Chapter 7 - I'm Denial and He's Weird
Chapter 7 - I'm Denial and He's Weird
Nyx's POV
"Sino siya?" lumapit si Trever sa akin. Si Aric naman ay natatakpan ng shadow ng isang malaking puno.
"U-uhh." nagpapalit-palit yung tingin ko sa dalawa. Para silang nagpapalitan ng matatalim na tingin. I can feel the heavy tension between their looks.
"Boyfriend mo?" Aric finally spoken. Naramdaman kong malamig ang pagkakasabi niya nun. Parang walang emosyon.
"K-kaibigan ko lang siya." sabi ko.
Hindi ko na kinaya kaya napatikhim ako. Para kaming napapaligiran ng isang na nyebe na maaring sumabog kung wala akong gagawin.
"U-uy! Trever, tumatakbo yung metro ng taxi. Mahal na babayaran mo." pinilit kong ngumiti sakanya. Napatango lang siya sa akin.
"Bye, Trev." kumaway ako nung paalis na yung taxi. Whew! Ano ba'ng nangyari? Bakit takot ako na may isipin si Aric tungkol sa amin ni Trever? Napaparanoid na talaga ako.
Paglingon ko, wala na si Aric. Saan na yun nagpunta? Inilibot ko ang tingin ko pero wala siya.
"Where have you been, young lady?!" halos mapatalon ako sa boses na nanggaling sa likod ko.
"Geez! Uncle Kent!" sabi kong nakahawak sa dibdib ko.
"Saan ka pumunta? Iniwan mo daw si Manong Andy sa school?! Umamin ka nga, kayo ba ni Trever??"
"PO?!"
***
Avia's POV
"Saan ka ba pupunta, Prinsesa Avia?" tanong sa akin ng kaibigan kong si Smitt. Isa siyang hangin at ako lang nakakakita sakanya.
"May usapan kasi kami ni Kier na pupunta kaming Vigan." sabi ko habang nilalagay ang ilang gamit ko sa backpack ko.
"Lalayas ba kayo, Prinsesa Avia?"
"NoNoNo. Matagal lang akong mawawala pero hindi ako lalayas." sabi kong nakangiti sakanya.
"Sasama po ako, mahal na Prinsesa." matinis na sabi ni Smitt.
"Hindi pwede. Hahanapin ka ng mama mo. Tsaka kaibigan din ni mommy ang mama mo, malalagot ka kapag sumama ka sa akin." sabi ko sakanya. Si Smitt kasi, anak siya nung naging kaibigan ni mommy na isang hangin. Nag-aanyo silang maliit na tao at nag-aanyo ding hangin. Sabi sa akin ni mommy, kusang lumapit 'to sakanya nung nalaman na nicocontrol ni mommy ang four elements of earth na namana ko.
Alam na din namin na dating tao si mommy. Sabi niya, siya daw yung nakatakdang magsilang ng damphyr pero dahil may nangyari kay mommy, kinailangan daw na iconvert ni daddy si mommy para mabuhay. Unexpected nga daw na kambal ang anak nila. At mas nakakagulat daw kasi natpad pa din ang prophecy kahit hindi na tao si mommy.
"Mas malalagot po ako kapag nalaman ni mama na may alam ako kung saan ka pupunta pero wala akong sasabihin. Isama mo na ako mahal na Prinsesa." nagpout siya. Ang cute talaga ng nilalang na 'to. Napabuntong hininga ako.
"Sige na nga!"
"Yehey! Ang saya makakagala tayo mahal na Prinsesa. Alam ba 'to ni Prince Aric?"
"Hindi. Ayokong malaman pa ni kuya. Sesermunan ako nun. Tsaka tatlong araw lang naman." nailagay ko na lahat ng kailangan ko para sa gagamitin ko.
"Diba hindi mo pa naman lubos na kilala yung Kier? Nagtitiwala ka agad sa taong yun, mahal na prinsesa."
"Hindi ko din alam Pero alam kong mabuti siyang tao. At gusto ko siyang mas kilalanin."
"Siya na ba ang Prince charming mo, Prinsesa Avia?"
"H-ha? Hindi ah. Kaibigan lang ang turingan namin noh."
"Ok lang naman diba? Na magmahal ka ng tao?" lumipad siya at umupo sa bag ko. Tinignan ko lang siya.
"Oo. Hindi daw ako bawal na magmahal ng tao."
Naalala ko ang mga sinabi ni mommy sa amin ni kuya.
