Chapter 20 - Bitch Please!

Chapter 20

Ingrid's POV

Ngayon ang araw na kakatagpuin ko si Erina. Sabi niya naghihintay na siya sa labas. Nagdala lang ako ng backpack with emergency kit. Nagsuot lang din ako ng simpleng blouse, maong pants, and chucks. Gusto kong maging kumportable kung saan man balak ni Erina na pumunta.

Palabas na akong elevator nang mabangga ako ng isang mestisang vampirette. I was about to say sorry kahit parang sinadya niya naman ang pagbangga sa akin nang tingnan niya ako ng masama.

"Watch where you're going, bitch!" matalas na sabi nito. Halos napamaang ako sa sinabi niya. Kahit kailan hindi pa ako natawag na bitch.

"What did you just call me?!" I said trying to control my temper.

Imbes na mag sorry siya at mas lalo niya akong tinaasan ng kilay. Aba't porket ang ganda niya ganyan siya makaasta? Siguro kung alam ko lang na isa lamang siyang tao kagaya ko ay kanina ko pa 'to pinatulan. But I need to act cool dahil baka ako ang maging hapunan dito.

Hindi ko na lang siya pinan at iritado akong lumabas ng hotel. Nakita ko si Erina sa loob ng kanyang sasakyan naghihintay sa akin.

"Ang tagal mo naman, Ste." sabi ni Erina nang makasakay ako sa kotse.

"Pasensya na," nasabi ko na lang. Hindi na ako nag-kwento na may maldita akong nakasalubong kanina. Baka mas lalong masira ang araw ko.

"Excited na ako, Ate." She said giggling. Nagsimula siyang mag drive habang nagpe-play ang Bossa nova music.

Malapit na kami sa intersection kung saan pa-exit na kami sa vampire city nang makita ko na naman 'yong biglang kumislap.

"Erina ano 'yon?" Naturo ko pa sa windshield.

"Ah, 'yon? It's an indication na nakalabas na tayo sa amin and welcome to your world. 'Yon ang portal na invisible sa paningin ng mga mortal," Nakangiting paliwanag ni Erina. Napatango ako. Now I know.

"Buksan natin Ate 'yong window?" Erina asked without looking at me.

"Huh? Bakit?"

"Para ma-feel natin ang simoy ng mundo niyo," Masaya niyang pahayag.

"You mean the pollution?" I said with sarcasm pero parang hindi naman niya nahalata.

Ilang oras pa siyang nag drive at nang mapagtanto ko kung saan kami pupunta ay agad akong napangiwi.

"Sa mall? Seryoso ka?" dismayado kong sabi. Akala ko pa naman kung saan. May mall din kaya sa vampire city. Bakit dito pa?

"Grabe, excited na kong mag-shopping. Ako ate pipili ng gown mo." Napalingon naman ako kay Erina. Nandito kami para mag-shopping lang? Aba naman. Tsaka gown para saan?

"Gown? For what?" hindi ko mapigilang hindi magtanong.

"Oo nga pala. Hindi ko pa nasasabi sa'yo. May royal ball kasi bukas. Bibisita kasi ulit 'yong Donagon Clans, this year, sila ang bisita ng kaharian. Every year kasi iba-ibang clan ang guests namin. Alam mo ba ate na ang Royal Ball ang pinaka anticipated na event ng mga Vampires? Nando'n kasi lahat ng mga high class na vampires sa city,"

"Eh, why do I need gown? I'm not even invited. I'm not a vampire,"

"You need to attend. Ah, basta you need to attend," Kahit gusto kong umangal wala na akong magawa kasi hinila na ako ni Erina papasok sa isang boutique.

"Do'n Ate, magaganda ang damit," Hinila na naman niya ako at ako naman ay sumusunod lang sa kanya.

Actually, nakikita ko ang sarili ko ngayon kay Erina. Ganito rin ako no'n. Spoiled sa lahat ng mga bagay lalo na sa shopping. Kahit 'di ko naman kailangan ng bagong damit, bumibili talaga ako. Stress reliever ko ang pamimili at masaya ako kapag marami akong bitbit na paperbags. Since wala naman ako no'ng totoong kaibigan, ito 'yong libangan ko noon every saturday.

Tumingin-tingin pa kami sa ibang boutique hanggang sa makarating kami sa sang specialty shop na para sa mga night gowns.

Agad kaming in-entertain ng mga saleslady nang pumasok kami. We are guided to a VIP section kung saan may maliit na room at puwede ko roon mag fit ng kahit ilang gowns.

Sinabi namin sa sales lady na isang ball ang pupuntahan namin kaya binigay nila sa amin 'yong mga gown na appropriate para sa okasyon na 'yon. May dalawang fitting room dito sa silid at sabay kaming lumalabas ni Erina kapag ipapakita namin 'yong sinukat namin.

