Wynner & Avia (Special Chapter)

Wynner & Avia (Special Chapter)

"Avia!!"

Nakasimangot na napalingon ako sa kapatid ko. Ano na naman ba'ng kailangan niya? Kahit may asawa at anak na siya, hindi pa rin siya nagba-bago. Lagi niya pa rin akong inaasar.

"What?!" singhal ko sakanya. He was taken aback pero agad din naman siyang napangisi.

"Bakit ang lakas ng ulan? Bakit halos bumagyo na, ha?"

Hindi ako umimik sa tanong niya. Bagkus ay mas lalo kong pinalakas ang ulan at sinamahan ko na rin ng kulog at kidlat.

"Avia!!"

"What's your problem, Aric?!" naiirita kong sabi.

"You're the problem, Avia! You can't just change the climate just because he left you!"

Napanganga ako sa sinabi ng kambal ko.

"H-he didn't left me! And I really don't care kung bumalik na siya sa Germany! Mas mabuti na rin 'yong wala siya!" malakas kong sigaw dahil ang lakas-lakas ng ulan pati kidlat at feeling ko hindi kami nagkakarinigan ni Aric.

"Eh bakit ka nagta-tantrums diyan?" he narrowed his eyes on me at hindi naman ako makaiwas ng tingin. My twin brother really knows how to corner me.

Napabuntong hininga ako saka ko naramdaman na may namumuong luha sa mga mata ko. Naiiyak nanaman ako. At hindi ko matanggap na nararamdaman ko 'to sakanya. Dapat matuwa ako kasi wala ng manggugulo sa akin. Pero heto ako at name-miss ko siya.

Dahan-dahang humuhupa ang ulan maging ang kulog at kidlat.

"Bakit kasi hindi mo matanggap sa sarili mo na gusto mo na rin siya?" sabi niya pa.

"H-hindi ko alam," nakayuko kong sagot.

Hindi ko talaga alam kung bakit ako nagkakaganito. Parang mayroong empty space sa dibdib ko. Pakiramdam ko dapat nagluluksa ako pero wala naman akong maalala na namatay na malapit sa akin. Mayroong mga flashes of memories ang pumapasok sa isip ko pero hindi ko naman mawari kung sinong lalaki ang nasa memory ko.

"You know what? Siguro dapat sundan mo siya," bigla naman akong napatingin kay Aric at napakunot.

"Why would I do that?" I said cringing my nose.

"Kasi baka pagsisihan mo ang lahat. Hindi mo ba alam?"

"Na ano?"

"Na ipapakasal si Wynner kasi kagaya ko, kailangan na niyang ma-secure ang trono niya,"

"What?! Hindi puwede! Hindi ako papayag!"

Pakiramdam ko napuno ng selos ang buong sistema ko.

Sabi ni Wynner mahal niya ako. Sabi niya handa siyang maghintay hanggang sa matutunan ko siyang mahalin. Pero bakit ganito? Nagsawa na kaya siya? Nabagot na ba siya kakahintay kung kailan ko siya mamahalin?

"Kung ako sa'yo, pupuntahan ko si Wynner sa Germany at aaminin na mahal mo na rin siya. Ikaw rin," nagkibit balikat si Aric saka tumalikod at umalis. Naiwan ako sa balkonahe na nakatulala.

Images of Wynner and the vampirette he's going to marry flashes through my mind. My chest is being hammered painfully. Hindi ko kayang tanggapin na mawawala siya sa akin nang wala man lang akong ginagawa.

Tama si Aric. I should follow him. Kasi kahit magulo ang isipan ko ngayon, isa lang ang sigurado ko. Wynner already has my heart and he brings it with him in Germany.

~*~*~*~

Si Aric lang ang nakakaalam na pupunta akong Germany. I travelled like a normal people. Nag-eroplano ako, dumaan pa sa connecting flight and even waited. Ito ang mungkahi ng magaling kong kapatid, eh.

Kaya heto ako ngayon papuntang Vampire City ng Germany nakasakay sa taxi. Bumaba ako not far away from the portal. Bitbit ko ang isang maleta at shoulder bag, I teleport from the inside.

