Chapter 29 - Confessions
Chapter 29
Ingrid's POV
"NGAYONG second semester, hindi lang puro sketch and dress making ang gagawin niyo, you'll have to learn on how to choose the right garments in your designs..."
Tahimik lang ako nakikinig sa discussion ng isa sa professor namin. Mas enjoy 'tong class na 'to kesa sa class nila Hansel sa SMU. Ang boring kaya do'n tapos nakakaantok pa.
Nagpa-recitation lang si ma'am and luckily ay nakasagot naman ako.
Nang matapos ang klase ko buong maghapon, tinext ko si Hansel. Nag-aaral na din siya rito. He took up International Studies. Hindi ko kasi kabisado schedule niya kaya tatanungin ko na lang muna siya. Naupo lang ako sa isang bench at doon nagtext.
To: Hansel
Dismiss na kami, what time is your out?
From: Hansel
Malapit na.
Nilapag ko ang shoulder bag ko sa tabi ko at nagmasid sa paligid. Labasan na rin ang ibang klase. Nahagip naman ng mata ko si Maxhene at Denver na nagbabasa pareho ng libro at tumatawa. Ang cute nilang dalawa tingnan. Sana magkagusto na talaga si Maxhene kay Denver. Halata naman kasi sa kilos ni Denver na mahal niya talaga si Maxhene.
* * *
Erina's POV
"Mommy, please?"
"No, Erina. Go back to your room."
"Daddy?"
"Anak, hindi puwede. Ayaw ka naming malayo ng Mommy mo rito. And besides hindi mo pa kayang mamuhay sa labas. Pinayagan ko ang Kuya mo kasi alam kong kaya niya ang sarili niya. At kailangan niya 'yon in the near future to rule our clan." Daddy explained to me.
Naiwan ako rito sa boring na kaharian! Si Kuya nasa mundo ng tao at alam ko naman na masaya siya do'n kasi kasama niya si ate Ingrid. Hindi man lang nga siya nagpaalam sa akin, eh. Basta na lang umalis. Anong klaseng kapatid kaya siya?
"Ang boring dito, Mommy! Sinong makakasama ko?" I whined with frustration.
"Nandiyan naman si Cris at Tom 'di ba?" Sabi pa ni Mommy. 'Yon na nga eh. Gusto kong malayo sa dalawa. Nakakainis sila! Pakiramdam ko pinaglalaruan nila 'ko.
"Papasok na lang po ako sa kuwarto," Walang gana kong sabi. Alam ko naman na kahit ipagpilitan ko ay hindi nila ako pagbibigyan. Palighasa kasi hindi nila naiintindihan ang nararamdaman ko.
Umalis ako sa bulwagan at dumeretso sa kuwarto ko. I feel like so alone. Iniwan nila ako. Si ate Ingrid tapos si Kuya. 'Yong dalawang kaibigan ko naman hindi ko na alam ang ginagawa. Pakiramdam ko tuloy ang daming nagbago simula nang magkaroon ako ng feelings para kay Cris.
Nahiga na lang ako sa kama. Bakit kasi ganito? Bakit ako na-fall sa isang 'tulad ni Cris? I know from myself naman na player siya. Every vampirette likes to be with him. And lucky for Meisha kasi hindi na niya kailanga mag-effort kasi halatang gusto siya ni Cris.
"Prinsesa Erina nasa labas po si Master Cris." Rinig kong sabi ng katulong sa kabilang pinto. Ano naman kaya ginagawa ni Cris dito?
Agad akong lumabas ng kuwarto at lumabas ng palasyo, Nadatnan ko si Cris na nakatalikod at ang mukhang ang lalim ng iniisip. Gustong-gusto kong basahin ang iniisip niya pero natatakot ako sa malalaman ko. Ako na ang duwag pero mas mabuti ng wala akong alam.
"May kailangan ka ba?" Tanong ko sa kanya. Agad siyang napalingon. Kita ko sa mukha niya ang pagiging seryosong. Ano na naman kaya problema nito?
"Kapag pupunta ba 'ko rito dapat may kailangan?" Puno ng hinanakit na sabi niya.
