Chapter 19 - Pop pop

Chapter 19

Ingrid's POV

"MATAGAL ka pa ba d'yan?" I heard Hansel's voice outside my room. Katatapos ko lang kasing maligo at nagbibihis na ako.

"Yeah. 15 minutes!" Malakas kong sigaw. Sabi kasi ni Hansel mamamasyal kami sa plaza. Huwag daw akong mag-alala kasi tinutugis na ng mga royal guards ang Sanguinarians.

Sinuot ko lang 'yong sleeveless black and white dress ko at doll shoes. Napatingin ako sa tuhod ko. Magaling na 'yong sugat ko.

Paglabas ko ng kuwarto, I saw Hansel standing while crossed arms. Seryoso lang siyang nakatingin sa akin na para bang hindi niya gusto ang suot ko.

"What are you wearing?" He said calmly but I don't like the tone of his voice.

"Dress. Ang cute 'no?" I said para mas lalo siyang inisin. Umikot pa ako para ipakita ang ribbon sa likod ko.

"It's not!" walang kagatol-gatol niyang sabi dahilan para mapasimangot ako.

"Ano'ng problema mo sa damit ko? Maganda naman, ah?," I said trying to hide the irritation on my voice. Nakakapikon siya sa totoo lang. Nagpa-ganda ako para sa kanya tapos hindi man lang niya na-appreciate.

"You're exposing too much skin," sabi niya at hindi ko mapigilang hindi mapataas ng kilay. As if naman kita ang dibdib ko eh braso at legs ko lang naman ang kita which is normal naman sa lahat ng babaeng kilala ko. ang OA lang nito ni Hansel.

"So, magpapalit ulit ako?"

"No. Huwag na. That would be another 15 minutes for you. You girls waste so much time in front of your mirror," napapailing niyang sabi.

I just roll my eyes at him. Ang sungit na naman niya. Akala mo laging may dalaw. Pasalamat siya mahal ko siya. Hindi man lang sweet, naturingan pang boyfriend.

Naglakad lang kami papuntang Plaza. Malapit lang naman kasi. Nararamdaman kong lahat ng mata ay sa amin nakatingin. 'Yong iba ay talagang sinusundan kami ng tingin. Nakakahiya naman 'to. Are they staring kasi Prinsepe nila ang kasama ko?

Pinauna kong naglakad sa akin si Hansel at ako naman ay nakayuko lang. Hindi ata magandang lumabas kaming dalawa na magkasama.

Nasa gitna kami ng park naglalakad nang biglang may sumipol sa akin.

"What the fuck! Who's that?!" Galit na sabi ni Hansel. Napalingon-lingon pa talaga siya at hinahanap 'yong sumipol.

"Hayaan mo na lang Hansel," Mahina kong sabi. Inakay ko siya palayo sa lugar na 'yon para hindi na niya pansinin kung sino mang sumipol.

"'Yan! Kaya ayaw kong magsuot ka ng maikli at labas legs! Hindi lang tao ang may ugaling bastos, Vampire rin!" He said like he was blaming me for being perverted by those ummannered Vampire! Eh, kasalanan ko ba kung bastos sila at hindi marunong rumespeto? At kasalanan ko rin ba kung maganda legs ko?

"Oo na! Sorry na! Magbibihis kasi ako tapos pinigilan mo 'ko!" Inis kong sabi.

"Kung magpapalit ka ng damit another 15 minutes na naman 'yon! Ang tagal mo pa naman magbihis!"

"Siyempre! Kasi pumipili ako ng damit na magiging pleasing sa mata mo! Sorry, ha! Gusto ko kasi maging maganda sa paningin mo! Gusto ko kasi kapag lumabas tayo sa akin lang attensyon mo! Gusto ko ako lang makikita mong maganda! Wala ng iba! Kaya sorry, ah! Sorry!" Sabi ko sabay walk out.

Nakaka-beast mode si Hansel. Kahit pinipilit kong habaan ang pasensya sa kanya, minsan talagang bigla na lang akong sumasabog sa inis. Hindi ko kayang I-predict ang pag-uugali niya.

Medyo malayo na ako habang nakasimangot na naglalakas nang maramdaman kong may yumakap sa beywang ko. I know it was him. Amoy pa lang niya kilala ko. I hissed at him.

"Ano ba! Let go of me!" nagpumislag ako pero mas lalo lang humigpit ang pagyakap niya sa akin.