-flashback-
"I guess it's about time na malaman niyo ang katotohanan, Aric and Avia." mom said. Hinintay ko lang siyang magsalita.
"Are you sure na sasabihin mo sakanila?" dad asked mom.
"Yes. They deserve to know." Mom confirmed.
Dinala kami nila daddy at mommy sa isang cellar ng palasyo. Tahimik lang kaming dalawa ni kuya. Actually wala naman sa akin kung ano pa ang sasabihin ni mommy o kung ang sekreto niya. Hindi magbabago ang pagmamahal ko sakanya.
"I was a human." she started. Kuya's eyes widened. Pati na din ako. Eto ang pinakaleast thing kong iisipin na sasabihin ni mommy. I never questioned my personality as damphyr.
"Your dad and i decided na wag sabihin sa inyo for your own protection. Ayaw naming isipin niyo na iba kayo sa ibang lahi." mom continued.
"Yun din ang dahilan kung bakit ayaw na ayaw kong lumalabas kayo ng portal. Natatakot kasi akong magaya kayo sa daddy niyo na nagkagusto sa akin na tao. Kung alam niyo lang kung gaano naging kacomplikado ang buhay namin noon." tumingin si mommy kay kuya.
"Lalo na sayo, Aric. Hindi ka pwedeng magkagusto sa tao." nakita ko ang pagkadigusto ni kuya sa sinabi ni mommy.
"And Avia is allowed?!" he scowled.
"Son, understand the situation. You are a pure vampire. Hindi kayo pwede, kung sino man yang babae na yan." mom's face are worried.
"No! Hindi ako papayag! Sino kayo para sabihin yan sa akin?! Pipiliin ko kung sino ang mamahalin ko!" kuya shouted. I was so terrified. Hindi ko alam kung paano pagagaanin ang sitwasyon.
"Don't talk to your mother that way, Aric Drake! Hindi mo alam kung ano ang hirap na dinanas ng mama mo para ligtas kang ipanganak! I am the king and i will decide wether you are allowed to see that girl or not!" daddy said so furious. Kahit kailan hindi pa siya nagalit sa amin. Hindi niya kami pinalo, sigawan o ano pang bagay para maging desiplinado kami. Kay mommy pa nga kami takot dahil namamalo siya. Kaya alam kong this time, kuya has reach the line.
"Then tell me why i can't be with her!" i looked at kuya at sobrang namumula ang mata niya.
"Does she loves you?" mommy asked calmly. Natahimik si kuya. Hinintay ko siyang magsalita pero wala siyang masabi. He opens his mouth pero tinitikom niya ito ulit.
"If she loves you too, hindi ko kayo hahadlangan. I know how you feel anak. At hindi ko gagawin ang ginawa sa akin noon ng magulang ko. Prove to me na mahal ka din niya. Kung hindi, you'll stop seeing her and move on." mommy beamed at kuya bago umalis. Naiwan ako at si daddy na nakatulala kay mommy na papalayo.
Hindi ko yun ineexpect. That was.. that was unexplainable.
Dad patted kuya at the back. Maybe he also don't know what to say. Ako din naman. At sa oras na ito, mas tumaas ang tingin ko kay mommy. She really are a wise Queen.
-end of flashback-
Tuluyan na akong nakalabas sa portal sakay sa kotse ko. Magkikita kami ni Kier sa isang bus station. Sabi niya, mas enjoy daw kung magbbus kami. Hindi ko pa yun na-try kaya ok lang sa akin.
Ano kayang hitsura ng Vigan? Sabi niya sa akin napakaganda daw ng mga bahay dun.
Nakarating naman ako sa bus station at nakita ko dun si Kier na nakatayo sa isang mahabang upuan. Nakasuot siya ng black pants at blue t-shirt. Ang cool niyang tignan. Sabi niya sa akin sanay siyang magbiyahe sa kung saan-saan. Two years ago daw nung nagsimula siyang pumuntang iba't-ibang lugar.
"Hey!" kumaway ako sakanya. Tumayo siya ng makita ako. Nasa tabi niya ang travelling bag niya na may jacket na nakapatong.
"Where's your car?" he asked.
"Sa concierge" sabi ko saka sabay na kaming pumasok sa loob ng terminal. May nakapilang bus doon. Ibinigay sa akin ni Kier yung ticket ko. It's wierd trusting a guy whom i just met.
"Ready?" he asked bago lumulan sa bus.
"Ready." i answered with a smile.