"Akala ko kasi... So bakit ka nandito?" Tanong ko.
"May gusto lang akong linawin. Hindi ko kasi maipaliwanag, eh. Naguguluhan ako. I just want to ask something." He said with a serious tone. Ano naman kaya 'yon?
"What is it?"
"Do you like me, Erina?" Deretsa niyang tanong. I was dumbfounded by his question. Alam na niya? Maybe he's asking me and if ever na malaman niyang oo, he's gonna tell me not to expect from him kasi never siyang magkakagusto sa akin. I knew it! 'Yon ang mangyayari.
Yumuko ako para itago ang sakit saka sinabi ang isang kataga ng kasinungalingan.
"No, Cris. I don't like you." I said looking at the grass. I put at least ten seconds interval before looking at him. Baka kasi mabuko niya akong nagsisinungaling.
"A-ah. G-gano'n ba? Mabuti naman," tapos tumawa siya. "I don't like you, too." He said while half lauging. I feel so shit! Masochist Erina!
"Baliw ka talaga. Bakit mo naman kasi 'yan tinatanong." I said trying to hide the pain inside me.
"Hindi ko nga rin alam, eh. How stupid of me to ask that kind of question. Pasensya na talaga," Sabi niya.
"'Yon lang ba ipinunta mo rito?" Tanong ko.
"Hindi naman. Sige, mauna na ako,"
"Ha—" may sasabihin pa sana ko nang bigla na lang siyang naglaho sa harapan ko.
"I don't like you, Cris. I love you," Bulong ko sa hangin.
Disappointed na pumasok ako pabalik sa palasyo. Hindi pa ako nakakapasok nang tinawag ako ni Tom. Oh, siya naman, ano kailangan niya?
"Oh, bakit?" Walang gana kong sabi.
"Nagpunta ba rito si Cris?" Tanong niya.
"Oo,"
"Anong sabi?"
"He asked me if I like him."
"Really? Anong sabi mo?"
"I said no." Simple kong sagot.
"What?!" Nagulat naman ako sa reaksyon niya.
"Totoo naman, eh. I don't like him. Tom, I love Cris." Sabi ko. Tama naman 'di ba? He only asked me if I like him. He didn't asked if I love him. Like is different from love.
"You're crazy! He's asking you because he wanted to confirm things."
"Confirm things? Like what?" I asked puzzled.
"Kagabi nag-usap kami. I mean... Okay Erina, I think I shouldn't be telling you this pero pakiramdam ko kailangan mo talagang malaman," Napakunot noo ako sa pinagsasabi ni Tom.
"Puwede deretsahin mo ako? Hindi kita magets." Inip kong sabi.
"Ayaw kong maging spoiler, Erina. Gusto ko ikaw ang makatuklas. Go ahead at puntahan mo si Cris sa Park. He's there. Ang mali mo, you didn't ask him if he have feelings for you." Nakakainis naman si Tom. Bakit kasi hindi na lang niya sabihin. Parang tuloy akong kinakabahan.
"A-ano ba ang pinagsasasabi mo?"
"Puntahan mo na siya, dali!" pinagtutulak niya pa ako palayo at dahil nataranta ako sa ikinikilos niya ay napatango na lang ako.
Nagteleport ako papuntang Park at nadatnan ko si Cris, nakikipag-kwentuhan sa mga bata. Napangiti lang ako. Paano ko ba siya tatanungin?
"Kuya Cris, siya po ba tinutukoy niyong maganda?" Tinuro ako no'ng batang lalaki. Napatingin sa akin si Cris.
"Siya? Maganda ba 'yan?" tanong niya sa mga bata.
"Opo." Chorus ng apat na bata. Lumapit ako at umupo sa tabi niya.
"Close ka pala sa mga batang ito?" Sabi ko.
"Hindi naman. Ngayon lang. Bakit ka nga pala nandito?" Tanong niya sa akin.
"May itatanong lang sana ko sa'yo, Cris." Seryoso kong sabi.
