Chapter 56 - Training Session

Chapter 56 – Training Session

Third Person’s POV

Nilapag ni Vance ang isang Mapa sa harap ni Trever. Napangisi naman ang huli, alam niya kung ano ‘yon.

“Kabisaduhin mo ang pasikot-sikot ng Vampire City para hindi tayo magkamali sa plano.” Sabi ni Vance. Matagal nitong pinag-planohan ang mga mangyayari. At ngayon, malakas ang paniniwala niyang hindi lang ang Royal Family ang mapapagbagsak nila kundi ang buong Vampire City.

“Ako na ang bahala dito. Gawin mo ang trabaho mo. Nahanap mo na ba ‘yung inuutos ko sa’yo?” tanong ni Trever kay Vance. Tumango naman ang huli. Ngumiti nang nakakademonyo si Trever. “Mapapabagsak na natin ang mga Kang… at makukuha ko na din ang babaeng mahal ko.” Sabi nito.

“Pero malaking Problema ang anak nila. Nakita mo kung gaano ‘to kalakas. Idagdag mo pa si Prinsesa Avia na lumalakas ang kapangyarihan kapag galit.” Sabi ni Vance. Tumawa naman ng malakas si Trever.

“You think I’m an idiot? Syempre alam ko ‘yon. A made a dark ritual na makakatalo sa Prinsesa at anak ni Aric.” Inilabas nito ang isang lubid na nag-aapoy.

“A-ano ‘yan?” tanong ni Vance.

“Naalala mo ‘yung batong nakakapanghina sa isang Damphyr? Ibibigay natin ‘yon kay Avia at sa munting Prinsepe. Kapag nanghina sila, saka sila itatali sa lubid na ‘to. para kuhanin ang lakas nila kasabay ng pagkamatay nila.”

“Pero pa’no natin ‘yon ibibigay sa Prinsesa? Malamang alam na niya ang hitsura nang—“

“Hindi ko alam kung bakit mas matalino ako sa’yo gayong isa kang Vampira! Sa palagay mo ba wala akong mata at tenga sa Palasyo?!”

“At sino naman ‘yon?”

Ngumisi nanaman si Trever at lumakad papunta sa isang malaking cabinet. Binuksan niya ‘to at tumambad kay Vance ang napakalaking kulungan na yari sa babasagin, laman ang Alaga ni Avia na si Smitt. Wala itong malay at animo’y lantang gulay.

“Pa’no mo nakuha ang mailap na hangin?”

“Hindi na ‘yon importante. Ang mahalaga nakagawa ako ng katulad niya. Na aakalain ng Prinsesa na kaibigan niya.”

Perehong tumawa ang dalawa. Siguradong sigurado sila na magwawagi sila laban sa kaaway.

“Matagal nang namumuno ang Pamilya Kang. Oras na para patumbahin sila.” Sabi ni Vance.

“Hinay-hinay ka lang. Hindi tayo susugod ng basta-basta. They’ll be expecting us. Hayaan natin silang maging panatag, saka tayo susugod.”

Napatango naman si Vance.

Parehong hindi na makapaghintay ang dalawa sa mga mangyayari. pero pareho na silang natuto. Mas maganda ang pinaghandaan. Mas masisigurado nila ang pagkatalo ng kalaban.

Habang nagpaplano naman ang mga kaaway laban sa Familia Kang, pinag-utos naman ni King Hansel na ipakalat ang mga kawal sa buong Vampire City. Hindi siya sigurado kung pati ang nasasakupan niya ang makakaligtas.

Pinadoble din nila ang bantay sa kaharian. Binigyan din ng curfew ang mga kapwa vampira. Hindi sakanila pinaalam ang totoong nangyayari pero dahil sa sinabi nang Hari, ‘yon ang masusunod.

“Dad, I think hindi mo na kailangan pang lagyan ng kawal sa labas ng kwarto ng anak ko. Kaya ko naman siyag protektahan.” Sabi ni Aric sa Ama nitong si Aric.

“Alam kong kaya mo ‘yon. Pero gusto kong makasigurado. Pati, alam kong lagi mong kasama si Lorelei. Malamang laging wala ang attention mo sa anak mo.”

Nawala naman ang attention ni King Hansel nang makita niya ag dalawang kawal na tumatakbo palapit sakanila.

“King Hansel, nawawala nanaman po si Prinsesa Avia!” balita nito. Hindi na nagtaka ang mag-ama. Ugali na noon ni Avia ang tumakas kapag madaming bantay kaya hindi nakakapagtaka kung pati ngayon gagawin niya.

Sa kabilang dako naman ng Vampire City, parehong humahagikgik si Avia at Wynner nang matakasan nila ang mga kawal.

“Hahaha. Wala pala sila eh.” natatawang sabi ni Avia.

