Chapter 24 - Dancing in the Rain
Chapter 24
Ingrid's POV
"HANSEL, where are we going?" I asked Hansel. Nasa kotse kasi kami at nagda-drive siya. Hindi naman niya sinabi kung saan kami pupunta.
"Basta,"
"Saan nga kasi? Alam mong mas kukulitin lang kita," Sabi ko pa.
"Hindi na 'yon surprise kapag sinabi ko sa'yo," He said while his eyes fixed in the road.
"Fine!" Umayos ako sa pagkakaupo ko tsaka binaling na lang ang tingin sa daan.
Nakaka-miss magdrive ng car. Kumusta na kaya 'yong kotse ko? Ano kaya kung tumakas ulit kami ni Erina papunta sa mundo namin tapos ako magda-drive.
Sinandal ko muna 'yong ulo ko sa bintana no'ng kotse. Hindi ko kasi alam kung saan ako dadalhin ni Hansel, eh.
Naalimpungatan ako nang may yumugyog sa akin.
"Ingrid, we're here. Gising na," Dinilata ko mata ko at natagpuan ko na naka-park ang kotse sa lilim ng isang malaking kahoy. Inilibot ko ang pangingin ko at nasa isang malawak na rice field kami at sa gilid ng daanan may isang maliit na kubo na napapaligiran ng bulaklak at puno.
"Ang ganda!" I mutter to myself. Umibis ako sa kotse at tinignan ang kalawakan. Grabe lang talaga. Mabuti na lang at pababa na ang araw kaya hindi na kailangan magsuot ng shades ni Hansel.
"Saan ba 'to? Ang ganda naman dito," hindi ko mapigilang hindi humanga.
"Dito sa lugar na 'to nagpropose si Daddy kay Mommy,"
"Talaga? Wow!" Speachless ako sa lugar na 'to. Eh, kasi naman, ang gandang combination ng green rice field and orangey sunset.
"I'm glad na nagustuhan mo," Sabi niyang nakangiti.
"Bakit mo nga pala 'ko dinala dito?" Tanong ko.
"Noon ko pa talaga 'to planong puntahan sana natin and I thought, why not visit it now," sabi niya.
Nilapitan ko 'yong kubo. Napapaligiran siya ng daisies at tulips. Gustong-gusto ko talaga 'yong ganito. Para sa isang katulad ko na lumaking kinagisnan ang mga matataas na buildings ay sobrang ma-appreciate ang ganda ng lugar na 'to.
"Kahit ganitong bahay lang, kung ganito kaganda ang paligid mo okay na ako," Sabi ko sa kanya.
"Let's go inside," Tumango naman ako.
Kinatok niya ng mahina 'yong gilid ng pinto saka nagsarili itong nagbukas.
"Automated ang kubo," Paliwanag niya. Sosyal naman na kubo 'to.
Sobra akong namangha nang makapasok kami sa loob. Maliit siyang tingnan sa labas pero napaka spacious sa loob. Akala ko nga mga kahoy ang kagamitan sa loob pero wala siyang pinagkaiba sa penthouse ni Hansel. Medyo dim lang ang ilaw. May mga vases, paintings, and appliances.
"Not your ordinary kubo, ha," sabi kong natatawa.
"Yeah. Halika, may ipapakita ako sa'yo," Hinila niya ko papunta sa kung saan. Isang maliit na pinto pababa sa kubo. Parang basement. Nang buksan ni Hansel ang ilaw ay isang white spacious room ang tumambad sa amin.
"What's this?" Wala kasing laman ang kuwarto.
"Close your eyes," Sabi niya. Sumunod naman ako at pinikit ang mata.
"Now open it," dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko. Medyo mahina ang pagprocess ng utak ko kaya hindi ko agad napansin kung ano ang nasa harapan ko.
'Yong puting kuwarto ay parang naging isang country club. The sky was clear at may mga naglalaro ng golf. Teka, totoo ba 'to? Pati itong inaapakan namin ay naging grass na.
"It's 5D screen," He said. Namangha naman ako.
"Can I touch it? Napaka modern naman dito,"
"Of course you can. But first we have to play golf," He said. Napangiti naman ako. Golf. My favorite.
"Sige. Sige." Kinuha niya yung mga golf apparatus. Tig-isa kami ng gold club.
