Chapter 10 - He Loves me. He's a vampire

Chapter 10

HE'S a vampire. He's a freaking vampire and he loves me. Malinaw na malinaw kong narinig mula sa kanya. Hindi pa rin nagsi-sink-in sa utak ko ang mga sinabi niya. Unang-una, I never thought that vampires exist. Akala ko sa libro ko lang ito nababasa. At pangalawa, may gusto siya sa akin. Sa dinami-rami ng lalaking magkakagusto sa akin, isa pang bampira.

Kaya pala ang weird ng mga pagkain na nakikita ko dito sa city nila. Akala ko pa naman mahilig sila sa strawberry flavor. Iyon pala kasi blood flavored ang mga drinks nila at food. Mabuti na lang at hindi ako bumili.

Ang sabi niya ay mabubuting bampira raw sila. Desiplinado raw ang mga nasasakupan niya at hindi ito pumapatay ng tao para lang makainom ng dugo.

Kaya pala gabi lang sila lumalabas. Kaya pala ang lamig niya, pati ng lugar nila. It also gives me creeps kapag naalala ko na pagala-gala lang ako sa lugar nila na vampire's den pala. Paano na lang pala kung nabisto nila ako? Naku, baka matrigger ko ang human blood diet nila.

Mabuti na lang at si Hansel at Erina lang ang nakaalam na tao ako. Ah, pati pala sina Cris at Tom na hindi ko pa nakikilala. Iyon din pala ang rason kaya pinasuot sa akin ni Erina ang kuwintas.

"So how old are you?" I asked him.

Nandito kami ngayon sa balkonahe ng penthouse, magkatabing nakaupo sa swing.

"Hundred and fifthy?" Parang hindi sure na sabi niya.

"Whoa! Child abuse ka pala sa akin. You're a hundred and thirty two older that me." I said joking.

Ngumiti lang siya sa akin.

"Grabe, ang tagal-tagal mo ng nabubuhay sa mundo. Hindi ba kayo tuma-tanda?" tanong ko pa sa kanya. Sobra kasi akong nacu-curious sa lahi nila.

"We can live a thousand years or more than that. But our body is ageless. Ang pinakamatandang appearance na kaya naming ma-attain ay kagaya ng mga thirty year old mortal, hanggang doon lang 'yon. Just like me, I look like a twenty-one year old man at matagal pa bago ko maabot ang maturity ng aking appearance."

Napanganga lang ako sa sinabi niya. Wow. Ang unfair para sa mga kagaya namin na ayaw tumanda. Ang dami kong kilala na takot tumanda dahil ayaw magkaro'n ng wrinkles. Kaya pala ang gaganda ng mga tao—I mean bampira rito.

Kung ganoon, hindi ko hallucination no'ng nakita kong may pangil si Hansel at Drake. Ibig sabihin bampira rin si Drake. Kaya pala ipinapalayo niya ako sa kanya dahil gusto niya lang talaga akong protektahan.

* * *

Hansel's POV

"KUYA." tawag sa akin ni Erina.

Nandito ko sa living room nagbabasa ng libro kung paano manligaw sa babae. Ang hirap pala ng ganito. Ang daming do's and don'ts

"Why are you here Erina?" I asked without looking. Mayado akong hooked dito sa binabasa ko.

"May kailangan kang malaman, Kuya. About Ate Ingrid," she said in such a serious tone so I closed the book and stared at her.

"What about her?" curious kong tanong.

"Ate Ingrid is the chosen one. Napunta siya sa dito sa Vampire City because she has a purpose. Hindi lang siya aksidenteng napadpad dito dahil siya ay ang nakatakda. She's bound to conceive a damphyr."

Napatulala lang ako sa sinabi ni Erina. Ang bilis niyang magsalita. Para ngang hindi ko nasundan iyong mga sinabi niya.

"Damphyr," sabi ko.

"Yes," she said.

"So tama ang hinala ko." I once asked her kung bakit siya napadpad sa Vampire City and she said through a map she downloaded on the internet. I have this feeling na tadhana ang naghatid sa kanya dito. Because no mortal can enter our City. As in, no one.

