Chapter 9 - When a Vampire falls in love
Chapter 9 - When a Vampire falls in love
A./N: Natatawa ako sa title ng chapter ngayon. Wahahaha napaka-cliche ko talaga. Cliche ba ang story ko? Tell me. Huhuhu tell me para iliko natin ang plot. wahahahaha
Lorelei's POV
"Saan ba tayo pupunta?" inip kong tanong. Wala na kasi kaming nadadaanan na bahay ta puro puno sa paligid.
"Malapit na tayo." he said.
"Talaga lang ha? The last time you said that is 1 hour ago." sarcastic kong sabi.
"This time i mean it." sabi niya saka niliko yung sasakyan sa isang secluded na daan. Hindi gaya ng dinaanan namin kanina, bako-bako na siya at makipot ang daan.
"S-sigurado ka bang itong ang pupuntahan natin?" kabado kong tanong. Oh my ghad! Bakit ko ba nakalimutan na vampira pala itong kasama ko? Bakit nawala sa isip ko na sumisipsip sila ng dugo ng tao? Bakit--
"I'm not gonna drink your blood if that's what you're thinking." he said.
"Eh?"
"You have such a morbid mind and your face says it all. Namumutla ka nung pumasok tayo sa daan na ito." malamig niyang sabi.
"K-kasi.."
"You really think na gagawin ko yun sayo, Lorelei?" he stop the car and looked in to me. Napakaseryoso niya. Hindi ko naman sinasadyang isipin yun. Hello?! Hindi siya tao noh? I am given a priviledge to be scared.
"You can't blame me!"
"This is a modern era, Lorelei. Sa palagay mo ba interesado pa din kaming mga vampira sa dugo ng tao? Ano sa tingin mo kung bakit nakiki-blend in kami sa inyo?" Hindi ko alam kung bakit tumatagos ang mga sinasabi niya sa akin. Is it the way he say my name o dahil sa hindi niya nagustuhan ang iniisip ko.
"Look. I didn't mean to offend you, ok? You can't blame me kung natakot ako. You're still a vampire." i said. Trying my best na hindi maintimidate sakanya.
"Sorry. We're here anyway." sabi niya kaya napaangat ako ng tingin.
Para kaming nasa Rain forest. Everything is wet. From soil to leaves. Small drops of water is falling and everything is green.
"Hindi na kaya ng kotse na ipasok yan sa main place kaya maglalakad tayo from here to there." he said.
"Maglalakad?" Hindi na naman siya bako-bako pero.. hindi ko feels maglakad. I'm still wearing my uniform and imagine my college shoes walking through the wet land.
"Come." utos niya.
"Bakit?"
"I'll give you a piggy back ride." nanlaki mata ko. Naka-skirt kaya ako. Talaga naman ito si Aric.
"I'll walk." sabi ko saka dumeretso.
"..Aww!"
"Halika na kasi." sabi niya.
Nahihiya naman na lumapit ako sakanya. Nag-squat siya para maging ka-level ko siya. Pumunta ako sa likuran niya saka ko siya niyakap--i mean umamba sa likod niya. Tumayo naman siya at hinawakan ang magkabila kong legs.
"Ready?"
"Huh?"
***
Avia's POV
"Sino ba'ng kausap mo, Avia?" tanong ni Kier. I took a glimpse of Smitt at wala na siya.
"Wala. Kinakausap ko sarili ko." kibit balikat ko.
"Ah. Akala ko kung ano na." sabi niya saka tumawa. Nakahinga naman ako ng malalim. Akala ko pa naman mabubuking na ako.
"Maliligo lang ako." sabi ko. Kumuha ako ng tuwalya at toiletries.
"Sige. Tatawag din ako ng Cabin service." tumango lang ako saka lumakad papasok sa CR.
Ni-on ko ang shower saka naligo. Naririnig kong may kausap si Kier sa phone. Siguro para tumawag sa cabin service. I quickly wash my body with soap then started putting shampoo in my hair.
