Chapter 57 - Dawn and Night

Chapter 57 – Dawn and Night

 

A.N: I’ll be using Third Person’s POV or Author’s POV kasi ‘yon naman talaga ginagamit ko kapag gumagawa ako ng action scene simula palang sa BOOK 1.

Third Person’s POV

“Tita, I’m going to play with Smitt. Can I? Can I?” Hunter asked Avia habang nasa bulwagan sila. Isang buwan na din at wala namang masamang nangyayari sa Palasyo. Naisip nila na baka wala naman talagang gano’n.

“Of course you can, baby Hunter.” Hinaplos ni Avia ang pisngi ni Hunter. Sobra siyang naku-cute-an sa pamangkin kapag nangungulit. At walang bagay na hindi niya ibibigay sa nag-iisang pamangkin kapag hiniling nito.

“Thank you po.” Ngumiti ito saka tumakbo patalikod habang kumakaway sa Prinsesa.

“Spoiled ata sa’yo si Hunter ah.” komento ni Wynner na katabi lang ni Avia.

“Oo naman. Nag-iisang pamangkin ko kaya ‘yan.” Natutuwang sagot ng Prinsesa.

“Halos magkapareha lang nga kayo ng Aura at kapangyarihan eh. I’m just curious, sino din kayang makakapag balance ng power niya.” Nakangiting makahulugan ni Wynner. Hinampas naman ni Avia si Wynner sa braso. Natawa naman ang huli.

“Masyado pang bata ang pamangkin ko. Tsaka kaya niyang kontrolin ang kapangyarihan niya. Kagaya ko kaya ko din!” hasik niya kay Wynner na mas ikinatawa ng isa.

“Talaga? Oo nga, lalo na kapag yakap kita.” Nakangisi nitong sabi.

“Nang-iinis ka ba, ha, Wynner?!” Napipikon na sabi ni Avia

“Hindi ah!” tinaas nito ang kaliwang kamay at pinipigilan ang tawa.

“Naasar ako sa’yo! Alis nga!” Napipikon kung iisipin, pero sa totoo, alam ni Avia na nahihiya lang siya. Nakakaramdam siya ng hiya kapag pinag-uusapan nila ni Wynner ang power-balance thingy.

-=-

“Lorelei, nakita mo ba si Hunter?” tanong ni Aric sa dalaga habang nag-aayos ng damit sa maleta. Malapit na kasi ang kaarawan ng Tito Kent niya kaya naisipan niyang samahan ito mag-celebrate sa hillside kasama si Aric at Hunter.

“Sinama siya ni Avia sa bulwagan.” Sagot naman neto.

“Pa’no ‘yon mangyayari eh nakita ko si Avia na kasama si Wynner—walang Hunter.” Pagdadahilan naman ni Lorelei sakanya.

“Ang paranoid mo. Nandyan lang ‘yon sa tabi.” Nakangiting sabi ni Lorelei.

“Siguro nga. Hindi lang kasi ako sanay na nawawala sa paningin ko ang anak natin.” Sabi naman ni Aric.

“Naiintindihan naman kita.” Lumapit si Lorelei kay Aric at yumakap ito sa braso niya. “Pero paminsan-minsan, kailangan din nating bitawan ang anak natin. Lalo na’t isa siyang Prinsepe.”

“’Yon na nga eh. Isa siyang Prinsepe kaya mas natatakot ako sa kaligtasan niya.” Ani Aric. Natawa naman si Lorelei sa sinabi ng kasintahan.

“Nababakla na ba ang Aric ko? Why. You’re acting like a paranoid scared lady!” Natatawang sabi ni Lorelei. Aric slightly glared at her saka tumingin sa malayo.

“Ayaw ko lang na may mangyaring masama. Oo, natatakot ako. I am just scared because it’s Hunter and you—we’re talking about. Hindi ko na ata kakayanin kung parehong kayong dalawa ang mawawala.” Ngumiti naman si Lorelei sakanya saka hinaplos ang pisngi niya.

“Hindi ako mawawala sa’yo. Pangako ko ‘yan.” She sincerely says. Sinuklian naman ni Aric ang ngiting iginawad sakanya ni Lorelei. They were savoring the moment when Aric noticed something. Napansin din ni Lorelei ang kakaibang expression sa mukha ni Aric kaya nagtaka ‘to.