"Ayoko nga. Baka may kumuha na naman sa'yo. Dito ka lang. Dito lang tayo," he rested his chin on my shoulder and I could feel his cold breathing on my neck. "Hindi mo naman kailangan magdamit ng maganda para magustuhan kita. You're beautiful kaya hindi mo na kailangan mag-effort. Kahit ano pang suot mo, kahit tago pa ang legs, para sa akin ikaw ang pinakamagandang babae sa buong mundo. At sa'yo lang lahat attensyon ko. Hindi mo na siya kailangan hingiin sa akin dahil noon ko pa ito binigay sa'yo,"

I tried to suppressed my smile but I failed. What will I do to this man? I am helplessly falling in love with him, over and over and over again.

"Kainis ka. Bitawan mo na nga ako," Niluwangan niya na ang pagkakayakap niya sa akin at pinaharap ako sa kanya.

"Are you still mad?" nag-aalala niyang tanong.

"I'm not mad. But please lang, Hansel. Kung may sasabihin ka, sabihin mo na lang in a most natural way. Baka mamaya magkasakit ako sa puso sa sobrang kilig ko sa'yo,"

"Kaya mahal na mahal kita eh." Ginulo niya buhok ko na ikinainis ko lalo.

"Hansel! Guluhin mo na ang buhay ko, huwag lang ang buhok ko!" Inayos ko ulit 'yong bangs ko. Narinig ko naman ang malakas niyang tawa.

"Tula ba 'yon? Bakit parang may rhyme?"

"Ewan ko sa'yo. Tara na nga," Hinila ko rin siya kahit hindi ko naman alam kung saan kami pupunta. Tumigil ako at humarap ulit sa kanya. "Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko.

"There," Tinuro niya 'yong gitna ng plaza.

"Eh?" May malaking white board at may nagpe-play na movie roon.

"Gusto ko kasing mag-enjoy din ang kapwa ko vampire kaya nagpalagay ako ng projector. Everynight may movie na ipa-palabas. Pero siyempre ipapalabas lang namin ay 'yong mga movie na kilala namin ang artista,"

"What do you mean?"

"May mga artista rin kasi sa mundo ng tao na mga vampire. Lalo na sa Hollywood, marami roon," nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Is he serious? Sabagay, kung totoo nga sila, bakit hindi sa mga artista 'di ba?

"Ano ba ang palabas?" Tanong ko habang naglalakad kami papunta sa gitna ng plaza.

"Di ko alam, eh. Basta ang genre ngayon is action," Napatango lang ako.

Umupo kami sa carpeted grass. Sabi ko nga dapat hindi na ako nag dress.

"Sorry walang pagkain. Hindi ba 'yon 'yong ginagawa niyong mga tao? Kumakain ng pop-pop habang nanunuod ng movie?"

"Pfffft, anong pop-pop?" Natatawa ako kaso baka supladuhan na naman ako ni Hansel kaya pinipigilan ko.

"'Di ba 'yon 'yong kinakain na color white? Nabasa ko 'yon sa libro, eh," Tinigna ko muna mukha niya. Sobrang seryoso talaga.

"Pfft," hindi ko na napigilan sarili ko at napahagalpak na lang ako sa tawa.

Nakita kong napakunot siya ng noo kaya mas lalo pa akong natawa. Hawak-hawak ko na ang tiyan ko sa kakatawa. Pop-pop! Hahaha.

"Stop laughing! Walang nakakatawa!" singhal niya.

"Yes, there is! Hahaha. You mean to say Pop corn. Not Pop-pop,"

"Stop it! It's not even funny!" Kita kong inis na siya.

"Hahaha. Sorry. Hahaha. Can't help it. Hahaha. Pop-pop! Hahaha!"

"Tumigil ka sabi, eh!" I heard him growl kaya tumigil na ko sa kakatawa. Kahit mahirap pigilan ang tawa kahit tawang-tawa ka na talaga.

"Basta Hansel, it's not Pop-pop. It's Pop Corn," Sabi kong tinuturuan siya.

"Eh, malay ko ba sa kung ano'ng tawag do'n!"

Napatingin kami sa unahan ng magsimula na ang palabas. Ang saya pala kapag ganito.

"Where's Erina?" I asked.

"Nasa unahan," sabi niya. Napangiti lang ako. Lagi talagang bida sa kahit na anong bagay ang vampirette na 'yon.

Habang nagpe-play ang movie ay marami namang katanungan ang pumapasok sa isipan ko. Ang dami kong tanong tungkol sa uri nila.

"Hansel, I have a question,"

"Shoot,"

"May ibang vampire city din ba sa ibang bansa? Or dito lang?"

