaming tatlo sa inakto ni Maxhene.
"Okay lang sweetheart na maghanap ako ng iba?" dagdag din ni Denver
"Do that and I'll behead you," she warned. Denial queen.
Tinawag naman si Hansel ng classmate niya at dumating na raw ang professor nila. Tinanong niya pa ako kung gusto niya raw na mag cut class siya at samahan na lang ako pero hindi ako pumayag. Ayaw ko siyang pinipigilan sa mga bagay. Si Maxhene naman ay may emergency meeting daw at sumama naman sa kanya si Denver.
Dahil sa naiwan akong mag-isa ay pumunta akong club house ng department namin. Pagpasok ko sa loob ay konti lang ang tao. 'Yong iba nag-I-sketch sa pad, 'yong iba naman nakiki-wifi lang. Umupo ako sa may balcony at inilabas ko rin ang sketch pad ko.
"Ingrid, may naghahanap sa'yo kanina. Gwapong lalaki," sabi no'ng isa kong ka-blockmate.
"Si Hansel?" tanong ko.
"Iba, eh. Kilala ko si Hansel. Ngayon ko nga lang 'yon nakita," sabi niya pa. Napaisip naman ako. Sino kaya 'yon? Wala naman akong ibang kilalang lalaki na close ko. Si Hansel at Denver lang.
Nginitian ko na siya saka ko ibinalik ang tingin ko sa sketch pad. I was about to draw a line when my phone vibrated from my bag. Agad ko 'tong binuksan at text galing kay Hansel ang natanggap ko.
From: Hansel
Ingrid, huwag mo na 'kong hintayin. May make up class daw kami, eh.
Sorry! :(
I rolled my eyes upon reading Hansel's text. Nag-reply ako sa kanya na okay lang. 'Pag dating kay Hansel nagiging understanding ako. Mas hinahabaan ko ang pasensya ko at pang-uunawa ko kasi may tiwala ako sa kanya.
'Pag labas ko ng club house ay nakita kong nakaabang na 'yong mga sundo ko sa labas ng gate. Simula no'ng sinabihan ako ni Daddy na hiwalayan si Hansel naging mahigpit na naman si Daddy sa mga bodyguards na bantayan ako ng maayos. Nakakainis! Parang kagaya lang siya no'ng mga panahon na gusto niya akong ipakasal sa crook kong ex-fiancé
Sa likod ako ng school dumaan. Ayokong sumabay sa sundo ko. Patakbo kong pinuntahan ang back gate ng school. Nakita kong naka-kandado ang gate kaya napahinto ako. Paano ako makakalabas? Naka dress pa naman ako. No choice kundi akyatin ang bakod na tatlong beses na mataas sa akin.
Pabalik na sana 'ko at aalis sa back gate nang humangin ng malakas. Parang pamilyar 'yong hangin. Paglingon ko, nakita ko si Drake na nakangiti sa akin.
"You need help, Ingrid?"
"What are you doing here?" Nakapameywang kong tanong. Bakit ba nandito na naman siya?
"To ask forgiveness," he shrugs.
"'Di ba I told you, you have to earn it?" nakapameywang ko pa ring sabi sa kanya.
"I know. That's why I'm here. You want some help?" tinuro niya 'yong back gate.
"Naka-lock," sabi ko.
"Let's see what I can do," sabi niya. Nilapitan niya 'yong gate kaya sumunod ako. Hinawakan niya bigla 'yong lock no'ng gate tapos bigla na lang itong natunaw.
"Hala! Paano mo 'yon nagawa?" namamangha kong tanong sa kanya.
"Damphyrs," simple niyang sabi. Dahil sa kanya, nakalabas ako sa back gate ng walang kahirap-hirap.
"Salamat," sabi ko habang naglalakad kami palabas sa isang maliit na iskinita. Doon kasi sa back gate ng school, may mga bahay-bahay sa likod at doon ang shortcut para makapunta ka agad sa main road.
"Walang ano man," simpleng tugon niya.
Nasa isolated na iskinita kami nang may sumalubong sa amin na tatlong lalaki na mukhang goons. At mukhang nakainom pa sila.
"Pare, ang gandang dilag ng kasama mo, ah." pasuray-suray na lumapit sa amin 'yong tatlo. Mahigpit na napahawak ako sa braso ni Drake. Hala! Nakakatakot ang pagmumukha nila!
"Ingrid, diyan ka lang sa likod ko," sabi niya. Tumango ako at nagtago sa likod ni Drake. Napahawak ako sa jacket niya.
"Pare, balato mo na lang sa amin 'yang kasama mo." sabi pa no'ng isa. Parehas kaming hindi makagalaw ni Drake. Una, dahil sa sobrang sikip ng ginagalawan namin at pangalawa, habang umaatras kami na-corner kami sa isang pader kaya napasandal ako rito habang si Drake nasa unahan ko at pilit akong tinatago sa tatlong lasing.
Pinilit lumapit sa akin ng tatlo kaya mas lalo akong itinago sa likod ni Drake.
