Chapter 3 - Hansel Kang

Chapter 3

"NOW TELL me, who are you?"

Napaatras ako sa tanong niya. Why am I nervous? Bigla na lang akong pinagpawisan nang ilapit niya ang kanyang mukha niya sa akin. Alam kong nakabukas ang aircon ng kotse niya but I'm really sweating here.

"I won't tell you!"

Hindi ko rin kasi maipaliwanag kung bakit ako kinakabahan. Kanina lang, nagtatapang-tapangan pa ako. Either naiilang ako sa malapit niyang mukha or I felt nervous because being near him will make my life complicated. I don't know, my instinct told me that I should stay away from him.

"Again! Who are you?!" pagalit niyang sabi na mas ikinagulat ko.

"I-I'm Ingrid Sy," nakayuko kong sabi.

"How did you get here?" medyo malumanay na ang kanyang pagsasalita.

"I drove my car," I said while looking down.

"I mean, how did you know about this place? How come you're here? Don't you even know who lives here?"

Gusto ko sanang iangat ang tingin ko pero natatakot pa rin ako.

"I saw it on the internet. If you're thingking that I am not rich because all people here are rich, well—"

"People? So you don't know."

"Don't know what?"

Napatingin na ako sa kanya. Nagulat ako sa nakita. Kanina when I looked into his eyes, medyo brown siya. But now, ewan parang burgundy or something.

"Of course you don't know. Hindi ka pupunta dito kung alam mo." Naguluhan naman ako sa sinabi niya.

"Ano ba'ng pinagsasabi mo?"

"Alam mo bang late na ako sa klase ko dahil sa'yo?" masama na ang tingin niya sa akin.

"Kasalanan ko ba? Ikaw kaya ang namilit na isakay ako sa kotse mo!" Tinarayan ko na naman siya. Nakakainis kasi, eh!

"Whatever! Kasalanan mo pa rin! Because of that, paparusahan kita." Napataas naman ako ng kilay.

"Ang feeling mo rin, 'no? Ano ka, batas at paparusahan mo ako? FYI, wala pang nakukulong sa pagiging late!" Inismiran ko siya.

"If you want to survive this place, you have to obey me. Understand?!" He glared at me.

Grabe! Ang lakas ng loob niyang I-bully ako.

Umiling naman ko. "Ayoko nga!"

"Kapag hindi ka sumunod sa akin I will make your life mesirable for the rest of your stay here. Do you want that?" he said threatening me. Pinaningkitan ko naman siya ng mata.

"Fine! Ano ba'ng parusa ko?" wala-sa-loob na sabi ko.

"Simple. You just have to follow me around,"

"You mean to say, I'm going to be your... alalay?!" I said in disbelief.

"Yes. Whether you like it or not." He said with a smirk.

"And why would I do that?" nakapamewang kong sabi.

"Kasi ako lang ang puwedeng makatulong sa'yo para makapag-enroll dito sa SMU!" Nanlaki naman ang mga mata ko.

"What do you mean?"

"My family owns the school," he casually said.

My jaw dropped when I heard him say that.

"You—"

"You're welcome." He said conceitedly while grinning at me.

"Ayoko pa rin," I folded my arms across my chest.

"Gusto mo pa bang mabuhay?!"

Nanlilisik na naman ang mga mata niya. Ano ba ang problema nitong lalaking to! Paiba-iba ng mood.

"Oo na!" Nakakatakot talaga siya.

"Good."

Bumaba na siya sa kotse. Hindi man lang gentleman! Bumaba na rin ako. Baka mabulyawan na naman ako, eh.

"Come here!"

I hesistantly walked towards him. Hindi ko alam pero kahit ayaw ko, parang napapasunod niya ako.

"S-saan tayo pupunta?" Ang lapit na naman niya sa akin.

"This is the first time I've gotten this close to human," I heard him murmured pero hindi ko gaanong naintindihan.

"Ha? May sinasabi ka ba?" nakakunot-noo kong tanong.

"Wala! Tara na nga!"

Kinuha na naman niya braso ko. Pero this time, hindi na gaanong mahigpit.

Pagpasok namin sa building ay napansin kong napapatingin sa amin ang mga studyante. 'Yong iba ang sama kung makatingin. Ganito ba talaga ang mga tao rito? Kasing sama nitong kasama ko? Sana naman hindi.

Napansin ko rin, parang ang puputla nila. Sobrang puti na parang hindi man lang nabilad sa araw.

Sabagay. Sino ba'ng hindi mamumutla kong hindi ka naaarawan? Eh, gabi ang klase nila. Siguro mga tulog ito kapag umaga. Pero infairness sa school, ang ganda. Kahit mukhang napaglumaan na ng panahon ay maayos pa rin ang structures.

