Chapter 30 - Meet the Parents
Chapter 30
Ingrid's POV
"Pasensya na, Ingrid. Nasa field kami, eh," Sabi ni Hansel sa kabilang linya. Naghihintay kasi 'ko ngayon sa dating place namin. May usapan kasi kami dapat ngayon, eh.
"O-okay lang," Malungkot kong sabi.
"Babawi ako, Ingrid –Hansel tara na?—Tawag na ko ng mga ka-blockmates ko," Then he hang up. Kahit nakakainis ay pinilit ko siyang intindihin. Kailangan kong itatak sa isip ko na hindi lang sa akin umiikot ang mundo niya.
Sumakay ako sa kotse saka pina-andar ang sasakyan. Pupunta na lang ako sa bahay nila Maxhene. Tutal wala naman siyang pasok every Saturday. Medyo malayo ang bahay nila sa lugar kung nasaan ako kaya mahaba-habang byahe pa 'to.
Nasa may intersection na ako at papasok sa village nila Maxhene nang biglang huminto ang makina ng kotse. Nagmamadaling umibis ako at binuksan ang hood ng kotse. Napaubo ako nang malanghap ko ang usok na lamabas.
"Shit!" napamura na lang ako. Una, hindi ako marunong mag-kalikot ng kotse, pangalawa, walang gaanong tao dito sa lugar kung saan nasiraan ako.
"Argh! Paano ba 'to?" Tanghaling tapat at pawis na pawis na 'ko! Pagtingin ko sa cellphone ko, dead batt! Ahhhh! This is like, the worst day of my life!
"Need help?" para akong na-estatuwa nang marinig ko ang isang pamilyar na boses. I slowly turn around to see if my hunch was right. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko kung sino 'yon. Para akong nanlamig at hindi makagalaw sa kinatatayuan ko.
"D-Drake!" Nauutal kong sabi. Natatakot ako. Gusto kong tumakbo pero hindi ko magawa. Pakiramdam ko nakapako ako sa kinatatayuan ko.
"Ingrid.." Sambit niya sa pangalan ko. Oh, god! Hansel, where are you?
"S-stay away from me!" I angrily warned him. Ilang metro lang ang layo niya sa akin at dahil sa isa siyang bampira alam kong nararamdaman niya ang takot ko.
"Please don't be scared, Ingrid. Hindi naman kita sasaktan." Hahawakan niya sana ang braso ko pero agad akong nakalayo at napunta sa gitna ng kalye. Nagbabakasakaling safe dahil takot sila sa araw.
Pero mali ako. Dahil sumunod siya sa akin kahit walang proteksyon sa katawan. What the—Great! Just great! Nakalimutan kong half vampire half human siya. He can do things pure vampire cannot.
"Stay away from me! Or else... Or else sisigaw ako!" I treathened him.
"Ingrid, let's talk. Please," 'Yong mga mata niya sobrang nangungusap at nagmamakaawa. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng awa sa kanya.
"What do you want?"
"Mag-usap tayo,"
"Wala tayong pag-uusapan! So please go away kung ayaw mong isumbong kita kay Hansel!" pananakot ko sa kanya pero hindi man lang siya natinag.
"Lahat nang nangyari, Ingrid. Gusto kong pag-usapan natin 'yon. Hindi ako matatahimik hanggang sa hindi mo ko napapatawad,"
"No. And you think mapapatawad kita nang gano'n lang? Just forgive and forget, after what your evil father did to me and to Hansel?! Oh, maybe this is another part of your scheme, kukunin mo ulit loob ko then you'll gonna use me again to get even with Hansel." I said accusingly.
"Naiintindihan kita Ingrid. Alam ko naman talagang hindi mo ako mapapatawad dahil sa ginawa ko sa inyo ni Hansel. Pero hindi ako titigil hanggang sa hindi mo ako napapatawad. Hanggang ngayon mahal na mahal pa rin kita. Pero huwag kang mag-alala, wala na akong ipagpilitan pa ang sarili ko sa'yo. Tanggap ko ng hindi ako para sa'yo. Pero sana maging mag-kaibigan ulit tayo. Kahit 'yon lang, Ingrid. Please."
I narrowed my eyes on him weighing every words he said. Dapat ko ba siyang patawarin? Pero hindi naman 'yon basta-bastang ibinibigay 'di ba? At hindi mo mapipilit ang isang tao na magpatawad kung hindi pa siya handa.
"Kung gusto mo ng kapatawaran ko, you have to earn it." Seryosong sabi ko. Nakita kong nagliwanag ang mukha niya. Yayakapin niya sana ko pero agad akong napalayo sa kanya.
