Chapter 13 - Jealous Prince

Chapter 13

Hansel's POV

KASAMA ko kanina sina Dad at Mom na nagpe-prepare para sa nalalapit na eclipse. Inamin ko na rin sa kanila ang tungkol kay Ingrid. No'ng una ay nagulat sila kasi totoo raw ang visions ni Daddy. At sinabi ko rin sa kanila ang tungkol sa prophecy. Masaya sila na ako ang nakahanap kay Ingrid.

Nagpatulong din ako kina Erina, Cris, at Tom dahil gusto ko sanang mag-date kami ni Ingrid. Handa na ang lahat kaya pumunta akong penthouse para sunduin siya. Pero nagtaka ako kasi madilim sa loob. Wala ring ingay sa kuwarto niya.

"Saan kaya 'yon nagpunta?" I asked myself.

Lumabas akong penthouse at dumeretso ako sa front desk. Tinatanong ko ang receptionist kung nakita niya si Ingrid.

"Lumabas po siya one hour ago, Prince Hansel." Sabi nito.

Baka pumunta siyang plaza. Wala naman siyang ibang pupuntahan dahil alam naman niyang walang pasok.

Lumabas akong hotel at pinilit kong iniwasan ang mga vampirette na makakakita sa akin. The last thing I wanted to happen ay paligiran ng mga vampirette. Ang importante ay mahanap ko si Ingrid.

Lakad-takbo akong naghahanap sa kanya. Nasa dulo na ako ng plaza nang bilang kumirot ang puso ko. Para akong tinusok sa dibdib sa nakita ko.

I saw Drake looking intently at Ingrid, while she was happily singing along with the band. Nararamdaman kong may pagtingin din si Drake kay Ingrid. Biglang kong naramdaman na gusto kong pumatay ng isang sanguinarian. Nakumos ko ang dalawa kong kamay sa sobrang galit.

"Ingrid!" Malakas na tawag ko sa pangalan niya. Sabay pa silang napalingon.

Nakita kong namutla si Ingrid pagkakita niya sa akin. Si Drake naman ay napa-ismid lang. Gago 'to. May panahon ka rin sa akin!

"Hansel..." Sabi niya na parang nakakita ng multo.

Tinalikuran ko siya. Hindi naman dapat ako magalit kay Ingrid, 'di ba? Hindi naman siguro sinasadya ni Ingrid na kasama niya si Drake, 'di ba? Baka nagkataon lang na magkasama sila.

"Hansel, wait!" I heard her call out my name pero dere-deretso lang ako.

"Uyy. H-Hansel wait la— AYYY!"

Napalingon ako sa kanya nang bigla siyang sumigaw.

Nakita ko na lang na nakadapa siya sa lupa. Napatakbo ako sa kanya pero naunahan ako ni Drake.

"Ingrid, are you okay?"

Itinayo niya si Ingrid at sabay kaming napatingin sa tuhod niya at may sugat sa tuhod niya.

Shit. Blood!

Agad akong tumakbo palapit sa kanya at niyakap siya.

"H-hansel.. A-anong g-ginagawa mo?" gulat niyang tanong/

"Hindi ka puwedeng magtagal dito," bulong ko.

Tinigtan ko muna nang masama si Drake at saka nag-teleport paalis sa lugar na 'yon. Mabilis kaming nakapunta sa kuwarto niya sa penthouse.

"Ang bilis. Nandito agad tayo." Umupo siya sa kama.

Dinala ko agad siya dito kasi nakita ko ang mga kapwa kong nakakaamoy na ng dugo. Immune ako sa dugo kaya ayos lang sa akin.

"Bakit ka ba kasi tumakbo?! 'Ayan tuloy, nagkasugat ka! Alam mo naman na 'di ka puwedeng magkasugat dito. Maamoy ka nila!" Pagalit kong sabi sa kanya.

I saw her bite her lower lip. Naawa naman ako nang makita ko ang hitsura niya. Mukha siyang nasasaktan dahil sa sugat niya.

"S-sorry Hansel. Hindi ko sinasadyang madapa kanina. Natisod kasi ako ng bato. Pasensya na," Sabi niyang nakayuko.

Nilapitan ko siya at lumuhod sa harap niya at tiningnan ang sugat niya sa tuhod. Medyo natuyo ang dugo sa gilid niyon.

"Lilinisan ko sugat mo."

Tumayo ako at lumabas sa kuwarto niya. Bumalik ako at may dala nang first aid kit.

* * *

Ingrid's POV

GINAGAMOT ngayon ni Hansel ang sugat ko sa tuhod. Nakakagat ko lang pang-ibabang labi ko kapag medyo masakit na ang pagdampi ng cotton. Pero kanina nang makita ko siya, sobra talaga akong natakot. Iyong kaba ko parang sasabog na. Alam niyo iyong feeling na nahuli kayong nagloloko? Ganoon ang feeling ko nang mga oras na iyon. Though alam ko naman sa sarili ko na 'di ako nanloloko. Nag-usap lang kami ni Drake at masyado kong na-enjoy ang company niya. Pero siyempre, medyo guilty din ako kasi ilang beses akong nangako kay Hansel na 'di ko na kakausapin si Drake.

"'Ayan. Okay na ba pakiramdam mo?" tanong niya.

May band aid na ang tuhod ko.

"Okay na. Salamat," Nakangiti kong sabi pero siya napakaseryoso niya.

