Chapter 8 - Yes! We have a date!

Chapter 8 - Yes! We have a date!

Lorelei's POV

Katatapos lang ng morning subjects ko. After lunch may pasok pa akong 1:00 to 3:00, my major subject.

"Sa canteen na tayo girl?" Si Kyla ng makalabas kami ng room.

"Yeah. Gutom na ako eh." sabi ko habang tinitignan ang cellphone ko.

"Itext mo na kaya." napatingin ako sakanya.

"Ha? Sino?" maang kong tanong.

"Eh di sino pa? Si Aric mo." ngumiti siya ng makahulugan.

"A-anong Aric ko? Excuse me! Tinitignan ko lang kung may message!" i yelled at her pero tinawanan nanaman niya ako.

"Wag ka ngang obvious dyan. Ay! Hindi mo na pala siya kailangan itext eh." she giggles.

"Huh? What d'you mean?" napatingin ako sa direksyon na tinitignan niya. Nakatayo sa hindi kalayuan si Aric. Nakapamulsa at naka sandal ang likod sa pader.

Lalapitan sana namin siya ni Kyla ng may tumawag sa akin. Dahilan para mapalingon din ako.

"Oh em!" rinig kong bulong ni Kyla.

"Nyx! Sabay-sabay na tayong mag-lunch?" sabi ni Trever habang papalapit sa amin.

"A-aahh. K-kasi ano eh.."

"Hi, Trever! Remember me? Yeah. Thanks for the invitation pero may date si Nyx ngayon so tayo na lang?" sabat ni Kyla.

"You have a date?" takang tanong niya at nahihimigan ko ang inis sa boses niya.

"U-uhhh--"

"Yes! We have a date!" Halos mapapikit ako sa papalapit din na Aric. Bakit ba ito nangyayari?  At bakit ako kinakabahan para sa dalawa? Hello?! Wala naman akong boyfriend ni isa sakanila! At lalong walang nanliligaw sa kanila sa akin, so why am i nervous?

Naramdaman ko ang malamig na kamay ni Aric sa bewang ko.

"O-ohh." Trever looked disappointed. I am disappointed too. I would love to have some lunch with him, pero gusto ko ding kasama si Aric.

"..anyway. Joke lang naman yun! Hindi naman talaga kita gustong makasama sa lunch! I just wanted to invite you for me to piss you more." he said. Was it just me o talagang he is trying to make me believe na ayaw niya talaga akong kasama.

Tinalikuran niya ako without saying goodbye. Goodbye? Ano yun? Dito lang naman siya sa school.

"That was harsh." Kyla commented. Hindi lang ako nakaimik. Nainis tuloy ako kay Trever. Akala ko pa naman ok na kami. Akala ko we can be friends kasi i helped him put yesterday. He was back to his old self. Once a badass. Always a badass!

"S-so where do you want to take me?" i asked Aric. Kanina pa pala siya nakatingin sa akin.

"Oh! I forgot! Maurice texted me pala. Sasamahan ko siya mag-lunch." she says. Napataas kilay ko. Never pa silang sabay nag-lunch ni Mau. At sa pagkakataon na ito pa? Na ayaw kong mapagsolo kasama si Aric dahil naiilang ako?

"Ha? You didn't--"

"Enjoy kayo sa lunch date niyo. Bye!" she waved at us tapos patakbong umalis na. Naiwan kaming nakatayo sa gitna ng corridor. Dahan-dahan kong hinarap si Aric. Nakangiti siya sa akin pero hindi umaabot sa mata niya ang mga ngiti niya.

"Do you eat?" i asked while we're walking towards parking lot.

"No." he simply answered.

"Oh. So ako lang pala ang kakain ng lunch? Eh bakit mo pa sinabi kay Trever na may date tayo? Ako lang naman pala ang kakain. Dapat pala sumama na lang ako sakanya." sabi ko. He gritted his teeth.

"Then i'll eat!" he said tapos nauna ng naglakad sa akin. Ano'ng nangyari sakanya? Inis ba siya? Galit? Nagtatampo?

