Chapter 18 - I love you
Chapter 18
Ingrid's POV
"TALAGA? Gising na siya?" Halos ang lawak ng ngiti ko nang marinig ko ang magandang balita ni Erina.
"Oo ate. But there's just one problem," Bigla na lang naglaho ang mga ngiti sa labi ko. May kakaibang kabang tumubo sa dibdib ko.
"A-ano 'yon?" nag-aalangan kong tanong. Hindi ko alam kung gusto ko bang malaman ang sasabihin ni Erina, but I'll take my chances.
"Hindi ka maalala ni Kuya. Naaalala niya kami expect you," Malungkot niyang sabi. Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Bakit parang ang unfair naman? Naaalala niya lahat maliban sa akin? May selective amnesia siya?!
Lumingon ako sa likod ko para tingnan ang reaksyon ng mga magulang nila pero wala na 'to sa likod ko.
"Pupuntahan ko siya. Where's Hansel?" I said and Erina just nodded.
Giniya niya ako sa north wing ng palasyo kung saan ang Infirmary. Nadaanan namin 'yong library, pati na rin 'yong portrait room. Kung hindi na niya ko naaalala, ibig sabihin nakalimutan na rin niya 'yong mga magagandang alaala namin sa mga silid na 'yon.
Ang bigat-bigat sa pakiramdam. Gusto kong umiyak pero hindi naman 'yon makakatulong. Hindi naman maibabalik ng mga luha ko ang alala niya sa akin. Kung nakalimutan na talaga niya ko, siguro babalik na lang ako sa amin and live my old life. Tutal napatawad na naman ako ni Daddy.
Habang papalapit kami sa kwartong kinalalagyan ni Hansel ay siya namang lakas ng kabog ng dibdib ko. Excited akong makita siya. Miss na miss na miss ko na siya. The only problem is that he doesn't remember me anymore.
Pagbukas ni Erina ng pinto ay nakita kong nakahiga si Hansel. His eyes are close and it seems that he's resting.
Si Tom at Cris ay nasa kabilang bahagi ng kuwarto at naglalaro ng Game of the Generals. Gusto kong tumakbo at salubungin si Hansel ng yakap pero hindi na maari kaya pinigilan ko ang sarili ko. Baka nagpapahinga siya kaya pinikit niya ulit mga mata niya.
Dahan-dahan akong lumapit hanggang sa makita ko ang gwapo niyang mukha. Hinawakan ko ang noo niya at hindi ko mapigilang hindi mapaluha.
"H-hindi mo na ba talaga ko naalala?" Halos anas ko lang na sambit. Agad kong pinapalis ang mga luhang lumalabas sa mga mata ko.
"Ang daya mo naman Hansel, eh! Marami pa nga akong hindi nasasabi sa'yo tapos heto ka kinalimutan na ako!"
Narinig kong nagtatawanan sina Cris at Tom pati na rin si Erina. Mukhang nag-e-enjoy talaga sila sa paglalaro ng board games. Mabuti pa sila may dahilan para magsaya. Samantalang ako parang nagluluksa. Hindi naman ako namatayan. Pero parang gano'n na rin ang ginawa sa akin ni Hansel. He forget about me!
"Dapat pala hindi mo na lang ako niligtas. Dapat hinayaan mo na lang ako kay Drake. Magpapakasal kami alam mo ba 'yon? Kahit hindi ko siya mahal papakasalan ko siya para hindi ka saktan ni Devant," Lahat ng sama ng loob ko nilalabas ko. Wala na akong pakialam kung naririnig niya. Tutal hindi na naman niya naalala diba?
Hihintayin ko na lang na magising siya tapos babalik na ako sa amin. Napatawad na ako ni Daddy kaya tatanggapin na nila ako.
Hinawakan ko kamay niya at pinisil pisil 'yon.
"Pero bago ako umalis may gusto lang akong sabihin sa'yo na importante. Ito 'yong isang bagay na baka pagsisihan ko kapag hindi ko pa nasabi sa'yo. Para atleast kahit hindi mo na ko naaalala, wala akong pagsisisi na mararamdaman,"
"Madaya ka Tom!" Malakas na bulalas ni Erina at sabay pa silang tumawa ng malakas ni Cris. Nilingon ko ang tatlo. Kainis! Hindii man lang sila makiramdam na may nagda-drama rito! Buti sila at naalala nitong sungit na Hansel na 'to!
