Chapter 28 - Surprise
Chapter 28
Ingrid's POV
"Miss Sy." tawag sa akin ng babae sa registrars office. Agad naman akong tumayo at lumapit
"Heto na 'yong schedule mo. Wala ka namang back subject pero irregular student ka since hindi mo tinapos 'yong first sem. Ti-take-up-an mo 'yong mga walang pre-requisite subjects." Napatango lang ako sa sinabi ng babae.
"Thank you po,"
"Go to dean's office para ma-validate na 'yang schedules mo." Sabi niya sa akin.
Pagpunta ko ng dean's office napansin kong medyo mahaba na ang pila. Wala akong choice kundi ang magtiis sa mainit na araw since hindi naman aircon ang corridor. Nasanay kasi ako sa malamig na klima sa vampire city.
Nasa pangatlong studyante na 'yong tinawag nang may tumapik sa balikat ko. Nilingon ko 'to at literal na namilog ang mga mata ko.
"Maxhene?!"
"Oh, hi, Ingrid. Fancy meeting you here." Painosente niyang sabi.
"Fancy meeting your face! Ano'ng ginagawa mo rito?" nakapameywang kong tanong.
"I'm here to enroll," Pinakita niya 'yong form.
"You what?!"
"I told Daddy yesterday that I want to experience your world. He agreed naman. Well, kasama si Denver pero okay lang." kibit balikat niyang sabi.
"Anong course naman kukunin mo?" nakataas kilay kong sabi. Nakakagulat lang talaga na mag-aaral siya rito.
"I wish to take up medicine. You know, because of my healing ability." She shrugged.
"Oh." Nasabi ko lang.
"Nasa canteen nga pala si Denver, gusto mo bang sumama sa akin?"
"Ah, after na lang siguro kapag natapos ko na 'to." Pinakita ko sa kanya 'yong enrollment form ko.
"Ah,sige. Itetext na lang kita, bye." Kumaway siya sa akin bago nag-paalam. Napailing na lang ako sa kanya. Sana kagaya rin ni Maxhene mag-isip si Hansel.
* * *
Pasukan na for second sem at ready na ako. Sinuot ko ang new dress ko. Isang floral pencil cut skirt na 5 inch above the knee and navy blue longsleeve with yellow neckline. Gano'n kasi rito, walang uniform kahit international school, College eh.
Wala na sina Mommy at Daddy pagbaba ko ng living. Sabagay, nine AM kasi ang pasok ko kaya nauna na sila. Hinatid ako ng driver sa school at may mga bodyguards na naka-sunod sa akin. Though hindi naman sila masyadong malapit sa akin, nakakairita pa rin kasi nasa paligid mo lang. Ito kasi ang gusto ni Daddy, eh.
Pumunta agad ako sa Art's Building dahil doon ang un akong klase. Fifteen minutes pa before class kaya alam kong hindi pa ako late.
Nakakatuwa na kahit matagal akong nawala ay may mga taong genuine pa rin talaga ang pagbabati sa akin. Naupo lang ako sa unahan malapit sa pintuan. Ayoko kasing masyadong sa gitna at mas lalong ayaw ko sa likod.
"Good morning, class." Bati ng isang babae na sa palagay ko ay nasa mid 30's na. She's wearing a black long sleeves with square neckline and was tucked in with her skinny jeans and a brown fedora hat. She looks so chic.
"Today, ang ide-design niyo ay ang inyong inspiration. I-apply niyo ang imagination niyo sa sketch niyo. Mapa dress or clothes. Okay class?" Walang sumagot pero lahat naman tumango.
Inspiration. Marami akong inspiration at hindi ko alam kung paano ko sila pag-iisahin. Hindi ko namamalayan na gumagawa na pala ako ng sketch nang wala sa sarili.
"Miss Sy, alam kong sinabi kong inspirasyon ang iguhit, pero wala akong sinabing lalaki ang iguhit mo sa sketch pad." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Ma'am. Hala? Bakit si Hansel ang nasa drawing?!
"E-eh kasi ma'am, model muna bago 'yong damit?" nahihiya kong sabi. Oh, my god! Ingrid, get a grip of yourself. Nagsisimula pa lang ang klase pinapahiya mo na sarili mo.
"Very well. As long as you pass the design, okay lang kahit ilang model ang I-draw mo." Nakangiting sabi ni ma'am.