Ganun pa man, pinagbuksan niya pa din ako ng pinto ng kotse kahit inunahan niya ako sa paglakad. Wala akong nagawa kundi ang sumakay sa kotse niya. As expected, nasa loob agad siya ng kotse as he close the door.

"Can you act human? Paano na lang kung may nakakita sayo sa ginawa mo?" sita ko sakanya.

"Pasensya na. Isa kasi yun sa namana ko sa daddy ko, his speed." he said and started the engine. He has a daddy. Ofcourse.

"Vampire din daddy mo? Eh yung mommy mo? May kapatid ka ba? Ano hitsura ng tinitirhan niyo? Lumang bahay ba? Umiinom ba kayo ng dugo ng tao?" derederetso kong tanong. Napangiti lamang siya sa akin.

"I'm glad na interesado ka sa family ko at sa buhay ko." sabi niyang nakangiti.

"Wala kasi akong alam tungkol sayo. Unfair ata yun kasi ikaw nga nakakapasok ka ng libre sa kwarto ko." mababa kong sabi.

Nakarating kami sa isang maliit na restaurant. Konti lang ang kumakain pero masarap dito.

"Sure ka bang kakain ka? I mean.. kasi i know hindi kayo kumakain" sabi ko ng makaupo kami sa loob ng resto.

"Actually, hindi talaga ako kakain. I only said that para pumayag ka na samahan kitang kumain." he said.

"Hmm. Eh di kwentuhan mo na lang ako tungkol sa family mo." i said. Ngumiti naman siya saka tumango.

Dumating yung order ko pero hindi pa din siya nagsasalita. Nakatingin lang siya sa akin kaya naiilang ako. He watch me with fascination every time na susubo ako.

"Titignan mo na lang ba ako magdamag?" sabi ko kaya napaiwas siya ng tingin. Hindi ko naman maitago ang mga ngiti sa labi ko. Sa katotohanan na dapat ay matakot ako sakanya pero nawawala yun kapag naalala ko kung paano siya kumilos. Alam kong hindi siya ordinaryong nilalang pero walang dahilan para katakutan ko siya.

"What are you thinking?" he asked.

"Wala." sabi ko saka nginuya yung asparagus na hiniwa ko.

"Tell me." he insist. Napabuntong hininga ako.

"Maraming beses ko na itong tinanong sayo pero hindi mo pa nasasagot." sabi ko at naghintay lang siya sa mga sasabihin ko. I gently wiped my mouth using the table napkin.

"..bakit ako? Bakit binibigyan mo ako ng itim na rosas?" seryoso kong tanong at the same time lihim na nagdadasal na sana this time sagutin niya ang mga katanungan ko.

"Hindi ko din alam. Maybe because i wanted to leave a mark on you." he answered na mas kinagulo ng isipan ko.

"Hindi ko maintindihan." sabi ko.

"Nung una kitang makita.. muntikan ka ng masagasaan ng sasakyan. Wala ako nung balak na sagipin ka, pero there is this urge inside na kailangan kitang iligtas dahil baka pagsisihan ko kapag hindi ko yun ginawa." he trail off ng dumating yung waiter para kunin yung plate ko para palitan ng dessert.

"Nung una kong makita ang mga mata mo.. takot na takot ka. That time, i know i should stay by your side. The first black rose you had recieved was when you were playing doll house. It wasn't your birthday and i have the chance to talk to you since you are just a kid."

"Ikaw na nag-ipon nung mga black rose sa isang kahon?" tanong ko. Dahil isang araw, birthday ko nakatanggap ako ng itim na rosas at parang alam ko kung saan ko ito itatago. Hindi ko alam kung paano ko nalaman pero taon-taon hinihintay ko ang kaarawan ko at sa isang kahon ko siya tinatago.

"You helped me. Hindi mo na ata naalala kasi nung nakakausap kita, masyado ka pang bata. You always asked me if i am your guardian angel." Wala akong naalala na ganun. Nung mangyari ang massacre sa parents ko, parang nagsariling binura ng isipan ko ang childhood memories ko, halos lahat ng masasayang araw ko noong bata pa ako hindi ko maalala at puro masasama ang natira.