***
Nyx Lorelei's POV
Gosh! I can't believe Uncle Kent! Akala niya nagdedate na kami ni Trever? Hindi ko siya type noh! Tho he's handsome and everything, hindi pa din siya ang tipo kong lalaki.
Nakalundag ako sa gulat ng may anino na dumaan sa unahan ko bago ko i-on ang ilaw. Nanginginig na kinapa ko ang switch. Nakahinga ako ng makita ko kung sino yun.
"Sino yung kasama mo?" He asked. Wow! Wala man lang 'Hi' o kaya 'kumusta?' He sure are rude for a guy or a vampire who just show his self after 4 weeks.
"Bakit mo ko tinatanong?" instead of answering his question, i throw also a question.
"I need to know. Who is he?" he is gritting his teeth. I don't like the sound of his voice. He was like interogating me me.
"Kaibigan ko siya, ok?!" i roll my eyes to him. Parang nagbago yung expression ng mukha niya. Parang luminaw.
"S-sorry." mababa niyang sabi.
"Ikaw? Ano'ng ginagawa mo dito?" nakahalukipkip kong tanong. Hindi ko maitatanggi na medyo namiss ko siya.
Medyo nga ba? O talagang namiss mo siya. Ugh! Traydor ang utak ko!
"U-uhh.. I-i.. i just want to check if you're ok?" he scratch his neck. Hindi ko mapigilan ang hindi mapangiti. Nahihiya ba siya?
"Sigurado ka?" i teased him.
"Y-yes."
"Ah ok." iniwan ko siya sa kwarto at pumansok sa walk in closet ko. Magpapalit na ako ng damit pantulog. Hindi ako nagugutom kaya hindi ako kakain.
Pagbalik ko sa kwarto, nandoon pa siya nakaupo sa dulo ng kama at nililibot ang tingin sa paligid.
"Oh? Bakit andyan ka pa? Akala ko ba ichecheck mo lang ako? Ok naman ako oh. Pwede ka ng umalis." nakangiti kong sabi. Nagulat naman siya. Parang may gusto siyang sabihin pero naghehesitate siya.
"I-i don't want to leave." he state.
"Matutulog na ako eh. Pagod ako." sabi ko.
"Babantayan kita." lihim akong napangiti. Gusto ko ang pagiging honest niya. Yun bang, hindi na niya ako papag-isipin kung ano ang nararamdaman niya.
"Bahala ka." kibit ko. I jumped in my bed saka pumasok sa comforter.
"Can i asked something?" he say.
"Sure, anything." sabi ko.
"May nagugustuhan ka na ba?" napatingin ako sakanya. Bakit niya ako tinatanong ng ganun?
"Hindi ko alam. I guess so? I'm not really sure." Totoo naman eh. Hindi ko alam kung may nagugustuhan ako.
"Oh."
Hindi na siya nagsalita. Nakakailang ang katahimikan. Haaay. Inaantok na ako. Nakakapagod yung ginawa namin ni Trever. Tumakas, tumalon, tumakbo, kumain. Truth be told, nag-enjoy ako.
***
Aric's POV
Gaya ng dati, heto nanaman ako at pinagmamasdan siya habang natutulog. And i am dying to wake her up just to ask her if she felt the same way to me. Not that i confess my feelings to her already, pero gusto kong malaman kung may nararamdaman siya sa akin.
Kung hindi dahil sa sinabi ni mommy, hindi naman ako magmamadali eh. Kailangan kong patunayan sakanila na mahal din ako ni Lorelei. Paano ko ba siya mapapaibig din? Lalo na't may umaalialigid na sakanya and swear to god i wanna kill that bastard!
Nakita ko kung paano siya ngitian ni Lorelei kanina. Selfish kung selfish pero gusto ko ako lang ang dahilan ng pagngiti niya. Gaya ng ngiti niya noon kapag pinadadalhan ko siya ng black rose.
My mind is telling me na kailangan ko siyang suyuin para mareciprocate niya feelings niya sa akin. Manliligaw ako. At kahit hindi ako marunong kung paano yun gawin,gagawin ko best ko para ibigin niya din ako.
I'll grab the one month mom is giving me to prove to her that Lorelei loves me too. One month. Maiksing panahon. Pero gagawin ko ang lahat magustuhan niya din ako. At magsisimula na ako bukas.
***
Nyx Lorelei's POV
"Young lady, hindi po gumagana yung sasakyan eh." napapakamot na sabi ni Manong Andy sa entrance ng gate. Sabi niya bigla na lang daw na hindi gumagana yung makina.
