Chapter 6 - If looks could kill

Chapter 6 - If looks could kill

Nyx's POV

"OH MY GOD! Totoo?!" Kyla said exaggerated.

"Oo. He's real name is.." napatigil ako ng maalala kong ayaw pala niyang tinatawag ng Cai Shin.

"..Trever Yu." i continued.

"Oh gee! Paano na yan? Hindi naman ba siya nagsumbong?"

"Hindi. Pero tinatakot niya ako. Like i care! The whole meeting i was annoyed by that boy bratt!" i hissed.

"And speaking of." tumingin siya sa ground floor ng building. Naglalakad itong may mga body guards sa likod. Tss. Ang OA lang!

"Pasok na nga tayo sa room! Nasira na yung araw ko!" sabi ko. Nagmarcha na ako papasok sa lecture room.

"Pero bagay kayo, Nyx." sabi ni Ky ng maupo ako sa upuan.

"Are you even hearing what you're saying?! Hindi ko siya type! Nuknukan ng yabang! Kahit hindi siya magsalita nayayabangan na ako sakanya!" inis kong sabi.

"Eh kasi gwapo." she giggles. I rolled my eyes to her.

"Mas gwapo si Aric pero hindi ako sakanya nayayabangan!" i hissed. Huli na ng marealize ko kung ano ang sinabi ko.

"And who is Aric?"

"W-wala. Forget about it!"

"No can do! Bihira ka lang na may banggitin na pangalan ng lalaki at alam kong hindi basta-bastang lalaki 'yang Aric na yan." Kyla is the most nosy girl i've known at alam kong hindi siya bibitiw sa issue.

"Just a random guy i met before my debut. It doesn't matter anyway, mag-aapat na linggo ko na siyang hindi nakikita." malungkot kong sabi. Gabi-gabi hinihintay ko siya. Sabi niya be safe. What if sumuong ako sa delikadong bagay? Darating kaya siya? Kung yun ang paraan para magkita kami i'd be willing to put my self in danger.

"Random guy? Sa pagkakakilala ko sayo, hindi ka basta-basta nakikipagkilala sa random guys. And you said earlier na as gwapo si Aric kay Trever so ibig sabihin may something sakanya na naappreciate mo." i 'tss' to Kyla. Ang kulit niya. Alam kong hindi siya titigil.

"Eh hindi ko na nga nakikita eh!" hindi siya umimik at pinagmasdan niya lang ako.

"..pa promise promise pa siyang babalik agad. Kainis!" i mumbled. Kyla narrowed her eyes on me.

"What?" i said so annoyed.

"Nothing." She said and smirked.

"Ano nga yun?!"

"You really wanna know?"

"Ofourse!"

"Well, base on your actions and my observation. I think you cared about him and you're starting to like him." she said concluding.

"And what's your hypothesis?" mataray kong tanong. She shrug.

"I don't have to take hypothesis. Your actions says it all, Nyx." she said and grinned. Tinalikuran ko lang siya at humarap sa pisara.

Dumating yung prof namin sa Lit kaya inayos ko ang upo ko. Inilabas ko ang notebook ko saka nakinig sa discussion.

I may look like attentively listening to the discussion pero ang totoo si Aric ang naiisip ko. Nasaan na kaya siya? Curious lang kasi ako. Tsaka hinalikan ako ng vampirang yun! Hindi ko pa siya napapagalitan dahil sa ginawa niya. 

Eh bakit hindi ka umangal nung unang halik pa lang niya?

Eh sa nabigla ako eh!

Bakit parang in-enjoy mo din yung halik niya?

Nagulat nga ako! Tsaka f-first kiss ko siya.

Napailing ako. Nagtatalo nanaman ang utak ko. Para akong baliw!

***

Last subject na namin kanina at nandito ko sa locker namin. Iiwan ko yung libro dahil wala naman kaming assignments. Simple lang ang locker ko. Nothing fancy. Malaki ang locker namin kaya marami akong pwedeng ilagay. May mga books lang dun extra clothes at salamin na nakadikit sa pinto ng locker. Hindi ako naglalagay ng picture o ano pa man.

Pagsarado ko ng locker, nakatayo sa gilid nito ang last person na gusto kong makita ngayon. Nakangisi siya sa akin na parang ano mang oras lalamunin ako. He cornered me. 

"Ano'ng kailangan mo, CAI SHIN?!" I emphasize his name.

''Tss. Wala naman. Gusto lang kitang asarin." he smirked. Ugh! He's really getting on my nerves.