"Hansel, no'ng mga panahon na tinatawag mo kong retarded, alam mo bang crush na kita no'n? Mahirap aminin pero oo. At nakakapagtaka nga kasi kahit gano'n trato mo sa akin noon, I still find you attractive and handsome," Tinitigan ko naman ang mukha niya. Napaka-amo pala niya kapag tulog?
"Hindi ko rin alam kung kailan nagsimula itong nararamdaman ko. But all I know is, I fell in love with you. You made me realize that love is a sacrifice. I'm even willing to marry Drake just to keep you safe. Gano'n kita kamahal, Hansel. Mahal na mahal," Napabuntong hininga ako. Bakit ko ba 'to sinasabi sa lalaking walang malay at walang alaala tungkol sa akin?
Wala na akong luhang iiiyak pa. Lahat ng lungkot na nararamdaman ko ay nakabaon na sa dibdib ko na dadalhin ko bahang-buhay. Dahan-dahan kong dinampi ang labi ko sa noo niya saka sinabi ang mga katagang noon ko pa gustong sabihin.
"I love you, Hansel," I whispered. Tumayo ako saka ako tumalikod. Hindi naman ako pinansin ng tatlo.
Pipihitin ko na sana ang seradura ng pinto nang biglang narinig ko ang boses na matagal kong kinasabikan.
"Aalis kang wala man lang I love you, too galing sa akin?"
Agad akong napalingon. Nakatayo siya at halos isang metro lang ang layo niya sa akin pero ang lakas ng kabog ng dibdib ko.
"Hansel, a-ano ba'ng pinagsasabi mo?"
"I love you more, Ingrid. Mahal din kita," Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
"Naalala mo na ko?" Hindi ko makapaniwalang tanong.
"Ha?" Napakunot noo niyang sabi at parang hindi niya alam kung ano'ng ibig kong sabihin.
"Sabi ni Erina—" Hindi ko na tinapos sasabihin ko dahil ang bilis na nag sink-in sa utak ko kung anong nangyari. "Ugh! Erina! Hindi totoong nakalimutan niya 'ko?!"
"Idea kasi ni Cris, eh. Peace, Ate," she said pouting.
"Ano na naman ba'ng mga kalokohan ang sinabi niyo kay Ingrid?" Hansel looks irritated. Napangiti na lang ako. Bakit ako maiinis? Hindi naman totoo, eh.
"Pasensya na, Bro. Ginawa lang namin 'yon para mapaamin si Ingrid. Effective naman 'di ba?" Kinindatan naman ako ni Cris at hindi 'yon nakaligtas kay Hansel.
"Hey, you filthy Vampire! Don't you dare wink at my girl!" naramdaman ko na lang na hinapit niya ang bewan ko palapit sa kanya.
"Possesive much, Kuya?" Nang-aasar na sabi ni Erina pero sinamaan lang siya ng tingin ni Hansel.
"Give us a moment, please? Alone," he ordered kaya agad namang lumabas ang tatlo pero bago 'yon ay nang-asar muna sila kaya isang nakaka-matay na death glare ang binigay niya sa tatlo. Napailing na lang ako sa kanila.
"Akala ko talaga nakalimutan mo na 'ko," I said. He beamed at me as he cupped both of my cheeks.
"Hindi ko magagawa ang kalimutan ka. Mahal na mahal kita para gawin ko 'yon," He said and I felt fireworks around me. Ganito pala 'yong feeling na in love? Para kang henehele papuntang langit.
"Hansel, kinikilig ako," I whispered and giggled.
"Silly girl," he chuckled and pinched my nose.
"I love you, Hansel," sabi ko at deretsong nakatingin sa mga mata niya.
"I love you more, Ingrid," He closed the gap between our lips and sealed our I love youse with a kiss. It felt brand new. Pakiramdam ko ay nabuo ang isang gitak sa puso ko.
* * *
Ilang araw na ang nakalipas simula nang lumabas si Hansel si Infirmary. Dito pa rin ako sa penthouse niya nakatira.
Nakahiga na ako sa kama at hinihintay ko na lang na antukin ako nang makarinig ako ng mahinang katok.
"Ingrid, gising ka pa?" It was Hansel kaya agad kong akong bumangon at binuksan ko ang pinto.
"Hansel, may kailangan ka?" I asked when I opened the door.
"Puwede ba kong pumasok?" Parang nahihiya niyang tanong. Agad ko namang niluwangan ang pagbukas at pinapasok siya.