Nostalgic. Parang kailan lang noong mga bata pa kami lagi kaming nandito. Lagi kaming nag-aaway ni Wynner sa hindi ko malamang dahilan. He just hates me so much at ganoon din ako sakanya.

May mga nakaparadang Taxi sa gilid kaya agad akong sumakay.

"Zum Palast, bitte." I said in German. May konting kaalaman naman ako tungkol sa language nila—joke! I have here my translator kaya alam ko.

Tumango sa akin ang driver saka nagsimulang mag-drive.

Mas malaki ang Vampire City dito kumpara sa Pilipinas. 'Yong mga bagay nila ay kakaiba ang structure. Malawak din ang ang road. May malalaking building at tulay na akala mo San Francisco bridge. Maganda talaga ang pamamalakad nila Tita Maxhene at Tito Denver.

Pumara ang sasakyan sa harap ng Palasyo. Bumaba ako at tumambad sa akin ang mga kawal na nakatayo sa may malaking gate. Hindi sila gumagalaw at aakalain mong manikin lang sila.

Naglakad ako papalapit sa gate at dumungaw na maliit na bintana ng guard house.

"Ich bin Princess Avia Dysis Kang," I showed my emblem at agad naman akong pinagbuksan ng mala-higanteng gate ng Palasyo.

Sinalubong ako ng dalawang kawal at kinuha sa akin ang dala kong maleta.

"Auf diese weise, Princess." Sumunod lang ako sakanila hanggang sa makapasok kami sa loob ng Palasyo.

May mga pamilyar na mukha akong nakikita. Papalapit sa akin ang Mayordoma nila at nakangiting sinalubong ako.

"Welcome back, Princess Avia." Niyakap ako ni Lady Shruen. Siya ang nag-alaga sa amin noon kay Aric kapag nandito kaming pamilya.

"Thank you, Lady Shruen. Is Tita Maxhene here?"

"Oh, I'm afraid the Paxton family isn't here. Wynner and his siblings went downtown to met Princess Livia. While Queen Maxhene and King Denver were in Italy."

Sa lahat ng sinabi ni Lady Shruen, ang pangalan na Livia ang tumatak sa isipan ko. Si Livia ay ang kababata ni Wynner sa London. Family friend sila ng mga Paxton at ito na ata ang sinasabi ni Aric na papakasalan ni Wynner.

"Princess Avia, are you okay? Would you like me to show you to your room?" she said.

"Yes, please." Sabi ko.

Sa dating silid na ino-occupy ko dinala ako ni Lady Shruen. Kagaya pa rin naman ng dati noong huli akong pumunta rito.

Mag-isa na lang ako at pakiramdam ko mababaliw ako kakaisip kung ano ang ginagawa ni Wynner. Sundan ko kaya siya? No! Hihintayin ko na lang siya rito.

Napaupo ako sa kama at napahawak sa ulo ko.

"Ano naman sasabihin ko sakanya kung bakit ako nandito?"

Nahiga ako sa kama at nagpagulong-gulong. Hindi ko na kaya! Nagseselos na talaga ako! Bwesit na vampirang 'yon! Ano bang ginawa niya sa akin at ganito bigla ang nararamdaman ko para sakanya? Ginayuma niya ata ako, eh!

Natigilan ako nang makarinig ako ng nagtatawanan sa labas. Masyadong malapit sa pandinig ko ang tawanan kaya agad akong sumilip sa balkonahe ng silid ko.

At tama nga ako. Pababa sa kotse si Wynner at ang Livia na 'yon! Nakakagigil! Parang lahat ng insecurities ko sa katawan ay nagsidatingan. She's very beautiful. Caucasian ang beauty niya at matangkad siya. One of my insecurity dahil hindi ako biniyayaan ng tangkad.

My eyes sight becomes red at wala akong ibang nararamdaman kundi selos! I hate this feeling! Nagseselos ako pero wala naman akong karapatan!

"Hahahaha! You're so funny, Wy!" humawak pa siya sa biceps ni Wynner. Ugh! Ang landi!

Sa sobrang paghihimutok ko ay bigla ko na lang kinumpas ang kamay ko at pinaulanan ang dalawa. Nagtitili si Livia at ang malandi yumakap pa kay Wynner.

