Chapter 26 - Home
Chapter 26
Ingrid's POV
"WALA ka na bang nakalimutan?"
"Wala na," Malungkot kong sabi.
"Are you sure?" Paninigurado niya.
"Wala na. Aalis ako ritong dala ang lahat," paninigurado kong sabi sa kanya.
"No you're not,"
"Huh?"
"Aalis ka rito pero hindi mo lahat madadala," Hindi ko maintindihan ang sinabi niya kaya napakunot noo ako.
"What do you mean?"
"Maiiwan ako rito," Malungkot iniyang sabi.
"Hansel naman, eh. Sabihin mo lang kung ayaw mo akong umalis," Sa totoo lang ayaw kong umalis. Mamimiss ko sila sobra. Si Erina, si Cris, Tom and of course Hansel. And speaking of Erina— Aalis akong hindi siya nakikita.
"May cellphone naman, eh. We can call each other everyday. Then kapag gabi bibisita ko sa'yo," He zipped my travelling bag and place it on the floor.
"Just promise me to visit everynight. Walang palya!" I said pouting.
"I promise." He raiseed his right hand and swore. Napangiti na lang ako.
Ngayon na ako uuwi sa bahay. I'm excited and nervous. Alam kong napatawad na ako ni Daddy pero hindi ko mapigilang hindi kabahan at matakot.
"Tara na, Ingrid."
"S-sige," Sabay kaming bumaba sa penthouse. Dala niya 'yong dalawa kong maleta.
Lahat nakatingin sa amin. Wondering why I'm leaving.
"Have a safe trip mo, Ma'am Ingrid." Nagbow sa akin ang mga staff ng hotel. Kahit kasi papaano alam nilang girlfriend ako ni Hansel.
"Salamat," Simple kong tugon.
Papunta na kami sa parking area nang mahagip ng mata ko ang kotse ko. I miss my baby!
"I'm gonna drive my car," Sabi ko kay Hansel.
"Ha? At sino maghahatid sa'yo? Solo ka?"
"Okay lang naman sa akin," Sabi ko.
"No. I won't allow that. Malapit ng magdilim, baka kung ano'ng mangyari sa'yo."
"Hansel, I won't leave my car here. Besides, I missed my baby." Pagmamakaawa ko.
"Okay, pero ako magda-drive."
"Eh, paano ka kapag uuwi ka na?"
"I'll just teleport,"
"Okay, okay." Nakangiti kong sabi.
Hinintay ko si Hansel sa harap ng hotel kasi siya magda-drive ng kotse ko. No'ng pumarada siya sa harap ko bigla na lang parang naalala ko ang lahat ng nangyari sa akin simula nang tumuntong ako sa Vampire City. Parang gusto ko tuloy maiyak. Ang bilis lang ng panahon.
"Hop in," He said from the window. Pasakay na sana ako nang marinig ko ang boses ni Erina.
"Ate Ingrid!" Nilingon ko siya at pakiramdam ko maiiyak ako. Erina is like my baby sister. Kahit alam namin parehong mas matanda siya sa akin ay tinuturing niya akong Ate.
"Erina! Bakit ngayon lang kita nakita?" Nangingilid na ang luha ko. Nalulungkot kasi akong mahihiwalay na 'ko sa kapatid ni Hansel.
"Sorry, Ate Ing. Marami lang kasing nangyari. Nabalitaan kong na-hospital ka. Pasensya na at hindi ako nakadalaw." Ngumiti siya sa akin pero ramdam ko ang bigat na dinadala niya.
"May problema ka ba Erina? Do you want me to extend my stay here?"
"Huwag na ate. Okay lang ako. I came here to say goodbye. Sana dalawin mo ulit kami."
"Oo naman." Niyakap ko siya ng mahigpit.
"Ingrid. What's taking you so long?" Sabi ni Hansel. Nakalimutan ko tuloy siya.
"Sige Ate sakay ka na. Naiinip na si Kuya," Nginitian ko siya bago sumakay sa sasakyan. Ito namang si Hansel hindi pa nga ako nakakadungaw sa bintana para kumaway ulit kay Erina ay pinaharurot agad ang sasakyan.
"Ano ba. Ang bilis mo naman mag-drive," Saway ko sa kanya.
"Para makauwi ka agad," he said.
Kainis naman 'to si Hansel. Masyado naman siyang excited na palayasin ako sa kaharian nila. Nakakatampo.
"Besides, hindi tayo pwedeng magpagabi sa daan," halos pabulong niya lang na sabi.