"Game?" he said.
"Game." Sabi ko.
Talagang na-aamaze ako kapag pinapalo ko 'yong golf ball. Sabi ni Hansel, hologram daw 'yong ball kaya hindi sa amin babalik ang bola. Automatic din na mag-a-adjust ang room kung saan napunta ang ball mo.
Sobra kaming nag-enjoy sa paglalaro lalo na ako. Hindi lang golf nilaro namin. Sumakay din kami sa golf cart at feel na feel ko talaga ang hangin. Para siyang totoo.
"Are you tired?" Tanong niya nang umupo kami sa bench.
"Nakakatawang isipin na ang dami nating ginawa dito sa four cornered room na 'to." sabi ko sa kanya.
"Ako ang nagpagawa nito noon para sa amin ni Erina. Dito kami madalas nagre-relax kapag na-s-stress kami sa palasyo." Sabi naman niya.
Nahiga siya sa bench at ginawang unan ang legs ko. Pareho kaming nakatingin lang sa kalangitan. May kinuha naman siya sa bulsa niya at isa itong remote. Pinalitan niya ang scenery at nasa isang dapat na kami. Mahina lang ang hampas ng alon at pababa na rin ang araw. Wala akong ibang naririnig kundi ang mahihinang huni ng mga ibon na lumilipad.
"Ang saya-saya ko, Ingrid. At natatakot ako na baka may kapalit itong nararamdaman ko," sabi niya sa akin kaya natingin ako sa kanya.
"Ano ba'ng ibig mong sabihin, Hansel?"
"I just have this phobia about being happy. Paano kung sa sobrang saya ko, may kapalit pala 'yon? Hindi ko kakayanin kung ikaw ang kapalit no'n, Ingrid." Hindi ako nakaimik sa sinabi ni Hansel. Kaya ba napaka seryoso niya noong una ko siyang makilala kasi ayaw niyang maging masaya?
"Hansel, all your life, you restrained yourself to be happy at ito na 'yong kapalit na 'yon. Just enjoy the moment at huwag mo munang isipin ang future kasi kung ano man 'yon, you're not going to fight it alone. Nandito ako para sa'yo," seryoso kong sabi sa kanya.
Bumangon naman siya at lumapit sa akin. Pinagdikit niya ang noo namin at napapikit lang ako.
"I love you, Ingrid. I'm just afraid to lose you." He said. I slowly opened my eyes and stare at him with so much love.
"Hindi ako mawawala sa'yo," I whispered to him. Then he smiled at me.
Hansel told me na sa kubo kami magpapalipas ng gabi dahil sobrang lakas ng ulan at parang may bagyo pa raw. Dahil sa sobrang pagod ay agad akong nakatulog sa kama.
* * *
I woke up when I felt my stomach was grumbling with hunger. Bumangon ako at wala na si Hansel sa tabi ko. Sinuot ko lang 'yong tsinelas ko saka ako lumabas ng kuwarto. I went to the dining room and living room pero wala rin siya.
"Where did he go?" I asked myself. Napatingin ako sa wallclock at alas kwatro ng madaling araw. Saan naman kaya 'yon pupunta sa ganitong oras?
Lumabas ako at halos mayakap ko ang sarili ko dahil sa malakas na ulan at hangin. Hindi pa rin pala hmuhupa ang bagyo. Kinabahan ako nang hindi ko makita ang kotse niya sa may puno kung saan niya 'yon pi-nark kahapon.
Bakit naman niya ako iniwan?!
Sinuong ko ang ulan para libutin ang kubo pero wala talaga 'yong sasakyan o maging si Hansel. Kung aalis siya, sana man lang nag iwan siya ng note.
Pumunta ako sa may malaking puno kahit malakas ang ulan. Pinagti-tripan ba ako ng lalaking 'yon? Well, effective siya kasi naiinis na ako.
Naupo ako sa may swing na yari sa goma at napasimangot. Aawayin ko talaga siya kapag hindi siya bumalik. Balak niya lang ata talaga akong idespatsa kaya niya ako dinala dito tapos—
Hindi ko na natapos ang pagmo-monologue ko nang makita kong may ilaw na tumama papasok sa bakod nitong farm. Agad akong napatayo nang makita kong si Hansel 'yon. Nakahinga ako ng maluwang.