"Ano 'yon? Ah, mga bata maglaro muna kayo do'n sa swing, oh." Tinuro ni Cris 'yong playground hindi kalayuan sa amin. Agad namang nagsitakbuhan ang mga bata kaya naiwan kami ni Cris. Pareho lang kaming tahimik.
"Ano 'yong itatanong mo, Erina?"
"Ah, kasi. Ano, eh... Itatanong ko sana kung..." Gosh! This is so hard!
"Yes?" Naghihintay lang si Cris sa itatanong ko. Tumayo ako at tumalikod sa kanya. Naramdaman kong tumayo rin siya.
"Cris, do you like me?" Deretsa kong tanong. Nakatalikod ako sakaya para if ever na negative ang sagot niya puwede kong maitago ang sakit.
* * *
Cris's POV
"Cris, do you like me?" Nagulantang ako sa tanong ni Erina. Bakit niya tinatanong 'yan? Sinabi na ba ni Tom? Langya talaga! Sabi nang h'wag akong pangungunahan!
"Why are you asking me that, Erina?"
"Just answer me, Cris."
"I don't like you, Erina." Seryoso kong sagot sa kanya.
"Sabi na, eh." I heard her voice cracked. I thought she was crying pero narinig ko ang malakas niyang tawa. Bakit ba kasi siya nakatalikod sa akin?
"Erina..."
"H'wag mong dibdibin ang tinanong ko, ah. Trip ko lang ibalik 'yong tanong mo sakin kanina," Tumawa siya.
"Erina, ano kasi eh..."
"S-sige, Cris, alis na ko," akma siyang aalis kaya pinangunahan ako ng takot.
"Wait!" Agad kong hinigit braso niya. "Erina, look at me," iniharap ko siya sa akin at pinipilit kong tingnan mukha niya pero umiiwas siya.
"Ano ba'ng problema mo? Mauuna na ako,"
"Damn it! Erina, can you please look at me?!" Natigilan siya sa pagsigaw ko. Nagkatinginan kami. I can see a pain in her eyes.
"Oh, hayan. Nakatingin na. May problema ba?" Sabi niyang nakangiti.
"Erina I don't like you—"
"Paulit-ulit? Kailangan ulitin Cris?" Umirap siya sa kin.
"The truth is, Meisha—"
"I know,"
"Alam mo?" nagtataka kong tanong.
"Yeah. Mahal mo si Meisha kaya hindi mo ko gusto. Don't worry, the feeling is mutual." Ngumiti siya sa akin. Bakit ba siya laging ngumingiti kahit alam ko naman na hindi 'yon totoo?
"Will you please shut up and let me finish here?!" singhal ko sa kanya. Lagi niya kasing pinuputol ang sasabihin ko. Natameme siya.
"Meisha and I, hindi totoong kami," Nanlaki mata niya pero agad siyang napasimangot.
"So? Ano naman 'yon sa akin?" Mataray niyang sabi.
"She volunteered to be my girlfriend, to help."
"Oh, tapos?"
Aamin ba na ko? Nakakainis naman kasi ang reaction ni Erina, eh. Parang wala man lang siyang pakialam.
"Sabi niya sa akin, gamitin ko siya para mapaselos ko ang vampirette na napupusuan ko. Dati ayaw ko, pero pumayag din ako. No'ng royal ball, no'ng magkasayaw kami, wala kaming ibang pinag-uusapan kundi 'yong vampirette na mahal ko."
Hindi siya umiimik. Pero mabuti na rin 'yon.
"Sabi sa akin ni Meisha, effective raw 'yong plano niya. Natuwa naman ako. Kaso the next day nalaman ko may boyfriend na pala 'yong mahal ko. Alam mo ba kung gaano 'yon kasakit?" Naningkit mata niya at tinignan ako ng masama.
"Bakit sa akin mo 'yan sinasabi? Sabihin mo 'yan do'n sa tinutukoy mong vampirette,"
"You're right. Sa kanya ko nga dapat sabihin. That's why I'm telling it to you." Agad siyang napatingin sakin at naguguluhan ang mukha.
"Cris..."