"Malelate na po ako sa first subject ko eh. Ah~ Mangtataxi na lang ako." sabi ko sakanya.
"Ay magagalit po ang Senyor." natatakot niyang sabi.
"Wala naman siya eh. Tsaka kailan ka naman niya pinagalitan? Lagi naman kitang pinagtatanggol." sabi ko sakanyang nakangiti kaya napatawa siya.
"Basta po mag-ingat kayo ah. Susunduin ko kayo mamaya." sabi niya.
"Sige Manong Andy. Alis na ako." he just nod saka lumabas na akong gate.
Paglabas ko ng gate, may isang itim na kotse na masilaw na ako sa sobrang kintab. Niluwa nito ang isang lalaki nakashades. Naka longsleeves shirt 'to and blue jeans at black shoes. Kilala ko ba 'to? Parang naamoy ko siya sa di kalayuan.
Nag-abang na lang ako ng taxi na dadaan sa sub kahit di ko alam kung may maliligaw bang taxi dito.
"Ihahatid na kita sa school mo." the deep voice said infront of me. He sounds familiar talaga.
"I don't talk to strangers, Sorry!" sabi ko saka iniba ko tingin ko.
"I am no stranger." ibinaba niya ng konti ang shades niya saka kumindat sa akin. Nanlaki mata ko ng mapagtanto ko kung sino ang nasa harapan ko ngayon.
"Aric?" First ko itong makita siya sa liwanag. Ang akala ko hindi nakakalabas ang mga vampire sa umaga? Hala? Nakakatakot naman siya. Pati pala sa araw hindi na sila takot.
"I am wearing this. No one will know i am a.. vampire." pinakita niya yung kwintas na triangle na may red pendant sa gitna.
"Ah." sabi ko na lang. Sumunod na lang ako sakanya. Ipinagbukas niya ako ng pinto saka ako lumulan. The smell of his car.. so minty. Napaka masculine.
Hindi ko mapigilang hindi siya tignan. Bakit ba nakangiti siya? Napailing na lang tuloy ako. Pero nagagwapuhan talaga ako sakanya ngayon.
"Baka naman matunaw ako niyan?" nagkingisi niyang sabi. Bigla kong iniba tingin ko.
"H-hindi kita tinitignan no!" sabi ko na nakatingin sa daan. Parang mapupunit ang bibig ko dahil gusto talaga nitong ngumiti kahit pinipigilan ko na.
"Hahaha. Ok." sabi niyang natatawa. First time ko siyang marinig tumawa. Malapit na kaming school ng saka nagsidatingan ang mga tanong sa isip ko.
"Bakit mo ko sinundo? Kanino 'tong kotse? Tsaka bakit mo napagdesisyunan na magpakita sa akin ng maaga? May natitipuhan ka bang babae sa school?" Naalala ko bigla si Kyla. Type niya kaya si Kyla? Parang may konting kirot akong naramdaman sa dibdib ko.
"Easy. Ang dami mong tanong. Isa-isa ko lang sasagutin." natatawa niyang sabi. I nodded.
"Bigay sa akin ng parents ko itong kotse. Titira ako dito ng isang buwan. And for the record, wala akong natitipuhan na babae sa school niyo. Ikaw lang."
"Ha? Ano sabi mo?"
"Wala." he beamed at me. I roll my eyes at him. Narinig ko naman sinabi niya kaso hindi ko lang naintindihan yung huli niyang sinabi.
Lahat napatingin sakanya nung bumaba kaming parking lot ng school. Ang sarap pagdudukutin ng mga babaeng tumitingin sakanya. Alam kong gwapo siya pero nakakainis lang.
"I think you should go." sabi ko.
"You don't want me to escort you to your room?" No! Pagtitinginan ka nila!
"I'm fine. I can manage." i said trying my self to smile.
"Nonesense! Ihahatid kita. Let's go?" he gestures his hand para sabay na kaming lumakad.
"Ok." sabi ko. Dinala niya bag ko. Ay mali pala, kinuha niya bag ko para dalhin niya. Tapos ngumiti siya saka tinignan ang phone niya habang naglalakad kami. May chineck siya tapos ngumiti. Ano bang problema niya? Para siyang baliw na ngumingiti ng walang dahilan.
"Hoy! Baliw ka ba? Bakit ka ngumingiti ng walang dahilan, ha?" usig ko sakanya habang pataas kaming 3rd floor kung saan ang room ko.
