Chapter 15 - Eclipse

Chapter 15

Ingrid's POV

NAIWAN ako dito sa kuwarto. Kanina ay nagpaalam sa akin si Hansel na aalis in preparation daw para sa eclipse. At siyempre, hindi mawawala ang mga makukilit niyang bilin.

Huwag daw akong lalabas ng penthouse. Huwag ko daw bubuksan ang pinto kapag may kumatok kasi kung siya daw iyon, may sarili siyang susi. Kung puwede daw, manuod lang ako ng TV.

I sulked on the couch while browsing the channel nang makita ko ang pagmumukha ni Boris sa TV.

"Oh gosh. Boris is married?!" bulalas ko nang makita ko ang headline ng balita.

Ayon sa balita, kinasuhan ni Silvia Montez ang asawa na si Boris Montez dahil sa pambababae nito at pamemeke ng lalaki ng kanyang civil status. Isa daw itong crook na mahilig maghanap ng mayaman na maliligawan na magpapakilalang binata at sasabihin na makikisosyo sa business at bago ang kasal, itatakas nito ang pera ng nabiktima.

Pinakita naman si Daddy sa camera kaya kinabahan ako.

"My daughter Ingrid, I know Papa has been very hard on you since you were born. I even force you to marry a man who's actually a crook and I am sorry for that. Please forgive me and come home. Your mom and I misses you so much. Wherever you are, I hope you are fine and safe. I love you, my daughter."

Pinatay ko ang TV at nakatulala lang sa screen. Totoo ba yung napanood ko? Hindi kaya isang drama lamang iyon sa TV at pinagbibidahan ni Daddy?

Pero business man si Daddy, not an actor. Kung totoo ang napanood ko, then he really misses me and wants me home. Oh shucks! What will I do? If I go back home, what about Hansel? I love him and I don't want to stay away from him.

Papayag ba si Hansel na umuwi ako? ARGH! I'm torned! I can't decide! It's a choice between your parents and the man you love. Susuwayin ko na naman ba sila?

Habang nag-iisip, bigla na lang humangin nang malakas sa living room. Huh?! Wala namang bintana eh! Napapikit ako kasi iyong hangin ay parang may kasamang buhangin.

Nang humupa ang hangin, iminulat ko ang mga mata ko at laking gulat ko nang tumambad sa akin ang mga lalaking nakasuot ng black hoodie. Waah! What is happening?!

"S-sino kayo?!" Nauutal kong sabi.

Natatakot na talaga ako. Parang pinagpapawisan nang malamig ang katawan ko.

"Nagkita rin tayo sa wakas, Ingrid." sabi ng baritonong boses. Swear! Nakakatakot ang boses niya!

"A-ano'ng kailangan niyo sa akin?!" Napapikit ako nang mariin nang lumapit ang lalaki at inamoy ang buhok ko.

Hansel, where are you? Piping dasal ko. Hansel, I need you!

"Marami. Marami akong kailangan sa'yo. Gusto mo bang isa-isahin ko para malaman mo?" nanunuya pa nitong sabi sa akin. Kahit natatakot ako, nagawa ko pa ring tumango.

Bigla na lang na hinawakan ako ng lalaki at sa isang iglap nasa ibang lugar na kami.

* * *

Hansel's POV

MAGHAHATING gabi na at hinihintay na namin ang eclipse. Ilang minuto na lang at tatanggap na naman kaming royal family ng malakas na kapangyarihan na may basbas ng buong angkan. Magiging malakas na naman kami. Nakita kong nagbabasa ng ritual ang mga elders. Naging isa na lang ang araw at buwan habang binibigkas nila ang ritual.

Ramdam ko ang lakas na sumasanib sa akin. Mas nararamdaman ko ang kapangyarihan na taglay ng araw at buwan. Sabay-sabay kaming nagpugay sa nakatataas ng matapos ang ritual. Dahil sa nag-uumapaw na kapangyarihan, pinagpahinga muna kami sa kanya-kanyang silid sa palasyo.