"You're really testing my patience, bitch!" I growled.

I snapped my finger at pinahangin ko pa ng malakas. Nilagyan ko rin ng kulog at kidlat. Serves them right!

Nagpapanic ang mga kawal pati ang mga katulong at pinayungan nila ang dalawa. Kahit kasi saan magpunta ang dalawa ay sinusundan sila ng ulan. I smirked at them.

Habang nagtititili si Livia at nakita kong natigilan si Wynner. Hindi niya pinansin si Livia at dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin papunta sa direksyon ko.

Nahuli niya ang mga mata ko. My raging eyes and my face full of anger and jealousy.

"Avia..." kahit hindi ko marinig ang sinabi niya ay alam kong sinambit niya ang pangalan ko.

Hindi ko alam ang gagawin ko kaya tumalikod ako at pumasok pabalik sa kwarto. Pero bago ko sinara ang pintuan ng balcony ay pinahinto ko na ang ulan. Nakakahiya naman kasi sakanila! Baka mamaya maisipan pa nilang mag-shower ng sabay!

Hindi dapat ako nakinig kay Aric. Hindi dapat ako pumunta rito. Wala naman akong idadahilan kay Wynner kung bakit ako nandito, eh. Pagtatawanan niya lang ako!

Without thinking, agad kong kinuha ang maleta ko pati bag. I'm going home.

Ayaw kong magpakita pa kaya nagteleport ako palabas ng Palasyo. Nakarating ako sa exit ng Portal at doon may taxi na puwedeng maghatid palabas hanggang sa terminal ng mundo ng tao.

Sasakay na sana ako nang may humablot ng braso ko.

My eyes widened when I saw who grabs my arm.

"Avia," napaka-seryoso ng boses niya at feeling ko nanghihina ang tuhod ko.

"Aalis na ako. Nag-drop by the talaga ako kasi akala ko nandito si Tita Maxhene," I lied. He smirked.

"Liar,"

Napalunok ako ng malalim.

"Tell me the real reason why you are here,"

"I already told you!" kunwari naiirita kong sabi sakanya.

"But I don't believe you,"

"Then don't believe me. I don't really care!" pagkasabi ko noon ay binuksan ko ang pinto ng taxi. Pero nagulat ako kasi sinara niya 'to using his power.

Hinigpitan niya ang pagkahawak sa akin at napunta kami sa ibang lugar. Halos manlaki ang mta mata ko nang mapagtanto ko kung saan kami. We're at the top of a tower. And not just a tower! It was the tower clock! At nakatayo kami mismo sa orasan or more like sa minute hand.

Napatingin ako sa baba at nakita ko ang busy street of Vampire City. Ang taas pala rito!

"Avia, you only have a minute to tell me everything. Dahil sa oras na gumalaw ang minute hand, pareho tayong mahuhulog." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

The time is 7:15 isang galaw lang ng minute hand ay mahuhulog kami. Matalim na tiningnan ko si Wynner.

"Bababa ako rito! So let go of my arm!"

"I won't." ang seryoso niya at feeling ko wala talaga siyang balak bitawan ang braso ko. "Why are you here?" he asked again.

"I-I don't know," I sigh. "I really don't know why I'm here. But watching you flirting with Livia beats the hell out of me! Hindi ko kayang makita kang masaya sa iba. I've been very hard on you when you were in the Philippines and I am sorry. Ganoon ata talaga, eh. Kapag nandiyan pa, hindi mo makikita ang importansya nito hanggang sa umalis ka na."

I swallowed a lump on my throat. Hindi ko kayang salubungin ang tingin na binibigay ni Wynner dahil natatakot ako. Natatakot ako na baka hindi na gaya ng dati ang nararamdaman niya para sa akin.

"K-kung masaya ka na kay Livia, at kung nagsawa ka ng maghintay sa akin, maiintindihan ko. Sino ba naman akong pigilan ang kasal niyo. Ayaw kong guluhin pa ang relasyon niyo. But I just wanted to tell you that I have learned my lesson. I did learn to love you. Siguro nga noon pa hindi ko lang maamin at hindi ko rin alam kung ano ang pumipigil sa akin. I just love you so much that I'll let you marry Livia." Tumulo ang luha sa mga mata ko. Agad ko naman itong pinunasan at tumingin sakanya.

