Chapter 27 - Boybawang

Chapter 27

Ingrid's POV

ONE week. One week na akong nandito sa mansion. At one week na rin akong hindi binibisita ni Hansel. Nang dahil sa boybawang na 'yon nagkatampuhan kami. Nang dahil sa simpleng bagay hindi niya ko binibisita. 'Di ba nag-promise pa siya na gabi-gabi niya 'ko pupuntahan?

One week ago...

Matapos ng reunion namin nila Mommy at Daddy bumalik agad ako sa kuwarto ko. Nakakatuwa lang at parang wala man lang nabago kahit isang gamit. Well except sa empty cabinet ko.

Nag-aayos ako ng gamit ng humangin nang malakas. Kahit hindi niya sabihin ramdam ko ang presensya niya.

"Hansel..." Mahinang sambit ko. Nakatayo siya sa labas ng aking maliit na balkonahe sa kuwarto. Natatakpan siya ng see through curtain pero naaninag ko pa rin ang kanyang mukha.

"Kanina pa kita inaabangan dito. Tama ang hula ko, ito nga ang kuwarto mo," sabi niyang papalapit sa akin.

"Oo nga, eh. Maganda ba? Mas malaki siya kesa doon sa kuwarto ko sa penthouse, ano?"

"Yeah," Tipid niyang sabi saka tumingin sa akin na parang binabasa ang mata ko.

"Hansel, heto nga pala, oh, paborito ko to. Lagi kasi 'ko nitong pinapakin ni Yaya Adele dati." pinakita ko sa kanya 'yong pakete ng junk food.

"What's that?" Curious niyang tanong.

"Boybawang!" Agad siyang nakalayo nang sabihin ko ang word na bawang. Alam kong cheap and boybawang pero kasi paborito ko 'to eh. No'ng high school ako ito 'yong lagi kong binibili sa tindahan. Kahit pinagbabawalan ako ni Mommy na kumain ng ganito, still bumibili pa rin ako.

"Ilayo mo 'yan sa akin!"

"E! Amoyin mo nga. Mabango siya promise,"

"Sabi nang ilayo mo 'yan sa akin!" natatakot na sambit ni Hansel.

"Masarap 'to. Boy bawang. Sige na tikman mo na, please?" Nagpuppy eyes pa ako sa kanya pero mukhang hindi effective dahil tinignan niya ako nang matalim.

"Are you stupid or what?!Bampira nga ako! Bampira!" Nakita kong nangislap na naman ang mata niya. From brown naging red bigla. Hala! Ginagalit ko na naman ang bampira kong boyfriend.

"Hmmm. Oo na, sorry." Inilagay ko na sa aking bulsa ang boy bawang.

"Next time na magdala ka pa ng ano mang anti-Vampire food, talagang kakagatin na kita!" sabi niya at bumalik na ang kulay brown na mga mata niya.

"Opo, my Vampire boy!" Itinaas ko pa ang kanan kong kamay saka sumaludo sa kanya.

"Tsk. Oh, sige, tulog ka na. Babalik ako bukas." pumunta siya sa bintana ng kuwarto ko.

"Aalis ka na agad? Hindi mo pa nga ako naki-kiss, eh!" I pouted.

"Grr! Do I need to? Baka 'di ko mapigilan sarili ko." sabi niya.

"Si Edward Cullen nga kiniss si Bella pero napigilan niya pa din sarili niya." I said pouting.

"Tsk! Edward Cullen is a lover boy! He's gay!" Napanganga naman ako sa sinabi niya.

"You know Edward Cullen?!" Hindi ko makapaniwalang tanong.

"Uh, yeah. Why? Respetado silang bampira at legend ang pamilya niya. Kung nagbabasa ka sa History of Vampire sila ang nakatalo sa volturi." He explained. Napakamot lang ako ng ulo. Totoo palang may Edward Cullen sa mundo ng bampira. Hindi ko kasi pinag-aksayahan na pag aralan yung V101 na subject sa Scarlett Moon University.

"Sikat kaya si Edward Cullen sa mundo ng tao," Pag-bibida ko sa kanya.

"It's because Stephenie Meyer is the great, great, great grand daughter of Edward."

"Talaga?"