Sabay kaming humaharap sa salamin at napansin kong blurred ang reflection ni Erina sa salamin. I wanted to asked her about it but I decided to keep mum.

"Alam ko ang iniisip mo. Why am Iblurred in front of the mirror?" Sabi niya. Napatango lang ako. Bakit ba niya lagi na lang binabasa ang isip ko. "Usually Vampires don't have a reflection in mirror, only shadow in the dark. But since we're not a bad vampire, our blood is somewhat clean. Pero dito lang naman 'yon sa mundo ng tao. Sa vampire city, we have a mirror designed for us," she explained.

"At least may reflection kayo. And you can see how beautiful you are. Not just physically but also in the inside," I honestly said. Maganda talaga si Erina. Lahat naman ng vampires na nakikita ko sa Vampire City ay magaganda talaga.

"Thank you ate,"

Bigla namang pumasok 'yong sales lady dala 'yong ibang mga gowns kaya agad na umalis si Erina si mirror.

Nag-sukat ulit kami ng mga gowns dahil wala naman kaming natipuhan sa mga nauna.

"Ito na talaga, Ate. Ang ganda. Bibilhin ko siya," sabi niyang nakaharap sa salamin. Purple tube dress in medusa cut ang napili niya. It has small sequin on the bust a silk texture. She look so sexy and daring. The dress becomes her.

"Bagay sa'yo, Erina. Puwede siyang ternuhan black fur shawl." Suggest ko sa kanya.

"Talaga? I have one in my closet. Vintage siya kaya hindi ko ginagamit,"

No'ng ako naman nagsukat, pareho naming hindi nagugustuhan lahat ng sinusukat ko. Karamihan kasi sa mga ibinigay sa akin no'ng sales lady ay may ruffles. Nagmumukha akong ewan.

"Try mo kaya 'tong ball gown?" ipinakita ni Erina ang naka-hanger na dress sa sabitan. Tumango ako saka ko ito sinukat. It has a combination of gold and dirty white satin. It has gold sequins on the sleeves which is off shoulder. The skirt was a satin that was covered with a lace. It was heavier that I thought

Paglabas ko ng fitting room ay nakatingin lang sa akin si Erina. Hindi ko tuloy alam kong bagay sa akin o hindi.

"You look like a Queen, Ate." Sabi niya at kita ko ang sincerity sa mukha niya.

"S-salamat," nahihiya kong sabi

"Tingnan natin ang reaction ni Kuya kapag nakita ka niya sa damit na 'yan," sabi niyang nakabungisngis. Natawa naman ako sa sinabi niya. Para tuloy akong excited na.

"We'll buy this two," Inabot ko sa sales lady 'yong parehong napili namin ni Erina.

No'ng nakapagbayad na kami, napatingin ako sa wrist watch ko. It was lunch time at nakakaramdam na rin ako ng gutom.

"Kain kana Ate sa resto. Sasamahan kita," Napangiti lang ako sa kanya kasi alam kong binasa na naman niya 'yong iniisip ko. May advantage rin naman kapag nakakabasa ng isip ang kasama mo kasi hindi mo na kailangan mag-explain.

Pumunta kami sa isang Pizza parlor. This is my all time favorite food at hindi ako magsasawa kung ito ang lagi kong kakainin.

I ordered a family sized pizza and a strawberry smoothie. Okay na ako sa ganito.

"Kaya mo 'yang ubusin, Ate?" Hindi makapaniwalang sabi ni Erina nang dumating ang order ko. Nakakatuwa 'yong panlalaki ng singkit niyang mata. Parang kagaya lang kay Hansel.

"Yup! Walang diet-diet sa taong gutom!"

"Masarap ba?" tanong niya. Feeling ko natatakam na rin si siya sa kinakain ko.

"Oh yes! Wanna try?" Inabot ko sa kanya 'yong isang slice. Laking iling naman niya rito.

"Hindi puwede, Ate," May panghihinayang niyang sabi.

* * *

Hansel's POV

I was taking a bathe when I heard Ingrid's voice outside, "Hansel, aalis na ko. Nasa baba na si Erina. Okay?" Sigaw niya sa labas ng kuwarto ko. Lalabas sana ako at magbibihis para maihatid siya kaso narinig kong nagsarado na 'yong pinto. I cleared my mind at pinilit na hindi mag-alala. I trust my sister. Hindi niya ipapahamak si Ingrid.

Matapo akong maligo, agad akong nagbihis at dumeretso sa living room. Naupo ako sa single couch at kinuha ang librong hindi ko pa natatapos nang makarinig ako ng doorbell. May nakalimutan kaya si Ingrid.

