Chapter 17 - His strength is his weakness
Chapter 17
Third Person POV
"PAPUNTA na ang inutusan ko, Master, para magpadala ng mensahe sa prinsipe," sabi ng kanang kamay ni Devant.
"Mabuti. Siguraduhin mo lang na makakarating 'yon sa Prinsipe kundi ikaw ang malilintikan sa akin." Pananakot ni Devant pero 'di naman natinag ang isa dahil marahil sa sanay na ito sa huli.
"Nakakasiguro po akong makakarating 'yon kay Prinsipe Hansel." paninigurado ng isa.
"Puwede ka ng umalis." agad namang umalis ang isa.
Naupo si Devant sa kanyang cathedra at ngumisi. Tiyak niyang ang kahinaan ng Prinsipe ay ang mortal kaya gagamitin niya ito para mawala sa landas niya ito. Naisip niya na kapag wala na ang Prinsipe, magkakagulo sa kanilang palasyo at doon na niya matatalo si Vladimir.
"Magkikita rin tayo sa wakas, Veruca, mahal ko. Mababawi na kita kay Vladimir." Puno ng hinagpis na sambit ni Devant.
Si Veruca na Reyna ng Vampire City ay dating matalik na kaibigan ni Devant sa Italy. Nang mamasyal sila sa Pilipinas, nakilala nito si Vladimir na kasalukuyang isang Prinsipe pa lamang noon. Nahulog ang loob ng dalagang bampira na siyang ikinaselos ni Devant.
Nang magtapat si Devant sa pagmamahal niya kay Veruca, sinabi ng huli na kaibigan lang ang tingin niya rito at mahal niya si Vladimir. Doon nagsimula ang hinanakit at galit ni Devant. Nakipagsanib puwersa siya sa dating pinuno ng Sanguinarians at hindi naglaon ay ipinasa sa kanya ang pagiging pinuno ng Sanguinarians.
Sa kasagsagan ng kanyang pamumuno, nakilala niya ang isang babae, ang Ina ni Drake. Wala itong gusto sa kanya pero pinilit niya ito dahil sa kagustuhang magkaroon ng anak. Nang mamatay ito dahil sa panganganak, bumalik ang nararamdaman niya sa Reyna.
Hanggang ngayon ay may pagtingin pa rin siya sa dating matalik na kaibigan. Iyon din ang dahilan kung bakit labis-labis ang pagkamuhi niya sa pamilya Kang.
* * *
Sa palasyo...
NAKUMOS ni Hansel ang papel nang mabasa niya ang sulat na natanggap.
'Pumunta ka sa South Barn kung gusto mo pang makita ang mortal. Huwag kang mag-sasama nang kahit na sino.'
His eyes shifted from brown to red and he can feel his anger bursting inside him. He wanted to kill the Drians. At hindi niya mapapatawad ang mga Sanguinarian kung may mangyayaring masama kay Ingrid.
Inagaw naman ni Erina ang papel na kumos ni Hansel at binasa niya 'to. Agad na napakunot-noo ang prinsesa nang mabasa niya ang sulat.
"Hindi ka pupuntang mag-isa, Kuya! Hindi mo alam kung ano ang pina-plano ng mga Sanguinarians. Mas mabuti siguro kung humingi na tayo ng tulong kina Daddy," nag-aalalang sambit ng kanyang kapatid na babae.
"Minsan ko nang natalo si Devant. Bakit hindi ko siya magagawa uli? I will save Ingrid without the help of Daddy!"
"Pero Kuya—"
"I can handle it, Erina!" he snapped at her kaya natahimik lamang ito.
"Fine. Hindi kami sasama sa'yo." Nasabi na lamang nito kahit labag ito sa kagustuhan niya.
* * *
Ingrid's POV
NANDITO ako sa kuwarto at naghihintay na may pumasok. Naalala ko iyong kagabi. Masaya akong nakipag-kuwentuhan kay Drake animo'y wala siyang atraso sa akin. Pero agad ko rin naman itong pinagsisihan kaya habang nag-uusap kami ay bigla ko siyang tinulak at tumakbo pabalik sa kuwarto.