"Wala ako sa mood makipag asaran sayo. Umalis ka nga dyan!" i jerked his arms kaya nakaalis ako. Hindi pa ako nakakalayo ng tawagin niya ako. Mas binilisan ko lakad ko.

"Hey! Nyx! Wait lang. Promise i'll be nice." rinig kong habol niya. Huminto ako saka ko siya hinarap na nakahalukipkip.

"Bakit ba?!"

"Help me." sabi niya. Help him? Napataas kilay ko.

"Sa ano? Assignment mo? No way!"

"Hindi yun. Help me escape the bodyguards. Please?" tinignan ko lang siya kung seryoso siya.

"Ang laki-laki mo na kasi may body guard ka pa!"

"Ngayon lang yan. Nakatanggap nanaman kasi kahapon si daddy ng mga death threats kaya ayun, paranoid nanaman." he said. Somehow, parang nakarelate ako sakanya.

"Ok." nasabi ko. Ayaw ko sana pero there's this urge inside me na gusto ko. Gusto ko siyang maging kaibigan.

"Paano mo ko tutulungan? Tsaka tignan mo oh?" tinuro nya yung sa unahan namin. Yung bodyguards niya kausap si Manong Andy, yung driver ko.

"Luh? Close sila?" sabi ko.

"Hindi yun yung issue. Paano tayo makakaalis dito kung may bodyguards. May alam ka bang daan?" sabi niya. Tinignan ko lang siyang nagtataka. Parang hindi ang Trever na nakilala ko ang kasama ko ngayon ah.

"Ah~ Sa gate 2. Meron dun. Tara?" tumango siya. Bigla niyang hinawakan ang kamay ko at sabay kaming tumakbo papuntang likuran ng school.

Narating namin yun likod pero may mataas itong bakod. Agad akong sumampa sa kahoy na parang patumba sa bakod. Nasa taas na ako ng lingunin ko si Trever. Akala ko nasa likod niya ko pero nagulat ko ng makita kong nasa baba pa siya. Yung mukha niya parang nagdadalawang isip.

"Oh ano? Titingin ka na lang ba?" mahina kong sabi. May guard kasi sa di kalayuan kaya baka marinig kami.

"Wala na bang alternative way? Tsaka, bakit ang dali lang para sayo? Unggoy ka ba?" gusto ko siyang batuhin ng sapatos ko pero baka mahulog ako kaya napairap na lang ako.

"Sanay akong tumakas. Kaya dahil na! Tumaas ka na at baka ngayon naglilibot na yung mga bodyguards mo!" tumingin muna siya sa likuran saka huminga ng malalin.

"Pfft~ Kalalaking tao takot sa heights? Hahaha"

"Wag mo nga akong asarin?!" nagsimula na siyang sumampa sa kahoy. Nakataas naman siya kaya parehas kaming nakaupo sa mataas na bakod.

"Oh tapos? Ano na? Paano tayo bababa sa kabila?" sabi niya. Nakita ko ang butil butil ng pawis niya. Gusto kong tumawa at asarin siya kaya lang baka ihulog ako nito kaya ipagpapamamaya ko na lang.

"We'll jump." sabi ko saka tinalon ang almost 15 feet na taas ng bakot. Pinagpag ko ang palda ko saka tumingin sa taas. His eyes widened.

"What are you waiting for? Valentines? Sa next month pa!" inis kong sabi.

"H-hindi ko saya!"

"Para kang bakla! Ang lakas ng loob mong takutin ako sa Club tapos eto lalampa-lampa ka? Akala ko ba siga ka?" nakapameywang kong sabi.

"But not like this. What if magkanda dislocate ang joints ko?"

"Ok. Iiwan na kita. Dyan ka na!" sabi ko saka nagsimulang maglakad palayo.

"WAIT! Wait. E-eto tatalon na." rinig ko ang buntong hininga niya. Inip na tinignan ko siya.

"Pakibilisan at tignan mo 'tong oras. It past 5 na!"

"AHHHH~" sigaw niya. OA talaga! Parang hindi lalaki. Nagpagpag siya kasama ang paa.

"Wag ka ngang magpagpag! Yung alikabok sa lupa napupunta sa akin!" inis kong sabi. Dahan-dahan siyang tumingin sa akin. Ang talim ng tingin niya na parang nasaniban. WAAAH~ Ganun ba siya katakot kanina para magalit sa akin ng ganyan?