"Diyan ka lang!" I said, pointing my index finger towards him.
"S-sorry. And thank you for giving me a chance to prove myself. That's all I need. Don't worry, gagawin ko ang lahat mapatawad mo lang ako," Masaya niyang pahayag.
Tumango lang ako sa sinabi niya saka ko tinungo ang kotse ko na umuusok ang makina.
"Siguro naman wala kang kinalaman sa pagkasira ng kotse ko, 'no?" Sabi ko habang tinitignan ang makina kahit wala naman akong alam talaga kung ano sira nito.
"I was following you when your car stops—luckily," He said, beaming. Napailing na lang ako. "Hindi mo ba chini-check kotse mo bago umalis? Kaya siya umusok kasi kulang sa tubig. Tignan mo, oh, na over heat," Sabi niya. Tinignan ko naman 'to kahit hindi ko alam kung ano ang sinasabi niya.
"Aba malay ko diyan," Sabi ko lang.
"May water ka ba?" He asked. Napaisip naman ako.
"Puwede na ba ang mineral water?"
"Sure," Agad kong kinuha ang mineral water sa headboard ng sasakyan.
"Here," Inabot ko 'yong one liter bottled water.
"Puwede na 'to," May kung ano-anu siyang kinalikot saka binuhos 'yong tubig sa parang tube ng makina.
"Start the engine if okay na," Tumango ako at sumakay sa sasakyan.
No'ng okay na ang kotse ay sinarado na niya ang hood. Hindi na ako nag-abalang lumabas.
"Ingat, Ingrid," He said.
"Thank you," Sabi ko.
"No, thank you." Sinarhan ko na 'yong bintana at pinaandar ang kotse. Kahit malayo na ako, nakikita ko pa rin si Drake sa side mirror na nakatayo. Napailing na lang ako. Tama ba ang ginawa ko? Ang bigyan siya ng chance para makuha ang kapatawaran ko?
* * *
"Ate!" Nailayo ko ang phone sa tainga ko. Si Erina kasi nagsisisigaw sa kabilang linya. Ang hyper na naman.
"Do you plan to break my eardrum? God, Erina!" I hissed.
"Oh, my bad. May sasabihin lang kasi ako sa'yo," she sounds excited about something.
"Ano ba 'yon?"
"Nanliligaw na sa akin si Cris!" agad kong nailayo ang phone sa tainga ko sa sobrang tinis ng tili niya. Gosh! Iba pala si Erina kiligin. Mas malala sa akin.
"Talaga? Ang bilis naman. Kwento ka nga,"
"Ganito kasi 'yon..."
Every sentence ata ni Erina may kasamang tili kaya napapapikit na lang ako. Akala mo laging kinikiliti.
"Ano'ng sabi ng Hari?" Tanong ko.
"Nililigawan muna ni Cris si Daddy, kinukuha ba 'yong loob. Nakakakilig nga, eh."
"I'm happy for you, Erina." Sincere kong sabi sa kanya.
"Kumusta naman kayo ni Kuya? Kasama mo ba siya ngayon?" she asked.
"Hindi, eh. Kagagaling ko lang kanina sa bahay nina Maxhene at Denver. May school activity kasi si Hansel, eh." sabi ko sa kanya.
"Don't tell me wala siyang oras para sa'yo?" tanong nito.
"Nagkikita naman kami araw-araw," pagsisinungaling ko.
"Basta Ate, I promise to always get in touch. Hindi kasi ko pinapayagan na umalis nila Daddy, eh. Ipasara ba naman ang portal." Ramdam ko sa boses niya ang lungkot at pagtatampo. Kung ipinasara ang portal, paano pa makakabalik papasok si Drake? Ah! Why am I thinking about him?
"Ate Ing? Ate are you still there?"
"Uh, yeah,"
"Sige Ate, gotta go na. Ingat kayo diyan ni Kuya, ah. And regards mo na rin ako kay Ate Max and Kuya Denver."
"Sige. Sige. Ingat din." Sabay kaming nagbaba ng phone.
Inilapag ko lang ang phone sa bedside table tapos nahiga na ako. Nakatulala lang ako sa ceiling nang makarinig ako ng mahinang katok. Hindi ko alam kung sa pintuan o sa balcony. Binuksan ko naman ang pintuan pero wala namang tao.
Pagbalik ko sa higaan nakarinig na naman ako ng katok. Napalingon ako sa balcony ng kuwarto ko. Agad ko itong binuksan at laking gulat ko nang makita ko si Hansel at seryosong nakatingin sa akin.