Dumeretso siya papunta sa kama ko at naupo sa gilid ng paanan. Nasa likod naman ang dalawa kong kamay at pinalalaruan ang mga daliri. The last time he was here, we did something... Uhh. Well, never mind.
"M-may itatanong lang sana ko sa'yo, Ingrid," Napatingin ako sa kanya. Ako lang ba ang nakakaramdam ng awkwardness?
"Ano 'yon?" Kabado kong tanong.
"Kasi ano, eh..."
"Yes?"
"Puwede bang— kasi ano, eh,"
"Ano ba 'yon?" naiinip kong sabi. Bakit ba siya nauutal? May sinabi siya pero halos parang sarili niya lang ang nakakarinig.
"Ha?"
Then he said things that are unaudible.
"Ano?!"
"Sabi ko pwedebakitangmaginggirlfriend?" Kung gaano kahina ang boses niya, gano'n din kabilis ang pagsalita niya. Ano ba'ng problema ni Hansel?
"Pakiulit nga?" I said, this time patiently.
"Hindi na! Hindi ko na uulitin! Retarded ka talaga kahit kailan!" Tinalikuran niya ako at parang galit.
Ano raw? Ako ang retarded?! Aba't!
"Hoy, Hansel! Saan ka pupunta? Ano ba kasi 'yong sasabihin mo?!" Sigaw ko kahit wala na siya sa kuwarto. Lumabas ako at nadatnan ko siya sa living room.
"Uy! Ano ba 'yon? Puwede mo naman sigurong ulitin 'di ba?"
"Ewan ko sa'yo! Retarded na nga bingi pa," sabi niya dahilan para mapasimangot ako. Bakit ba siya nagkaka-ganyan?
"Kung ayaw mong sabihin eh, 'di 'wag! Tatawagin mo pa 'kong kung ano-anu!" Padabog akong umalis sa living room saka pumasok sa kuwarto.
Nakakainis siya. Naapektuhan ba no'ng silver nails 'yong ugali niya? O baka naman ayaw na niya agad sa akin kaya balik siya sa dating pakikitungo sa akin?
Nahiga na lang ako at pinikit mata ko. Baka trip niyang ibalik ang dati niyang ugali?
Sabi ko pwedebakitangmaginggirlfriend?
Paulit-ulit kong inaalala 'yong sinabi niya. Pakiramdam ko tuloy hindi ako dadalawin ng antok kaka-isip sa mga sinabi niya. Para ba akong nagde-decipher ng napaka-hirap ng code.
I grunt hopelessly then a like a bulb tinged on my head. 'Yon ba ang ibig niyang sabihin? Kaya ba siya parang nabubulol kasi hindi niya masabi at nahihiya siya? Hindi ko mapigilang hindi mapangiti.
Hay naku, Hansel. You act cool but in reality, isa ka ring torpe.
Bumangon ako at lumabas muli sa kuwarto. Nakita ko siya sa harap ng TV pacing back and forth.
"Hansel!" tawag ko sa kanya. Nakakunot siyang lumingon sa akin. "Gets ko na!" Sabi kong nakangiti.
"Huh?"
"Retarted na nga bingi pa!" Sabi ko sa kanya na mas lalong ikinakunot ng noo niya.
"Ano'ng sabi mo?!"
"I can be your girlfriend," nakangiti kong sabi na ikinalaki ng singkit niyang mata.
"What did you just say?" Halata sa mukha niyang hindi makapaniwala.
"You're the one I should be calling retarded. I said I can be your—" I was cut of when he abruptly hugged me tightly.
Dahan-dahan niya akong binitawan at iniharap sa kanya. He stare at me intently as his hands brushed on my cheeks. Unti-unti niyang inilapit ang mukha niya sa akin hanggang sa maramdaman kong dumampi ang malamig niyang labi sa akin.
Being kissed by him always felt like this. My heart is thumping eratically like it wanted to get out on my rib cage.
Habol ko ang hininga ko nang putulin niya ang paghalik sa akin. Tiningnan niya ako na puno ng pagmamahal. God, his love overwhelms me.
Pinagdikit niya ang noo namin at pareho kaming napangiti. Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko.
"Mahal na mahal kita, Ingrid. Wala akong ipapangako sa'yo, pero makaka-sigurado ka na ikaw lang ang babaeng mamahalin ko,"
"Mahal na mahal din kita," I said and hugged him.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top