Chapter 25 - Proclaiming her Defeat

Chapter 25

Hansel's POV

MEDYO malakas pa ang ulan pero binaybay na namin ni Ingrid ang daan pabalik sa penthouse. Tulog pa nga siya kaya kinarga ko na lang siya papasok sa kotse. Kanina ko pa kasi siya ginigising pero hindi niya ako pinapansin kaya hinayaan ko na lang.

Napapangiti na lang ako kapag sumusulyap ako sa maamo niyang mukha. She's so peaceful when sleeping. Bakit ba ang ganda niya kahit tulog?

Hindi siya nakakasawang tingnan. Mas lalo ko siyang mamimiss kapag bumalik na siya sakanila. Nasanay na rin kasi akong lagi siyang nandiyan. Sanay na akong kapag uuwi ako galing school naghihintay siya sa penthouse.

Nasa parking lot na kami nang gumalaw siya. Hinaplos ko pisngei niya at napakunot ang noo ako.

She's burning hot! Literally mainit ang balat niya. Sinalat ko ang leeg niya at naramdaman kong mainit din ito. Ano bang nangyayari sa kanya?!

Medyo nagpapanic akong binuhat siya palabas ng kotse. Hindi ko na nga pinansin ang mga bumati sa akin sa hallway. Hindi na ako makatiis at sa lobby pa lang ay nagteleport na ako para agad makapunta sa penthouse.

Inihiga ko siya sa kama niya at kita kong namamawis ang noo niya.

"Ingrid what is happening to you?!" Pinipilit ko siyang gisingin pero umuungol lang siya. Naisipan ko namang tawagan si Erina gamit ang isip niya pero nagtataka ako kung bakit ito nakasarado.

Ayaw ko namang istorbuhin sila Mommy at Daddy dahil nga sa maraming bisita sa palasyo.

Agad akong tumakbo papuntang kuwarto ko kung saan may telepono at tinawagan si Cris. But to no avail walang sumasagot. Si Tom naman wala raw sa bahay nila.

"Shit!" Napamura na lang ako kasi pakiramdam ko wala akong magagawa.

I feel so helpless nang biglang pumasok sa isipan ko ang pangalan ni Maxhene. Should I call her? Pero magagalit si Ingrid at magseselos na naman. Pero para naman 'to sa kanya. Nagtatalo na ang utak ko at hindi ko na lang namalayan ay dinial ko na ang number ni Maxhene sa guest house.

"Who's this?"Mataray na sabi sa kabilang linya.

"Maxhene, it's me."

"Oh, Hi Hansel. I'm glad napatawag ka, alam mo bang—"

"I need your help." Putol ko sa kanya.

"Ohh. Sige ano 'yon?"

"Hindi ko alam ang nangyayari kay Ingrid. Puwede ka bang pumunta rito? Nag-aalala ako sa kanya, eh." Matagal bago siya sumagot.

"S-sige. I'll be there." Then she cut the line. Napahinga ako ng maluwang. Bumalik ako sa kuwarto ni Ingrid at nakita kong nahihirapan siyang humangos. Napatakbo ako sa kanya.

"Ingrid, wake up!" Napamulat siya ng kaunti pero nahihirapan siyang huminga.

"Han...Hansel. H-hindi...ako m-maka..hinga." nahihirapan niyang sambit. Halos mapapikit ako sa nakikita ko. Hindi ko alam ang nangyayari sa kanya.

Ilang minuto lang ay dumating si Maxhene at kasama niya si Denver. Pinapasok ko silang dalawa papunta sa kuwarto ni Ingrid.

"Hindi ko alam ang nangyayari sa kanya," sabi ko. Nakita kong gulat din si Maxhene sa nakikita. Sinalat niya ang noo nito.

"H-Hansel? Bakit..." Naguguluhan 'yong mukha ni Maxhene. Alam kong nagtataka siya kung bakit mainit si Ingrid.

"Mamaya ko na ipapaliwanag," Sabi ko sa kanya.

"Bring her to hospital. Human's hospital." Sabi ni Denver. Alam kong alam agad ni Denver nang makita niya ang kalagayan ni Ingrid.

"Oh, my god! She's a human?!" Maxhene shrieked.

"I'll explain later okay? Let's bring her to the hospital."

Kinarga ko na si Ingrid palabas ng kuwarto. We teleport papuntang baba. Nag volunter naman si Denver na siya na raw magda-drive ng kotse ko since wala silang dalang sasakyan no'ng pumunta sa penthouse.

Nasa back seat kami pareho ni Ingrid at nasa passenger seat naman si Maxhene. Mabilis na pinapaandar ni Denver ang sasakyan. Nararamdaman ko naman ang mabigat na paghinga ni Ingrid. Ano bang nangyari sa kanya? Bakit siya nagkakaganyan?