Oo, dapat tumakbo ako palabas ng palasyo para makatakas na pero hindi rin naman iyon mangyayari dahil puno ng bantay sa entrance.
"Miss Ingrid, sumama po kayo sa akin," Sabi ng guwardiya.
Wala akong magagawa kundi ang sumunod. Giniya niya ako papunta sa silid ng Master nila. Nakita ko si Devant na nakaupo sa trono nito. Iniwan ako ng guwardiya sa harap nito.
"What do you want from me?" I said coldly.
"I have good news for you, my dear Ingrid." He put his finger on his chin. Hindi ako umimik.
"Your dear Prince is coming to rescue you. Damsel in distress, eh?"
Bigla akong napatingin sa kanya dahil sa sinabi niya.
"You promised me you won't hurt him! Papakasalan ko naman ang anak mo, 'di ba?!" galit kong sabi.
I can't believe him! I know he's a monster and I thought that maybe kahit kaunti ay tutuparin niya ang pinag-usapan namin.
"Did I? Oh, sorry. You're talking to a monster who can't keep his promise!"
I saw him grinned! Lumapit siya sa akin.
"How dare you! You're really are a monster!"
Pinagpapalo ko siya gamit kamay ko pero hindi siya natitinag. Instead, he wrapped his hands around my neck.
"Huwag na huwag mo akong gagalitin, Ingrid. A monster like me can't hold a temper and I might drink your blood in an instant!" he growled at my face while I am choking to death.
Pabalibag niya akong binitawan. Ang sakit ng leeg ko. Parang nag-mark ang kamay niya sa leeg ko!
"Hindi kita papatayin dahil mahal ka ng anak ko. Pero kapag napuno ako sa'yo, hindi ako magdadalawang isip na patayin ka!"
Hindi ako makakibo dahil sa sakit ng lalamunan ko.
Shit! I want kill you if I get the chance!
Lumabas siya ng silid at naiwan lang ako doon na nakaupo sa sahig. Ano kayang binabalak niya?
Hansel, please be careful. You don't have to save me. Knowing you are safe is more important to me.
* * *
Hansel's POV
Tahimik kong pinagmasdan ang buong barn habang nasa taas ng puno. May mga Sanguinarians sa labas nito at nagbabantay.
"Sino ka?!" they are ready to attack nang makita nila 'kong bigla na lang na sumulpot sa harap nila.
"Prince Hansel." I answered calmly.
Nagtinginan sila at saka tumango. Pumasok ako at nakita kong madaming Sanguinarians sa loob. They've been expecting me.
"Nasaan ang pinuno niyo?!" I said.
Hindi sila umimik. Bigla na lang na bumukas ang pinto sa kabilang dulo and my eyes abruptly shift into red one.
Una kong nakita si Devant na lumabas sunod at si Drake. May isa pang Sanguinarian na kasunod nila at hawak-hawak nito si Ingrid. I felt my fangs gritting with anger. I swear I will rip out their hearts!
"Hansel!" She called out to me.
She looks so pale and she has bruises on her lips. I tried to calm my anger dahil sa ginawa nila sa kanya.
"You're on time, Prince Hansel." Devant said with an evil grin.
"Let her go!" I commanded but he just smirked at me.
The last thing I want to happen is to let Ingrid see what I'm going to do with these low-life creatures. I don't want her to see me killing them. Marami na siyang pinagdaanan at ayaw ko siyang mas lalong ma-trauma.
"She's not going anywhere because she will marry my son," sabi nito. Pakiramdam ko sasabog na ako sa galit.
"I don't believe you!" I growl.
"Tell him, Ingrid. Tell him you're going to marry my son."
He said while looking at Ingrid. Napatingin ako sa kanya at sinalubong niya ang mga titig ko. Naghintay ako ng sagot niya.
"I-I'm sorry, Hansel. But I'm going to m-marry Drake." Sabi niya at nag-iba ng tingin. Parang may biglang tumambol sa dibdib ko.
"That's not true," pinilit kong huwag maniwala at huwag magpa-apekto. Marahil ay pinipilit nila si Ingrid na sabihin 'yon para sakantan ako. Alam nilang siya ang kahinaan ko.