"Prinsesa Avia.."
"Ay palaka!" napatalon ako dahil sa boses ni Smiit. Hindi ko naman siya nakikita.
"Hihihi. Ang ganda ko namang palaka, Prinsesa Avia." sabi niya. Dali-dali kong binanlawan ang buhok at katawan ko.
"Yeah...I told you... Tss! Hindi nga po ako uuwi. ____ ko kayo lolo pero gusto ko mag-enjoy b--"
"Prinsesa Avia. Saan kayo mamamasyal? Kahapon hindi niyo ako sinama." rinig kong sabi ni Smitt kaya hindi ko na narinig yung sinasabi ni Kier.
Mukhang ok naman sila ng lolo niya ah. Hindi naman siya rude makipag-usap. Ah- siguro kasi kahit hindi maganda ang trato nito sakanya ginagalang niya pa din niya. Napangiti na lang ako bigla. Ibig sabihin mabuti siyang tao. He never hold grudges to people. I really like Kier, as a person. Hindi kasi siya mapagsamantala at sobrang bait. Alam mo yun? Tsaka--
"Tapos ka na ba maligo, Mahal na Prinsesa??"
"Malapit na." sabi ko. Nagtapis lang ako ng tuwalya pantakip sa katawan.
"Lalabas lang ako Prinsesa Avia. Makikipaglaro lang ako sa mga kapwa ko hangin."
"Sige"
Lumabas akong kwarto at nakita kong wala si Kier. Mabuti naman at magbibihis ako. Nakalimutan ko kasinng mag-dala ng damit.
Kinuha ko yung maleta saka pinatong sa kama. Binuksan ko yun saka pumili ng damit. Hmm.. Ano kaya magandang isuot ngayon? Hmm. Eto na lang na short at white blouse ko.
Dahan-dahan kong tinanggal ang tuwalya sa katawan ko saka sinuot yung mga undies ko. Sinunod ko yung short.
"Ay?" Bakit may butas itong damit ko sa bandang manggas? Hayaan na nga. Maghahanap na lang ako ng iba. Marami pa naman akong da--
"Avia ano'ng gus--"
"OH MY GHAD!!!"
"SORRRYYYY~ Wala akong nakita promise!!!"
"WAAAHH~ Bakit ka ba hindi kumakatok???!!" Nakatalikod na ako saka nakatakip ang dalawang kamay sa harap ko. Hindi ko alam kung bakit hindi ko hinablot ang towel o yung damit na nasa harapan ko lang. Nataranta lang kasi ako eh. Agad kong kinuha ang damit na nakita ko saka sinuot yun.
Pagharap ko, nakita ko si Kier na nakatalikod at may dalang Tray.
"P-pwede ka ng humarap." naiilang kong sabi.
"Sorry talaga, Avia. Hindi ko sinasadya. Akala ko kasi nasa CR ka pa kaya hindi na ako kumatok." mabilis niyang sabi.
"Ok lang.. I mean.. alam ko naman na hindi mo yun sinasadya." sabi ko. Lumapit siya sa akin at nilapag sa kalapit na mesa ang dala niyang tray.
Pag-kain ang laman nito.
"K-kain ka na." sabi niya. Nasa boses niya pa din ang hiya
"Sige. Sabay na tayo?" nakangiti kong sabi, pinipilit na tanggalin ang tension sa amin dalawa. Tumango siya.
Nakaupo na kami pareho at magkaharap sa mesa ng biglang sumolpot si Smitt. Hinihingal siya at halatang galing siya sa mahabang paglipad.
Paano ko ba siya kakausapin ng hindi nahahalata ni Kier?
"Saan ka galing?" tanong ko kay Smitt pero nakatingin kay Kier.
"Ha? Sa Restaurant. Kinuha ko yung order natin." sagot niya. Tumango ako saka tumingin kay Smitt.
"May problema tayo, Mahal na Prinsesa.." hinihingal niya pa ding sabi.
"Talaga?" sabi ko. Tumango si Kier.