"Bakit ka nagdesisyon na magpakita?"

"Bacause i wanted to. It's the right time for you to meet the mysterious Mr. Black Rose." he said and grinned.

"Paano pala kung sinipot ako ni Kirby sa dance floor? Paano mo ko makikilala?"

"I.. i already planned it. Hindi coinsidence ang pagkakawala ng partner mo sa debut mo. Kagagawan ko yun. I'm.. i'm sorry." mababa niyang sabi. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Hindi ako galit o naiinis. Natutuwa pa nga ako kasi gumawa talaga siya ng paraan para magkita na kami.

Hinawakan ko ang kamay niyang nakalapag sa mesa. Napatingin siya sa akin kaya nginitian ko siya. Reassuring him na hindi ako galit. Malamig ang kamay niya pero parang kapag hinahawakan ko yun, natatalo ng mainit kong kamay ang malamig niyang balat.

"It's fine actually." sabi ko sakanya.

"I'm glad we are having this talk." he said. 

"Me too." ani ko.

"Does the guys who killed your parents get caught?  Are they in jail?" he asked.

"I don't want to talk about it, Aric." sabi kong nakatingin ng deretso sa mga mata niya. 

"Then let's talk about my family then?" he beamed.

"Please." sabi ko. He cleared his throat.

"I have a twin sister, she's Avia." He started.

"Really?" he nodded.

"She is a damphyr. Half vampire, half human."

"Oh" was all i can say.

"My Mom was a human and fell in love with a vampire Prince." Halos manlaki ang mata ko sa sinabi niya. Parang hindi ko kayang ihandle ang mga sinasabi niya sa akin.

"Y-your a Prince too?" i manage to analyze what he say to me. If his father was a Prince when her mother was human by then, ibig sabihin isa na itong Hari ngayon, that makes Aric a vampire prince.

"Yes, and you're smart for figure it out." he said smiling.

"Is that a compliment?"

"It is. Avia will be glad to meet you."

"Pwede ko siyang makilala?"

"Ofcourse. Kasa-kasama ko siya dati sa pagbabantay sayo."

"You're stalking me." i teased him and he chuckled. I can see the complete set of his teeths. Pantay-pantay 'to at maputi na parang porselana at pwede nang panmodel sa tooth paste. I wonder kung may pangil siya? Most of the books na nababasa ko about sa vampire eh may pangil daw sila.

"Not really. I'm your guardian, remember?"

"Stalking guardian then?"

"Sounds.. wierd." pareho kaming natawa.

Nang tignan ko ang oras sa cellphone ko, i was literally shocked! 1:30 na pala at late na ako sa afternoon class ko! Ganun ba ako ka-occupied kausap siya? Ganun ako nag-enjoy na nakalimutan ko ang oras?

"Problem?" untag niya.

"H-ha? Ano kasi eh.. Ala una pala yung pasok ko and i am 30 minutes late." pinakita ko sakanya yung text ni Kyla at hinahanap ako.

"Ihahatid na kita." tatayo sana siya pero pinigilan ko siya. I'm late anyway so i might as well enjoy it.

"I'm thinking of skipping class." sabi ko sakanya.

"Talaga? Ok lang sayo?" he look like he wasn't sure at parang ayaw niya sa idea.

"Yes. Pero kung hindi mo ako masasamahan, papasok na lang ako sa class ko at hahayaan ang terror prof ko na ipahiya ako sa ha--"

"Gusto ko. Gusto kitang samahan." putol niyang sabi sa akin. Tumayo siya at ako naman nag-iwan ng pera sa table. Nauna na siya sa labas ng resto at nakatayo siya sa gilid nito habang nakapamulsa. Suot niya shades niya.

"Hop in." he opened his car and gave a curtsy like english people do those days.

"What a gentleman." i said saka sumakay. At gaya ng inaaahan ko, mabilis siyang nakasakay sa driver seat. Napapailing na lang ako sa ginawa niya.