“Is there something wrong, Aric?” Lorelei asked.

“Napansin mo ba ang langit? Kalahati umaga, kalahati gabi.” Sabi niya saka din napatingala si Lorelei.

Nagulat si Lorelei sa nakita. Hati nga ang langit. May sikat ng araw at may bilog na buwan naman. Mag-gagabi na din kaya dapat madilim na ang kalangitan.

“Nakakatakot naman. Dito lang ba ‘to sa Vampire City o pati ang sa mundo ng tao nakikita din nila?”

“Kasama ang mga tao pero hindi nila napapansin. Tanging mga supernatural na nilalang ang nakakapansin niyan.”

“Eh tao pa naman ako eh. Bakit ko siya nakikita?”

“Kasi sinabi ko. Nabuksan ang mga mata mo, nalinawan ang isipan mo. Gano’n ang Psychology ng tao. Napapansin lang, kapag sinabi mo na.”

“Madalas ba ‘yan mangyari? Ang maghalo ang umaga at gabi?”

“Hindi. Minsan lang kapag may—“ napahinto si Aric saka napatingin kay Lorelei.

“May? Bakit, Aric?”

“Si Hunter!”

“Huh? Ano Si Hunter?”

“May nangyaring masama kay Hunter!” tatakbo sana si Aric pero pinigilan ni Lorelei ang braso niya.

“Sabihin mo sa akin,” utos ni Lorelei. Tumango naman si Aric dahil alam niyang may karapatan ‘to na malaman.

“Sumunod ka sa akin.” Hinawakan ni Aric ang kamay ni Lorelei saka tumakbo papunta sa bulwagan.

-=-

“Smitt, saan mo ba ako dadalhin? Malayo na ‘to eh.” reklamo ni Hunter sa kasamang hangin. Kanina niyaya siya nitong maglaro. Pero nang umupo ito sa balikat niya, bigla na lang naramdaman ng bata na napapagod siya—na dati ay hindi naman niya nararamdaman.

“Malapit na, Mahal na Prinsepe.” Nakangising sagot ni Smitt.

“Mahal na Prinsepe? Diba matagal ko na sa’yong sinabi ni Hunter ang itatawag mo sa akin. Bakit biglang nagbalik sa Mahal na Prinsepe nanaman?” nagtatakang sabi ni Hunter. Napahawak siya sa noo niya at nagpunas ng pawis. Pagod na talaga siya at gustong-gusto niyang magpahinga.

“Ay patawad, Hunter. Nakalimutan ko.” Nakangisi ulit na sabi ni Smitt. Napailing na lang si Hunter saka naglakad.

Nakarating sila sa pinakamasukal na parte ng Vampir City. Napapapunas ng noo si Hunter sa sobrang pagod. Nagtaka pa ‘to sa sarili kung bakit siya napapagod. Kasi alam niya sa sarili niya na ang mga katulad niya ay hindi marunong mapagod.

“Mahina ka na ba, Mahal na Prinsepe?” tanong ni Smitt. Nagtatakang tinignan siya ni Hunter.

“A-anong ibig mong sabihin, Smitt?” Napaluhod bigla ang Prinsepe at nahihirapang huminga. Kinabahan ‘to nang may lumabas na dugo bibig niya. “S-Smitt! A-anong ginawa mo sa akin?!” natatakot na sambit ni Hunter.

“Makapangyarihan ka nga pero hindi ka tinuruan ng magulang mo na h’wag basta-basta magtiwala kanino.” Nagulat na lang ang Prinsepe nang mag-ibang anyo si Smitt. Naging tao ‘to na siyang pinagbalat kayo ni Trever.

“H-hindi ka si Smitt! I-ilabas mo si Smitt!” nanghihinang sambit ni Hunter. “Pagsisisihan mo ‘to!” sigaw ni Hunter bago mawalan ng malay.

Bigla na lang lumitaw sa kawalan si Trever kasama si Vance at mabilis nitong tinalian si Hunter gamit ang lubid na maaring makakuha ng kapangyarihan niya.