"Alam mo bang ikaw pa lang ang naglakas ng loob na patalunin ako sa ganung kataas na bakod?" seryoso niyang sabi. Lumalapit siya sa akin kaya ako naman napaatras ng onti.

"S-sabi mo kasi g-gusto mong tulungan kita." i am stuttering.

"Pero hindi ko sinabi na patalunin mo ako sa bakod. Paano na lang kung nabalian ako ng buto?" dahan-dahan pa ding siyang lumalapit. Kapag lumapit pa siya tatakbo talaga ako. Nakakatakot kaya siyang tumingin.

"S-sorry na. Hindi ka naman nabalian diba?" pinilit kong ngumiti. Siya naman nakapoker face at naniningkit ang mata. Binilisan niya lakad niya papunta sa akin kaya ako naman kinabahan.

"A-ano'ng gagawin mo?" lumalakad ako paatras, nung malapit na siya..

"WAAAAHH~~" Mabilis pa sa alas kwatro akong tumakbo at tinalikuran ko siya. May mga bahay-bahay sa likod ng school kaya naririnig kong tumatahol yung aso dahil sa ingay na ginawa ko.

Kahit hindi ako lumingon, alam kong hinahabol niya ako. Rinig na rinig ko ang yapak niya. Huhuhu. Baka suntukin niya ako. WAAAH~ huhubells!

"Nyx! Come back here! Stop! Nyx!" sigaw niya habang tumatakbo.

"AYOOOKOOOO~" sagot ko kahit hingal na ako. Kailangan ko atang seryosohin ang pag jojogging para lumakas ang stamina ko. Karma ko ata 'to sa pagtakas. Huhuhuhu

"TIGIL SABI EH!"

"Ayoko sa--" kusang tumigil ang paa ko ng makita ko kung sino yung nasa unahan ko.

"NYX! WAG KANG GAGALAW!" Sigaw ni Trever.

"T-tre..te.. TREVEEEER!" Nas harapan ko ay isang malaking aso na sa palagay ko ay Dobermann. Takot ako sa aso at hindi pa ako nakagat ng aso! Pinagpapawisan na ako sa kinatatayuan ko.

"GRRRR~~" -yung aso. May tali siya na napigtas at parang nakatakas lang. Sana hinahanap ka na ng may-ari.

Naramdaman ko na dahang-dahang lumalapit sa akin si Trever sa likod. Sa ngayon, mas natatakot ako sa aso kesa sa gagawin sa akin ni Trever dahil sa pinatalon ko siya sa mataas na bakod.

"Here doggy doggy doggy.." si Trever. Inilalapit niya yung kamay niya sa aso. Baliw ba siya? Paano kung kagatin siya ng aso?

"Trever. Tumigil ka nga!" mahina kong sabi. Hindi naman niya ako pinansin at lumapit pa lalo sa aso.

"Good boy Good boy." nakita ko na lang na hinihimas niya ang ulo ng aso at kusa itong yumukod. Napanganga lang ako. Dog's man ba siya?

"H'wag mong ipakita na takot ka para hindi ka niya anuhin." sabi niya ng hindi tumitingin.

"Paalisin mo 'yang aso. Nakakatakot yung hitsura!"

'May breed 'to! Tsaka tignan mo nga oh? Gusto niya ako." natutuwa niyang sabi.

"Same feathers flock together." i mumbled.

"Ano'ng sabi mo?!"

"Wala!"

May nakita naman  akong matandang lalaki na papalabas ng bahay sa gilid namin. Mukhang may hinahanap siya. Napadako ang tingin niya sa amin.

"Sa inyo po ba 'yang aso?" tanong ko.

"Ay Oo hija. Papaliguan kasi sana namin ng makawala. Nandito lang pala." binuksan niya yung gate saka lumabas.

"Mukhang gusto ka ni Bogz." sabi nung lalaki kay Trever.

"May mga aso din po kasi ako sa bahay." sabi niya.

"Sige po, mauna na kami." sabi ko.

I know it was rude pero gusto ko na talagang makalayo dun. Ayoko sa aso at ang sama ng tingin nito sa akin.

"Nagmamadali ka ata?" sabi ni Trever ng makalayo kami.

"I.. i don't like dogs." i simply say.

"I figured." he chuckled.

"..and that was a hella experience for me. You know, climbing fence, jumping and chasing you. I enjoyed it though."

"That's nice to hear." i said. Nakalabas na kami sa likuran ng school at nasa highway na kami.

"Let's go to mall." he said.

"Ayoko." sabi ko habang tumitingin sa paligid.