"Oo."

"So vampire rin siya?"

"No."

"Eh?"

"Half Vampire-half human ang anak nina Edward at Bella. 'Yong anak nila, nakapag-asawa ng werewolf. Ang mga naging anak naman no'n, nakapangasawa ng pure human and the rest gano'n din. So parang nawala na ang genes nila as vampires." napatango lang ako.

"Ang galing naman."

"Tsk! Dapat kasi nakinig ka sa lesson natin noon." lumapit siya saka niyakap ako sa balakang ko. Napangiti ako dahil sa ginawa niya.

"Eh, tao po kaya ako kaya 'di ako interesado."

"Sabagay." Inilapit niya ang kanyang mukha sa akin.

Ayiee! Hahalikan na niya ako.

Ipinikit ko ang mga mata ko and got ready to meet his lips. Wala pang one second nang makalapit na ang mga labi niya sa akin pero bigla siyang parang si Flash na nakalayo kaagad sa akin ay napunta sa bintana. Hinihingal siya at parang nanghihina.

"Hans?

Kumain ka ng Boy Bawang mo?! Sigaw na naman niya habang nangingislap ang mga mata.

"Oo, kaninang wala ka pa."

"Damn! Tsk. Aalis na nga ako. 'Kainis ka!"Bigla na lang siyang naglaho pagkasabi niya no'n.

So 'yon nga ang nangyari. Nagpa-welcome party nga sila Mommy sa akin pero hindi man lang siya nag-attend. Nakakatampo talaga. Gusto ko na ngang maiyak sa sobrang sama ng loob, eh! Buti nga kahapon tinawagan ako ni Erina. Kapag tinatanong ko naman kung saan si Hansel sabi niya busy raw. Pero alam ko naman na pinagtatakpan niya lang ang kapatid niya.

Pagbaba ko sa kuwarto ay agad akong sinalubong ng isang maid at sinabing may bisita ako. Sino naman kaya 'yan?

Pagpasok kong living room ay laking gulat ko na lang kung sino ang kampanteng nakaupo sa paboritong pwesto ni Daddy. The nerve!

"Ano'ng ginagawa mo rito?" Mataray kong tanong.

"Ganyan ka ba bumati sa bff mo?" Mapang-asar niyang sabi.

"Tssk. Why are you here? Tsaka paano mo nalaman na dito 'ko nakatira?"

"Relax. Ingrid talaga. Akala ko ba friends na tayo?" Nag-pout pa siya. Eh? Bago ata 'yon?

"Puwede ba, Maxhene. Wala ako sa mood ngayon." Patamad akong umupo sa single couch.

"Grabe ka naman. Binisita ka na nga ikaw pa galit. Alam mo bang nag pa-extend ako kay Daddy ng one month dito sa sa Pilipinas para mas makasama pa kayo?"

"Ha? Bakit?"

"Wala naman. Gusto ko lang kasing maranasan mamuhay nilang tao," kibit balikat niyang sabi.

"Hay naku, Maxhene. Nagsasayang ka lang ng panahon. Bumalik ka na sa inyo at baka maupog 'yang ulo mo at agawin mo ulit si Hansel." Biro ko sa kanya.

"Don't worry girl, wala akong balak. Tsaka masaya ako kapag kasama si Denver. Though wala pa akong feelings para sa kanya. Napag-aaralan naman 'yon 'di ba?" Ngumiti siya ng maluwang.

"Hmm," Walang gana kong sabi.

"So?"

"Anong so?" Tanong ko.

"Hindi ka ba lalabas dito sa malaki niyong bahay?"

"Hindi." Simple kong sagot.

"Ang boring mo naman maging kaibigan. Shopping na lang tayo, you want?" Parang nabuhayan ang sistema ko sa sinabi niya.

SHOPPING.

"Magbibiihis lang ako." Masaya naman siyang tumango. Dahil depressed ako kay Hansel, sa shopping na lang ako babawi.

* * *

NAG-IIKOT na kami ni Maxhene sa mall and imagine kung ilan na ang dala naming shoping bags. Buti na lang hindi ako nawawalan ng bodyguards.

"Ohh! Shoes!" Sabi niyang parang nagkikinang pa ang mata. "Tara pasok tayo." Hinila na niya ko papasok sa boutique.