"Alam mo rin ang tungkol dito, Kuya?" she asked.

"Yes. It was the legend of our kind. Damphyr should be a Son of a King and a female mortal. Iyan ang alam ko."

Napatakip ng bibig si Erina.

"And it has to be you. You are the crown prince that the prophecy is talking about. Kyaah! Nakakakilig naman. Pinagtagpo talaga kayo ni Ate Ingrid," sabi pa nito.

"Yes." Nakangiti kong sabi.

"Ano'ng ang ngini-ngiti-ngiti mo diyan, Kuya?" nagtatakang tanong niya.

I just grinned. Mukhang nabasa naman niya ang iniisip ko that's why she gasped.

"Oh, God. You love her?!" hindii niya makapaniwalang sabi.

"What's wrong with loving her?" I asked.

"Wala naman. Eh, kasi lagi mo siyang kaaway kaya akala ko mahihirapan ako na kumbinsihan kang siya dapat pakasalan mo kasi siya nakatadhana sa'yo. Eh, wala na pa lang problema. Ang kailangan na lang ay ang magtapat ka sa kanya na mahal mo siya at kung anong klaseng nilalang ka." Sabi niya kaya napangiti na naman ako.

"Waah! Sinabi mo na rin sa kanya? Kuya, ako 'ata ang nasusurpresa sa'yo, eh!" Sabi niyang nagtatampo.

"Ikaw talaga."

"Eh, Kuya, kailangang sabihin na natin kina Daddy lalo na't nagkaroon siya ng vision," sabi niya sa akin.

"Oo. 'Yon talaga ang balak ko. Bago mag-eclipse, sasabihin ko kay Mommy at Daddy."

Sa Saturday na ang eclipse kaya bale may limang araw pa ako para ipakilala siya sa pamilya ko.

* * *

Ingrid's POV

NASA classroom kami ni Hansel nagkukuwentuhan nang pumasok ang professor. Ngayon na alam ko na kung anong klaseng nilalalang ang mga kasama ko, medyo natatakot ako. Aba, malay ko ba kung mawalan ng bisa itong kwintas ko tapos biglang— ugh! Hindi dapat ako nag-iisip ng mga bad thoughts.

"Bakit namumutla ka?" bulong sa akin ni Hansel.

"H-ha? W-wala 'to," sabi ko lang.

"Huwag kang mag-alala. Ako'ng bahala sa'yo."

He gave me his ever-loving smile at hinawakan ang kamay ko saka niya ito pinisil. I smiled back at him. He's giving me weird feelings inside me. Para bang nagpa-palpitate ang puso ko. Hindi naman siguro ako magkakasakit ng puso, 'no?

Nasa kalagitnaan ng lesson ang professor namin nang ipinatawag siya kasi raw may emergency meeting. Kaya kami naman—well sila pala ay nag-iingay. Ako, tahimik lang. Lumabas kasi sandali si Hansel.

Make friends. Iyan ang nasa isip ko. Pero nahihiya ako. Knowing na hindi ko sila kauri, 'di ba? Parang feeling ko ano mang oras ay mabubuko nila ako. Sana kasi classmate ko na lang si Erina para atleast may ka-close ako dito bukod kay Hansel. Speaking of her, hindi ko pa siya nakikita ever since no'ng tournament. Feeling ko naman, alam na niyang alam ko na ang tungkol sakanila.

"Are you alright?" Hindi ko napansin na nakabalik na pala si Hansel.

"Ah. Yeah." Ngumiti ako nang pilit.

"Busy ngayon ang mga prof, eh. Malapit na kasi ang eclipse," paliwanag niya sa akin.

"Ano ang ibig sabihin no'n?" tanong ko sa kanya.

"'Yon ang time na nag-iipon kami ng lakas at nagbibigay ng offering." Sabi niya.

Napalunok naman ako. Ano kaya ino-offer nila? Tao kaya? Oh, my! Baka ako ang io-offer nila!

"A-ano ba'ng ino-offer sa Eclipse?" tanong ko.

"You wouldn't want to know, babe." He said.