After ng class ay nagligpit na ako ng gamit at naghanda for the next subject. Palabas na sana akong room nang mapansin kong may pinagkakaguluhan ang mga tao lalo na ang mga babae. Anong mayro'n? May artista?
Mabuti na lang at dalawa ang pinto kaya do'n ako sa kabila lumabas. Hindi ko na pinansin kung ano man ang pinagkakaguluhan nila dahil malayo-layo pa ang building na pupuntahan ko. French class ang next subject ko at nasa lecture building pa 'yon.
Tahimik lang akong naglalakad nang maramdamam kong nag-iba ang simoy ng hanging. It was cold and its breeze seems familiar.
"Ingrid."
Pakiramdam ko na hindi ako makagalaw dahil sa pamilyar na boses na narinig ko. Parang may malamig na gumuhit sa batok ko.
"Ingrid," Parang slow motion lahat ng pangyayari. Dahan-dahan akong lumingon sa boses na pinanggalingan.
"Hansel?" I said almost unaudible. Para akong maiiyak nang makita ko siyang nakatayo sa hindi kalayuan at nakangiti. God, I missed him!
Kahit alam kong madaming taong nakatingin sa akin ay agad ko siyang nilapitan at...
PAK!
"Aww! What was that for?" He said while holding his left cheeks.
"Anong what was that for?! Bakit ngayon ka lang nagpakita sakin, ha?! Alam mo ba kung ano nang iniisip ko sayo? Bwesit ka! Na-miss kitang gago ka! Siguro nam-ba-babae ka do'n 'no?! Umamin ka!" Sigaw ko sa kanya at hindi alintana ang mga taong nakatingn sa amin.
"I'm so sorry. May inasikaso lang kasi ako, eh." sabi niya at ramdam ko ang sincerity sa boses niya. Para naman tuloy akong na-guilty lalo na't sinampal ko siya at pinahiya sa harap ng marami.
"You should have told me. Puwede ka namang mag-text sa akin, 'di ba?" sabi ko sa kanya. Napabuntong hininga ako at umalis sa kinatatayuan ko. naramdaman ko naman na sumunod siya sa akin.
"Sorry na, Ingrid. 'Yon kasi ang kondisyun ni Daddy bago niya ako payagan." Sabi niya habang hinahabol ako. Napatigil ako sa paglalakad.
"Payagan sa ano?" Hindi ko mapigilang itanong.
"Na dito sa mundo niyo manirahan. May mga importanteng bagay lang akong tinapos. Then, kahapon lang ako nakalipat sa bago kong bahay." Sabi niya na ikinagulat ko.
"Dito ka na titira?" sabi ko at hindi ko mapigilang hindi mapangiti.
"Oo. At kahit tapos na akong mag-aral ay nag-enrol pa rin ako para lagi kitang makasama,"
"Talaga?" excited kong sabi. Siguro kung nakikita ko lang ang sarili ko ngayon sa salamin siguro kumikinang na sa sobrang galak ang mga mata ko.
"Na-miss mo ako 'no?" He teasingly said kaya agad akong napasimangot.
"Hindi, ah." I said and avert my gaze.
"Halika nga," Hinigit niya braso ko at para akong manika na hinihila niya dahil sa sobra niyang bilis maglakad.
"Saan tayo pupunta?" Tanong ko.
"Sa bago kong bahay." Simple niyang sagot.
"Ha? May klase pa ako,"
"Mag cutting ka,"
"Hala! Ayoko. First day of class kaya."
"Sige na. Kahit ngayon lang."
"Hindi ako puwede mag-absent,"
"Are you sure?"
"Yes."
"Then you leave me with no choice,"
Nagtaka pa ako kung ano ang ibig niyang sabihin kaya nagulat na lang ako nang buhatin niya ako na parang isang sakong bigas.
"Ibaba mo ko!" mariin kong sigaw.
"I love you." He said instead.
"Ibaba mo sabi ko, eh!" naiinis ko ng sabi.
"I love you." Pag-uulit niya
"I said put me down, Hansel!" ma-awtoridad kong sabi sa kanya but he didn't even budge.
"I said I love you and you're not answering back, Ingrid!" he counter.
"Oo na! I love you, too."
"Good. I love you more." Ibinaba niya ako na parang walang nangyari at magkahawak kamay kaming naglalakad pababa ng building.
Napailing na lang ako sa inasal ni Hansel.
LG{"J
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top