I opened the door expecting Ingrid pero iba ang nakita ko. Halos mapakunot noo ako sa babaeng nasa harapan ko ngayon.

"What are you doing here?!" walang emosyon kong sabi sa kanya.

"Is that how you treat your Princess, my Prince?" She walks through me at pumasok sa loob.

"Puwede ba, Maxhene! Umalis ka rito. Bumalik ka na sa Palasyo," Pinipilit kong maging kalmado sa harap niya.

"Hansel, hindi ka ba masaya na makita ako? Matagal na rin no'ng huli tayong nagkita. And now, we can plan our wedding," Malambing na tono niyang sabi. Halos mapapikit ako sa sinabi niya. Lihim na lang akong nagpapasalamat na wala ngayon si Ingrid dito.

"I'm not going to marry you, Maxhene. Ilang beses ko na ba 'yang sinabi sa'yo?" naiinis kong sabi.

"Damn it, Hansel! Bakit ka ba ganyan sa akin? Ano ba'ng ayaw mo sa akin? Kaya kong baguhin ang sarili ko para sa'yo,"

Maxhene's family is a family friend. She's the current Princess of Donagon Clan in Hampshire, England. Ang mother niya ang dating naka-tira rito sa vampire city kaya noong mga bata pa kami ay madalas siyang magbakasyon dito. She's been very persistent on marrying me. And very vocal about her feelings towards me pero hindi ko talaga siya kayang gustuhin. She's just a friend to me.

"You don't have to change yourself, Maxhene. I don't love you like that,"

"Why? Why can't you love me? As far as I can remember, wala naman akong karibal sa'yo. Wala ka naman ibang mahal," she said but I smirked. Siguro noon 'yon. Not until I met Ingrid.

"I love someone, Maxhene. She's not like us but I'm very proud of her," Napasingot siya sa akin.

"What do you mean she's not like us? Isa bang low-class vampire ang nagugustuhan mo Hansel?!"

"No!"

"Then what? Tell me?!"

"I can't tell you!"

"Why?!"

"Because I don't trust you!"

"Very well. See you at the ball,Prince Hansel," Pagkasabi niya no'n ay bigla na lang siyang naglaho sa hangin. I just hoped na hindi na siya muling pumunta rito. I don't want her to meet Ingrid.

* * *

Ingrid's POV

Nakabalik na kami ni Erina sa Vampire City. Nandoon sa kotse niya 'yong pinamili namin at mamaya niya na lang daw dadalhin sa penthouse kapag wala si Hansel.

I went to Scarlett book store. Dito ako nagpaiwan kay Erina. Bibili kasi ko ng libro about vampires. Kailangan ko kasing malaman ang cultures nila since marami pa kong hindi alam tungkol sa uri nila.

I bought two books at agad ko itong binasa sa may park. Naupo lang ako sa bench. Malakas ang loob kong mag-isa kasi suot ko ang kwintas.

I was scanning the book when I heard someone ranting about her feelings. Lumingon ako at nasa likod lang pala ng bench na inuupuan ko, nakaupo rin siya.

"Miss, okay ka lang?" nag-aalala kong tanong. Lumingon siya sa akin at pareho kaming nagulat sa isa't-isa.

"You!" Sabay pa naming sabi.

Tumayo siya kaya napatayo na rin ako. Maamo ang mukha niya kaso masyadong mataray ang kilay niya. She looks like a goddess. Her hair was naturally brown and straight. Mas nakadagdag sa fierce niyang hitsura ang kanyang bangs.

"Ikaw 'yong sa elevator kanina!" Mataray niyang sabi.

"Pasensya ka na kanina. Hindi kasi kita nakita napansin," Nakangiti kong sabi.

"Whatever! Napaka stupid mo naman para hindi ako makita! Sa ganda kong 'to?" itinuro niya pa sarili niya. Okay, she's pretty but she has attitude issues.

"Sa palagay mo ikaw lang ang maganda? Matangkad ka lang 'no!" inismiran ko siya. Hindi lang siya ang marunong mag-taray 'no.

"Masyado naman atang mataas ang pagtingin mo sa sarili mo," nakataas kilay niyang sabi.

"Because I can. At hindi ako magpapatalo sa isang katulad mo lang!"

"Matapang ka! Let's see kung hanggang saan ang tapang na 'yan!" Tinignan niya ko baba taas kaya napaarko ang kilay ko.

"You sure are rude," I commented.

"I know!" She smiled.

"I'm Ingrid, by the way." I extend my arms to her.

"Maxhene, and I like you,"

I grinned at her widely. They say to win someone's trust is to show who you really are. And I guess being a frank and blunt to this vampirette is not bad after all. She might be very bitchy, but I know magkakasundo kami. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top