Chapter 16 - The Antagonist love

Chapter 16

Ingrid's POV

IYAK ako nang iyak kanina habang sinusukatan ako ng wedding gown ng matandang bampira. Hindi ko matanggap na ikakasal ako sa lalaking hindi ko mahal at ang masaklap doon, wala akong magagawa para pigilan iyon.

"Ingrid..."

Nilingon ko si Drake. Nandito na naman siya sa kuwarto ko at pinapatahan ako. Napaka-abnormal niya. Did it even occur to him na kaya ako umiiyak ay dahil sa ginagawa niya?

"Puwede ba! Umalis ka dito! I don't want to see your face! We may get married but I will never treat you the way I should treat a husband!" sigaw ko sa kanya.

"Ingrid naman, oh. Bakit ba kasi 'di mo ko bigyan ng chance na mahalin ka? Para maiparamdam ko din sa'yo ang pagmamahal na gusto mo." Tiningnan ko siya ng matalim.

Ang lakas ng loob niyang pilitin akong gustuhin siya. Hindi man lang ba niya naiisip na habang nakakulong ako dito sa tore na 'to ay mas lalong nadagdagan ang pagkamuhi ko sa kanya lalo na sa Ama niya.

"The only chance I will give you is the chance to let me go!" I snapped and I can see his hurt expression. Wow! Siya pa ngayon ang nasasaktan!

"Why are you doing this to me, Ingrid? Pinapahirapan mo ako. Simple lang naman ang gusto ko, ang mahalin mo din."

Natawa naman ako sa kanya.

"Ano kaya kung ibalik ko 'yang tanong mo? Why are you doing this to me, Drake! Because, as far as I can remember, naging mabait ako sa'yo!" Sumbat ko sa kanya.

Natahimik lang siya sa sinabi ko.

"Ang tanging mali ko lang, Ingrid, ay ang mahalin ka."

"Hindi! Hindi isang pagkakamali ang magmahal kung sana hindi mo pinairal ang pagiging makasarili mo! Hindi love ang tawag diyan, Drake! It's selfishness" mariin kong sabi sa kanya.

Tinignan lang niya ako. I saw pain on his face. Bigla na lang siyang lumapit sa akin ng dahan-dahan. Nakaramdam ako ng kaba sa mga kilos niya.

"A-anong gagawin mo?!"

Habang papalapit siya sa akin ay siya namang pag-atras ko.

"Mahal kita, Ingrid," he said walking slowly towards me. Paatras ako nang paatras nang mabangga ako sa isang pader.

"L-lumayo ka nga sa akin!" I pretended I wasn't affected by his look. Nai-intimidate ako sa titig niya.

"No. Hindi kita kayang layuan. Hindi ko kayang makita ka na masaya sa piling ng iba. I want you here, with me. Only with me, Ingrid." Nagsusumamo ang mga mata niya.

"H-hindi puwede, Drake. Alam mong si Hansel lang ang mahal ko."

Puno ng emosyon ang kuwartong ginagalawan namin ngayon. Pag-susumamo—iyan ang nakapaligid sa amin. Nagsusumamo siya na mahalin ko, samantalang ako ay nagsusumamo na pakawalan niya.

Hindi siya umimik sa sinabi ko bagkus, mas lumapit pa siya sa akin at nagulat ako nang niyakap ako ng mahigpit. Natigilan ako bigla.

"D-Drake..."

"I wish I could turn back time. And if I could, I'll make sure na ako ang una mong nakilala. Sana ako na lang una mong nakita para ako rin sana ang mahal mo ngayon. Sana ako na lang, ako na lang, Ingrid."

Yakap-yakap niya ko at hindi ko kita mukha niya pero ramdam kong umiiyak siya. I heard him sobbing.

Inilayo ko nang bahagya ang katawan ko sa kanya. Tinitigan ko mukha niya. Sa totoo lang guwapo si Drake. Sayang lang kasi sa akin pa siya nagkagusto.

"I love him. And I think it's not because I met him first. Hansel is different. He may seem to annoy me but he never fails to make me feel loved. 'Yon si Hansel, Drake."

Lumayo naman siya dahil sa sinabi ko. Maybe what I said hurt him. Pero kung iyon ang magiging dahilan para layuan niya ko, then so be it.

"Hindi pa rin ako susuko sa'yo, Ingrid. Alam kong matututunan mo rin akong mahalin." Sabi niya at saka lumabas ng kuwarto.

* * *

HATINGGABI na nang makaramdam ako ng gutom. Bumangon ako sa kama at inilibot ang paningin. Oo nga pala. Wala ako sa penthouse. Kinatok ko ang pinto para pagbuksan ng guwardiya ang pinto.

"Bakit po, Miss Ingrid?" sabi ng gwardiya nang pagbuksan niya ng pinto.

"I'm hungry. My kitchen ba kayo dito?" pabulong kong sabi.

"Mahigpit po kasing ipinag-utos ng master na huwag kayong palalabasin, Miss."

Napakunot ako. "Eh, nagugutom ako! Bakit? Pinadalhan niyo ba ako ng pagkain dito?! Hindi, 'di ba?!" inis kong sabi.

Hindi nga nila ako papatayin pero papatayin nila ako sa gutom!

"Sumusunod lang po ako sa utos, Miss."

"Utos na patayin ako sa gutom?" I said with sarcasm.

"Sorry po talaga, Mi—"

"Okay lang. She can go out of her room."

Napatingin ako sa nagsalita.

"Master Drake." Nag-bow ang guwardiya.

"Palabasin mo na siya. Nagugutom ang mahal ko," sabi niya. Medyo na-touch ako sa sinabi niya. Pero hindi. Galit pala ako sa kanya.