"Just don't wear dress para 'di makita ang wound mo. Magtataka sila kapag nakitang may sugat ka," He said in a very cold voice.

"Uhh, Hansel. 'Yong nakita mo kanina—"

"Magpahinga ka na. Alam ko pagod ka."

Tumalikod na siya at lumabas ng kuwarto ko.

Galit ba siya? Bakit 'di niya ipinapakita? Bakit biglang nanlamig siya sa akin? Bakit gano'n niya ako pakitunguan?

Nalungkot lang ako sa mga iniisip ko. Baka nagbago na nararamdaman niya sa akin kasi nakita niya akong kasama si Drake. Baka iniisip niya na taksil ako. Baka iniisip niya na hindi pa nga niya ako girlfriend, nagagawa ko ng magtaksil sa kanya.

Nahiga na lang ako sa kama ko. Noong kasama ko si Drake, masaya ako. Hindi siya boring kausap at lahat ng tanong ko siasagot niya. Harmless naman siya kaya hindi dapat ako ilayo ni Hansel kay Drake.

Tama! Iyon ang sasabihin ko kay Hansel. Mabait si Drake kaya walang dahilan para ilayo niya ko sa kanya.

Dali-dali akong bumangon sa kama at lumabas ng kuwarto. Naabutan ko si Hansel sa living room at nag-i-scan ng mga channel sa TV.

"Hansel..." tawag ko sa kanya.

"I told you to get some rest," he said without looking at me.

"I just want to ask something." I said.

"What is it?"

"Uhh, bakit ayaw mong maging malapit ako kay Drake?" Napatingin siya sa akin dahil sa tanong ko.

"What are you talking about? Has your wound affected your head? You're asking nonsense," he said.

He was very irritated.

"Nagtatanong lang naman ako. Just answer my qeustion." I folded my arms over my chest.

"Because I don't like him."

"'Yon lang?"

"Yeah."

"So I can be friends with him."

"NO!"

"Why?"

"Because I said so!"

"Di ako kontento sa sagot mo kaya 'di kita susundin! Unless you give me a valid answer saka ko lang lalayuan si Drake!" Pagkasabi ko niyon ay umalis na ako sa living room at pumasok na uli sa kuwarto ko.

"Ingrid, open the door!"

He was banging on my door.

"No!" sigaw ko.

"Open it or I will be the one to open it for you and you will not like it!" galit niyang sabi sa kabilang pinto.

"I don't care! It's your door anyway! Nakikitira lang naman ako dito, 'di ba?!"

Biglang tumahimik sa labas. Medyo nakahinga ako nang maluwang. Naku! Subukan niya lang na sirain ang pinto at aalis ako dito sa penthouse niya!

"Ingrid..."

"Ayy bampirang kabayo!!!" Nagulat na lang ako kay Hansel nang makita ko siya sa bintana ng kuwarto ko. "Ano ba, Hansel! Papatayin mo ba ko sa gulat?!" galit kong sabi.

"That was not my intention." Nagkibit balikat siya.

"Yeah, right!" Inirapan ko siya.

"I came here to tell you my reason I dont want you to be friends with with Drake."

"Yeah? So?"

"Uhh. Kasi... Kasi 'di ko siya gusto para sa'yo!" Napataas naman ang kilay ko sa dahilan niya.

"'Yon lang? At sino ang gusto mo para sa 'kin?"

"Damn! Of course me! May iba pa ba? Gusto ko akin ka lang! Gusto ko ako lang titingnan mo! Gusto ko, sa akin ka lang masaya! Gusto ko, ako lang, Ingrid! Ako lang!"

Hindi ako nakapagsalita. Did I just sense some jealousy?

"You're jealous?!" Hindi ko makapaniwalang sabi.

Lihim lang akong napangiti. Sa maikling panahon kong nakasama si Hansel, ang dami ko agad na nalalaman tungkol sa kanya. Alam ko kung paano siya magalit, mainis, matawa, at ngayon magselos.

"No!"

"Yes, you are!"

"No, I'm not!"

"Yes, you're jealous!"

"How do you know?"

"Pft! It's obvious, Prince Hansel." I said teasingly.

"Don't tease me!"

"Hahaha. Jealous Prince!"

"You insolent girl. I should teach you a lesson!"

Bigla bigla na lang niyang hinapit ang bewang ko palapit sa kanya. Sobrang lapit ng katawan ko sa kanya at grabe lang! Bakit feeling ko, nasusunog katawan ko?

He was looking at me intently. Ang lapit ng mukha niya. Nakakaduling.

"Uhh, H-Hansel..." mahina kong sabi. Pilit kong inaalis sarili ko sa pagkakayapos niya pero sobrang lakas niya.

"You're stuttering, sweetheart," he whispered near my ear, giving me millions of goosebumps.

"Sweetheart-in mong mukha mo! Let go of me!"

"Hahaha. You're amusing." Bigla niya kong niyakap nang mahigpit at bumulong sa tainga ko. "I love you."

"H-Hansel.."

"You know what? We should be on a date right now. But hugging you like this is way better than dinner date."

Napatingin ako sa kanya. "Dinner date?" nagtatakang tanong ko.

"Yeah. So I think 'di na 'yon tuloy at mas pipiliin ko na lang na yakapin ka nang ganito."

Hindi ko mapigilan ang sarili kong kiligin. Parang sasabog ang dibdib ko sa nararamdaman ko. Mukhang ito ata ang ikakamatay ko, eh.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top