"May dahilan ako para ngumiti." sabi niya. Natameme ako. Oo nga naman. Marami ding magagandang babae dito sa school kaya malamang yun ang dahilan ng pag ngiti niya.
"..having you around is enough reason for me to smile." he added. Iniba ko tingin ko para hindi niya mapansin na napapangiti ako. Sarap plasteran ng bibig ko.
"I guess this is your room?" he snap at me. Nandito na pala kami sa 3rd room. Nakita kong nagsilabasan yung ibang college student sa ibang room at sinilip kami. Bakit ba ang big deal sakanila na may kasama akong lalaki, or gwapong lalaki. Marami din namang gwapo dito eh. Isama mo na dun si Trever. Oh, speaking of him. Kumusta na kaya siya? His daddy called yesternight at sinabing pinagalitan niya si Trever sa pagtakas pero at the same time daw, natutuwa siya at nagkakasundo kami. They're all getting at wrong. So wrong. Mag kaibigan lang kami ni Trever no!
"It is." simple kong sagot. Kyla showed up at halos manlaki mata niya na makita ako, with him? I think. She gave a playful look.
"You must be Aric?" Oh ghad. I hope Kyla won't say about the things i told her.
"Yes. And you must be, Kyla?" Aric genuinly smiled.
"Yup. I am so glad to finally meet you. Noon ko pa iniimagine ang Aric na sinasabi sa akin ni Nyx." pinandilatan ko siya pero hindi niya pinansin. What's with her ba?
"Really? Masaya akong malaman na ikinekwento ako ni Lorelei sa kaibigan niya." tumingin sa akin si Aric. I smile at him, awkwardly.
"Sige, pasok na ako." i said.
"I'll wait for you, after your class. Text me?"
"I don't have your number."
"You have. I saved it last night." from my peripheral view, i know Kyla widened her eyes.
"Oh." nasabi ko lang. Tinalikuran ko na siya saka pumasok sa room. Hindi pa ako nakakaupo ng tumambad sa harapan ko si Kyla at nakangiti ng makahulugan.
"What does he mean, last night? You were with him last night, are you? Oh my ghad! I need details!" she shrieked. From the looks of her, hindi siya papayag na sabihan ko ng mamaya. Atat ang babaeng ito kaya wala akong choice kundi ikwento sakanya ang lahat. From helping Trever to escape up to Aric sseing us together. Hindi ko na sinabi na nasa kwarto ko siya dahil for sure, another querries nanaman yun from her.
"So you're torn between to hotties, huh?" she said after i told her everything.
"What? No! I don't like Trever, we're friends. And as for Aric, he's also my friend." sabi ko sakanya.
"But you like him."
"I don't know. Err, stop asking things, ok?" i pretend like irritated but i know Kyla won't buy it. Kukulitin niya ako ng kukulitin.
"Basta, kapag namroblema ka kung sino yung pipiliin mo, consider many things." she said.
"Like what?"
"Kung sino yung may pinakamalaking muscles-- Aww! Hahahaha Bakit ka ba namamalo?" natatawa niyang sabi.
"Baliw ka, alam mo yun?" natatawa ko ding sabi sakanya.
"Haha. Just saying, you know." napailing na lang ako sakanya.
Bakit ba iisipin ko ang bagay na yun eh hindi naman ako ma-sstuck sa ganung stituation, diba?
***
Avia's POV
Hindi ko maipaliwanag ang kagandahan na nakikita ko ngayon. Nakatayo kami ngayon ni Kier sa gitna ng daan na may mga bahay-bahay sa gilid. Para silang mga ancestral house na inipon sa isang village. May mga kalesa din na dumadaan. Pakiramdam ko nasa lumang lugar ako.
"Picture'an kita?" sabi ko sakanya. Inilabas niya yung DLSR niya saka ibinigay sa akin.
"Sige tapos ikaw din." sabi niya. Nag-pose siya ng wacky sa gitna saka nag-rock sign.
"Ya! Ang ganda ng kuha ko." sabi ko sakanya. Lumapit siya sa akin tapos tinignan.
"Parang kuha ng professional photographer ah." he said.
"Hahaha." tumawa ako.
"Ikaw naman. Wacky din ah." he said.
"Sure." i strike a post. Nilagay ko sa bewan ko ang left hand ko saka yung isang kamay sa ulo.
"Isa pa." sabi niya kaya tumagilid ako ng konti.
"Para kang model." he said smiling. Nakatingin lang siya sa screen ng camera. Matagal kaya parang nahiya tuloy akong tignan din yung picture ko. He even zoomed in at naka focuse ito sa mukha ko.