Nakahiga na ako sa kama nang may marinig ako ang malakas na pagkatok sa pinto. Binuksan ko ito at tumambad sa akin si Erina na puno ng pag-aalala ang mukha.

"Kuya! May nangyaring masama kay Ate Ingrid!"

* * *

Ingrid's POV

NASA lumang lugar kami at sa totoo lang, malayo ito kung ikukumpara sa palasyo nina Hansel. Parang isang dungeon ang place. Malamig at madilim.

Kasalukuyang nkatali ang dalawa kong kamay sa isang upuan.

"Ano ba'ng kailangan n'yo sa 'kin?! Pakawalan n'yo 'ko!"

Nagpumiglas ako. Halos lumabas na ang esophagus ko kakasigaw.

Napapaligiran din ako ng maraming unidentified creature na nakasuot ng hoodie. May pumasok naman na dalawang lalaki kaya kinabahan ako.

"Alam mo bang malayo pa lang ako ay amoy na amoy ko na ang dugo mo?" nagtaasan lahat ng balahibo ko sa sinabi niya.

Shit! Kanina noong naligo ako, nakalimutan kong suotin uli ang kuwintas. How reckless of me!

Kaya ba nila ko nahanap? Dahil sa amoy ko? Heto ba iyong sinasabi ni Hansel na masasamang bampira?!

Ahhh! Help me, Hansel!

"Who are you? Pakawalan n'yo 'ko!"

Gasgas man pero uulitin ko pa rin ang linyang iyan hanggang sa pakawalan na nila ako!

"Dad, hindi mo ito kailangang gawin!" narinig kong sabi ng isang pamiliar na boses.

"Tumigil ka! 'Di ba, ito ang gusto mo? Ang makasama ang taong mahal mo?!" galit na sabi ng k-um-idnap sa akin.

"Pero mali ito, Dad. Hindi sa ganitong paraan. Mas lalong 'di niya ako mamahalin!"

"Kahit kailan talaga, Drake! Utak-munggo ka!"

Natigilan ako at nagprocess pa sa utak ko nang marinig ko ang pangalan niya.

"Drake..." bulong ko.

Hindi ako makapaiwala. Bakit siya pa? Akala ko ba magkaibigan kami? Bigla na lang tumulo ang mga luha ko. Si Drake na sobra kong pinagkakatiwalaan. Si Drake na dahilan ng pag-aaway namin ni Hansel. Si Drake na ipinagtatanggol ko kay Hansel. Si Drake na itinuring kong kaibigan kahit sa maiksing panahon ko pa lang nakilala.

"Drake, tulungan mo 'ko. Pakawalan mo 'ko dito. Please," naiiyak kong sabi.

Tuloy-tuloy na dumadaloy ang mga luha sa pisngi ko. Tumingin muna siya sa ama niya at saka tumingin uli sa akin.

"I'm sorry, Ingrid."

Lumabas siya nang hindi man lang lumilingon. Hindi ako makapaniwala sa nangyayari. 'Di ba, kaibigan ko siya? Bakit niya ginawa ito? Mas naluluha ako sa sitwasyon ko. Nasasaktan ako sa ginawa ni Drake. Ito na ba ang katapusan ko? Mamamatay ba akong hindi man lang nakakahingi ng tawad sa mga magulang ko?

"Bakit niyo ko k-in-idnap? Iinumin n'yo ba ang dugo ko?" natatakot kong sabi.

I feel so betrayed. Narinig ko naman na humalakhak ang ama ni Drake.

"Dugo mo?" tapos tumawa ito ng malakas "Sa totoo lang, no'ng una ay 'yon lang talaga ang habol ko sa'yo. Pero nang malaman kong mahal ka ng anak ko, naisip kong marami pala akong paggagamitan sa'yo."

Tumawa siya ulit. Hindi ako kumikibo. Tinignan ko lang siya nang masama. He is crazy!

"Kapag mag-asawa na kayo ng anak ko at nagkaroon kayo damphyr, ako na ang magiging makapangyarihang bampira! Matatalo ko na ang Kang family at ang Drians na ang maghahari."