Sa isang malaking hospital namin dinala si Ingrid. Agad din naman kaming sinalubong ng mga nurse.

Dinala siya sa isang kuwarto na napakaraming aparatus na hindi ko alam. Nasa waiting area lang kami at hindi ako mapakali sa nangyayari.

"So she's a human, huh?" Basag ni Maxhene sa katahimikan.

"Yeah. Sorry for keeping it a secret. I just wanted to protect her from everybody," I said. She smile bitterly.

"Kaya pala ang lakas ng loob ng babaeng 'yon awayin ako kasi may pinagmamalaki. Anyway, she's still my frenemy and nag-aalala rin ako sa kanya kahit papano." Napangiti lang ako sa sinabi ni Maxhene.

"She's the chosen one, Hansel?" Tanong din ni Denver. Few knows about it at isa si Denver do'n.

"Yeah. Kaya gano'n ko na lang siya protektahan."

"You know what? This place makes me sick! Ang daming dugo akong naamoy!" Sabi ni Maxhene na nakatakip ng ilong.

"Can't you control it, sweetheart?" malambing na sabi ni Denver sa kanya.

"Tsk! Sweetheart mo!" Lihim lang akong napangiti sakanilang dalawa. Bagay sila. Nagbabangayan ang dalawa nang lumabas ang babaeng nakasuot ng white suit. Maybe she's the doctor.

"Sino sainyo ang kamag-anak?" Bungad ng doctor.

"Ako po ang boyfriend."

"Mabuti at nasugod niyo siya agad sa hospital. May mataas siyang lagnat plus asthmatic pala siya. Ano bang ginawa niya recently at inatake siya ng asthma niya?"

"Kahapon kasi naulanan siya ng matagal."

"I suggest na huwag na sana 'yon mauulit. Her asthma is mild pero puwede 'yon maging deadly kung hindi maagapan. As of now kinabitan namin siya ng oxygen since nahihirapan siyang huminga. Alam ba ito ng parents niya?"

"Ah. Yes." I know I have to lie right now.

"Very well. Puwede niyo na siyang bisitahin sa loob." Tumango ako saka umalis ang doctor.

Pagpasok namin sa kuwarto may kung anong nakakabit sa katawan niya. May malaking tangke sa gilid ng kama niya at may nakalagay sa ilong niya. Pati sa kaliwang braso niya may nakatusok.

"I'm sorry for not taking care of you. I'm sorry Ingrid." Mahina kong sabi. Hawak-hawak ko ang kamay niya.

* * *

Maxhene's POV

"I'M SORRY for not taking care of you. I'm sorry Ingrid." Mahina ngunit sapat para marinig ko. Medyo nasasaktan ako pero mas nangingibabaw kasi ngayon ang awa ko kay Ingrid.

I can see how he loves Ingrid at sa palagay ko wala akong magagawa para pantayan ang pagmamahal ni Ingrid kay Hansel. I envy her. Hindi dahil sa mahal siya ni Hansel because now I know she is a human. Kaya pala. When I told her na wala siyang pinagmamalaki, mali ako. She's a human at sapat na 'yon para ipagmalaki niya 'to sa akin.

"Lalabas lang ako for fresh air." Paalam ko kay Hansel. Sumunod naman sa akin si Denver. Nasa labas kami ng hospital nang magsalita siya.

"Mahal talaga ni Hansel si Ingrid ano? Vampire and human. How cool." Inirapan ko lang siya. Bakit ko ba kasi ito sinama pa?

"Shut up nga, puwede?" I snapped at him.

"Aagawin mo pa rin ba si Hansel kay Ingrid?" Bwesit na lalaking ito ayaw tumigil!

"Ano ba'ng pakialam mo?"

"May pakialam ako. Huwag mong sirain ang maganda nilang relasyon. Nandito naman ako 'di ba?"

"Yeah, right."

"I hope you find it in your heart to realize that I, only I will make you happy. Na 'yong Denver na kumukulit sa'yo ang totoo mo pala talagang mahal." Sobrang seryoso ng mukha niya. Bakit ba siya ganyan? Hindi ako sanay na seryoso siya. Mas gusto ko 'yong makulit na Denver kahit nakakainis.

"Are you drugged? Bakit ba napakaseryoso mo ngayon? Tigilan mo nga ako, ah,"

"Kasi seryoso ko sa'yo,"

"Stop it, okay?"

"I don't want to stop from loving you. I can't do that," Napaubo naman ako sa sinabi niya.

"What did you say?"

"Wala! Ang bingi mo talaga!"

"Hindi, eh! May sinabi ka! Hindi ko lang naintindihan. Ulitin mo," utos ko sa kanya.

"A-ayoko! Tsk. Diyan ka na nga!" Umalis siya bigla. Problema no'n? Napailing na lang ako. Moody!