"You're beautiful, Avia." he said looking through my eyes. That moment, parang timigil ang ikot ng mundo ko. Parang naging kami lang sa paligid. Hindi ko mabasa ang expression niya. Mixed emotions. I am not sure.
"I--i.." nakita kong namumula yung pisngi niya pati tenga niya.
"Tara na? Gutom na ako." he said.
"Ah Oo. Ako din. He-he-he." sabay kaming naglakad na nahihiya sa isa't-isa. Bakit naging awkward ang atmosphere?
"Sa resort na lang tayo maglunch? Mas enjoy dun." napatango na lang.
Ang sinasabing lunch na enjoy daw ay mas enjoy pa sa iniisip ko. Kami mismo ang mamimingwit ng isda at kami din mag-iihaw.
"Ya! Eto naaa! Dali, tulungan mo ako!" mukhang malaking isda yung nahuli ko. Binitawan naman ni Kier yung fish rod niya para tulungan ako. Nasa likod ko siya at sabay naming hinahatak yung fishing rod.
Nagulat akong makita na sobra pala ang lapit ng mukha niya sa akin. Nailang ako kaya gumaan yung hawak ko sa panbinwit, dahilan para mahila siya ng konti at napasama.
"WAAAH--" Nagpagewang gewang yung bangka dahil hindi ko nabalance yung pagkakatulak niya sa akin.
"Avia! Avia!" huli na para hawakan niya ako sa kamay dahil nadulas na ang paa ko sa sahig ng bangka.
*Splash*
"ohmp!" i was caught off guard. Napalalim ako sa sa tubig at naramdaman kong may naiinom na akong tubig. I can control water pero hindi ako marunong lumangoy.
Naramdaman ko na lang na may humatak sa bewang ko. Gusto kong ibuka mata ko pero masyadong malabo ang nakikita ko.
"HAAAHH!" i breath out ng makataas kami sa tubig. Nilongon ko si Kier na nasa likod ko at hawak-hawak pa din ang bewang ko. Ang lalim ng hinga niya at nararamdaman ko yun.
"S-sorry.. I almost let you drown.. Sorry." paulit-ulit niyang sabi habang nakapikit. Hinarap ko siya at nakita kong namumutla siya.
"Ano ka ba, ok lang. Niligtas mo naman ako eh." i tried my best na pagaanin ang loob niya.
"Hindi naman dapat natin ito ginagawa in the first place eh. Mapilit lang talaga ako. I'm sorry." he said.
"Enough with the sorry, ok? I actually.. enjoyed it. Hindi yung lunod part pero, kasi.. first time kong makasisid sa tubig kahit accidente lang." i beamed.
"Totoo?" gulat niyang tanong.
"Oo. Hindi ito yung ineexpect kong first time pero na-enjoy ko yun." honest kong sabi.
"Kakaiba ka talagang babae Ikaw lang yung kilala kong nag-enjoy sa muntikang pagkalunod." natatawa niyang sabi. I giggled with the thought.
May lumapit naman na mga taga Resort at tinulungan nila kaming makaahon sa tubig.
Napaisip tuloy ako. Paano kung malaman niya na kakaiba talaga ako? Na hindi ako yung klase ng babae na iniisip niyang normal? Kung sabihin ko kaya sakanya? Lalayuan niya ba ako? Kakatakutan? Mas gugustuhin ko pang hindi niya malaman kesa sa layuan niya ako o katakutan niya ako. Siya lang ang kaibigan kong tao at ayoko siyang mawala sa akin.
_________________________________________
As promised. Twice a week ang UD. :) Dapat kahapon pa ito kaso gumawa ako ng video kaya hinintay ko muna yung matapos. Tsaka affected ako sa pagkaka amnesia ni Joaquin. Naaawa ako kay Chichay! TT___TT hahaha.
Meron na palang official video trailer ang VC2DNYOVS. Nasa gilid po, pakiplay na lang. ^^v
Like our facebook page: http://www.facebook.com/VCNYOVS.wattpad?ref=hl (see external link)
Join our facebook group: http://www.facebook.com/groups/thyrizastories/
Nasa gilid po si Smitt --->> Yung hangin na kaibigan ni Avia.
Ang dami ko pala'ng silent readers. Mag-ingay naman po kayo. Gusto kong malaman kung ano masasabi niyo sa adik na storyang ito. hihihi
XOXO
-Thyriza
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top