"Ano naman problema kung magagabihan tayo?" Curious kong tanong.
"Hindi mo ba nararamdaman?" Para naman akong nagka-goosebumps sa sinabi niya.
"A-anong hindi ko ko nararamdaman?" Nakakapangilabot 'yong way nang pagsabi ni Hansel no'ng 'Hindi mo ba nararamdaman'. Nagtaasan balahibo ko.
"May mga ligaw na kaluluwa sa paligid natin." Mas lalo akong kinilabutan. Siguro may nakatira ng ligaw na kaluluwa sa kotse ko kasi matagal ko itong hindi nagamit.
"N-nakikita mo ba sila?" kinakabahan kong sabi. Kung totoo ngang may bampira, multo pa kaya?
"Sa likod mo."
"Ahhhhhh!" Nayakap ko siya ng wala sa oras. "Hanseeeeeeel..." Sobrang higpit ng pagkakayakap ko sa kanya.
"Uyy—!! A-ano ba!! Bitawan mo nga ako!" tinutulak-tulak niya ako pabalik sa upuan ko pero para akong linta na bumabalik sa kanya. Wahhhh! Takot ako sa multo!
"Patayin mo ang mumu! Waaaah! Hansel, kill it! I'm scared!" pinagpapalo ko ang braso niya at nakasunsob din ako sa dibdib niya. Ayaw kong makita kung sino mang ghost na 'yan.
"God! Gusto mo bang maaksidente tayo, babae?!" Alam kong galit na si Hansel sa inaasal ko pero takot talaga ako!
"Paalisin mo muna ang mumu!" I whined.
"Tumigil ka na nga diyan! I was just joking okay?!" singhal niya pero umiling naman ako.
"No you're not!" Ayaw kong maniwala. Baka sinasabi niya lang 'yon para tumigil ako.
"Bitawan mo 'ko!"
"Ayaw!"
"Gusto mo ba 'kong magalit sa'yo?!"
"Okay lang, nakachansi— I mean takot talaga ako! Ahhhhh!"
"Haaay! Bahala ka nga!" He said exasperatedly. Napabitaw na lang ako kahit ayoko pa. Inayos ko upo ko at tumingin na lang sa daan. Bakit ba ang sungit ni Hansel ngayon?
Iidlip na sana ako nang mahagip ng mata ko ang isang familyar na pigura. Kahit mabilis ang pagdrive ni Hansel sigurado akong siya 'yon. Hindi ako puwedeng magkamali.
Si Drake 'yon!
* * *
Erina's POV
PAKATAPOS kong mag-paalam kay Ate Ingrid ay dumeretso agad ako sa palasyo. Naabutan ko si Tom at Cris naglalaro ng board hames pero nilagpasan ko lang sila.
"Hon," napalingon ako kay Tom para tingnan kung sino ang tinatawag niyang Hon at nagtaka pa ako kasi sa akin siya nakatingin. Kailan pa naging Hon ang pangalan ko?
"Who are you calling Hon?" Tanong ni Cris. Hanggang ngayon hindi pa rin kami nagpapansinan. Bahala siya sa buhay niya! Kahit mahal ko siya hindi ako tanga para tanggapin ang masasakit niyang salita. At hanggang ngayon tagos pa rin sa akin ang lahat ng sinabi niya.
"Ah, si Erina. Hon ang tawagan namin, eh. Medyo may pagkaka-unawaan na kasi kami." Masayang pahayag ni Tom.
"Ah, gano'n ba?" Walang ganang sabi ni Cris. Tsk. Wala man lang talaga siyang pakialam sa akin.
"Sige Tom— I mean Hon, punta lang ako sa taas," I awkwardly smile at him.
"Sige, Hon."
No'ng isang araw sabi sa akin ni Tom ay kailangan ipakita ko raw kay Cris na hindi ako epektado sa mga nangyayari. Hindi ko nga rin alam kung bakit niya sinabing may pagkakaunawaan na kami pero may tiwala ako kay Tom.
Nagulat na lang ako nang pagpasok ko sa kuwarto ay nandoon na sa loob si Cris nakaupo sa gilid ng kama ko.
"Why are you here?!" Inis kong sabi.
"Well, dati ko naman itong ginagawa 'di ba?" Oo nga! Pero hindi mo na 'yon puwedeng gawin ngayon! Hindi na puwede. Iba na ngayon!
"Umalis ka na! We have nothing to talk about anyway so please lang. Go!" I pointed out the door.