"Sige na. Nagutom ako dun sa pinagawa mo eh." tinig ko siya at halos mabilaukan ako ng makita siyang nakapout.

"Pfft~ Nagugutom ka ba kamo? Tara at dadalhin kita sa paborito kong lugar" sabi ko saka ko na siya hinila.

Hindi kalayuan ang pupuntahan namin. Maraming highschool students ang pumupunta dito pa na din mga kids. Napangiwi siya ng makita niya kung saan kami huminto.

"Ice cream parlor? Seryoso ka?"

"Mukha ba akong nagjojoke? Tara sa loob. Masarap ang Mango Parfait nila." sabi ko saka hinila na siya sa loob. Tumunog yung bell nung binuksan ko yung pinto. Ang cute talaga ng shop na 'to. Pink na pink, tapos yung lamesa mababa lang pati yung upuan. Pati waitress cute din ang suot. Para silang mga anime.

"Isang Mango parfait tapos po.." tumingin ako sa counter.

"..ay may french macaron na pala kayo? Isang order din po nun. Extra whipped cream po sa parfait ah." sabi ko Nginitian naman ako nung cute na waitres.

"Kayo po sir?" tinignan ko naman si Trever. Mukhang wala siyang balak mag-order.

"Uhh,  Triple Chocolate Mousse Cake sakanya." sabat ko. Tumango ulit yung waiter saka umalis.

"Alam mo ang favorite ko?" Amuse niyang tanong.

"No. Chamba ko lang yun." sabi ko.

Dumating yun order namin saka kami tahimik na kumain. Ang sarap talaga ng mango parfait. Heaven ang lasa tapos idagdag mo pa 'tong french macaron.

"Ok ka lang?" Trever snap me.

"Yeah Why wouldn't i?" i asked after i eat a spoonfull of parfait.

"Mukha kang ewan na ngingiti-ngiti dyan." sabi niya.

"Eh? Nasasarapan kasi talaga ako dito sa kinakain ko." tinignan ko yung plate niya.

"Ubos mo na agad?"

"Yeah. I told you i'm hungry." he shrugged.

"Here. Share tayo ng macaron." nilagay ko sa gitna yung plate ng table para magshare kami. 

Napasimangot ako ng inubos niya yung macaron.

"Masiba ka! Bakit mo inubos!"

"Gutom nga ako!"

"Alam ko! Pero hindi mo dapat inubos!"

"Mag-oder ka na lang ulit!"

"Wag mo kong uutusan!"

"Wag mo kong sisigawan!"

"Dapat nga ilibre mo ako kasi tinulungan kitang tumakas sa body guards mo!"

"Eh bakit? Hindi ba ako nag magbabayad nito?!"

"Ugh! Ang yabang mo talaga! Akala ko pa naman magbabago na expression ko sayo!" tapos tumayo ako saka siya iniwan. Nakakainis. Hindi naman ako galit talaga dahil sa inubos nya yung pag-kain ko. Nayabangan na kasi ako dun sa huli niyang sinabi.

Mabilis akong naglakad paalis sa shop. Magtataxi na lang ako pauwi. I thought this day will be different. Pumara ako ng taxi saka sumakay. Paalis na sana yung taxi nung bumukas yung pinto saka pumasok si..

"Ano ba! Trever bumaba ka nga!" tinutulak ko siya palabas.

"Manong sa sea side po tayo." utos niya sa driver.

"Sea side? Ano naman gagawin mo dun? Uuwi na ako! Manong sa BlueHills subdivision po."

"Sa sea side manong. Dodoblehin ko ang bayad basta ako ang sundin mo." sabi niya.

"Ako manong ang unang sumakay kaya ako ang sundin mo." tinignan ko ng masama si Trever pero parang hindi siya natitinag. Napakamot lang ng ulo si manong at halatang naguguluhan sa amin.

"Sa sea side manong." hindi na ako nagprotesta at napahalukipkip ako sa upuan. Mag-aano kami sa sea side? Lulunurin niya ako? Sorry siya at magaling kong lumangoy.

Pagdating namin sa sea side na sinasabi niya, may iilan lang na tao. May pamilya na parang nagpipicnic lang, may group of friends at may mga couples. Pumwesto kami sa mababang bakod na pwedeng upuan. Pababa na ang araw at napakaganda nitong tignan. First time kong makakita ng papalubog na araw.

"Nagugutom pa din talaga ako." basag niya sa katahimikan.

"May anaconda ba sa tiyan mo at lagi kang nagugutom?"