"Prinsesa Aviaaa~ S-si.. si Errr. Si Prince Wynner, papunta dito!!"
"ACK!" Naibuga ko yung nginunguya kong fried rice dahil sa sinabi ni Smitt. OH MY GOD!
"Avia, ok ka lang?? Eto tubig oh." sinalinan ako ni Kier ng tubig sa baso saka pinainom sa akin. Isang problema nga. Isang masamang balita.
-Flashback-
"WAAAAHHHH~~~ MOMMY! MOMMY!" iyak ko habang kinukusot ang mata.
"Sige, magsumbong ka! Malalaman ng Reyna na may first kiss ka na!" pananakot sa akin ni Wynner. Ang anak ng matalik na kaibigan nila mommy at daddy. Kinasusuklaman ko siya! Ninakaw niya ang first kiss ko!!
"ANG MANYAK MANYAK MOOO!!!" Singhal ko sakanya.
"Wala namang masama sa halik ah!" sabi niya haban nakahalukipkip. Mas matanda siya sa akin ng tatlong taon. At napakabata pa namin para maisipan niyang gawin yun!
"Masama yun! Sabi ni mommy hinahalikan lang daw yung mga mahal nila! Hind naman kita mahal!" pasigaw kong sabi sakanya.
"Ang swerte mo nga eh! Ang isang Prinsepa na tulad ko hinalikan ang katulad mong musmusin na Prinsesa!" Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. Una pa lang naming pagkikita tinatawag na niya ako musmusin. At naasar talaga ako dun!
"Hindi ako musmusin! Maganda ako!"
"Naghahallucinate ka lang. Bleeh!" ngumisi siya kaya mas lalo akong nainis.
"Ah basta! Maganda ako! At isusumbong kita sa daddy ko! Kapag nalaman niyang hinalikan mo ako magagalit siya sayo!" lumabi ako sakanya.
Mukha naman siyang natakot dahil sa sinabi ko.
"W-wag! Wag mo akong isusumbong! P-papaksalan kita. wag mo lang akong isususmbong!"
-end of flashback-
Kinikilabutan talaga ako kapag naaalala ko yun. Kapag bumabalik siya sa palasyo, lagi niya yung inuungkat na papakasalan niya daw ako. Eh hindi ko nga siya gusto! Nakakaasar ang pagmumukha niya.
Nawala siya ng 30 years tapos babalik siya ng ganun ganun na lang? Guguluhin niya ulit ang buhay ko?
"Ok ka lang ba, Avia? Bakit nakatulala ka dyan?" untag sa akin ni Kier.
"U-uhh. Kier, kailangan na natin umalis dito. Mukhang nahanap ako nung inutusan ni mommy!" pagsisinungaling ko sakanya.
"H-ha? Oh sige-sige." tumayo naman siya at hindi natinapos ang kinakain. Nagdali-dali siyang nag-impake at ako naman sinarado ko ang maleta ko.
"Prinsesa Avia, bilisan mo na. Malapit na siyaaa~" sabi ni Smitt na mas lalo kong ikinataranta. Wala na akong choice.
"2 minutes Prinsesa."
"OMG! OMG!" sabi ko.
"Kier.." tawag ko sakanya. Lumingon siya and with just one snap of my finger, pinatulog ko siya.
"Smitt, ikaw magdala kay Kier. Ako ng gamit namin." utos ko kay Smitt saka pareho kaming nawala na parang bula.
***
Kyla's POV
"Edric Calix?" sambit ko ulit sa pangalan niya. Tumango naman siya.
"Oo. I'm glad to finally see you in person." sabi niyang nakangiti.
"Paano mo ako nakilala?" tanong ko sakanya. I know i am beautiful and famous pero hindi ako sanay na may bigla na lang na magpapakilala sa harapan ko at tatakutin pa ako. Walang naglakas ng loob na kilalanin ako lalo na kung alam nilang hindi ako interesado. But this guy, he surely caught my attention. Especially his dimple.