"Don't you even dare! Magkakamatayan muna tayo bago niyo siya makuha!" he said growling. Please Drake, don't fight them. Let's just escape. I wanted to say to him.
"Matapang ka, ha?" tinulak no'ng isang lasing si Drake pero imbes na siya ang matumba ay ang lalaki ang napaupo sa lupa. Masyadong relax si Drake. Alam ko naman na malakas siya, eh. Kaya siguro hindi man lang siya kinakabahan.
Nanlaki mata ko nang hindi lang tatlong lasing ang lumapit sa amin kundi pito na. Waahhh! Makakaya pa kaya 'to ni Drake? Naglabas sila ng kutsilyo at yung isa ay mahabang kahoy.
"Whatever happens, diyan ka lang. Huwag kang lalapit sa amin, lalabanan ko sila. Don't worry, they won't lay a finger on you," bulong niya sa kin. Natatakot na tumango ako.
Lumapit silang lahat kay Drake and the next thing I knew ay naglalabanan na sila.
Napatakip ako ng mata gamit ang dalawa kong kamay. Puro suntukan ang naririnig ko at paluan. Waahhh! Ano na kayang nangyari kay Drake? Baka natalo siya tapos kukunin talaga ko ng mga lasingero na 'yon!
Napaigtad ako nang may humawak sa braso ko. Dahan-dahan kong tinanggal ang kamay ko sa mata ko at sumilip.
"Ingrid, you're safe now. Wala na sila,"
"N-natalo mo sila?" inilibot ko ang paningin ko at wala na 'yong pitong lalaki.
"Pinaalis ko na," nakangiti niyang sabi.
"Baka kinagat mo?"
"Hindi, ah. Grabe ka naman. Ano'ng akala mo sa akin? Walang taste?" sobrang seryoso niya kaya natawa ako.
"Ano pala'ng taste mo?" Choosy din 'tong si Drake.
"Mga kagaya mo." He said and I grimaced.
"Umalis na nga tayo rito. Baka kung ano na naman ang makasalubong natin,"
"Don'y worry, kahit ilang lasing ang makasalubong natin, titiyakin kong hindi ka nila masasaktan." Sabi niya pa.
"Bumabanat ka pa diyan,"
"Oo naman. Gusto ko kasi talagang makuha ang kapatawaran mo," napatingin ako sa kanya at nginitian siya.
"Don't worry. You're getting there. Malapit na kitang mapatawad," sabi ko.
Inalalayan niya ako palabas ng iskinita hanggang sa marating namin ang main road.
"So, is this goodbye?" he said beaming.
"Yes," sagot ko. Nakita kong tumingin siya sa likod ko at ngumisi ng nakakaloko.
"Gusto ko pa sana na makasama ka ng matagal kaso ang sama na nang tingin sa akin ni Hansel, eh."
"Ha?" gulat kong bulalas.
Dahan-dahan akong napatingin sa likod ko. Nanlaki mga mata ko nang makita ko kung sino 'yong seryosong nakatayo sa gilid ng isang poste. 'Yong mata niya ay kulay pula na at parang ano mang oras ay mangangagat.
"H-Hansel." mahinang sambit ko sa pangalan niya.
Hala! Galit nga siya. Wahhhh!
Nilingon ko si Drake pero wala na siya. Madaya si Drake! Kapag nahuhuli kami ni Hansel na magkasama ni Drake lagi na lang tumatakas 'yong isa! Matinding paliwanagan na naman 'to!
"Come," mahina ngunit sapat para kilabutan ako sa kanya.
Lumapit ako ng kaunti. "Nearer," utos niya. Apat na lakad ang ginawa ko palapit sa kanya. Mga half meter na lang layo ko sa kanya.
"I said nearer, my unfaithful girlfriend!" napa-kislot ako sa matalim niyang salita.
"H-Hansel, I'm sorry," nakayuko kong sabi.
"You took advantage because I have make-up class? You should be punished!" mariin niyang sabi.
"A-anong punishement?" nauutal kong sabi.
"Basta!" bigla na lang niya kong hinila at pinasok sa kotse niya. Gaya ng dati, mabilis siya nakasakay sa kotse at mabilis ding nagdrive.
"Hansel, I'm not cheating, okay?" humarap ko sa kanya. Hindi niya ko pinansin. Napakaseryoso ng mukha niya.
"Hans, talk to me. I'm not doing anything bad. Please?" pakiusap ko sa kanya. Huminto ang kotse sa harap ng isang malaking bahay.
"Where are we?"
"Bahay ko. Bumaba ka." He commanded. Wala akong magawa kundi sundin ang utos niya.
"Ang laki naman," sabi ko sa sarili ko.
"Go inside. Ipasok ko lang 'tong kotse sa garage," he said void with any emotion. Mukhang galit nga ata siya.
Pag-apak ko sa front door ay nagsariling nagbukas 'yong door ng bahay niya. Mukhang automated dahil biglang bumukas ang ilaw pagpasok ko sa loob. Napansin kong halos fifty percent ng bahay ay yari sa fiber glass.