"Why are you here? I mean— hindi mo ba kayang normal na pumasok sa kuwarto ko?" Hindi niya ata nagustohan sinabi ko dahil napakunot noo siya.
"You don't want me here?" Seryoso niyang sabi.
"It's not that. Puwede ka naman kasing kumatok sa gate, ask the security gu—"
Bigla na lang naglaho si Hansel sa harap ko. Galit ba siya sa akin? Napaupo na lang ako sa stool ng tukador ko. Ang moody niya naman. Siya na nga 'tong walang oras sa akin, siya pa may ganang mag-sungit.
Napatayo ako sa stool nang may kumatok sa pintuan, "Young lady tawag po kayo ni Senyora." Rinig kong sabi no'ng maid bago ko pa buksan ang pinto.
"Okay. I'll be right there," Sagot ko.
Lumabas ako sa kuwarto at dumeretso sa living room. Nakita ko si Mommy nakaharap sa gawi ko at may kausap na lalaki. Hindi ko lang makita kasi nakatalikod siya sa akin.
"Mom," masigla kong tawag kay Mommy. 'Yong mukha niya napaka seryoso. May problema ba? Lumapit ako kay Mommy at no'ng hinarap ko 'yong bisita niya ay halos mamilog ang mga mata ko. Pakiramdam ko biglang tumigil ang tibok ng puso ko sa sobrang kaba.
"H-Hansel?" gulat na gulat kong sambit sa pangalan niya.
Ano bang ginagawa niya rito? At bakit kausap niya si Mommy?!
"I am so disappointed on you, Ingrid." puno ng hinanakit ang boses ni Mommy. Oh, god!
"M-Mommy..."
"Bakit hindi mo man lang sinabi sa Mommy na may boyfriend ka na?" Pagalit na sabi ni Mommy. Sabi na, eh. Alam kong magagalit siya.
"Mommy, I can explain." Nakayuko kong sabi.
"Kung hindi pa pumunta dito si Hansel para personal na magpakilala hindi ko pa malalaman na ang guwapo pala ng boyfriend ng anak ko?" Napaangat ako ng tingin dahil sa sinabi ni Mommy.
"Po?" nakatulala lang ako sakanilang dalawa at unti-unting pina-process ng utak ko ang nangyayari.
"Nahihiya lang po siguro si Ingrid, Ma'am." Nagbow ng kaunti si Hansel.
"Don't call me ma'am. Call me Tita Rida." Nakangiting sabi ni Mommy.
"Sige po," Hansel answered beaming.
"Dito ka na mag-dinner hijo, masarap akong magluto ng Chicken pastel." Sabi ni Mommy.
Bigla naman akong nataranta sa sinabi ni Mommy. Hala. Lagot na. Hindi puwedeng kumain dito si Hansel.Tumingin ako sa kanya para sana humingi ng tulong sa kung ano ang idadahilan ko kay Mommy pero nakangiti lang siya.
Think, Ingrid. Think!
"Mommy allergic po si Hansel sa chicken!" I bruptly said at pareho pa silang napalingon sa akin.
"Gano'n ba? Sayang naman. Gusto ko kasi sanang sabay-sabay tayong mag dinner pagdating ng Daddy ni Ingrid." Medyo malumbay 'yong boses ni Mommy.
"Okay lang po. Kahit ano na lang," Nakangiting sabi ni Hansel. Is he crazy? Pinagtatakpan ko na nga siya, eh! This is not the right time para magpa good points kay Mommy.
"Hintayin lang natin si Ington. Magpapahanda ako sa mga katulong. Feel at home, Hansel. Ingrid, entertain him." Nag-aalangan na napatango ako. Agad naman akong napatingin kay Hansel nang mawala sa paningin ko si Mommy.
"Baliw ka ba? Hindi ka kumakain 'di ba? Dapat sana humindi ka na lang." halos pabulong ko lang na sabi sa kanya
"I don't want to make a bad impression on your Mom, Ingrid. Besides, ang hirap niyang I-turn down. How can I say no to a dead ringer of my girlfriend?" Sabi niya at napanguso na lang ako.
"Paano na 'to?" Tanong ko sa kanya. Ginulo naman niya buhok ko at tumawa lang.
"Relax. Bakit ba pino-problema mo 'yon? Hindi naman nila malalaman na isa akong vampire. Remember my active strength?" Napakunot noo naman ako.
"Anong konek no'n? Wala ka namang magic!"
"Wala nga pero may speed ako. Puwede kong itapon ang pagkain nang hindi man lang nila napapansin na umalis ako sa kinauupuan ko," Napatango ako. Oo nga pala. Pero itatapon niya 'yong pagkain? Sayang!