Sa dami kong iniisip, hindi ko na namalayan na nasa third floor na pala kami. Ang bilis naman.

"Dito ka lang! Huwag kang aalis o makikipag-usap kahit kanino!"

Napatango lang ako. Why do I have this feeling na parang nahi-hypnotize niya ako everytime na may iuutos siya sa akin?

Napaupo ako sa waiting are nang pumasok si—uhh, ano nga pangalan niya! Nakalimutan kong itanong, eh. Basta pumasok siya sa "Office of the president". Sila talaga siguro ang may-ari ng school.

* * *

"NAKA-enroll na talaga ako? Walang hinihinging papeles or anything of the sort?" hindi makapaniwalang tanong ko kay, uhhh... Hindi ko pa pala alam pangalan niya.

"Yeah,"

"Ano ba'ng course mo?" tanong ko.

"Kahit ano."

"Wala namang gano'ng course." Nakasimangot kong sabi.

"Wala na ngang madaming tanong. Basta sumunod ka lang sa akin."

"Teka, one last question."

"What?!" he snapped.

"What's your name?"

Natahimik siya. Nag-iba ang expression ng mukha niya.

"Hansel... Hansel Kang." Pagkatapos, umalis na siya.

Hansel Kang. What a cute name. Bagay sa guwapo niyang mukha. Sayang nga lang at may mood swing.

"Hoy, retard! Ano'ng nginingiti-ngiti mo diyan? Tara na!"

Napanguso lang ako sa kanya. Ang sungit talaga.

Pumasok kami sa room sa 2nd floor. And in all fairness, ang lamig sa loob. Pakiramdam ko biglang nag fast-forward ang buhay ko. Ang bilis ng pangyayari at heto ako ngayon, nakaupo sa malamig na room. Nakikinig sa lesson na hindi ko maintindihan kung anong topic. Katabi ko lang si Hansel at super-attentive na nakikinig sa professor. He was even jotting down notes.

I poked him twice that made him grunt. Inis siyang lumingon.

"What?"

"Ano ba talagang course 'tong pinasukan ko? I was a Fashion Design student before. Wala bang gano'ng course dito?" bulong ko.

"Wala," matipid niyang sagot.

"Gano'n?"

Kahit hindi ko maintindihan ang lesson, tahimik lang akong nakikinig. Every five minutes, tumitingin ako sa wrist watch ko. Three thirty AM na. Grabe pala dito. They take night classes seriously.

Inaantok na ako at sa tuwing hihikab ako ay tinatakpan ni Hansel ang bibig ko. Nakakairita lang.

Nagulat na lang ako nang mag-announce ng quiz ang prof namin. Panay ang tapik ko kay Hansel pero hindi niya ako pinapansin. He just gave me a piece of paper and a pen.

"Okay, number one,"

Nakatulala lang ako sa kawalan habang sinasabi ng prof ang mga questions. Gusto kong maiyak na lang. Hindi ko maintindihan ang mga tanong. Para tuloy gusto kong maniwala sa tawag sa akin ni Hansel na isa nga akong retarded.

Zero ako. Confirm na iyan. Huhu. Never pa akong nabokya in my eighteen years of existence in the universe. Ngayon lang, as in ngayon lang!

"Pass you paper."

Ayoko sanang I-pass pa ang papel ko pero kinuha 'yon ni Hansel at ipinasa na kay Sir. Nakakainis naman sya! Alam naman niyang wala akong sagot, eh. Buwesit talaga! Napaka-inconsiderate!

GRRRR!!!

"Ano'ng nangyari sa'yo?"

Tiningnan ko lang siya ng masama. Hindi ba obvious?!

"Wala akong sagot!"

"Tsk. Halika ka na nga para makatulog ka na. You look like a mess."

"I do?" exaggerated kong tanong.

"Ewan ko sa'yo."

Nauna na siyang naglakad. Ako naman mabagal lang na naglalakad dahil feeling ko ano mang oras ay matutumba na ako sa sobrang antok.

"You look like a zombie."

Tiningnan ko lang siya.

"Are zombies real?" tanong ko sa kanya. Napailing na lang siya sa akin.

"Come here!" hinila niya braso ko. I felt like a doll being dragged by a handsome man. Nararamdman ko rin na para akong lumulutang sa ere. Hindi ko alam kung dala ba ito ng aking antok o talagang ang bilis-bilis lang ni Hansel maglakad kaya nakapasok agad kami sa kotse niya.

"Where are you staying?" he asked.

"Bakit nandito agad tayo?" tanong ko rin sa kanya.

"Damn! Answer my question first!" galit na naman siya. Bakit ba napaka short-tempered niyang tao? Ang gwapo niya pero ang suplado naman .

"Sa hotel," I uttered before I passed out.

1

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top