Sa harap siya ng kubo nag park at hindi niya ata napansin na nandito ako sa may puno kaya dere-deretso siya sa loob. Ilang minuto pa ang lumipas ay nakita ko siyang lumabas ng kubo. Takot na takot 'yong expression ng mukha niya.
"Ingrid! Ingrid!" kagaya ng ginawa ko kanina ay inikot niya rin ang buong kubo hanggang sa mapatingin siya rito sa puno kung saan ako nakatayo.
"Ingrid!" tumakbo siya papunta sa akin. He looks so worried and... furious.
"Hansel..." I said almost unaudible. Hindi ko alam na gano'n siya katakot na mawala ako.
"You made me worried sick! Bakit ka ba nandiyan?!" halata sa boses niya ang galit pero alam ko naman na nag-aalala lang siya, eh.
"Nagising kasi ako kanina tapos wala ka na sa tabi ko. Akala ko iniwan mo na ako," paliwanag ko sa kanya.
"I left you sleeping because I bought you foods. Tara na at baka magkasakit ka pa," hinila niya ako pabalik sa kubo pero agad ko siyang pinigilan. Nagtatakang tiningnan niya ako.
"What now?"
"Hansel, can I have a wish?" I said. Nakakunot man ang noo ay tumango siya.
"Ano 'yon?"
"Can I dance with you under the rain?" I said. His creased forehead slowly disappeared.
"Are you sure?" malumanay niyang sabi. Okay, he's not angry anymore.
"Yes." Sagot ko naman.
"But we don't have music,"
"I can sing," nakangiti kong sabi sa kanya.
"Okay, we'll dance." Sabi niya. Kinuha niya ang mga kamay ko at inilagay sa batok niya. Hinapit naman niya ang bewang ko and I can see he's very much amused.
"Huwag mong pagtatawanan ang boses ko, ah?" sabi ko sa kanya.
"Never," he said grinning. Then I started singing.
"I can feel the magic floating in the air,
Being with you gets me that way.
I watch the sunlight dance across your face and I've
Never been this swept away..."
Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko habang kumakanta. Hansel keeps on grinning. Alam kong inaasar niya ako. Nakakainis.
"All my thoughts just seem to settle on the breeze.
When I'm lying wrapped up in your arms,
The whole world just fades away
The only thing I hear
Is the beating of your heart..."
This was always my dream to dance under the rain. Though ang pagkanta sa harap niya ay hindi kasama do'n, still, masaya pa rin ako kasi nagawa namin 'to.
"'Cause I can feel you breathe
It's washing over me
Suddenly I'm melting into you
There's nothing left to prove
Baby all we need is just to be
Caught up in the touch
The slow and steady rush
Baby, isn't that the way that love's supposed to be
I can feel you breathe
Just breathe..."
Mas nilapit niya katawan niya sa akin para mas mayakap niya pa ako. I love staring on his eyes. Napaka-misteryoso at hindi mo alam kung ano ang iniisip niya but if you get to know him, malalaman mong kagaya rin siya ng iba, matapang pero natatakot din.
"In a way I know my heart is waking up
As all the walls come tumbling down
I'm closer than I've ever felt before
And I know
And you know
There's no need for words right now..."
"You have an angelic voice, Ingrid," sabi niya nang matapos ko ang kanta. Nahiya naman ako sa sinabi niya kaya isinubsob ko ang mukha ko sa dibdib niya.
"Huwag mo na akong asarin, Hansel." Sabi ko sa kanya at narinig ko ang tawa niya.
"I'm telling the truth," sabi niya. Nag-angat naman ako ng tingin sa kanya.
"You're just saying that because you don't want to upset me. Alam ko naman na hindi kagandahan ang boses ko," I said pouting pero nagulat ako nang halikan niya ang labi ko.
"I love everything about you at kahit na mas lumalakas ang ulan dahil sa pagkanta mo, mamahalin pa rin kita," he said grinning and I scowled at him.
"I knew it was horrible!" tawa pa rin siya ng tawa at sinamaan ko lang siya ng tingin. Pero hindi nagtagal ay natawa na rin ako.
"It's not. Let's just say that you have the talent to make the rain stronger?"
"Hansel!" I scowled at him and he laugh wholeheartedly. Ang sarap-sarap pakinggan ng mga tawa niya.