“Tara sa gubat.” Hinawakan ni Wynner ang kamay ni Avia at naglakad papunta sa loob ng gubat. Napatingin naman si Avia sa kamay nila ni Wynner. Pati siya hindi niya din maintindhan kung bakit masyadong clingy siya kay Wynner. Alam niyang sinabihan niya itong pag-aaralan niyang mahalin ang kasama, pero hindi niya ine-expect na mas napapalapit ang loob niya dito.

“Avia? May problema ba?” Tanong ni Wynner na napatingin na din sa magkahawak nilang kamay. Parang nalaman naman agad ni Wynner kung bakit natigilan ang Prinsesa kaya marahan niyang binitawan ang kamay nito. “Sorry. Hindi ka ba komportable?” sabi niya.

Ngumiti naman si Avia ng matamis. “Nahalikan mo na ako. Nayakap na din. Mag-iinarte pa din ba ako sa holdig hands?”

Napangiti naman si Wynner sa sinabi ng Prinsesa. Desidido talaga ang Prinsepe na paibigan ang Prinsesa sakanya. Lahat gagawin niya, mahalin lang siya nito.

Imbes na hawakan ulit ni Wynner ang kamay ni Avia, hinapit nito ang balakang nito palapit sakanya saka nagsimulang maglakad.

Nakarating sila sa pinakamasukal na bahagi ng Vampire City. Wala kang ibang maririnig kundi huni ng ibon at ibang uri ng hayop.

“Handa ka na ba?” anong ni Wynner. Tumango naman si Avia.

Kinumpas ni Avia ang kamay niya at gumhit nang pabilog na apoy sa paligid nila. Ngayong araw magsasanay si Avia para kontrolin ang kapangyarihan niya.

Nagtapon ng isang bola ng tubig si Avia sa kanan niya at sinabayan ito ng tubig kaya para siyang naging ipo-ipo. Pero dahil sa sobra ng kapangyarihan niya, bigla itong lumaki na ikinagulat ng Prinsesa.

“Avia, control your power!” malakas na sambit ni Wynner.

“I-i…I can’t! It’s too strong!” napapikit siya. Pakiramdam niya lalamunin siya ng kanyang kapangyarihan.

Naramdaman na lang ni Avia na may yumakap mula sa likod niya.

Unti-unti humupa ang hangin. Pakiramdam ni Avia kakambal ng kapangyarihan niya si Wynner. Pakiramdam niya, kung wala si Wynner, ikakamatay niya ang kapangyarihan niya.

“Practice makes perfect, right? Kaya mo ‘yan.” Wynner encouraged her.

“Gagawin ko ulit.” Avia said. “But this time, hug me.”

Wynner was shocked at the same time—happy. Hindi niya inakala na isang araw lalabas sa bibig ‘yon ni Avia. “Yayakapin kita. Pero pwede kiss then?” nakangisi nitong sabi.

Mahinang hinampas naman ni Avia sa kamay si Wynner. “Gusto mo bang isama kita sa ipo-ipo?” pagbabanta ng Prinsesa.

Wynner chuckled. “Joke lang. Alam ko naman na enjoy na enjoy ka sa yakap ko eh.”

“Yabang ah!” Avia retorted.

“I know.” Natatawang sabi ni Wynner.

Naramdaman ni Avia na mas lumalakas ang kapangyarihan niya pero nako-control na niya. It was Wynner’s balance. He balanced the strong ability and power of her.

“Avia…” anas ni Wynner habang yakap si Avia.

“Hmm?”

“This felt good.” He said.

“What is?”

“This. Hugging you while having practice. I felt we’re really made for each other.” He said. Napangiti naman si Avia. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman. Tama nga ito, parang ang kapangyarihan niya ay umeepekto lang kapag nandyan si Wynner.

“Avia?” tawag ulit ni Wynner sa pangalan niya.

“Bakit, Wynner?”

“Magagalit ka ba kung sabihin kung pakibilis-bilisan ang pag-aaral mo para mahalin ako? Hindi na kasi ako makapaghintay na marinig mula sa’yo na mahal mo din ako.”

------------

AN: Patatawarin kung sobrang tagal ng update at sobrang ikli ng update. Actually tinatapos ko na 'to. Hindi ko lang ma-post kasi walang net sa apartment ko. :( Kailangan ko ang inyong mahabang pagpapasensya. :/

PS: Hindi po ako nagbibigay ng softcopy. Sa mga nagpapakalat, pwede ko kayong kasuhan. Binili na po ng Life is beautiful beautiful (LIB) ang rights ng Vampire City Series so please lang. Don't deciminate or ask softcopy. Maawa naman kayo sa akin na pinagpupuyatan ko 'to! =___="

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top