"Si Aric kasi. Kilala niya yung kaibigan mong si Lorelei kaya nakilala din kita." Nanlaki mata ko. So kaibigan siya ni Aric?
"You're friend with Aric?" i asked.
"No. He's my cousin." his dimpled showed, again.
"Oh." nasabi ko lang.
"Ihatid na kita pauwi. Mahirap na magsolo maglakad." sabi niya. Nagdalawang isip muna ako. Ano nga ba ang mas delikado? Ang maglakad ng mag-isa? O ang magpasama sa isang lalaking ngayon mo lang nakilala?
"S-sige." Mas pipiliin ko pang maglakad ng may kasama kesa sa wala. Mukha naman siyang harmless eh. Though gusto ko siyang sapukin dahil sa pananakot niya sa akin. Akala ko aatakehin ako sa puso.
"May sundo ako eh." sabi ko sakanya ng makarating kami sa parking lot.
"It's ok. Pwede naman tayong magkita bukas ulit eh."
"Huh?"
"Hehehe. Sige. Ingat ka ah." kumaway siya saka nawala na. Ang wierd naman.
***
Nyx Lorelei's POV
"Woah! Ang gandaa~" nasabi ko ng makarating kami sa isang cliff ng Rain Forest. Sa baba nito ay isang napakalinaw na ilog. Ang ganda talaga. Para siyang yung nakikita ko sa TV lang. Perfect.
"Isa ito sa mga pinupuntahan ko kapag magulo ang isip ko." he said.
"Magulo ba isip mo ngayon?" curious kong tanong.
"Hindi. Gusto ko lang na puntahan etong lugar na ito kasama ka." tumingin siya sa akin saka ngumiti. Sinilip ko ang baba ng bangin at parang nalula ako sa sobrang taas. Kung sakali man na tatalon ako, hindi ko yun kakayanin. Wala akong afraid of heights pero nakakakaba naman talaga ang scenery ngayon.
Umupo siya sa isang bato at tumingin sa kalawakan. Tinignan ko lang siya ng mataman. Ang medyo reddish brown niyang mata ay nagcocompliment sa papalubog na araw. Parang may flame sa pupil niya kapag tinitignan ko. Napaka expressive din ng mata niya. Alam mo kung galit, masaya o malungkot.
Siguro nga tama siya, there's no such thing as vampire suckers, this days. Napa-modern na ng mundo at pati siguro sila nag upgrade na din. At kung mabibigyan ako ng chance, gusto ko silang kilalanin. Siguro ang cool maging kagaya nila. Malakas ka. Hindi ka basta-basta masasaktan. At invincible.
"Ang lalim ata ng iniisip mo." he snap on me.
"Hindi naman. Mga random things lang." nakangiti kong sabi sakanya. Tumango naman siya.
Nahalata kong bumuka ang bigbig niya tapos isasarado niya ulit. Parang may sasabihin siya pero nagdadalawang isip kung sasabihin niya sa akin o hindi.
"Pwede mo ba akong kwentuhan pa tungkol sa lahi niyo?" ani ko. Tumabi ako sakanya at nagshare kami nung batong inuupuan niya. Para namang nag ning-ning ang mga mata niya dahil sa sinabi ko.
"I'm glad na interesado ka sa tribe namin." he beamed at me.
" I really wanted to know you more." i answered. Mas lumapad ang ngiti niya sa labi.
"Well, bukod sa alam mo ng may kambal ako at isa siyang damphyr. Ano pa ba.. Ah~ may pinsan ako na may gusto sa kaibigan mong si Kyla." nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya.
"Talaga? Sino?"
"His name is Edric. Remember nung natulog si Kyla sa bahay mo dahil natatakot siya?" tumango ako.
"..si Edric yun. Ang sabi ko kasi sakanya, be mysterious. Hindi ko naman alam na matatakutin pala ang kaibigan mo. Hindi siya kagaya sayo na gusto sa mga mysteryo." natawa ako sa sinabi ni Aric. So wala naman pala talagang aswang sa bintana niya.