"H-hoy! Denver, wait!" Hinabol ko siya.Hindi ako papayag na walk-out-an niya lang ako 'no! Ang isang diyosang vampirette na tulad ko ay hindi makakapayag na ma-walk out-an ng isang Prinsepe ng kamanyakan!

"Denver! Den— Ah!"

"Maxhene!"

* * *

Denver's POV

TWO WEEKS ago nang makatanggap ang kaharian namin ng telegrama galing sa kaibigan naming kaharian, ang familia Kang.

After Ten long years makakabisita na ulit ako sa kaharian kung saan nagsimula ang lahat. Kung saan una ko siyang nakilala. Si Maxhene Donagon. Una ko pa lang siyang nakita alam ko siya na ang vampirette na mamahalin ko.

Pero kahit kailan hindi man lang ako nabigyan ng pagkakataon na makausap siya o mapansin niya. Lagi kasi siya noon na nakabuntot kay Hansel na kababata niya. Dahil sa sobrang gusto ko siya ay nag-aral pa akong ng kanilang kakaibang salita para makausap ko siya.

Pero ngayon determinado ako na makuha ang loob niya. No'ng gabi ng Royal ball, wala akong ibang tiningnan kundi si Maxhene lamang. Nasaksihan ko ang lahat. Kaya no'ng naglasing siya agad ko siyang tinulungan. Wala naman talaga sa aming nangyari. Hinayaan ko lang siyang 'yon ang paniwalaan niya.

Hindi ko naman ine-expect na ipapakasal kami. In favor din naman 'yon sa akin. Pero kung gaano siya kataray ay gano'n din siya kamanhid. Hindi niya maintindihan yung sinabi ko. Ich liebe dich means I love you. Sa language namin 'yon ang sinasabi kapag mahal mo isang tao o bampira.

Nagpapakita na ako ng motibo na mahal ko siya pero grabe lang siya sa kamanhidan.

Nang tawagan siya kanina ni Hansel at humihingi ng tulong tungkol kay Ingrid nakita kong nalungkot siya. Pero bilib din ako sa fighting spirit niya.

"I don't want to stop from loving you. I can't do that," Nasamid siya sa sinabi ko. Pati ako nagulat din sa sinabi ko. Hindi ko akalain na masasabi ko 'yon.

"What did you say?"

"Wala! Ang bingi mo talaga!" Inis kong sabi.

"Hindi, eh! May sinabi ka! Hindi ko lang naintindihan. Ulitin mo," Kahit kalian napaka-bossy niya talaga.

"A-ayoko! Tsk. Diyan ka na nga!" Ayoko ng ulitin. Ang bingi-bingi niya, eh! Nag walk out na lang ako para itago ang hiya sa sarili.

"H-hoy! Denver, wait!" Rinig ko tawag niya sa akin. Hindi ako lumilingon. Bahala siya! Alam ko naman na hahabulin niya ako kasi ayaw niya ng nilalayasan siya.

"Denver! Den— Ahh!"

Huh? Nanlaki mata ko nang makita siyang nakaluhod sa daan. Nadapa siya. Tsk! Weak—

"Maxhene!" Agad akong napatakbo at inilayo siya sa paparating na truck.

Nasalo ko ang ulo niya. Nakadagan siya sa akin. Parehong nanlaki mata namin sa aming posisyon.

Dali-dali kaming tumayo at pinagpag ang sarili. 'Buti na lang at walang gaanong tao kundi magtataka lang sila kung bakit ang bilis naming gumalaw.

"S-salamat." Sabi niya.

"Sa susunod nga mag-iingat ka!" Pagalit kong sabi sa kanya.

"S-sorry," Medyo nagulat ako nang magsorry siya. Epekto ba 'yon nang pagkatumba niya?

"Pasok na ulit tayo. Baka gising na si Ingrid," Sabi ko.

"No. Wait," Pigil niya sa braso ko.

"Hmm?"

"Kanina habang tinitingnan ko si Hansel at Ingrid naramdaman ko 'yong pagmamahalan nila sa isa't-isa." Bakit naman niya 'yon sinasabi sa akin? "Napakasama kong Prinsesa kapag sinira ko ang maganda nilang relasyon." Hindi ako kumikibo. Nakatingin lang ako sa mata niya. "Isa pa, tao si Ingrid. She is destined to be with Hansel."

"Ano'ng ibig mong sabihin?" Napatanong na 'ko dahil talagang curious na ako sa mga lumalabas sa bibig niya. Nakakapanibago.

"I'm letting him go. I'm letting Hansel go if you'll help me," tiningnan niya ako. Hindi ko mabasa ang nais niyang iparating. Nabagok kaya ang ulo ni Maxhene? She's acting weird.

"Help? What kind of help?"

"Help me forget my feelings for him. Please. 'Di ba mahal mo ako? That's Ich liebe dich means, right?" Nanlaki mata ko sa sinabi niya.