"I wish you happiness, Wynner."

Napabitaw siya sa akin at kasabay nang pagbitaw niya ay ang pagkawasak ng puso ko. Natutunan ko nga siyang mahalin pero huli na. Dapat pala binilisan ko. Ang arte ko kasi, eh!

Narinig kong tumunog ang orasan tanda na uusad ang minute hand.

Bago pa ako dumulas sa kinatatayuan ko ay tiningnan ko sa mata si Wynner and say the words I want him to hear.

"I love you, Wynner."

Dahan-dahan akong dumulas sa kinatatayuan ko. I am slowly falling. Hindi ko alam kung bakit ayaw kong gamitin ang kapangyarihan ko. Maybe because I know that this pain is too much to handle at walang nang mas sasakit pa kahit pa mahulog ako sa mataas na tore.

Pero bago pa ako tuluyang mahulog ay naramdaman ko ang kamay niya sa bewang ko. Nagulat ako sa ginawa niya. Nababaliw na ba siya? Pareho kaming mahuhulog!

"Hindi ko hahayaan na mahulog ka ng hindi kita sasaluhin," pagkasabi niya noon ay napunta kami sa ibang lugar. No, nakabalik kami sa Palasyo. Sa silid kung saan ako dapat mag-s-stay.

"Thanks for not letting me fall pero kailangan ko ng bumalik sa amin. H-hindi ko kayang masaksihan ang kasal mo," I bit my lower lip. Masakit pa rin na ikakasal na siya sa iba.

"Hindi ko alam kung kanino mo nakuha ang ideyang ikakasal ako kay Livia. Pero kung ikakasal man ako, syempre sa damphyr na mahal ko. At ikaw 'yon, Avia. Hindi ako nagsawang maghintay sa'yo. Hindi mawawala ang nararamdaman ko para sa'yo. And seeing you now, mas lalo kitang minahal. Lalo na't nagseselos ka kay Livia," nakita ko ang ngisi sa labi niya.

Pakiramdam ko narinig ko ang boses ni Aric na tumatawa kasi nauto niya ako. Ahhhhhhhh! Niloko ako ni Aric! Bwesit siya!!! I hate him!

My cheeks turns crimson red dahil sa kahihiyan.

"So you love me, huh?" hayan na. Bumalik na ang mapang-asar na Wynner.

Napasimangot ako sakanya saka ko siya sinamaan ng tingin.

"H-hindi! Wala akong sinabing ganoon!" singhal ko sakanya na ikinatawa niya.

"You love me. Kasasabi mo pa lang kanina, eh. Gusto mo bang ibalik kita sa clock tower?"

"No!"

"That's what I thought," he lean forward to me at pinagdikit ang noo ko. "I love you so much, Avia."

I took a deep breath bago ako tumingin sa mga mata niya.

"I love you, too, Wynner."

Nagulat ako nang siilin niya ako ng halik. Naalala ko no'ng unang beses niya akong nakawan ng halik. Hindi ko matandaan pero parang dalawang beses niya akong ninakawan ng halik, hindi ko lang matandaan kung kailan.

"I'm glad that I'm your first and last kiss, Avia. I always knew that you are only for me."

Napangiti ako sakanya. Lahat ng doubts na nararamdaman ko noon ay bigla na lang nawala. Para akong nakawala sa isang nakaraan na hindi ko naman nga matandaan na nangyari. Wala na rin naman akong pakialam sa nakaraan. What's more important to me is this Vampire Prince in front of me.

---------------


Hi there! Alam kong halos isang taon ng tapos ang kwentong 'to pero ngayon ko lang talaga naisipan na gawan ng special chapter ang book 2. Gusto ko lang kasi malaman niyo kung paano nagkatuluyan si Avia and Wynner since sa book 3 ay may anak sila.

Salamat sa patuloy na supportang binibigay niyo. Naa-appreciate ko lahat ng efforts niyo lalo na kapag nagco-comment kayo. Salamat talaga.

Basahin niyo po ang book 3. hahahaha ^___^v

-Ate Thy

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top