Epilogue
Epilogue
Hunter’s POV
“Bumalik ka na sa katawan mo, hindi ka ba naaawa sa Mama mo? Iyak siya nang iyak oh.” Tinuro sa akin ni Protector sila Mama sa baba. Hindi pa ako patay. Pero mas pinili kong mamatay para sa ikakatahimik nang lahat.
“May mas maganda akong balak. Masyado nang naghirap ang Mama kaya kailangan kong bawiin ang lahat. Gusto ko puro kasiyahan na lang. masyado nang mahaba ang panahon nang paghihirap niya.” Sabi ko.
“Kung gano’n, ano ang gagawin mo?” tanong niya.
“Ibabalik ko ang nakaraan. Tatanggalin ko ang lahat nang pangit na pangyayari sa buhay nang magulang ko.” Sagot ko.
“Mapakapangyarihan ka, Hunter. Kaya naniniwala ako sa’yo na magagawa mo ‘yan.” Sabi sa akin nang protector ko.
Bumalik ako sa kung saan nagsimula ang lahat. Sa Tita ni Mama—Laura. Hindi ko hinayaan na magkatuluyan sila nang kanyang minamahal na Sanguinarian. Kapag ginawa ko ‘yon, hindi na mag-iisip ang Granmama ko na maghanap nang isang Transcendal.
Pero kagaya nang makapangyarihang nilalang, may limitasyon din ako. Hindi ko napigilan ang pagkamatay nang magulang ni Mama. Naaksidente sila sa kotse pakatapos nang birthday ni Mama.
Hindi ko rin binago kung pa’no nakilala ni Papa si Mama. Nakakakilig kasi eh.
So I jumped from another year.
There was a man named Trever. Hindi siya Transcendal. He was a normal guy that was bound to meet my Mother. Pero binago ko ‘yon. Hindi ko hinayaan na magkatagpo sila.
So to sum up the events. It was perfect—for me. Wala akong binago na makakasira sa relasyon nila Mama at Papa.
Hindi ko rin hinayaan na magkita si Tita Avia at ang dati niyang kasintahan na si Tito Kier. Sa palagay ko kasi, may mas mabigat na pagdadaanan ang relasyon ni Tita Avia at Tito Wynner sa hinaharap kaya ayokong dumagdag ang sakit na mararamdaman ni Tita Avia. But Tito Kier still alive. Hindi siya namatay nor hindi niya na-met si Tita.
Si Tita Kyla naman at Tito Edric ay chill lang ang relasyon.
Kay Daddy Kent naman, ewan ko pero bigla na lang siyang naging malamig. Mabait siya pero naging aloof siya sa tao simula nang maging Vampire siya. He was hit by a truck kaya siya namatay. Pero hiniling ni Mama na gawin siyang Vampire kaya heto siya—buhay pa.
“Masaya na ang lahat. Naitama mo na din ang mali. Ayaw mo pa bang bumalik?” tanong sa akin nang aking Protector dito sa Nirvana.
“Ikakasal pa lang ang Mama at Papa ko. Syempre kailangan gumawa muna sila nang anak bago ako sasanib sa katawan ko.” Sabi ko naman sakanya.
“You’re so brave para gawin mo ‘yon. Napaka makapangyarihan mo din para ibalik mo ang lahat sa dati at tanggalin ang mga sabagal.” Aniya.
“Sobrang naghirap ang Mama ko at Papa ko dahil sa mga kaaway at dahil na din sa akin. Alam kong ako lang ang makakagawa nito kaya ako nagsacrifice.”
“Pero tandaan mo, Hunter. Bata ka pa. Kaya sana, sa pagbalik mo sakanila, mamuhay bata ka, ha?” nakangiting sabi nang Protektor ko.
“Haha. Diba sabi ni Diety mawawala ang memorya ko sa nakaraan kapag bumalik na ako? Kaya for sure magiging bata na ako niyan.”
“Dapat lang. nakakapagod kayang magprotekta sa batang mas mataas pa sa’yo mag-isip. Hahaha.” Sabi niya sa akin
Lorelei’s POV
“Hunteeeer! Catch! Oppps!”
“Avia! Bakit mo binato ang anak ko?!”
“Ang OA kuya ah! Sa balikat lang naman!”
“Baka masaktan ang anak ko!”
“Ang OA mo talaga!”
“Oy kayong dalawa. H’wag nga kayong mag-aaway. Fo sure hindi naman nasaktan ang baby ko. Diba baby?” binuhat ko ang 1 year old baby ko. Actually, mag-iisang taon pa lang siya sa next month. I’m glad na para lang siyang normal na bata kaya minsan naisasama ko siya sa mundo nang tao.
Limang taon na din ang nakalipas simula nang ikasal kami ni Aric. At limang tao na din simula no’ng huli akong namuhay bilang tao.