Derederetso lang si Maxhene sa paglalakad at parang na-trance na nakatingin sa isang pares ng killer high heels.

"Oh gosh! Voglio che questo!" sambit niyang hindi ko maintindihan. Alien ba 'to si Maxhene? "What I mean is I want this." napatango naman ako. Marunong pala magsalita ng Italian si Maxhene. Sabagay, doon sila nag-aral ni Hansel, eh.

Nakakatawang pagmasdan si Maxhene. Ilang beses ko sa kanyang narinig ang Voglio che questo! Lahat ata ng shoes dito sa boutique ay gusto niya.

"Wala ka bang nagugustuhan dito, Ingrid?" tanong niya sa akin.

"Paano naman ako makakapili, nakikita ko pa lang kinukuha mo agad at binibili." I deadpanned.

"Sorry. Ang gaganda kasi, eh! Tapos ang mura-mura pa." masaya niyang pahayag

"Yeah. Mura na pala sa'yo ang P10,000?" Sarcastic kong sabi. Mas malala pa sa akin si Maxhene, grabe.

"Huwag ka ngang kill joy. Mag-enjoy na lang kaya tayo." Sabi niya lang. I agree. Kailangan ko talagang mag-enjoy lalo na't puro si Hansel ang naiisip ko. Bwesit kasing bampirang 'yon bakit ba hindi nagpapakita sa akin?

"Oo na." Pinilit kong ngumiti. Nang naikot namin ang buong boutique ay saka lang kami lumabas.

"Pa-parlor tayo?" pagyaya ko sa kanya.

"Ay, sige, gusto ko 'yan." Sabi niya. Tiningnan ko siya at napaarko lang ang kilay niya.

"May problema ba Ingrid?" Takang tanong niya sakin.

"Curious lang, kapag nagpa manicure ka kaya malalaman nilang vampire ka?" pabulong na tanong ko sa kanya.

"Ha? Hindi naman siguro. Bakit mo natanong?"

"Because you're a vampire. Meaning you have no life same with your finger nails. Iisipin nilang patay lahat ng kuko mo." Naningkit naman ang mga mata niya dahil sa sinabi ko.

"My goodness gracious, Ingrid! Hindi patay ang kuko ko! Look, oh, ang linis kaya! Hmp!" bulalas niya kaya natawa ako ng malakas.

"Nagtatanong lang naman. Malay ko ba." Natatawa ko pa ring sabi. Ako na mismo humila sa kanya papasok sa isang beauty parlor. Dito ako madalas noon magpagupit ng buhol.

"Hair spa and hair dye sa akin, ikaw Ingrid?"

"Same lang. Gusto ko 'yong light auburn color. Sa'yo?" sabi ko.

"I want dark copper golden blonde." Sabi niya habang nakatingin sa hair dye palette. Tapos tumingin siya sa beautician. "Ayaw kong nakaharap sa salamin. I want a surprise. Okay?" she ordered tapos umupo sa pivot chair. Alam ko naman kung bakit ayaw niyang humarap sa salamin, eh.

Nagtagal kami ng mga tatlong oras sa loob ng parlor. Ang dami nga naming napag-usapan ni Maxhene, eh. At sa totoo lang, nag-eenjoy akong kasama siya. Alam mo 'yon, na kahit naging karibal ko siya kay Hansel pero panatag ako kahit may history kami. Alam kong mapagkakatiwalaan siya. At kung papipiliin ako kung taong bestfriend o vampirang bestfriend, mas pipiliin ko si Maxhene. Napaka totoo niya sa sarili niya.

"Ano bang strength mo, Maxhene?" Tanong ko habang naglalakad kami palabas sa mall.

"Hmm? Uh, I can manipulate people and vampires action," she said casually.

"Really? 'Di ba si Hansel, he can manipulate people and vampires mind?" sabi ko.

"Yup."

"Ano pa bang strength mo?" tanong ko pa.

"I can heal myself and others," Nanlaki naman mga mata ko sa sinabi niya.

"Talaga? Wow!"

"I know. Pero may limitations." Sabi niya. Halos lahat naman ata may limitations, eh.