"At sa tingin niyo papayag akong mapangasawa si Drake? Hindi ko siya mahal! Si Hansel ang mahal ko! At alam kong ililigtas niya ako sa inyo!" Sigaw ko kaya bigla na lang niya akong sinampal.

Tumama ang singsing niya sa labi ko kaya dumugo ito ng bahagya. Narinig ko namang napasinghap ang mga bampirang nakapaligid sa amin.

"Master. Dugo." Sabi ng isa na parang 'di makapagpigil at gusto ng sipsipn ang dugo ko.

"Magtigil kayo! Hindi ang dugo niya ang habol natin kundi kung ano ang nasa propesiya!" Galit na sabi nito.

Mas lalo akong naguluhan. Anong propesiya? Sa panahon ngayon naniniwala pa sila sa gano'n? God! These vampires are making me sick!

"Pero, Master, ang itinakda ay kailangan Prinsipe ang makatuluyan para mabuhay pa ang babae. Alam niyo 'yan. Kaya nga namatay ang dati niyong asawa dahil sa pagsilang kay Master Drake." Sabi ng medyo matandang bampira.

"Wala akong pakialam! Ang gusto ko lang sa kanya ay ang anak niya! Wala na kong pakialam kung ikamatay niya pa 'yon!"

Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko. They're talking about death like it's a normal thing to do. They're monster! Sanguinarians are monster!

"Pero mahal siya ng anak niyo."

"Sabi nang wala akong pakialam!" Natahimik silang lahat dahil sa pagsigaw ng master nila.

Help me, Hansel. Please save me, piping dasal ko.

* * *

Erina's POV

"ARRHHGG!"

Halos masira ang gamit sa loob ng penthouse ni Kuya. Kanina no'ng sinabi kong nasa panganib si Ate Ingrid, agad kaming nagpunta dito dahil dito ko siya huling naaamoy. Hindi na rin maabot ng mind reading power ko ang kinaroroonan ni Ate.

"They took her! The Sanguianarians have her and I swear I'm going to kill them all!" galit na galit niyang sigaw.

Sinusubukan ko siyang kontrolin dahil sobra siyang makapangyarihan dahil na rin sa eclipse kanina. Pero hindi niya ako pinapakinggan. Like his anger has consumed him.

"Kuya, calm down. Hindi makakatulong ang galit mo." Sabi ko.

"HOW CAN I CALM DOWN, ERINA?! INGRID HAS BEEN KIDNAPPED AND AT WALA AKONG NAGAWA PARA PROTEKTAHAN SIYA!"

"Ano ba, Kuya! Will you please tone down your voice? Naiintindihan kita! Nag-aalala din ako para kay Ate Ingrid. Pero hindi ito ang tamang oras para pairalin ang galit! This is the time to use our power and think of a plan on how to find Ate Ing."

Natahimik naman si Kuya sa sinabi ko.

"What is your plan?" He asked.

"Actually, wala pa." Tinignan naman niya ko nang masama. Bigla namang dumating sina Cris at Tom.

"Hansel, wala sila sa kuta nila. Sinamahan pa ako ni Cris pero wala na sila doon. Alam ata nila na do'n natin sila unang hahanapin," sabi ni Tom.

"Shit! Damn!" Kuya cussed. Napailing na lang ako.

"Are we sure na Sanguinarians ang kumuha kay Ate?" I asked. Napatingin naman sila sa akin.

"Sino pa ba? Wala namang iba, 'di ba?!" singhal niya sa akin. Tsk.

"Sabi ko nga."

Inikot ko ang tingin ko sa living room. Lahat sira. Lahat basag. Nahati sa dalawa ang couch. Except sa isa—TV.

"Uhh, Kuya. May naiwan ka pang sirain."

"Huh?!"

"That." Itinuro ko ang TV.

"That's hers. Binili ko 'yan para sa kanya. 'Di siya matutuwa kapag bumalik siya at makitang sira na ang TV," he said. Parang gusto kong batukan ngayon si Kuya.