"Huwag mong itatapon ang pagkain. Sayang 'yon!" Pagalit kong sabi sa kanya.
"Silly! Siyempre not literally na itatapon. Puwede ko siyang ilagay sa isang sulok ng bahay niyo, tapos ipakain niyo na lang sa alaga niyo. 'Di ba may aso naman kayo?" Napatango ulit ako. Bakit ba hindi ko 'yon naisip?
Napatayo kami pareho ni Hansel nang bumukas ang pinto. Niluwal nito si Daddy na nakasuot ng black suit at dala-dala ang suit case at sa kaliwang kamay ay phone at may kausap ito. Nagulat ata siyang makitang may kasama ako kaya dali-dali siyang nagpaalam sa kausap niya sa phone.
"Daddy," lumapit ako sa kanya at humalik sa pisngi niya.
"My princess. May bisita pala tayo," Sabi ni Daddy. Gosh! He's like an x-ray machine examining Hansel from head to toe.
"Daddy, si Hansel nga po pala. B-boyfriend ko," I said biting the inside of my lips. Mas lalong sumeryoso ang mukha ni Daddy.
"Introduce your self, young man." Sabi ni Daddy kay Hansel. I tried to smile pero agad din naman akong napapangiwi. Ang awkward lang.
"I'm Hansel Kang, Sir. And I'm in love with your daughter," Napaangat ako ng tingin dahil sa sinabi ni Hansel.
What the hell, Hansel? Alam kong malakas ang kumpiyansa niya sa sarili pero hindi ko alam na ganito siya ka-confident, sa harap pa ni Daddy.
"You love my princess, huh?" Sabi ni Daddy. Deretsong nakatingin si Daddy sa mga mata ni Hansel at gano'n din si Hansel sa kanya.
"Yes, Sir." Sagot agad ni Hansel. Lihim akong napapangiti at nagbubunyi sa loob ko.
"Very well, does my daughter loves you?" Dad asked.
"I believe Ingrid loves me too." Confident na sagot niya. Sabay silang napangtingin sa akin.
"Is that true, my princess?"
"Yes, Dad." Sagot ko agad.
"Matagal na kayo?" tanong niya pa pero biglang pumasok si Mommy.
"Honey, mamaya mo na interview-in si Hansel. Let's eat dinner first and you change your clothes na." Sabi ni Mommy.
* * *
"Who are your parents?" Nagsisimula na si Daddy magtanong. Nasa hapagkainan kami at nakikita ko namang nagbabawas ang pagkain ni Hansel. Ngumunguya pa nga siya, eh. Ang galing din nito umarte. Maiintindihan ko naman si Hansel kung magsisinungaling siya kela Daddy para maitago ang identity niya.
"My Daddy is the King of our clan. King Vladi—"
"Ack—" napaubo ako nang sinubo ko 'yong kanin. Hindi ko kasi ine-expect na sasabihin 'yon ni Hansel. Is he crazy? Aamin ba siya?!
"Are you okay, Ingrid?" Hinagod niya ako likod. Uminom ako ng tubig saka tumango.
"I'm fine," sabi ko.
"Dahan-dahan ka nga lang sa pagkain ,my princess." Sabi ni Daddy. Ngumiti lang ako.
"You were saying, Hansel?" Sabi ni Mommy.
"As I've said, my Dad is the king of our clan. King Vladimir and my Mom, Queen Veruca." Sabi ni Hansel.
Tiningnan ko ang mukha ni Daddy at wala siyang reaction. Pero halata ko ang pagka-disgusto niya sa sinabi ni Hansel. Nagulat na lang kami nang bigla siyang tumayo.
"Please excuse me, everyone. I think I'm full," pagkasabi niya noon ay umalis siya.
Nagkatinginan lang kaming tatlo.
"Mommy, ano'ng nanyari kay Daddy?" Nag-aalala kong tanong.
"Hindi ko alam, hija. Teka lang at pupuntahan ko lang siya." Umalis din si Mommy sa mesa. Napatingin ako kay Hansel.
"Bakit mo 'yon sinabi?"
"I want to be honest with your parents," Simpleng sagot niya.
"By telling them you're a vampire?"
"No. I am not planning to tell them what kind of creature I am. I was just about to tell them what kind of family we are." He explained.
"You should have atleast told me about your plans. Hindi 'yong pabigla-bigla ka." sabi ko.
"I'm sorry, okay?"
Napatango lang ako sa kanya. Dad's reaction is very weird. Hindi niya ugaling mag walk unless may hindi siya nagustuhan sa mga sinabi mo.
?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top