Sumakay na kami sa sasakyan. Nakaramdam ako ng pagod. Ang sakit lang ng talampakan ko kakaikot sa mall.

"Ibaba mo na lang ako sa labas ng subdivision niyo, Ingrid."

"Ha?"

"Ang bingi. Doon mo ako ibaba kasi uuwi na ako," Napatango ako.

"How about your shopping bags?"

"Dadalhin ko."

Malapit na kami sa subdividion nang ipahinto ko sa driver ang sasakyan. Nagpaalam lang sa akin si Maxhene hanggang sa nawala na siya sa paningin ko.

No'ng nasa loob na ako ng mansion ay agad kong nakita si Mommy at Daddy na masayang nag-uusap. Five-thirty pa lang ng hapon at ang aga naman nilang umuwi? Usually kasi gabi sila umuuwi.

"Nandito na pala ang Prinsesa ko." niyakap ako ni Daddy at k-in-iss ko naman si Mommy sa cheeks.

"Where've you been, baby? Sabi ng maid kasama mo raw kaibigan mo. Sino ba 'yon, baby?" malambing na tanong ni Mommy.

"Oh, it's Maxhene Donagon. New friend ko."

"Really? Taga saan siya?" tanong ni Mommy.

"From Hampshire, Europe. She's a prin— I mean anak siya ng isang mayaman na Americano." pagsisinungaling ko.

"Good to hear na mayroon kang bagong kaibigan. No'ng nawala ka wala man lang na nag-alalang kaibigan mo." sabi ni Mommy. Yeah. Because all my friends before is definitely plastics!

"Huwag na natin 'yon pag-usapan, Rida. Let's have a little chitchat habang nagluluto pa ang maids ng paboritong pagkain ng ating Prinsesa." Nakangiting sabi ni Daddy.

"Steak Barbeque po, Daddy?" masaya kong tanong.

"Yup."

"Yey!"

Nagkwentuhan lang kami sa salas. Naikwento ko na kela Mommy sila Erina, Maxhene, Cris, Tom at si Hansel. Pero siyempre hindi ko sinabi kung anong klaseng nilalang sila.

"May boyfriend na ba ang prinsesa namin?" tanong ni Daddy.

"Why! My baby is blushing." Mommy said, teasing me.

"Mommy naman eh! W-wala pa po akong boyfriend." Vampire boyfriend meron.

"Basta anak kapag meron na sabihin mo agad. Kahit na sino pa 'yan hindi kami tututol." sabi ni Daddy. Paano kung malaman nilang bampira ang boyfriend ko? Tututol kaya sila?

"P-promise po, Mommy, ipapakilala ko siya sa'yo kung may boyfriend na 'ko."

Hindi ko nga alam kung paano ko siya mapapakilala sa kanila, eh. Hindi na nagpaparamdam ang vampirang 'yon. Nakakainis!

* * *

DAHIL sa October na at malapit ng mag second sem, napag-desisyunan ko na I-enroll ulit ang sarili ko sa dati kong school. 3 weeks staying at the mansion is kind of boring na. Kahit tinatawagan ako ni Erina at Maxhene nabo-bored pa rin ako. At least sila naalala ako. Si Hansel hindi, as in hindi! Imagine three weeks, ah! Mababatukan ko 'yon kapag nagkita kami.

Nasa St. Louisia International school ako ngayon para mag-enroll. Ito ang dati kong school bago ako naglayas. Napapatingin nga sakin mga studyanteng nakakakilala sa akin, eh.

Naghihintay akong tawagin ang pangalan ko ng registrars office nang magvibrate phone ko. Pagtingin ko, si Maxhene.

"Hello. Bakit?" sagot ko

"Ingrid, nasaan ka?" tanong niya sa kabilang linya.

"Nasa school, mag-e-enroll ulit ako, eh." sabi ko.

"Talaga? Wow! Gusto ko rin!"

"Ha?"

" Sige bye— ah, wait. Ano'ng school 'yan?"

"St. Louisia International School."

"Okay. Thank you!"

Tumawag siya para tanungin lang 'yon? But at least she has time to call me unlike Hansel, na hindi man lang nagpaparamdam. Dahil lang sa boy bawang hindi na siya nagpapakita? 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top