"Pero Master—"

"Ako'ng bahala sa kanya. Sige na."

Niluwangan ng guwardiya ang pagbukas ng pinto. Nakalabas naman ako at napatingin kay Drake.

"Bakit mo 'to ginawa? Bakit mo ako pinayagang lumabas?" nagtatakang tanong ko.

"Nagugutom ka, 'di ba? Tara na sa kitchen."

Sumunod ako sa kanya. Nasa likuran niya lang ako. Hindi ba siya natatakot na tumakas ako?

"Ano'ng gusto mong kainin?" tanong niya nang makarating kami sa kitchen. In all fairness, maganda siya. Old-fashion pero malinis.

"Hindi ako marunong magluto," sabi ko lang.

"I'll cook for you. Ano'ng gusto mo?"

"What? You can cook? I thought vampires can't cook?" I asked in surprise.

"Nakalimutan mo na yatang Damphyr ako. I can eat human's food." Napatango ako. Oo nga pala. "So? Ano'ng gusto mo?"

Si Hansel. Siya ang gusto ko! Ibalik mo na ako.

Iyan sana ang gusto kong sabihin pero baka mamaya ibalik na lang ako nito sa silid na hindi pinapakain. Magpapakabait muna ako sa ngalan ng aking nagugutom na tiyan.

"Kahit ano," simple kong tugon.

"Okay."

Dumeretso siya sa kitchen at ako naman ay naupo sa mataas na stool ng bar counter. Pinanuod ko siyang magluto. Halata sa kanya na gamay niya ang kusina. Parang ang saya niya. Kung sana nakakapagluto din si Hansel. Mas masaya siguro siyang panuoring magluto.

Lumapit ako sa kanya. "Ano'ng niluluto mo?" I asked.

Saglit niya akong tiningnan at saka siya ngumiti.

"Gravy pa lang 'to. Iyong chicken fillet kasi nagma-marinate pa." masaya niyang pahayag. Parang nakakahawa ang ngiti niya. Kaya napapangiti na rin ako.

"Can I help?" sabi ko kahit wala naman akong alam sa ginagawa niya.

"Oh, sure. You can dredge the chicken to the flour, dip it in the egg mixture and then roll it breadcrumbs," he said while mixing the gravy.

"Okay."

Ginawa ko ang sinabi niya. Ang messy tingnan dahil naghahalo ang flour, eggs, at breadcrumbs sa daliri ko.

"Marunong ka na pala, eh." Isinalin niya ang gravy sa bowl saka inilagay ang frying pan sa stove.

"'Di ba to tatalsik ang mantika?" Tanong ko nang inilagay niya ang chicken sa pan.

"Medyo. Pero sanay na 'ko."

"Palagi ka bang nagluluto?"

"Yeah. Para sa 'kin. Kapag nasa bahay ako."

"Really?" He flipped the chicken nang biglang tumalsik ang ibang mantika sa braso ko.

"Ouch! Waaah! Ang sakit!" Hinipan ko ang natalsikan pero mahapdi pa rin.

"Oh, shit! Sorry. Hindi ko sinasadya." Dali-dali niyang hinugasan ng tubig ang natalsikan sa braso ko.

"Okay na ba?" nag-aalala niyang tanong.

"Wala 'to," sabi ko kahit may konting hapdi pa rin.

"Sorry talaga."

Napatingin ako sa niluluto niya.

"Oh, baka masunog."

Itinuro ko iyong piniprito. Lumapit siya agad sa stove at ako naman bumalik na lang sa stool.

Hindi nagtagal sinabihan niya akong umupo sa dining table para ma-serve na niya ang food. Siya halos nagsisilbi sa akin. Pinagsandok niya pa ako ng kanin.

"Masarap ba 'yan?" I asked him.

"Oo naman. Masarap akong magluto. At since kasama kita, mas sasarap pa 'to." Napakalawak ng ngiti niya kaya napangiti na rin ako.

"Okay. Let's eat." Sabay kaming kumain.

Tahimik lang kami pero walang awkward feeling. Matapos kumain ay naghugas siya ng pinggan. Pumunta kaming lobby ng palasyo nang biglang humangin.

"Do you want to take a walk outside?" pagyaya ko. Hindi siya umimik. Seryoso lang siya. "Don't worry. Hindi ako tatakas," pagkasabi ko niyon ay ngumiti siya.

Sabay kaming lumabas sa lumang palasyo. Sa likod kami dumeretso kung nasaan may garden na lanta na ang mga halaman, sa gitna noon ay may isang lumang fountain. Wala siya tubig pero kung maayos sana 'to, mas maganda. Sa dulong part naman my wishing well. May mga nagkalat din na tuyong dahon.

"Ang daming stars," sabi ko nang mapatingala ako.

"Oo nga, eh. Ibig sabihin ay mainit ang panahon bukas," sabi niya kaya natawa lang ako.

"Naniniwala ka rin sa gano'n? Haha. Para ka talagang tao, 'no?" sabi ko saka siya tumango.

"Kuwento kasi sa akin ng yaya ko dati. At saka sabi niya naniniwala rin sa gano'n si Mama." Napatingin ako sa kanya.

"Tao rin ba ang yaya mo?"

"Yeah. Pero patay na siya."

"Bakit?"

"Kasi matanda na,"

Napatango lang ako.

"Masaya ka bang naging damphyr? Do you wish to become purely human?"

"No. If I had a chance, I will choose to be human. Because the one I love is also human."

Nag-iwas ako ng tingin ko nang tumingin siya sa akin.

"Drake, can you at least forget your feelings about me? Kahit ngayon lang? Let's just enjoy this night and remain friends," pakiusap ko. Ngumiti siya sa akin.

"Sure. Just like before."

I nodded. "Yeah. Just like before."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top