"Hindi lahat ng bansa ay may vampire's lair. But to answer your question, yeah, may mga vampire city din sa ibang bansa. At kagaya rito, they are ruled by Kings and Queens,"

"What happened if you eat human's food?"

"We don't have problem eating your food. Hindi lang akma sa taste palet namin at mas tumataas ang craving namin sa blood,"

"Parang ang saya maging vampire, 'no?"

"Hindi masayang maging vampire, Ingrid. Nakakapagod mabuhay ng matagal. Lalo na kung wala kang dahilan para mabuhay. Pero nagbago na 'yon simula no'ng makilala kita. 'Gaya ngayon, I have all the reason to live, as long as you're with me." Napangiti lang ako sa kanya. Tama rin naman siya. Nakakapagod sigurong mabuhay ng matagal.

* * *

After ng film showing ay nilapitan kami ni Erina at nagtaka pa ako kasi gusto niya raw akong makausap nang masinsinan. Kinabahan tuloy ako bigla. Hinila niya pa ako palayo kay Hansel.

"Ano ba'ng sasabihin mo, Erina?" kabado kong sabi.

"Ate, takas tayo?" sabi niya. Tiningnan ko lang siyang nagtataka

"Anong takas? Bakit?"

"Gusto ko sanang lumabas ng portal. Sige na, Ate, please?" she pleaded with matching puppy eyes. Bakit ba ang hilig niya magpa-cute kapag may hinihiling siya?

"Bakit kailangan tumakas? Hindi ba puwedeng magpaalam kay Hansel?" I said.

"Di 'yon papayag 'no! Alam mo naman na over protective siya ngayon sa'yo dahil sa kidnapping incident,"

"Magagalit siya," pagdadahilan ko.

"Eh, ano naman— wait nga. Kayo na ba?" She gave me this suspicious loos at nang hindi ako makasagot ay bigla na lang nanlaki ang mga mata niya. "Oh, gee! Kayo na nga!" she said shrieking.

"Huwag ka ngang maingay. Oo, kami na nga," ramdam ko ang pamumula sa pisngi ko.

"We need to celebrate. Kaya kailangan nating tumuloy, game?"

"Okay, okay. Para matigil ka na. Pero hindi tayo magtatagal do'n," sabi ko. Para naman siyang bata na tumalon-talon pa talaga.

"Excited na 'ko. Umaga tayo pumunta, ah. Magsusuot na lang ako ng shades at jacket para hindi ako mahalata,"

"Saan mo ba balak pumunta?" tanong ko pero hindi na niya sinagot dahil biglang lumapit sa amin si Hansel. Sana lang hindi siya masyadong magtanong.

"Basta ate, punta ka sa kuwarto ko bukas at mag-girl bonding tayo," bigla na lang niyang sinabi. She secretly winked at me.

"Girl bonding?" tanong ni Hansel.

"Kuya, ipapagpaalam ko sa'yo si Ate Ingrid bukas ng umaga, ha. Magbo-bonding kami. Girls only! Okay?"

"Alright, just take good care of her. No monkey business," sabi niya. I really have a bad feeling about this. Lagot talaga kapag nahuli kami ni Hansel na lumabas ng portal.

"Oo naman, Kuya. She's very much safe with me," she grinned playfully. Tumingin naman siya sa akin with a knowing smile.

No'ng mga alas singko na ng umaga at pataas na ang araw, lahat ng bampira nagsi-uwian na sa kanya-kanyang bahay. Kami naman ni Hansel ay umakyat na sa penthouse. Sabi kasi sa akin ni Erina susunduin niya 'kong mga alas nuwebe ng umaga.

Sabi nga ni Hansel mabuti raw na makapag-bonding kami ni Erina kasi hindi raw niya 'ko masyadong maasikaso kasi may gagawin siya. Bibisita raw ang isang Clan sa palasyo nila kaya kailangan nilang maghanda.

Third Person's POV

"Welcome back, Princess Maxhene!" bati ng royal butler na ipinagmameho siya papasok sa Vampire City. Umibis siya sa limousine at nilanghap ang simoy ng paligid.

"Thank you. Ang daming nagbago dito, ah. Anyway, where's my Prince?" Mataray nitong tanong.

"Nasa penthouse niya po, Princess Maxhene. But I suggest na saka mo na siya puntahan kasi—"

"Who are you?!"

"Just your butler Princess," Nagbow pa ang ito.

"Yeah, exactly. Just my butler, so don't tell me what to do! Capisci?!" Galit na sininghalan ng Prinsesa ang kawawang butler.

"Y-ye...yes your highness,"

"Good! Now where's Hansel again?"

>|

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top