"You knew?" Tumango siya.

"Yeah. I've researched about it. No'ng una nagulat ako sa ibig sabihin. Akala ko kasi you're cussing me." Hindi ako makapaniwala sa naririnig. Is this Maxhene? Baka naman hindi 'to ang totoong sweetheart ko?

"Maxhene..."

"Denver, okay lang. Magsisimula ulit tayo. Medyo hindi kasi maganda ang pagkakakilala natin no'ng una, eh."

"So fiancée na talaga kita?" Masaya kong tanong.

"Ano ka sineswerte?" Sabay batok sakin.

"Kung makabatok ka naman! Gano'n ba talaga ang lambing mo sa akin sweetheart?" she just glared at me. Ang ganda niya talaga kapag nagagalit.

"Ligawan mo muna ko! Stupido!"

"Okay. Basta tuloy ang kasal, ah. Liligawan naman kita araw-araw kahit mag-asawa na tayo— Aray! Bakit ka ba nambabatok?"

"Wala lang trip ko!" Tapos umalis siya. Ano'ng nanyare do'n? Makulit talaga!

"Uyy. Sweetheart, wait!" Habulin ko nga 'yon. Baka mamaya maupog 'yon at matauhan ulit.

* * *

Ingrid's POV

"ANO KA ba baka magising,"

"Wait lang. Tinitignan ko lang paa niya. Ang linis grabe!"

Huh? Anong naririnig ko na 'yan? Dahan-dahan kong minulat mata ko.

"Aahhhhh!" Nagulat ako sa nakita ko. Si Maxhene kasama si Denver at pareho nilang tinitignan paa ko. Agad ko itong binawi dahil sa gulat. Ano ba'ng ginagawa nila?!

"Ang OA mo naman Ingrid. You know kasi this is the first time na naging malapit ako sa tao. Parang wala namang pinag-iba ang kutis mo sakin. Kutis diyosa talaga tayo." Tapos humagikhik siya.

Eh? Ano'ng nangyari sa mataray na Maxhene? Tsaka wait— did she just say tao?

"Paano mong nalaman na tao ako?!" Agad kong tanong.

"Duh? Nandito ka kaya sa hospital! Sinugod ka namin ni Hansel dito kasi inatake ka raw ng asthma." Hospital?! Napalinga naman ako sa loob ng kuwarto. Hospital nga!

"Where's Hansel?"

"Nasa nurse station may pinipirmahan. Haay naku, I really can't believe na tao ka!" Ani Maxhene. Napataas naman ako ng kilay. Ano'ng problema kung tao ako. Pero ang mas ikinataas ng kilay ko ng makita kong magkahawak sila ng kamay ni Denver. Alam kong sila pero totoo naman kaya ang relasyon nila?

Nahalat siguro ni Denver na nakatingin ako sa kamay nila kaya ngumiti siya.

"Sinagot ko na si sweetheart. Pinahirapan ko nga ng kaunti, eh," Sabi ni Denver na ikinalaki ng mata ni Maxhene.

"How dare you! Anong pinapalabas mo? That I courted you?!" Natawa lang ako sa dalawa. Ang kulit nila. Hindi ko alam na may ganito pa lang side si Maxhene.

"Sweety naman eh,"

"Umalis ka muna nga. Mag uusap muna kami ni Ingrid," utos nit okay Denver.

"Ayoko,"

"Tsk. Usapang diyosa 'to! Diyosa ka ba?"

"Sabi ko nga lalabas na ako," Napailing akong lumabas si Denver. Ang ingay nilang dalawa.

"So Ingrid. Kumusta ka naman?" Mataray niyang sabi. Bipolar ata 'to si Maxhene, eh. Pabago-bago ng mood.

"Okay lang ako. Still alive," I smiled.

"Good. May gusto lang sana akong sabihin. And take note dahil hindi na 'to mauulit pa!" she hissed.

"Okay," nagtataka kong sabi.

"I want you to take care of Hansel. I am now claiming my defeat. Isusuko ko siya sa isang kondisyon. Don't hurt him, cause if you do babawiin ko siya sa'yo at sisiguraduhin kong hindi mo na siya mababawi pa." pagbabanta niya.

"So natanggap mo na rin na mas maganda talaga ko sa'yo," I said and smirked.

"Only because you're human. Anyway, friends?" She extede her arms to me.

"Friends." Imbes na magkamay kami ay niyakap ko siya.

"I wanted to thank you, Ingrid. Kasi you made me realize na hindi lahat ng gusto ng diyosang katulad ko ay makukuha ko. Just promise me na mamahalin mo ng buong puso si Hansel." Ngumiti ako sa kanya.

"I promise," itinaas ko pa ang kaliwang kamay ko na may dextrose.

"Diyosang promise?"

"Diyosang promise." Nagtawanan kami pareho.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top