"Aalis naman talaga ako agad, gusto ko lang sanang magtanong kong anong magandang panregalo sa vampirette? May date kasi kami mamaya ni Meisha." Nag-init bigla ulo ko sa narinig. Nagpunta siya rito para itanong 'yon?! Eh kung sipain ko siya palabas sa bintana?!
"Pakasalan mo na kaya para matapos na ang lahat?" I said and silently praying na sana hindi niya mapansin na ang bitter ko.
"Daraating din tayo diyan." Nakangisi niyang sabi. Nakakainis! Nakakapagselos!
"Puwede ba umalis ka na?! Magpapahinga ako!"
"Sige na nga. Sungit."
Bigla na lang siyang naglaho sa kuwarto ko. Agad akong napatakbo sa kama at doon nilabas ang sama ng loob ko.
I hate you, Cris! Bakit mo ba 'ko ginaganito? Ang sama mo!
"Erina..."
Huh?
"Erina..."
"Tom?" Ano naman ginagawa nito rito?
"Magbihis ka. 'Yong maganda."
"Huh? Anong—"
"Sabi nang magbihis ka. 'Yong maayos."
"Sa harap mo? No way!"
"Baliw ka talaga. Basta magbihis ka tapos may pupuntahan tayo."
"Saan?"
"Basta."
Nagbihis na lang ako kaysa makipagkulitan kay Tom. Pero siyempre pinalabas ko muna siya 'no!
Nagsuot lang ako ng floral red dress and a slingback shoe. Pagbaba ko ng kuwarto sinabihan ako ng mga katulong na nasa labas si Tom at naghihintay.
"Ang tagal mo naman. Tara na nga." Sabi niya habang hawak-hawak ang kamay ko.
"Where are we going?" I asked habang naglalakad kami.
"Sa plaza, may mini concert doon." Napatango ako.
Habang naglalakad kami ni Tom, siya naman pakanta-kanta lang. I don't know Tom can sing.
"Masaya ka ata?" Ani ko.
"Excited lang ako sa magiging reaction ni Cris." Sabi niya pang nakangiti.
"Ano ba talagang plano mo?" Curious kong tanong.
"Simple. Pagseselosin natin siya. We're gonna pretend that we're in a relationship," Then he winked.
"That's a great idea, Tom," I said with sarcasm. "But the question is, magselos din kaya 'yon? Eh, may Meisha na raw siya!" I rolled my eyes when I mentioned her name.
"Magseselos 'yon. Matagal ko na kayong kilala, lalo na si Cris. Basta akong bahala sa love life mo," he confidently said.
"Ewan ko lang, but there's no harm on trying right?" Sabi ko.
"Right," He said.
Hindi na ako nagulat nang makita kong madaming bampira sa plaza, ganito naman talaga rito.
"Hayun sila, oh. Tara," Hindi na ako nakaangal dahil hinila na ako ni Tom papalapit sa dalawa.
"Cris! Mei!" Sabay pa silang napalingon. Tahimik lang ako at ikinawit ko ang kamay ko kay Tom. Pakiramdam ko kailangan ko ng suporta. Parang anytime matutumba ako. Ang sakit-sakit na makita siyang may kasamang iba.
Tom, akala ko hindi ka pupunta?" sabi ni Cris. Akala mo hindi ako nakikita. Sige pa. Deadmahin mo pa ako.
"Hi, Tommy!" Malambing na sabi no'ng Meisha! Nakakabingi boses niya sa sobrang tinis!
Kahit na naiinis at nasasaktan ay pinilit ko pa ring ngumiti. This is not the right time to act bitter. Tama si Tom. Hindi ko dapat ipakita kay Cris na apektado ko.
"You must be Princess Erina. Ang ganda mo pala sa personal," ang lambing talaga ng boses niya! Mas matangkad lang ako sa kanya ng konti at mas petite siya. Naka messy bun ang buhok niya and I have to admit, everything abour her screams cuteness. Maliit lang na babae pero ma-appeal. Ito ba talaga ang mga tipo ni Cris? Hindi naman nalalayo ang height namin, ah. Cute nga siya pero maganda ako. Ano ba'ng nakita niya sa babaeng 'yan?
"Thank you! And you are?" sinadya kong itinaas ang kilay ko para malaman niyang hindi ako interesado sa kanya at wala akong balak makipag-plastikan sa kanya.