Oo nga naman. Ignorance is a bliss, right?

* * *

"SAAN ba tayo pupunta Hansel?" tanong ko sa kanya.

After n klase ay pinasakay niya ako sa kotse niya at ngayon ay nagda-drive siya at parang palabas na kami ng City.

"To your parents," tipid niyang sagot dahilan para mamilog ang mga mata ko.

"H-hoy! Ibabalik mo na ba ako? At saka anong oras na ba? Alas-kuwatro pa lang ng umaga, oh. Malamang tulog pa 'yon!" I said rattling. Pakiramdam ko lalabas na ang puso ko sa sobrang kaba.

"Relax. Hindi naman tayo magpapakita." Ginagap niya ang kamay ko na nasa lap ko.

"I'm nervous," pag-amin ko.

"I know."

Ibinaling ko na lang ang tingin ko sa labas ng bintana. Kumusta na kaya sila Mommy at Daddy? Baka itinakwil na nila ko. Baka kinalimutan na nila ako bilang anak. O baka naman, sobra silang nasusuklam sa akin at isang suwail na anak ang tingin nila sa akin.

Nanibago ako nang makita ko ang siyudad namin. Ang daming ilaw kahit madaling araw. May mga tao na sa ganitong oras.

"Saan ka ba nakatira?" tanong niya.

Medyo tumataas na ang araw. It was almost five AM na kasi.

"Malapit na rin naman. Ituturo ko na lang," sabi ko. Tumango siya. Mga ilang minuto pa. "Pasok ka diyan sa malaking gate, diyan ang subdivision namin."

Liliko na sana siya nang makita naming may mga naka-paskil na papel sa poste.

Ingrid Marie Sy. Missing.

"Hinahanap ka pala ng parents mo, eh."

"Yeah. At may reward pang two million kung sino ang makakahanap sa akin. They're very much desperate."

Siguro desperado silang mahanap ako para maipakasal na ako sa Boris na iyon. No way!

"Bumalik na tayo. At saka, maliwanag na. Makikita nila tayo," pakiusap ko kay Hansel.

"Nandito na tayo. Huwag kang matakot. Ako'ng bakala sa'yo."

Papasok na kami sa loob ng subdivision nang ma-realize kong sobrang strict pala ang mga guwardiya dito. Hindi ka makakapasok kung wala kang pahintulot sa resident.

"Ah, Hansel—" nagulat na lang ako nang derederetso kaming pumasok sa loob at hindi man lang kami sinita ng mga guwardiya.

Nagtatakang hinarap ko siya.

"What did you do?" I asked.

"Nothing. I just controlled their mind and—"

"You can do that?!" hindi ko makapaniwalang sabi.

"Yeah. Well, it's just my passive ability so bihira ko lang siya gamitin." Kibit balita niya.

"Ginamitan mo ba ako niyan?" I said narrowing my eyes at him.

"Of course not. Almost, but I didn't do it." Nakangiti niyang sabi.

I can't believe na may kakayanan siyang gano'n. I wonder kung ano pa ang kaya niyang gawin.

"Alin ang bahay niyo dito?" tanong niya.

"'Yon!" Itinuro ko ang may pinakamataas na bakod at gate.

"Whoa! That was like a mansion to me," he said.

"Yeah. A prison," sabi ko lang.

"Come."

"Ha? Saan? Baka makita nila tayo," I said nervously.

"Don't worry, they won't."

Inilahad niya ang kanyang kamay sa akin. Inabot ko naman 'yon. Bigla na lang na para akong dinala ng hangin papunta sa kung saan at nakita ko na lang sarili ko wala na sa kotse kundi nasa isang mataas na puno sa harap ng bahay namin.

"Waah! Paano ako nakapunta dito?" Nagpapanic kong sabi. Isa rin ba 'to sa mga abilities niya?

"Sshh! Huwag ka ngang sumigaw. Maririnig tayo sa baba."

Itinuro niya sa baba ng puno ang mga bodyguard nina Daddy.

"Ikaw naman kasi, eh! Pero in all fairness, ah. Ang galing parang nag-teleport lang tayo."