"Saan mo gustong pumunta?" he asked as he start the engine.

"Sa lugar na hindi ko pa napupuntahan." i grinned.

"I know a place." then he smiled.

***

Avia's POV

"Grabee! Yun na ata ang pinaka exciting na nangyari sa buhay ko, ang malunod." i squealed habang pinapatuyo ang buhok ko gamit ang tuwalya. Si Kier ay nakahiga sa sarili niyang kama. Nakakumot at nilalamig daw siya.

"Hmmm." he answered me. Baka antok na siya.

"Matutulog ka na ba? Sige pahinga na tayo, tomorrow is another day." sabi ko. Lumapit ako sa higaan niya at pinatay ang lampshade ng side table niya. Napangiti ako ng marinig kong humihilik siya ng konti. Everything about human fascinates me. Though i'm somewhat one of them, gusto ko pa ding maramdaman kung paano maging tao.

Nakita kong nagvibrate ang phone niya sa side table. Ayaw ko sanang tignan pero naka instant message ito kaya nabasa ko lang din naman.

From Grampa: Apo ko, nasaan ka ba? Umuwi ka na. Please? Nag-aalala ang Grampa.

Napakunot ako sa nabasa ko. Akala ko ba hindi sila ok ng Grandfather niya? It looks like he was concern na umalis ang apo niya.

'I can go anywhere i want at walang magagawa ang Grampa ko dahil isa akong illigitimate niyang apo.'

Yun ang naalala kong lagi sa aking sinasabi ni Kier. Nagkibit balikat na lang ako. Baka naman sa text lang yun, baka sa totoo hindi talaga maganda ang pakikitungo ng lolo niya sakanya.

***

Kinaumagahan, maaga akong lumabas ng cabin namin. Nakakabighani ang hamog na tumatama sa lagoon. Parang gaya lang sa Vampire City, laging mahamog kapag mag-uumaga.

"Ang aga mo namang magising." i heard a voice behind me. Antok pa ang boses niya at kinusot ng likod ng kanyang palad ang dalawang mata habang humihikab.

"Yeah. You hungry?" tanong ko sakanya. Napakagulo ng buhok niya ng nilingon ko siya, still he look so adorable. Parang nawala yung maangas look na dinadala niya. Isang maamong Kier ang kaharap ko ngayon.

"Yeah. Pwede bang mag-oder na lang tayo sa cabin service? Tinatamad pa akong lumabas eh." Agad akong tumango.

"Ok lang. Parang napagod ka ata sa paglilibot natin dito sa Vigan ah. Mukha ka ngang nanghihina eh." sabi ko. 

"P-pagod lang ako. Wag mo akong pansinin. Tsaka na-stress lang siguro ako kasi first time kong magtravel na may kasama." seryoso niyang sabi.

"I'm stressing you out? I'm sorry."

"Hahaha. I was teasing you. Ano ka ba." natatawa niyang sabi kaya nakitawa na lang ako.

"Uhh, Kier.." i paused. Nagdadalawang isip ako kung sasabihin kong nagtext ang Lolo niya at nabasa ko. Ayaw kong isipin niyang nangingialam ako ng sa gamit niya. 

"Yes?"

"I think your Grampa is worried about you." nagbago bigla expression niya. Nawala bigla yung ngiti sa labi niya at parang nakarinig siya ng masamang balita.

"..i didn't mean to read his text. It was an instant message kaya nabasa ko siya sa screen ng phone mo. I'm really sorry." Mabilis kong explain sakanya. The last thing i want to do is make a bad expression on him.

"Ok lang yun. Alam ko naman na hindi mo sinasadya." he said, this time he is smiling again. Para naman akong nabunutan ng tinik. Akala ko magagalit siya.

"Sorry talaga."

"It's ok, really. My grandfather is really fond in Instant message. Alam niya kasing hindi ko yun babasahin." he shrug.

"I don't think your Grandfather hold grudge on you or anything. He's really worried na umalis ka nanaman." i said. He just beamed at me.