"And you think hindi siya malulungkot sa sinapit ng living room niyo? Gaya ng TV, mas matutuwa siya kapag pagbalik niya, eh, maayos pa rin ang sala."

Tumingin naman siya sa akin saka nag-smirk.

"Aayusin mo naman, 'di ba— Ugh! What am I thinking? Nagagawa ko pang magbiro! For blood sake, nawawala ang babaeng mahal ko!"

Lumabas naman si Cris galing kuwarto ni Ate Ing at may dala itong kuwintas. Ang kuwintas na ibinigay ko sa kanya bago kami manood ng archery tournament.

"Kay Ate 'yan!" sabi ko.

"I know," Sagot ni Cris.

"Now I know why the Sanguinarians found her." I exclaimed. Siguro nakalimutan niya itong isuot uli.

Tiningnan ko si Kuya na seryoso lang na nakatingin sa kuwintas. Ramdam na ramdam ko ang galit niya. His thought floods with anger and blood lust.

* * *

Ingrid's POV

INILIPAT ako nina Devant sa isang palasyo na luma. Ito raw ang dating kaharian ng mga Sanguinarians noon. Malayo siya sa downtown. Pero kahit gano'n, hindi ako nawawalan ng pag-asa na ililigtas ako ni Hansel. He will come, I know he will.

Ikinulong nila ako sa isang silid sa tuktuk ng tower. It was an old bedroom. May isang bintana pero hindi ko naman magawang makatakas dahil ang taas-taas ng babagsakan ko. Hindi na ako nakatali pero nakakulong naman ako.

I curled myself to bed and cried. I missed Hansel. And the thought of being away from him made my heart ache. I agreed to marry Drake in exchange for Hansel's safety. Alam kong malakas siya at maaring isipin niyang mahina siya kasi ginawa ko 'to. Iisipin din niyang hindi niya 'ko kayang protektahan. Maari ding magalit siya. Pero ayos lang na kamuhian niya ako kung ang kapalit naman ay ang kaligtasan niya.

Masayado kong mahal si Hansel. To the point kahit own happiness ko ay kaya kong i-sacrifice.

May narinig akong kumakatok sa pinto. Hindi ko 'yon pinansin at pinalis ko ang mga luha sa mata ko.

"Ingrid..."

Napalingon ako. Si Drake pala. What is he doing here?!

"What do you want?!" malamig kong sabi.

"Ingrid, I hope you forgive me. Hindi ko rin gusto ang ganitong set up. But this is the only way for you to love me."

I glared at him. Galit ako sa kanya. Gusto ko siyang sigawan but I know it wouldn't help.

"Love you? Nagbibiro ka ba? Mas lalo mo lang akong binigyan ng dahilan para kamuhian ka. Maaring makasal tayo, Drake. Pero hinding-hindi kita mamahalin."

"Bakit ba kasi si Hansel ang mahal mo? Bakit hindi ako? Mas mahal kita sa kanya. Mas kaya kong maibigay ang pagmamahal na gusto mo at hihigitan ko pa 'yon."

Gusto kong maawa kay Drake dahil sa pamamalimos niya ng pag-ibig, pero mas nangingibabaw ngayon ang galit sa puso ko. Hindi ko matanggap na ang isang tulad niya na akala ko ay isang kaibigan ay siya pang magiging dahilan para mapahamak ako.

"Hindi natuturuan ang puso magmahal, Drake! Kusa itong nararamdaman! Hindi mo ko mapipilit na mahalin ka! Makasal man ako sa'yo, hindi pa rin tayo magiging masaya dahil ikaw lang ang nagmamahal!"

"Then I won't give up. Alam kong matututunan mo rin akong mahalin. I have all the time in the world to wait for you to love me. Maghihintay ako Ingrid." determinado niyang sabi.

Lumabas siya sa kuwarto at naiwan akong nakatulala. I wanted to slap myself kung totoo ba talaga 'tong nangyayari sa buhay ko. Naglayas ako sa amin para takasan ang isang kasal pero heto ako ngayon, magpapakasal sa hindi ko naman mahal dahil sa gusto kong iligtas ang mahal ko. How ironic.

"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top