"P-pakakasalan ko si Drake." Pag-uulit niya at napapikit ako nang mariin.
"You're lying! I know you are! Come on, Ingrid! Bawiin mo ang sinabi mo!" Hindi pa rin siya tumitingin at mas lalo niyang iniyuko ang ulo niya.
"Look at me and tell me you're lying!" I shout.
Nakita kong may umalpas na luha sa mga mata niya. I knew it. They're forcing her to lie to get on me. Pero hindi ko sila hahayaan na manalo.
She may be my weakness. But she's my strength as well.
Don't worry, Ingrid. That's why I'm here, to fight for us.Babawiin kita sa kanila.
Nakita kong nagbigay ng signal si Devant sa mga kasama niya at bigla na lang nila akong inatake.
* * *
Ingrid's POV
NASASAKTAN ako habang nagsisinungaling kay Hansel. Ayaw ko siyang saktan pero natatakot ako sa gagawin ni Devant kapag hindi ko siya sinunod. Lihim na lang akong nagdadasal na sana ay pagkatiwalaan ako ni Hansel na hindi 'yon totoo.
Alam kong gagawin niya ang lahat para mabawi ako at hindi niya ako hahayaan na maikasal kay Drake.
Nagulat na lang ako nang utusan ni Devant ang mga taga-sunod niya na sugurin si Hansel. Nakita ko na lang na pinaligiran nila si Hansel at may dala silang iba't-ibang patalim
Mas lalong dumoble ang kaba ko nang makita kong walang armas si Hansel. Kaya niya bang talunin ang mga 'yan.
May mga Sanguinarian na sinasaksak nila sa mga kasamahan nila ang patalim na hawak nila at doon ko na-realize na ginagamit ni Hansel ang kanyang ability para makapag control ng isip.
I was in awe while watching him fight when I felt a hand on my arms. It was Drake at pinipilit niya akong lumabas ng barn.
"Let go of me, Drake! Hansel needs me!" Pinipilit kong tanggalin ang braso ko sa kamay niya pero mas lalo lang niya 'tong hinihigpitan.
"Mapapahamak ka diyan, Ingrid. Tayo nang lumayo!"
"No! Hindi ko iiwan si Hansel."
Ginamit ko ang buong lakas ko at para makawala sa pagkakahawak niya. Tumakbo ako palapit kay Hansel pero hinarangan naman ako ng isang guwardiya.
"Padaanin mo ko!" Sigaw ko.
Nakikita kong nakikipaglaban si Hansel at may hawak na siyang espada na nakuha niya sa Sanguinarian. Sinipa ko ang guwardiya pero hindi siya nasaktan. Tinulak ko siya at saka ako tumakbo palapit kay Hansel.
"Hansel!" Tawag ko sa kanya kaya napalingon siya.
"Huwag kang lalapit, Ingrid!" he said while still fighting.
Kahit ayaw ko siyang sundin ay sumunod na lang ako. Gumilid ako at lumayo sa mga Sanguinarian.
"Ate Ingrid!" Napalingon naman ako sa tumawag sa akin.
"Erina!" Patakbo akong lumapit sa kanila.
Kasama niya sina Cris at Tom. Tinulungan ng dalawa si Hansel sa pakikipaglaban.
"Ayos ka lang ba, Ate Inrid?" puno ng pag-aalala na tanong ni Erina.
"Okay lang ako," sabi ko sa kanya.
Bigla na lang na lumitaw si Devant sa harap namin at nakangisi ito.
"Nandito pala ang mahal na Prinsesa."
"Huwag kang lalapit sa amin!" sigaw ko.
"Don't worry, Ate Ingrid. Ako na ang bahala dito."
Alam kong maloko at makulit si Erina pero ibang-iba pala ang personality niya kapag nakikipaglaban. Sobrang seryoso niya at parang hindi ko na siya makilala. Mas lalo akong humanga sa kanya nang makita ko kung paano niya i-repel ang mga patalim ba ibinabato sa kanya ni Devant. Hindi ko pa talaga lubos kilala sina Hansel at Erina.