"Vampires can teleport. And my active strength is speed." Sabi niya.

"Okay."

Nagtago lang kami ni Hansel sa mataas na puno. Nakikita namin sa loob ng mansion namin kasi seventy-five percent glass iyon.

"Look! Daddy is already up."

Itinuro ko ang Daddy ko na nasa sala at halatang bagong gising. Naka pantulog pa siyang damit. Nakita ko naman na nilapitan siya ng maid, tapos umalis din.

"Ang lungkot ng Daddy mo," sabi ni Hansel.

Napatingin naman ako kay Hansel. Nakokonsiyensiya tuloy ako. Kita ko naman sa mukha ni Daddy ang pagiging authority figure niya. But his eyes were so sad.

"Daddy, I miss you." bulong ko.

Hindi nagtagal nakita kong lumabas si Mommy. Hindi kagaya kay Dad, nakapang-alis na damit si Mommy.

"Gusto mo bang marinig ang pinag-uusapan nila?" tanong ni Hansel. Napatango lang ako sa kanya bilang tugon.

"Just hold my hand and you will hear their conversation." napatango naman ako. Ang before I knew it, naririnig ko na ang boses nina Mommy at Daddy.

"Why are you dressed like that? It's too early to go to your shop," I heard Dad told my Mom in a cold voice.

"I'm going to find my daughter, Ington." Mommy said.

"'Di ba pinag-usapan na natin 'to, Rida? Naglabas ako ng pera para ang awtoridad na ang maghanap sa anak mong suwail!" Daddy said without any emotions.

"Anak natin, Ington! Anak natin!" Sigaw ni Mommy.

"She stopped being my daughter the moment she didn't show up at that wedding!" Galit din na sabi ni Daddy.

"How could you, Ington? You're the one to blame! You forced your only daughter to marry Boris! We both know he's just after our fortune!"

Dinuro ni Mommy si Daddy. Wala akong ibang nagawa kundi ang maluha. They were quarelling because of me.

"Wala akong pakialam! 'Yong ginawa ko, it's for her own good. Para kapag wala na tayo at ease ako na nasa mabuting kalagayan siya. Boris loves her! Sisihin mo ang suwail mong anak! Sarili lang ang iniisip!"

"All her life sinunod ka niya, Ington! Kahit alam kong 'di siya masaya sinunod ka niya. Lumayas siya at hind sumipot sa kasal kasi siguro na-realize niya na the moment na matali siya kay Boris, her life will be over!"

Nabitawan ko ang kamay ni Hansel. Hindi ko na kinaya ang mga narinig ko. Masakit. Nasasaktan akong malaman na tama iyong iniisip kong suwail na anak ang turing sa akin ni Daddy.

Hindi umimik si Hansel at hinayaan niya akong umiyak habang nakasubsob sa dibdib niya.

"H-hansel.. Ang.. Ang sak-kit! 'D-di a-ko m-mahal ni Daddy!" Umiiyak ako habang nakayakap siya sa akin.

"Shh. It's okay. Nasasabi lang 'yan ng Daddy mo dahil galit pa siya sa'yo. He'll forgive you in his own time. Huwag ka nang umiyak."

Gumaan naman ang pakiramadam ko dahil sa sinabi niya. He's right, galit pa si Daddy sa akin kaya niya 'yon nasabi. And I can't blame him dahil alam kong napahiya siya sa mga kaibigan niya. Alam kong darating din ang panahon na mapapatawad niya ako. Masaya na akong makita sila ni Mommy at Daddy.

"I'm such a cry baby." Sabi ko habang pinupunasan ang luha sa pisngi ko.

"I don't want to see you crying," Pinunasan niya pisnge ko.

"I'm okay. I'm just sad because I know they are arguing because of me." sabi ko. Nag-angat ako ng tingin sa kanya at pinilit na ngumiti.

"You are now my strength at the same time my weakness, Ingrid. And it pains me to see you crying," seryoso niyang sabi sa akin. I can feel my heart beating erratically. Hansel has the power to make my internal organs somersault.

"Promise, I won't cry again." I said smiling.

"Good."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top