"I'm Meisha Candelaria, your highness." Nagbow pa siya. Kahit gusto kong magalit sa kanya ay hindi ko magawa. Alam kong mali na tarayan ko siya kasi wala naman siyang alam sa nararamdaman ko pero hindi ko talaga mapigilan. Pinipilit ko ring hanapan siya ng mali pero hindi ko alam kung saan ako magsisimula dahil sa alam kong mabait siya.
"Nice to meet you, Meisha." Seryoso ko lang na sabi. Pinipilit ko namang ngumiti pero napapangiwi lang ako.
"Lagi ka pong ikine-kwento sa akin ni Cris kaya feeling ko po kilalang-kilala ko na talaga kayo," nakangiti niyang sabi. Hindi agad ako nakaimik sa sinabi niya. Bakit naman ako ikine-kwento ni Cris sa kanya?
"For sure hindi magagandang bagay ang nalaman mo sa akin," I deadpanned pero agad naman siyang umiling.
"Kung hindi ko nga po siya boyfriend iisipin ko—"
"Meisha!" napasimangot ako nang tawagin siya ni Cris. Ayaw niya bang malaman ko kung ano ang pinagsasabi niya tungkol sa akin?
Inakbayan ni Cris si Meisha at niyakap pa 'to sa harap ko. Sa harap ko! Mga walang delekadesa!
"Tom," tawag ko kay Tom.
"Ano 'yon?"
"May kukunin lang ako sa palasyo. Babalik na lang ako," sabi ko. Akma akong aalis pero agad siyang sumunod sa akin.
"Sasamahan na kita,"
"H-huwag na. Madali lang ako," Ngumiti ako ng pilit ng pilit sa kanya. Nagmamadali akong tumakbo palayo sakanila dahil ang traydor kong luha ay malapit ng tumulo.
Napasandal ako sa likod ng puno at doon binuhos ang lahat. Sana kasi pinipigilan ko 'to noon pa. Hindi sana ako nasasaktan ng ganito.
Ang sakit na kasi, eh. Bakit kasi siya pa ang minahal ko? Bakit bigla ko na lang 'to naramdaman? Mahal na mahal ko siya, eh! Ano ba ang kulang sa akin at hindi niya ako nagustuhan?
I know I'm such a cry baby but I can't help but cry. Kahit naman sino kapag nalaman na hindi siya gusto ng mahal niya malulungkot din, 'di ba?
Pinunasan ko ang luha ko sa pisngi at nagrelax. Hindi ako puwede do'n bumalik na namamaga ang mata. Inayos ko ang tayo saka huminga ng malalim. I was about to go back at the park when I saw Cris already standing in front of me.
"Why are you crying?" his forehead creased with puzzle.
"Ano naman sa'yo?!" I retorted.
"Answer me!"
"Ayoko!"
"Tsk! Nagseselos ka 'no?" He smirked.
"N-no, I'm not!" I said defensively.
"Bakit namumula mga mata mo?" tinaasan niya ako ng kilay.
"Wala ka na do'n! Alis ka nga!" nilagpasan ko siya pero agad niyang napigilan ang braso ko.
"Umamin ka nga. Paanong naging kayo ni Tom?" Nakakunot niyang tanong. Ano naman bang klaseng tanong 'yan?!
"Kagaya kung paano naging kayo ni Meisha. He courted me. Sinagot ko siya." Pabalang kong sagot kaya hinigpitan niya pagkakahawak sa akin.
"Mahal mo siya?" pinaningkitan niya ako ng mata.
"B-bakit mo ba ko tinatanong?! Pakialam mo ba?!" Inis kong sabi.
"May pakialam ako!" Sigaw niya.
"Huwag mo akong pakialaman!" Sigaw ko rin sa kanya.
"Eh, sa gusto kitang pakialaman!"
"Do'n ka na nga sa Meisha mo! At huwag mo kong kukulitin! Ano ba kita?!" Binalik ko sa kanya ang mga katagang binitawan niya rin noon. 'Ano ba kita?' Simple pero sobrang sakit.
Para naman siyang binuhusan ng malamig na tubig at niluwangan niya ang pagkakahawak sa akin at dahan-dahang binitawan ang braso ko.
"Pasensya na. Pasensya na talaga," pagkasabi niya no'n ay tinalikuran na niya ko.
Now we're even! Now you know the feeling of being asked with that kind of question!
Gustong-gusto kong basahin kung ano man ang iniisip niya at kung ano ang nararamdaman niya pero natatakot ako sa mababasa ko. Ayaw kong mas lalong saktan ang sarili ko.
