Chapter 54 - Double Walker
Chapter 54 – Double Walker
Lorelei’s POV
Masaya ako. Dalawang linggo na akong masaya kasama ang anak ko at si Aric. Pero sa dalawang linggo na ‘yan, laging nakakasama si Trever. Ewan ko pero lagi ko siyang napapanaginipan everytime na matutulog ako.
Kung ano-ano na nga lang napapanaginipan ko eh. Minsan namatay daw si Aric, minsan isa daw sa mga Royal family at yung last ay yung bigla daw nagunaw ang Vampire City. Hindi ko naman sinasabi kay Aric kasi ayaw ko siyang mag-alala pa.
May sarili akong silid at hiwalay ang kwarto namin ni Hunter. Kung ako lang sana ang masusunod, gusto ko siyang katabi. Pero hindi ata dito uso na katabi ng Mother ang anak kapag natutulog. Siguro kasi wala naman sakanilang natutulog—kami lang.
Naligo lang ako saka nag-suot ng dirty white dress na may lace sa braso.
Paglabas ko nang walk in closet, agad na tumambad sa akin si Aric na nakaupo sa kama ko at halatang hinihintay ako.
“Hey,” bati ko. Ngumiti siya sa akin at nilapitan ako. “Ano ginagawa mo dito?” tanong ko. May kinuha naman siya sa likod niya. Nagulat ako nang makita kung ano ‘yon.
“Para sa’yo.” Inabot niya ang isang piraso ng Black Rose. Bigla ko tuloy naalala no’ng una niya akong binibigyan nito.
“Salamat.” I said as I hold the black Rose. “Hindi ko naman birthday ah.” lumapit ako sa bedside table saka ko nilapag doon ang bulaklak.
“Bawal na ba kitang bigyan ng bulaklak?” nakataas na kilay niyang sabi.
“Hindi naman. Nagtatanong lang.” kibit ko.
“Hmmm,” he roam around my room saka tumanaw sa bintana.
“Pasyal tayo.” Simple niyang sabi.
“Saan?” as much as possible ayaw kong lumabas ng Vampire City. Natatakot ako na mangyari ang panaginip.
“Sa City. Hindi mo pa nalibot ang Vampire City, diba?” umiling naman ako. “Hahatiran ka maya-maya ng pag-kain nila Smitt. Alam kong gutom ka na.” para naman akong natakam pagkarinig ko nang salitang pag-kain. Si Smitt naman kasi eh, kapag nagdadala ng pagkain kulang.
“Saan ka pupunta?” tanong ko nang akma siyang lalabas.
“Sa bulwagan lang. Puntahan mo ako doon kapag nakakain ka na, ah?”
“Sige.”
-=-
After kong kumain nang mag-isa, napagdesisyunan kong lumabas ng kwarto at puntahan si Aric. Pero pagdating ko sa bulwagan, wala sila do’n. Sabi ng napagtanungan ko, pumunta daw sa Scarlette Moon Academy kasama ni Hunter.
Naglalakad-lakad ako nang masalubong ko si Edric. Busy siya na nagtetext. For sure si Kyla ka-text niyan.
“Edric.” He looked up saka ngumiti sa’kin ng maluwang.
“Uy Lorelei. Bakit hindi mo kasama si Aric at Hunter?” tanong niya.
“Hinahanap ko nga eh. Nasa Academy daw eh.” sabi ko.
“Ay Oo. May special class daw kasi ‘tong si Hunter para ma-train ng maaga.”
“Talaga? Hindi naman ba siya dadalhin sa ibang bansa?” tanong ko pa. Tumawa naman si Edric.
“Kapag natapos niya ang Primary class niya, saka siya papupuntahin sa Italy.” Napanguso naman ako. Masyado pa ata akong bata para magkaroon ng isang anak na highschooler o colleger. Pangarap ko pa naman na ako maghahatid sa anak ko sa first day of school niya. I guess lahat ng mga pangarap ko hindi matutupad dahil hindi ordinaryong buhay ang pinasok ko.
“Earth to Lorelei?” Napabalik ako sa huwistyo ko nang kumaway-kaway sa mukha ko si Edric. Ang dami ko nanamang iniisip. Haay naku! “Ok ka lang ba? Gusto mo samahan kita sa SMA?” ngumiti lang ako sakanya saka umiling.
“Kaya ko naman. Tsaka malapit lang ata. Hindi naman ako mawawala.”
“Oh sige. Text ka na lang kung mawala ka.” Nakangisi niyang sabi. Tumango na lang ako kahit hindi ko naman dala cellphone ko.
The Palace is 2 blocks away from the Academy so ok lang siguro kung lalakarin ko. Para at the same time makapaglakad-lakad na din. Kailangan ko din ng exercise.
Madaming puno sa gilid ng sidewalk ng Vampire City. Siguro para kahit mainit malimlim pa din. Kahit umaga may mga naglalakad. Hindi mo aakalain na nasa lugar ka ng mga Vampira.
Tanaw mo din ang mga matataas na gusali sa gilid. Tulad ng hotel at ilang pang leisure time nila.
Sana ganito din sa mundo ng tao. ‘Yon bang ganito siya ka-organize? Ibig sabihin maganda ang pamamalakad ng Hari at Reyna. Desiplinado sila.
Nag-lalakad lang ako habang nagmamasid sa paligid nang makita ko si Aric sa may puno nakatayo at nakaside view sa akin.
Akala ko ba nasa Academy siya? Ano naman ginagawa niya dyan?
I was about to walk towards him nang tumakbo siya papalayo. At ako naman ay hinabol siya. What’s with him ba? Parang hindi siya si Aric ah!