Masaya na ang lahat lalo na no’ng iluwal ko si Hunter. Nakakatuwa nga kasi kuhang kuha niya ang description nang baby sa panaginip ko at sa ine-expect kong mukha nang baby ko.
“Nakakaselos na si baby Hunter. Siya na lang lagi mong niyayakap. Ako hindi na.” nagtatampong sabi ni Aric na ikinatawa ko.
“Lambingin mo din nga Lorelei si Kuya at kulang lang ‘yan sa lambing kaya ang sungit.” Hagikhik ni Avia.
“Nang-aasar ka ba talaga, ha, Avia?!”
“Bakit ba panay ang away niyo? Sa harap pa talaga ni Hunter ah?”
“Si Avia ang sawayin mo! Porket LDR sila ni Wynner dito sa atin nakikigulo!” sabi ni Aric.
“Excuse me, Kuya! Hindi kami LDR kasi hindi naman kami, ok!?” hasik niya.
Iniwan ko ang magkambal na nagbabangayan. Sanay na ako sa ganyan. Sana lang hindi mamana nang anak ko ang pakikipag-away. Ayaw kong maging gano’n siya.
“Lorelei, hija.” Tawag sa akin ni King Hansel. Lumapit siya sa amin at agad na napangiti nang makita si Hunter. “Ang lusog lusog ng apo ko ah.” kinuha niya sa akin si Hunter saka siya ang nagkarga.
“Mabigat na po si Hunter, Daddy. Pero mabait naman. May sumpong ata ngayon at hindi gaanong umiimik.” Aniko.
“Sumpungin ba kamo? Ay nagmana kay Aric. Hahaha,”
“Oo nga po eh.” nakangiti kong sagot.
“Hiramin ko muna sa’yo si Hunter, pwede? Gusto kasi ni Mommy mo na makipagkulitan sa bata.” Paalam niya sa akin.
“Ay ok lang po. Tsaka para awatin ko na din ‘yung dalawa. Nag-aasaran nanaman eh.” sabi ko kay King Hansel at agad naman niyang nakuha ang ibig kong sabihin. Daddy at Mommy na kasi ang tawag ko sakanila since part na ako ng family.
Bumalik ako sa dati naming tinatayuan ni Hunter. Pero pagbalik ko, si Aric na lang. At nakaupo siya sa damuhan at nagbubunot nang damo.
“Asawa ko.” Tumabi ako sakanya saka ko pinilig ang ulo ko sa balikat niya. Inakbayan naman niya ako kaya pareho naming pinagmasdan ang kalangitan.
“Si Hunter?”
“Kinuha muna ni Daddy. Makikipaglaro daw kasama ni Mommy.” Sabi ko sakanya.
“Mabuti naman. Maari na pala kitang masolo.” Sabi niya tapos kinabig niya ako at niyakap. “Lagi kasi kay Hunter ang attention mo. Namimiss tuloy kita.” Sabi niya. Tinignan ko naman siya at hindi ko mapigilan ang hindi mapangiti.
“Puslit muna tayo?” bulong ko sakanya.
Tinignan naman niya ako at nagtanong. “Saan?”
“Naalala mo ‘yung cliff na pinupuntahan natin noon?” sabi ko.
“Ah Oo. ‘Yung parang sa rain forest? Bakit?” aniya.
“Punta tayo do’n. Gustong-gusto ko makapunta ulit ro’n.”
“Gusto mo ngayon na?”
“Pwede ba?” tanong ko.
Tumango naman siya sa akin. Inalalayan niya ako makatayo saka niya kinuha ang kanang kamay ko at naglakad kami.
“Just like the old days, Lorelei?”
“Like the old days, Aric.” Sabi ko.
“Why I have this feeling na espesyal sa atin ang lugar na ‘yon? Feeling ko may magandang nangyari doon na hindi ko mawari kung ano.” Sabi ni Aric sa akin.
Pareho pala kami ng iniisip. Kaya gusto kong pumunta doon eh. I want to figure out what makes that cliff special to me—to us.
“Then let’s both figure things out when we arrive. Shall we?” I said while we’re walking.
“I can’t wait.” He said.
Hindi ko alam kung ano ang magandang bagay ang matutuklasan namin doon ni Aric. Pero masaya ako na siya ang kasama ko.
Mahal na mahal ko si Aric pati ang anak namin. At masaya ako na nabigyan ako nang tsansang makasama sila habangbuhay.
Because right now, they’re my life. And without them, Nyx Lorelei Park-Kang is nothing.
THE END!
---I hope nalinawan kayo. This wasn't my plan. I have my original plot pero nabago 'yon because of certain events. We don't want a tragic ending right? Because if i'm going to stick in my original plot, I'm sure you wouldn't like it.
I'm still going to post a FAQ's so maybe 'yung ibang katanungan niyo ay masasagot do'n.
Thank you and farewell Vampire City.
XOXO
-Thyriza
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top