"You like it?" nagulat ako nang biglang nagsalita sa likod ko si Hansel.
"Y-yeah,"
"Halika sa rooftop." Pumasok kami sa isang mini elevator at pinindot niya ang R. Ilang segundo lang ay nasa rooftop na kami.
Pero nagulat ako nang makita ko ang view. Nasa mataas na bahagi ng subdivision ang bahay niya at sa likod ng bahay niya ay nakikita ko ang buong cuidad. Siguro mas maganda rito kung gabi kasi makikita mo ang city lights.
I flinch when I felt his arms snaked from my waist. He hugged me tightly and I could smell his masculine scent. Nilapit niya mukha niya sa tainga ko at bumulong.
"Happy first monthsary."
My eyes literaly widened. Ngayon 'yon? Bakit hindi ko naalala? Mabuti na lang at nakatalikod ako kaya hindi niya pansin ang pagkabigla ko.
"H-happy first monthsary din, Hansel." sabi ko. Sana hindi niya mahalatang nakalimutan ko.
"You forgot, didn't you?" he said accusingly.
"No, I didn't!" palusot ko. Iniharap niya ko sa kanya at tiningnan ang mukha ko.
"Why are you with that Drake? Explain!" he demanded. Akala ko pa naman nakalimutan na niya.
"Long story, eh." I said to tease him more.
"I have all day to hear your explanation. Now, talk!"
"Kasi ganito 'yon..." sinabi so sa kanya ang lahat-lahat. Pati 'yong naka-encounter naming mga lasing.
"Are you telling the truth? You're not cheating?" nakataas 'yong kanan niyang kilay.
"I'm not cheating, okay?" naiinis kasi ko kapag sinabi niya 'yon. Nasasaktan ang damdamin ko.
"Aren't you going to ask me how the hell I found out?"
"Paano nga ba?" tanong ko.
"Naramdaman kong nasa panganib ka. Pumunta ako sa iskinita na sinasabi mo, and was so damned to see you with that blood sucking guy! Susuntukin ko sana siya, eh. Pero na-realize ko na ako pala ang mahal mo. Kaya wala ng dahilan para magselos. I trust you so much, Ingrid." he said looking to my eyes. Nararamdaman kong sincere siya.
"Thanks for trusting me, Hansel." sabi ko then give him a small peck on his cheeks.
"I wish to celebrate our first month together at the beach. Gusto mo ba?" he asked. Agad akong tumango pero naalala ko agad si Daddy.
"Hansel... May sasabihin sana ako," I bit my lower lip.
"Ano 'yon? Just make sure na hindi 'yan makakasira sa celebration natin ah." nakangiti niyang sabi.
'Hansel, hindi ka gusto ni Daddy for me.' Duh! Hindi ko 'yon pwedeng sabihin 'no! It'll break his heart.
"W-wala. Mahal kita. 'yon ang gusto kong sabihin." I faked a smile and gladly, he bought it.
"Alam ko naman 'yon, eh. Gusto mo bang ipagpaalam kita kay Tita para payagan ka?"
"N! I mean, huwag na." napakunot ng noo si Hansel. Siguro nagtataka siya sa kinikilos ko.
"Okay. Four PM pa lang naman. May time ka pa para magpaalam kela Tita,"
"Sige."
* * *
Ington's POV
"What is your problem, Ington! Bakit ba ayaw mong maging masaya ang anak mo? Gusto mo bang maglayas siya ulit?!" My wife is yelling at my office. A while ago, nagpaalam ang aking anak para raw mag beach kasama ang boyfriend niya. O matatawag ba itong boyfriend? Kahit ayaw ko, wala akong nagawa kundi payagan ito.
"You don't understand, Rida. Kung sa matinong lalaki lang sana nagkagusto si Ingrid ay 'di sana walang problema!" galit kong sabi sa kanya. Kagabi niya pa ko kinukulit tungkol dito.
"Then tell me para maintindihan ko!" I took out a stick of tabaco and puff a smoke. Bihira akong mag sigarilyo. Kapag nate-tense lang.
"Hindi mo maiintindihan." sabi ko saka hinithit ang tabaco.
"Hopeless case ka, Ington! Hindi ko alam kung ano'ng problema mo! Hansel is so perfect for Ingrid. Have you seen the way he looks at our daughter? It's full of love. At masaya ang anak natin!"
"Alam ko 'yon. Alam kong mahal ni Hansel ang anak natin. But compare to Boris' issue, mas complicated 'to. Please trust me on this, Rida." nakikiusap ako. Kung pwedeng itago ko ang isang secreto, itatago ko ito. Hindi ako papayag na mabunyag ito.
"Give me one valid reason, Ington! Then and only then, ako mismo ang magsasabi kay Ingrid na hiwalayan si Hansel." she angirily stormed out of the room. Napailing na lang ako.
You'll surely freak out kapag nalaman mo ang totoo, my wife.
µ
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top