“Aric!” I called pero hindi siya lumilingon. “Aric teka lang!” hinahabol ko siya at hanep lang siya sa takbo palayo sa akin.
“Ari—!” napatigil ako nang mawala siya bigla sa paningin ko. Para siyang nagvanish bigla. Alam kong kaya niyang magteleport or something at sanay na ako do’n pero kinilabutan talaga ako kasi parang may itim na smoke na pumalibot sakanya.
Naiwan lang ako sa gitna ng kalye na nakatayo at nakatulala. Ano ba ‘yon? Imposible namang panaginip pa din ‘to kasi kumain pa ako at ramdam kong busog pa din ako. Pero ganyan din naramdaman mo no’ng napanaginipan mong namasyal kayo ni Hunter diba?
Napailing ako. Hindi dapat ako nag-iisip ng mga ganito. Nakaka-paranoid sa totoo lang.
Napalingon ako nang may bumusina sa akin. Ay Tange ka Lorelei! Nakalimutan mo atang daanan ‘to ng sasakyan!
“Lorelei? Ano ginagawa mo dyan?” nakadungaw na sabi ni Princess Erina. Siya pala ‘yung nasa kotse. Napakamot lang ako saka awkward na ngumiti.
“Pasensya na po.” Gumilid ako pero inalok niya ako papalapit.
“Saan ka ba pupunta nang mahatid na kita?” nakangiti niyang sabi. Grabe ang ganda talaga ng Mommy ni Edric. Ang lambing pa ng mukha. Hindi man lang tumatanda.
“Sa Academy po.” Sabi ko.
“Ay tama pupunta ako do’n. Sakay na” sumakay naman ako sa front seat.
“Bakit ka nga pala pupuntang Academy?” she asked habang papasok sa malaking gate ng school.
“Nando’n daw po si Aric at Hunter eh. Pero nakita ko si Aric kanina kaya po nakatayo ako sa daanan kanina.” Sabi ko.
“Ahh. Baka nasa AVR sila. Ang rinig ko kasi kagabi papanuorin nila ang History ng Vampire City at ng Academy.
Sabay kaming bumaba ni Princess Erina sa kotse. Giniya niya ako papasok sa mataas na building. Grabe akala ko sa TV ko lang makikita ang skwelahan na ganito. Ang ganda!
May mangilan-ngilan na studyante na naglalakad pero sabi ni Princess Erina wala daw klase kapag umaga, gabi lang.
Umakyat kaming 3rd floor kung saan daw ang AVR. Pumasok kami at madilim na kwarto ang tumambad sa akin. Tama nga siya, they’re having a film viewing. Kampanteng naka-upo ang dalawa. Nakasandal ang ulo ni Hunter sa balikat ni Aric at nakaakbay naman si Aric kay Hunter.
“Aric, “ tawag ni Princess Erina. Napalingon naman si Aric saka ngumiti sa akin.
“Tita Erina. Hinatid niyo ba dito si Lorelei?” tanong niya habang papalapit sa amin. Bigla na lang umilaw at na-pause ang pinapanuod nila.
“Yes. I saw her at the street. Lorelei told me na nakita ka daw kasi niya… Hi baby Hunter. Pakiss nga ang Mamita.” Nakakatawa ang mga Lolo at Lola ni Hunter, mga ayaw magpatawag ng Lolo or Lola. Pati si Tito Kent at Tita Laura ayaw din. Si King Hansel lang ata at Queen Ingrid ang ok na tawagin na gano’n eh.
“You saw me? Eh kanina pa kami dito ni Hunter. Never akong lumabas. Tinext nga kita na magpahatid ka dito kasi umalis na kami sa bulwagan.” Napakunot naman ako. I was so sure na siya ‘yon. Ang tindig niya, siyang-siya ‘yon.
“Hindi eh. ikaw ‘Yon. Tinatawag kita pero hindi mo ako pinapansin. Hanggang sa naglaho ka na lang bigla tapos may itim na usok pa ngang naiwan no’ng umalis ka eh.” tinignan naman nila akong parang puno ng takot sa mukha. Ok, what did I say?
“Ano kamo? Itim na usok?” paninigurado ni Princess Erina.
Tumango naman ako. “Opo.” Alam ko ang nakita ko at bakit ako magsisinungaling about dito?
“Kung hindi ako nagkakamali, isang Double walker ang nakita mo, Lorelei. O mas alam sa tawag na doppelganger.” I heard Aric gasped. Napatingin ako kay Hunter at parang walang pakialam sa pinag-uusapan naming. Naglalaro lang siya ng toys niya.
“M-masamang pangitain ang ibig sabihin no’n. Ano kayang mangyayari?” nasabi ni Aric. Kinabahan naman ako. Hindi ko nasabi sakanya ang mga panaginip ko. Errr, kinikilabutan tuloy ako. Nakakatakot!
“Sabihin natin ‘to sa Hari at Reyna.” Sabi ni Princess Erina. Tapos tumingin ulit siya sa akin. “May isa akong gustong makumpirma kung tama nga ang hinala ko.” Sabi niya.
“Ano po ‘yon?”
“May mga napapanaginipan ka ba?”
xxx
AN. Hi guys! Kumusta kayo? Lumindol daw? Hindi ko na-feel eh. Nasa Bicol ako. Ingat ingat opo? At nakakatakot ang panahon ngayon. At pati ako natatakot sa susunod kong update. hahaha Basta guys sana hindi kayo magsawang sumoporta sa VC at hindi din ako nagsasawang mag update. Chos! hahaha Baka bukas mag update ulit ako. Medyo sinaniban ako ng sipag eh. Sana magtagal 'to. lels
XOXO
-Thyriza
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top