"Tara na nga," inakay niya ako papunta sa kubo.
Magkahawak kamay kami nang pumasok sa loob hanggang sa kuwarto. Agad niya akong binigyan ng tuwalya at iniwan niya ako sa kuwarto. May CR pa raw sa kabilang kuwarto at doon na lang siya maliligo.
Paglabas ko ng CR ay may bathrobe ng nakahanda pati 'yong iba kong damit. Wala akong naalala na nagdala ako ng damit? Siguro kinuha niya sa cabinet ko kanina bago kami umalis. Sinuot ko na lang 'yong maluwang na blouse at blue short.
Umupo ako sa tukador at tiningnan ang sarili ko. Maputla at basa ang buhok ko. Kinuha ko ang suklay at dahan-dahang pinadaan 'yon sa mahaba kong buhok.
Pinapatuyo ko ang buhok ko gamit ang blower nang kumatok si Hansel.
"Pasok," Sabi ko. Pinatay ko ang blower at tiningnan siya.
"Hindi tayo makakaalis ngayon. Mas lalong lumakas 'yong bagyo, eh," sabi niya. If I'd know kanina niya pa gustong tumawa. Dapat talaga hindi na lang ako kumanta. Inaasar niya tuloy ako.
"Next time hindi na ako kakanta," sabi ko at natawa na naman siya.
"Nagugutom ka na ba? Inihanda ko na 'yong pagkain sa dining table," pag-iiba niya sa usapan.
"Sige," tumayo ako at sumunod sa kanya.
* * *
Erina's POV
"Princess Erina. Please po lumabas na kayo ng silid niyo," Pakiusap sa akin no'ng isa sa mga taga-pagsilbi namin.
"Ayoko!" Sigaw ko. Kahapon pa ako nagkukulong sa kuwarto at walang kinakausap kahit na sino. Ayokong makita nila kong umiiyak. Umiiyak dahil sa walang kwentang Cris na 'yon!
"Mag-aalala po ang mahal na Reyna kapag nalaman niya 'to!"
"Eh 'di huwag kang magsumbong!" I retorted.
Tumayo ako sa kinauupuan ko at dumungaw sa malaking bintana. Ang lakas kasi ng ulan sa labas at nakakaakit ito. Parang gusto kong maligo sa ulan at umiyak nang umiyak. Kasi kapag umiyak ako sa ilalim ng ulan, may makakita man sa akin hindi nila iisipin na umiiyak ako.
Dumiretso ako sa pintuan ng kuwarto ko at binuksan ito.
"Mabuti naman po at binuksan niyo—"
"Aalis ako, don't tell anyone!" Tinarayan ko 'yong taga-pagsilbi. Nakakarindi na kasi 'yong boses niya.
Patakbo akong lumabas ng palasyo. Pinuntahan ko 'yong puno kung saan kami nag-away ni Cris. Kung saan binitawan niya ang mga katagang hindi ko inakalang sasabihin niya. Katagang dahilan para mawasak ang puso.
"Bakit ka ba nagagalit? At ano naman kung gusto ko siya? Ano ba kita?"
Parang sinasaksak ang puso ko nang sabihin niya 'yon. Kasalanan ko rin, eh. Kasi hindi ako umaamin. Ayoko kasing malaman niya tapos wala naman pala siyang pakialam sa nararamdaman ko.
"Bakit ka ba umiiyak?" Napalingon ako. Si Tom.
"Ha? Sino nagsabi sayong umiiyak ako?" I smile bitterly.
"Huwag ka ngang mag-deny. Si Cris ano?" Nagulat ako sa sinabi niya. How did he know about it? Sinabi ba ni Cris?
"P-paano mo nalaman?"
"Obvious naman, eh. Kilala ko na kayo. Kapatid na ang turing ko sa'yo, pati kay Cris,"
"Mahal niya ang hipon, eh," Sabi ko kaya natawa naman si Tom.
"Huwag kang mag-alala, tutulungan kita kay Cris," Sabi niya dahilan para mamilog ang mga mata ko.
"Paanong tutulungan?" tanong ko. Nagulat na lang ako nang bigla niya kong niyakap ng mahigpit.
"T-Tom..."
"Basta tutulungan kita. Ayokong nakikitang nasasaktan ang little sister ko." Hinagod niya likod ko.
20
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top