"Text is different from calls. Kung siya magsasabi nun personally, it will be full of sarcasm." naki-agree na lang ako sakanya. Oo nga naman, hindi ko pa kilala ang Lolo niya. Baka nga isa yun sa sarcastic way of texting niya.

"We shouldn't be talking about my Grandfather." he said.

"Yeah. Sorry for bringing it up." 

"It's not your fault. Come inside, it's chilling outside. Let's order breakfast." i nodded saka ako pumasok sa loob ng Cabin.

Narinig kong pumasok sa CR si Kier kaya ako naman inayos ko ang gagamitin ko para sa mamaya. Hindi na ako magsusuot ng rubber shoes. Magsasandals na lang ako--

"Prinsesa Aviaaaa~~"

"Huh?" Nilibot ko paningin ko.

"Prinsesa Aviaaaa!!" Nanlaki mata ko ng maalala ko si Smitt. Agad kong binuksan ang maleta ko ko. Bakit ko ba siya nakalimutan? Iniwan ko siya sa bulsa ng maleta ko na tulog.

"WAAAHH~~ Smitt, sorry!" sabi ko saka ko siya dinampot.

"Kinalimutan ko ako Prinsesa Aviaaa~~ Wuhuhuhu." she rub her eyes and crying.

"I'm so sorry, Smitt." 

"Wuhuhuhuhu~~"

"Sorry talaga, Smitt. Na--"

"Avia? Sino'ng kausap mo?"

Halaaa! Patay!

***

Third Person's POV

At Vampire City...

"Welcome back, Wynner!" sabat ni Edric kay Wynner na bagong dating galing Germany.

"It's good to be back, Edric." masayang sabi ni Wynner. Nilibot niya paningin niya. Isa lang naman ang hanap niya eh. Isa lang ang dahilan kung bakit siya nagbalik sa Pilipinas.

"Wala siya. Balita ko pinapahanap siya ng Reyna. Tumakas nanaman daw eh." sabi sakanya ni Edric na ikinakunot ng noo niya.

"Takas? Saan siya nagpupunta?" tanong ni Wynner.

"Ewan ko. Sa labas ng portal. Gustong-gusto dun ng kambal eh." kibit na sabi ni Edric.

"30 years lang akong nawala nagrerebelde na ang Prinsesa huh." Wynner smirked at his self.

"Buti at pinayagan ka ni Tita Maxhene." Pag-iiba ng usapan ni Edric.

"She have to. Sabi ko kailangan ko ng magpakasal. Hahaha. Imagine my mothers face when i told her that." naiiling niyang sabi.

"Ang gago mo din kasi." biro ni Edric.

"Ang sabi ni Tita Erina, tayo daw na mga panganay nila lahat gago!" nagtawanan silang dalawa.

"Sinabi yun ni Mommy?" hindi makapaniwalang sabi ni Edric.

"Our mothers actually. Si Aric, sakit daw sa ulo ni Tita Ingrid. Ako kay mommy at ikaw kay Tita Erina." ani Wynner.

"Oy ah! Mabait akong anak!" depensa ni Edric.

"Nasaan nga pala ang Prinsepe ng katigasan ng ulo?"

"Saan pa nga ba? Sa mundo ng tao." sagot ni Edric.

"Haay. Pasalamat na lang ako at hindi ako nagkagusto sa tao." sabi ni Wynner. Natahimik naman si Edric.

"Oh? Natahimik ka dyan?" puna ni Wynner.

"Ha? W-wala. Oy sige mauna na ako. May aasikasuhin pa ako. Don't forget to pay respects sa elders." sabi ni Edric na tinutukoy ang mga dating namumuno na sina Kig Vladimir at Queen Veruca.

"I will." sabi ni Wynner hanggang sa maglaho na sa harapan niya si Edric.

***

"Hello?... Oh, Nyx!... Bakit hindi ka pumasok?... Ahhh!... Uyyy, nagdedate na sila.. Wahahaha... Oh sige... Bye bye na." ibinaba na ni Kyla ang phone niya saka lumabas ng speech laboratory.