"Lalaki ako kaya mabilis kaming magutom." luminga siya. Tinignan ko yung tinignan din niya. Sa di kalayuan, may isang tent at nagtitinda.

"Tara tayo dun?" tumango ako saka sumunod sakanya.

Isa siyang barbeque in a tent. Iba't-ibang klase ng pagkain na iniihaw.

"Ano sayo?" tanong niya.

"Barbeque lang. Busog pa ako eh." hindi na ako nag-abalang tignan yung iba dahil hindi naman mahilig sa exotic food. Ang alam ko lang, mga laman loob yan ng manok at baboy at hindi maganda sa pakiramdam na kainin ko yun.

Pinabalik niya ako sa dati naming pwesto. Pagbalik niya, may dala na siyang disposable plate na may mga barbeque at kung ano-ano pang hindi ko alam kung ano. May pickled papaya naman sa gilid at konting suka.

Kinuha ko lang yung isang barbeque saka 'to kinain. Infairess naman masarap.

"Eto oh, betamax?" tinigna ko lang. Square siya na kulay brown na nakatuhog sa stick.

"Ano yan?" ignorante kong tanong.

"Haay. Rich kid talaga. Betamax ang tawag nila dito." inabot ko naman. Inamoy ko muna bago ako kumagat.

"Masarap naman. Saan mo ba 'to nalaman?" tanong ko habang nilalamutak ko yung betamax.

"Sa mga barkada ko. Minsan kapag nagroroadtrip kami lahat street foods kinakain namin. Nung una ayaw ko dyan kasi dugo siya ng manok." halos iluwa ko lahat ng kinain ko ng malaman ko kung anong klase yung kinakain ko.

"Aack! D-dugo? Blood?! Pwe! Pwe!" binuksan ko yung mineral water saka uminom ng marami. Hindi ko alam ng dugo yun. If i know. Hhuhu

"Nasarapan ka naman eh. Malinis naman daw yan eh."

"Nah uh! Hindi ako kakain ng ganyan." ibinalik ko sa plate yung natira ko pang isang cube nung dugo.

"Arte mo!" sabi niya saka pinagpatuloy pa din ang pag-kain.

Hindi ko akalain na may ganitong side ang Trever Yu. Akala ko puro lang siya hangin. Hindi ko namamalayan na napapangiti na ako habang piagmamasdan siya.

Sumakay kaming taxi at saka niya ako hinatid sa amin. Sobra daw siyang nag-enjoy kahit pinatalon ko siya sa mataas na bakod. Tumawa lang ako. 

"Trever, salamat ah. I really have a great day." sabi ko nung bumaba din siya.

"Me too." he beamed. Nawala yung ngiti niya nung tumingin siya sa likuran ko. Napalingon na din ako para tignan kung sino yung sa likod ko.

"A-aric?" Hindi ko alam kung ang tingin niya. All i know is, if looks could kill, Trever is dead by now!

________________________________________

Wahaha. Huli ka! At magsisimula na ang totoong kwentooo~ Dahil love story 'to ng kambal, magpapalit siya ng POV. Sa side ni Avia, it will be her POV, always. Sa love story ni Aric, kay Nyx ang gagamitin kong POV, i will use Aric's POV kapag nasa kaharian nila. At dahil hindi ko gagayahin yung sa book 1 na vampire ang karibal, this time tao naman. Makikita niyo kung paano na-thorn between two hotties si Nyx. Wahahaha. Yung mga hindi pa naglalabasang characters, patience lang. Sa palagay ko kasi, mas mahaba ang story na 'to kesa sa book 1. Kasi mas marami side na involved. Sana walang nadidisappoint sainyo dito sa book II. Kasi kahit madaming typographical error and grammar error, pinag-iisipan ko talaga ang buong pangyayari para sa ending mapagconnect ko ang lahat. Ok po? Kaya sa mga magrereklamo na matagal ang update, it's because i am using my brain para mas mapaganda ang story. Hindi kagaya sa book 1 na kung ano lang maisipan ko, yun na yun. Expect twist. Arraso?

PS: Twice a week lang ang update. Yun lang ang kaya ko. But i'll assure you that all update is worth waiting for. ^___^

PSS: One year na ako bukas sa wattpad! ^__^  January 23, 2013. Hihihi. Your comment and vote will be your gift for me so don't forget the VoMment.

PSSS: Hindi ko na papalitan si Nana as Nyx Lorelei. May nahanap akong video niya na suit para gawing video trailer. Thank you @saranghexo for sending those links. :))

XOXO

-Thyriza

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top