* * *
Ingrid's POV
NAPATULALA lang ako nang makita ko ang harap ng gate namin. Ito na ba 'to? Papasok ako at makikita ko ulit sila Mommy at Daddy? Ilang buwan na rin simula nang naglayas ako. Nakakamiss din.
Dala-dala ko ang dalawa kong bagahe. Si Hansel nasa malayo lang. Ayaw niya pa kasing humarap kela Mommy at Daddy. Naiintindihan ko naman siya.
Nagdoorbell ako at hindi nagtagal ay may lumabas na maid. Alam kong nakilala niya ko dahil sobrang nanlaki ang mata niya.
"Young Lady?" Hindi makapaniwalang sambit ng maid. Nakangiti lang ako sa kanya.
"Guard pakiluwangan ang pagbukas ng gate! Nandito na ang young lady!" Sigaw niya sa lahat.
Biglang nagbukas ang authomatic gate namin at tumambad sa akin ang mga maid, personal security guard at iba pang tauhan nila Daddy at Mommy.
Dumeretso lang ako at kinuha ng dalawang maid ang mga bagahe ko. Lahat sila tahimik at nakatingin lang sakin. Puno ng ngiti ang mga labi nila. Mga pamilyar na mukha ang nakikita ko.
"Where's Mom and Dad?" I asked our butler Eman.
"They're at the study room, young lady. " Nagbow pa siya sa akin.
Nagbukas bigla ang pinto kaya pumasok na ako. Nilibot ko ang paningin ko. Dati pa rin pero nakakapanibago. Naabutan ko ang salas namin na walang tao.
Agad akong naglakad patungo sa study room. Isang malaking office na pinaghahatian nila para kahit nagtatrabaho sila dito sa mansion ay puwede pa rin silang mag-usap.
Nandoon sila nag-uusap. Si Daddy nakaupo sa malaking solo couch nagbabasa ng forbes magazine at si Mommy nakaupo sa gilid ng hawakan ng couch at nakikibasa rin sa binabasa ni Daddy.
"Ito Dad, oh. Number one ka na sa richest business man in the Philippines." Sabi ni Mommy at tinuro 'yong isang page ng magazine.
"Wala naman sa akin kung ako pa ang maging number zero richest man in the Philippines or in the world. What's important is our daughter Ingrid." Kita ko ang malungkot na mukha ni Daddy. Parang dinudurog ang puso ko. Hindi ko na 'to kaya. Naka-side view sila sa akin kaya hindi nila ko makita.
"Mommy... Daddy..." Naluluha kong tawag sa kanila. May interval na 5 seconds bago sila lumingon. Na para bang nakarinig sila ng boses ng isang multo.
"Baby? Baby is that really you?" Napatayo si Mommy at agad na lumapit sa akin.
"Yes Mommy, it's me." Tuluyan na akong naluha nang haplusin ni Mommy ang pisngi ko.
"My princess," Sinugod ako ng yakap ni Daddy.
"I miss you, Mom, Dad." Humagulhol na ako. Pati si Mommy niyakap na rin ako. Kay tagal kong hinintay ang pagkakataon na 'to at heto nga ay dumating na. Sobra ko silang na-miss.
"Princess sana mapatawad mo ang Daddy. Pinagsisisihan ko ang pilit kang ipakasal sa manlolokong Boris na 'yon," Dahan-dahan akong kumalas sa pagkakayakap kay Daddy at Mommy at nginitian sila.
"Naiintindihan ko po kayo, Daddy. You only want what's best for me. Sorry po kung naglayas ako. Natakot lang po kasi ako, eh," paliwanag ko sakanila.
"Baby, saan ka ba nag-stay. Kwentuhan mo si Mommy,"
"Opo, Mommy."
"Why don't we celebrate, my princess? Pumunnta tayo sa isang restaurant tapos kumain tayo roon. Tapos bukas I will throw a party for you. Para sa pagbabalik mo." Sabi ni Daddy.
"Huwag na dad. Ang gusto ko lang ay makasama kayo."
"Non sense. Magpapa-party tayo bukas. Kaya invite your friends. Okay?"
"Sige po tuloy Daddy." Nakangiti kong sabi.
Ganito pala ang pakiramdam na nagkapatawaran na kayo ng taong mahal mo. Para kang nabunutan ng tinik. Hinding-hindi na ulit ako maglalayas. At alam ko naman na hindi na uulitin ni Daddy ang ginawa niya dati.
nacb ?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top