Medyo madilim na kaya nagdali-dali siyang lumabas ng room. Ayaw niyang mapag-isa sa isang isolated na area. Naramdaman na lang ni Kyla na humangin ng malakas.

"Errr." napahawak siya sa balikat niya dahil sa lamig. Pinangingilabutan siya sa hangin ngayon. Ganun ganun din ang naramdaman niya nung..

"OMG!" natatakot niyang sabi. Binilisan niya lalo ang paglalakad pero parang hinihila naman siya ng hangin. Mas lalo siyang nakaramdaman ng takot.

Hanggang sa para siyang naparalisa sa kinatatayuan niya. 

"T-tulooong!! M-may tao ba dyan?!" sigaw niya. Pakiramdam niya malakas naman ang boses niya pero pinanghihinaan siya. Parang may nag-cocontrol sakanya.

"KAAAAAYLAAAA~~" Mas lalo siyang pinangilabutan ng may narinig siyang bulong at pangalan niya ang sinasambit.

"K-kung.. kung sino ka man.. Please.. mag cross over ka na sa light. M-mas magiging masaya ka sa heaven. G-gusto mo bang tulungan kita sa pag cross over?" nanginginig na sabi ni Kyla.

"Pfft~"

"W-wag mo na akong tatakutin. Please naman oh!" nakapit na niyang sabi. Takot na takot na siya at kung isa itong panaginip mas gugustuhin niyang ipikit ang mata kesa sa makikita.

"I-i.. I don't know i am scaring you.. Sorry." a voice said behind her. Gusto man niyang lumingon hindi niya magawa dahil sa natatakot siya.

Naramdaman niyang naglakad ito paunahan niya. Mas lalo niyang pinikit ang mata para hindi niya makita kung sino man ang multong nananakot sakanya.

Pero para namang may sariling utak ang mata niya dahil sa kusa itong nagbukas. Blurred ang paningin niya at nakikita niyang may nakatayo sa harapan niya. Dahan-dahan itong lumilinaw hanggang sa makita na niya ang multo.. o lalaki?

"Kyla.." he whispered.

***

Kyla's POV

"Who are you?" naningkit ang mga mata ko sa nakikita. Hindi siya mukhang multo. Tinignan ko ang mata niya. Yun din ang mga matang nakita ko sa dilim. That eyes that haunt me every night.

"What do you need?" i asked again dahil wala ata siyang balak magsalita.

"Hindi ko akalain na nasa harapan na kita ngayon." he said without answering my questions. 

I hesistantly lift my hands and poke his shoulders. Hindi nga siya multo. Nakita kong napatawa siya sa ginawa ko. All of the sudden parang nawala ang takot na nararamdaman ko. Parang musika ng marinig kong tumawa siya.

"Sorry kung natakot kita. Dapat talaga hindi ako nag-babasa ng mga suspense books. Sabi kasi dun if you want to caught girl's attention, you should atleast make her remember you by scaring." napapakamot niyang sabi. May dimples na lumalabas sa cheeks niya sa tuwing magsasalita siya.

"Sino ka ba kasi?" tanong ko ulit.

"I'm Edric Calix."

_________________________________

A/N: Pasensya na po kung masabaw ang update. Busy talaga ko ng uber eh. Final defense na kasi namin at ineedit ko manuscript ko. May mga hint akong iniwan sa story sana may makahula. wehehehe.

PS: May binago ako sa book 1. Yung part na kumikislap ang vampire kapag naarawan. Babaguhin ko yun. Hindi niyo naman kailangan basahin ulit. Kaya nga sinasabi ko dito para alam niyo na. They only have to wear shades o takpan ang mata nila para maitago nila ang totoong katauhan nila. So parang their life depends on their eyes so kailangan takpan. Ang corny kasi kung kumikispal din sila gaya ng twilight. wahahaha. 

At the right side is Wynner. (Pronounce as WAY-NER)

XOXO

-Thyriza

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top