"I talked to Tom yesterday. Tinanong ko siya kung totoong may relasyon kayo. Sinabi niyang wala. Para raw mapaselos ako. Pero no'ng tinanong kita kanina kung gusto mo 'ko sabi mo hindi, kaya akala ko pinagtitripan na naman ako ni Tom."
"What do you mean, Cris?"
"I am asking you again, Erina. Do you like me?"
"No,"
* * *
Erina's POV
"I am asking you again, Erina. Do you like me?"
"No," Deretsa kong sabi. Hindi siya nagsalita. Tinignan niya lang ako. Binatukan ko nga.
"Bakit nambabatok ka?!"
"I don't like you! You stupid numb! I don't like you because I love you! Can you hear me?! I love you!" I almost shout at him. Ang manhid kasi, eh.
"You what?"
"Now Cris, Tatanungin kita. Gusto mo ba ko? Kasi kung hindi, okay lang. Atleast kahit ni-reject mo ako amphhhhhhh..."
Nanlaki na lang mata ko nang bigla niya kong halikan sa labi. It was just a smack kiss pero pakiramdam ko nanghihina ako Gulong-gulo ko siyang tinignan.
"Mahal din kita, Erina. Sana mapatawad mo 'ko. I'm such a jerk. Napagsalitaan kita ng masasama noon." hawak-hawak niya mukha ko at magkadikit ang mga noo namin.
"You have lots of explaining thing to do, Cris." I said to him.
"I know, I know. Habang naglalakad tayo papunta sa palasyo saka ko sa'yo ipapaliwanag ang lahat." Sabi niya kaya napasimangot ako.
"Bakit kailangan pang maglakad papunta do'n? Hindi ba pwedeng dito mo na sabihin?" Tanong ko naman.
"Kailangan ko kasing humingi ng pahintulot sa Hari at Rreyna na ligawan ka."
Liligawan niya ko? Hindi ako nakaimik sa sinabi niya at lihim lang na napangiti. Ganito pala ang pakiramdam. Ngayon naiintindihan ko na ang sinabi sa akin no'n ni Ate Ingrid.
Sinabi sa akin ni Cris, na magkatulong daw si Meisha at Tom para mapaamin kaming dalawa. Magkaibigan pala ang dalawa. No'ng nasa park daw kaming apat, pakana 'yon ng dalawa. Feeling ko tuloy cupid silang dalawa.
* * *
"King Vladimir. Queen Veruca." Nagbigay pugay si Cris kela Mommy at Daddy.
"Sabi sa akin ni Erina may sasabihin ka raw na importate?" Tanong ni Mommy.
"Gusto ko po sana humingi ng permiso na ligawan ang inyong nag-iisang prinsesa. Kung inyo lamang pong mamarapatin."
Lihim akong napangiti. Ang sarap pala sa pakiramdam na kiligin ka. Napaka bago sa feeling.
"Oh, Cris, hijo. Alam mo bang noon pa ako boto sa'yo, 'di ba?" masayang pahayag ni Mommy. Bakit hindi man lang niya sinabi na gusto niya si Cris para sa akin?
"Payag po kayo mahal na Reyna?" Masayang sabi ni Cris.
"Oo—"
Isang malakas na tikhim ang pumigil kay Mommy. Si Daddy na seryoso lamang na nakatingin kay Cris.
"Mahal na hari," sambit ni Cris na akala mo ay na-tame ng isang dragon.
"Dahil nag-iisang Prinsesa ko si Erina, kailangan mong paghirapan at kumbinsihin ako na karapatdapat ka para sa mahal kong Prinsesa. Mahal na mahal ko 'yan. At hindi ako papayag na may mangangahas na bampira na manliligaw sa kanya."
"Darling, hayaan mo na."
"Ah, basta. Bukas na bukas. May ipapagawa ako sa'yo," Sabi ni Daddy saka umalis.
Alam ko naman na ginagawa lang 'to ni Daddy kasi nag-iisa niya akong anak na babae at mahal niya ako kaya naiintindihan ko siya. Sana lang hindi niya pahirapan si Cris.
m 1f
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top