“One down. Avia to go.” Sambit ni Trever.

“Saan natin itatago ang Prinsepe?” tanong ni Vance.

“Hindi natin siya itatago. Hahayaan natin siyang mamatay sa gubat na ‘to ng walang nakakaalam.” Sagot ni Trever.

“Hahayaan natin ang Prinsepe dito? Pa’no kung matunton siya ng Royal family?” hindi maiwasang tanong ni Vance kay Trever.

Napailing naman si Trever at hindi makapaniwala sa katangahang pinapakita ni Vance. “Mahanap man siya ni Aric, sigurado akong wala na ‘tong buhay.” Saka tinapunan ng masamang tingin ang batang Prinsepe.

Alam niyang walang masamang ginagawa sakanya ang bata, pero kapag naaalala niya na ito ang bunga ng sakit na idinulot sakanya ni Lorelei, gustong-gusto niya ‘tong mamatay saksi ang mga mata niya. “Ang tanging gusto ko noon ay mapasaakin si Lorelei. Napakaliit na bagay para makaramdam ako ng ganitong galit.” Mapait na sambit ni Trever.

“Kukunin mo pa din ba si Lorelei kay Aric?” tanong ni Vance.

Natahimik naman si Trever saka nag-isip. “If she’s not with us, she’s against us.” Tanging sambit ni Trever.

Iniwan nila ang batang Prinsepe sa gitna ng gubat na walang malay.

Habang si Aric naman sobrang kabado habang hinihintay ang magulang sa bulwagan.

“I’m telling you, Kuya. Hunter is fine. Nagpaalam siya kasama si Smitt.” Pangungumbinsi ni Avia sa kambal niya.

“No. I know something wasn’t right. Nasaan na ba kasi sila Mommy at Daddy?”

“Aric, relax ka lang. Pati ako sa’yo kinakabahan na eh!” sabi naman ni Lorelei. Napatingin naman si Aric sa minamahal saka ito niyakap.

“Sorry, mahal ko.”

“Kuya, kami na ni Wynner ang mag-hahanap sa pamangkin ko. Wynner can track him, right?” tumingin naman si Avia kay Wynner saka naman tumango ang huli.

“Kami na ang bahala ni Avia, dude. Dito na lang kayo. Alam mong hindi pwedeng mawalan ng mamumuno dito sa Palasyo.” Sabi ni Wynner.

-=-

Nagbihis sandali si Avia saka lumabas sa silid niya. Nakita niya si Wynner na naghihintay sa labas ng kwarto niya at nakapamulsa.

“What took you so long?” tanong ni Wynner. Avia tugged her hair saka ngumiti.

“Nag-ayos lang.” she simply said.

“Itali mo nga buhok mo. Masyado ng mahaba.” Wynner said.

“Gusto mo ba akong magpaikli ng buhok?” she asked.

“I said tie your hair. Not cut your.” He smirked.

“Aba! Hindi ko ata gusto ang tono ng boses mo!” Avia reprimanded.

“Anong tono ng boses ko? Ganito naman talaga ang boses ko ah!”

“Aish!” ‘Di pa nga kita boyfriend ganyan ka na?!” Avia sneered that made Wynner laugh.

“You’re cute.” He was about to pinch her cheeks pero umiwas siya.

“No touch. Sorry!” saka siya naunang naglakad. Natatawang sinundan naman ni Wynner si Avia.

“Avia! Sagutin mo na kasi ako para pwede na ang touch!” sigaw niya habang hinahabol ang Prinsesa. “Uy Avia!”

“Sige pa! isigaw mo pa para basted ka na talaga! Bleeh!” she stick her tongue out saka tumakbo ng mabilis.

“Avia naman eh!”

---------------------------------

A.N: Malapit na tayong matapos kaya pasensyahan niyo na kung ang tagal-tagal kong mag UD. :( Wala sa aming kuryente eh. Hanggang chapter 60 lang tayo taz epilogue. :)) Pinag-iisipan ko pa kung gagawan ko ng side story si Avia and Wynner kasi hindi masyadong maha-highlight ang love story nila sa ending. :))

XOXO

-Thyriza

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top