Bigla akong nag-blush ng maalala ko ang gabing yun. Yun yung gabing hinalikan ako ni Aric at nagpaalam na mawawala. Hindi ko maintindihan kung bakit iba yung nararamdaman ko.
"Mag-fefreak out yun kapag nalaman niyang isang vampire yung sinasabi niyang aswang." i said then chuckle.
"Kaya nga sabi ko kay Edric, hinay-hinay lang."
"Isa lang ba pinsan mo? Wala ng iba?" i asked.
"Wala na. Isa lang kasi ang kapatid ni daddy. Si mommy naman solong anak."
"Mabait ba ang mommy mo? I mean.. kasi isa siyang Reyna?"
"She's kind. pero strict. Hindi niya kami in-spoil. At pinalaki niya kami ng may disiplina. Mas malambing kasi ang daddy ko though mas nakakatakot siya."
"You're lucky you still have your parents." sabi ko kaya napatingin siya sa akin.
"Kung hindi siguro ako umalis para kumuha ng black rose para sayo, siguro natulungan ko ang parents mo." sabi niya. Napangiti ako ng mapait.
Bakit nga ba yun nangyari? Kapag naalala ko ang nangyari parang gusto kong gumanti. Nagagalit ako. At hanggang ngayon yun pa din ang nararamdaman ko. Yun siguro ang dahilan kung bakit hindi ako masaya. Kaya kahit sinasabi kong ag-eenjoy ako, alam ko sa kaibuturan ng aking puso na hindi yun totoo. Pero si Aric, siya ang nagbago sa papanaw ko na kahit kailan hindi ako magiging masaya. Sa paraan niya ng pagbibigay ng itim na rosas, alam ko na nasisiyahan ako.
"Gusto mo bang tulungan kita sa paghahanap kung sino ang pumatay sa magulang mo?" Sa lahat ng sinabi ni Aric, yun lang talaga ang pumukaw sa attention ko.
"Magagawa mo ba yun?"
"Oo naman. Kung mabubuksan ang kaso ng parents mo ng palihim, maari nating matukoy kung sino ang pumatay sa magulang mo. And everyone is a suspect." ani niya. Para namang napantig ang tenga ko sa sinabi niya.
Everyone is a suspect.
"Including you?" tanong ko kaya napamaang siya pero nabawi din naman niya saka ngumiti.
"Even me is a suspect. But i'll prove to you na hindi ako yun. Kung hahayaan mo ko na tulungan ka." Marahan akong tumango sakanya na dahilan ng pag-ngiti niya.
"Alam kong masama ang gumanti pero gusto ko talaga yun gawin sa ikakatahimik ko. Hindi man ako maging masaya, atleast naipaghhiganti ko ang magulang ko." sabi ko saka tumayo at tinanaw ang kalawakan.
Humangin ng malakas kaya napunta sa mukha ko ang ilang hibla ng buhok ko.
"Then i'll help you. We'll find the man who killed your Parents." he said. Naramdaman ko na lang na pumulupot ang bising niya sa likod ko at niyakap niya ako.
Malamig ang pakiramdam ko. Pero binibigyan niya ako ng assurance na tangi ang yakap niya ang makakapanatag sa akin. May kung naong binulong siya sa akin pero hindi ko maintindihan.
"Sana dito na lang ako lagi." nasabi ko na lang.
"Eh di dadalhin kita lagi dito araw-araw." sabi niya sa likod ko. Hindi ko man siya makita alam kong nakangiti siya.
"Lorelei?" he whispered. Nilingon ko siya kaya sobrang lapit ng mukha niya sa akin.
"Hmm?"
"Gusto ko ako lang ang dahilan ng pag-ngiti mo."
..................................................................................................................................
Pasensya na ang sabaw ng update. :3 Minadali ko lang kasi siya. Siningit ko lang ito sa busy schedule ko.
HAPPY 500K pala sa Vampire City Book I.
XOXO
-Thyriza
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top