Hinanap ng mga mata ko si Hansel at nakita kong si Drake na ang kalaban niya. Pareho silang may hawak na espada at ang sama ng tingin nila sa isa't-isa. Ang bilis ng mga galaw nila at halos hindi makahabol ang mga mata ko.
Hindi ko alam kung ano ang strength ni Drake pero nararamdaman kong kasing lakas niya si Hansel. Ramdam na ramdam ko ang galit ni Hansel kay Drake. Napatumba ni Hansel si Drake pero agad itong laglahong parang bula.
Nakatingin lang ako sa kanya hanggang sa matagpuan niya ang mga titig ko. Gusto kong tumakbo at yakapin siya at sabihing miss na miss ko na siya pero halos mamilog ang mga mata ko nang biglang sumulpot sa likod niya si Devant at itinarak nito ang espada sa likod ng dibdib niya.
"HANSEL!" Sigaw ko.
Pakiramdam ko ang hina ng boses ko. Nakita kong naglaho lahat ng Sangunarians kasama si Devant. Patakbo akong lumapit sa kanya. Pakiramdam ko ang bumagal ang oras.
Lumuhod ako saka siya pinaharap sa akin.
"Hansel!" umiiyak kong sabi. Hinawakan ko ang pisngi niya at kasing lamig na niya ang yelo.
Narinig ko ang pagtawag ni Erina, Cris at Tom sa pangalan ni Hansel at pinalibutan nila kami. Niyugyug ko ang balikat niya pero hindi siya gumagalaw.
Ramdam ko ang panlalabo ng mga mata ko dahil sa luhang nag-uunahan na lumabas sa mata ko. Nag-angat ako ng tingin at tiningnan si Erina.
"E-Eri..na. Bakit hindi siya gumigising?" humihikbi kong sabi. Pati siya ay umiiyak na rin at niyakap niya ang balikat ko.
"Isang silver sword ang ginamit ni Devant," wika ni Cris habang sinusuri ang espada.
"A-anong ibig sabihin no'n?" naguguluhan kong tanong.
"Silver can kill a vampire," mahinang sagot ni Erina.
"N-no! Hindi siya mamamatay! Hansel is strong! He won't leave me!" Iyak lang ako nang iyak habang yakap-yakap ko siya. "Please, don't leave me." I whispered at him.
"Ate Ingrid, dalhin natin si Kuya sa palace." sabi ni Erina.
Napatango na lang ako. Hindi ko mapapatawad si Devant dahil sa ginawa niya kay Hansel.
* * *
DINALA si Hansel sa infirmary sa loob ng palasyo. Doon siya gagamutin ng mga vampire doctor para raw mawala ang silver residue sa katawan niya.
"I'm glad you're back, Ingrid. Sobrang nag-alala sa'yo ang anak namin." Queen Veruca said.
"Kasalanan ko po kung bakit nasa piligro ang buhay ni Hansel. Hindi po ba kayo galit sa akin?" nagtatakang tanong ko.
Kung sa iba siguro 'to nangyari, malamang sisisihin nila ako. Pero sila Queen Veruca at King Vladimir ay sa akin pa nag-aalala. Kaya nahihiya rin ako. Ang bubuti nila sa akin.
"You are part of the family, Ingrid. At mahal ka ng anak ko. Mas matatakot ako kung ang ikakamatay niya ay ang pagkadismaya niyang hindi ka mabawi kay Dev." Sabi ng Reyna.
"Dev po?"
"Yeah. Devant. We are friends before. But—"
"I don't want to hear that monster's name again, Veruca! He's the reason behind everything!" galit na sabi ni King Vladimir.
Nagtaka lang ako sa sinabi ng hari. He's the reason behind everything? Everything like what?
"Honey naman. Galit ka kaagad."
Hinagod ng reyna ang likod ng Hari. They look so sweet.
"Huwag kang mag-alala, Hija. Magigising din si Hansel. Matapang ata 'yon kagaya ko." pagmamalaki ng Hari.
Nagtawanan kami nang kontrahin ni Queen Veruca ang sinabi ng kanyang Hari.
Napatingin naman ako nang magbukas ang pinto ng infirmary at niluwa si Erina.
"Ate, gising na si Kuya!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top