Chapter 53 - Make you feel my Love

Chapter 53 – Make you feel my Love

Avia’s POV

“W-Wynner…” nagulat ako sa sinabi niya. Kinilabutan ako nang sabihin niya ‘yong ‘You are mine now.’ Parang may kung ano akong naramdaman na hindi ko mahinuha.

“Kailangan pa ba kitang daanin sa dahas para maging akin ka, Avia? Diba sabi ko sa’yo no’n, na papakasalanan kita? Nakalimutan mo na ba ‘yon?”

“B-bakit mo ba ‘to ginagawa? Kasi sa pagkakaalala ko bago tayo maging magkaibigan, hindi ka naging mabuti sa akin. Oo pinipilit mo akong pakasalan ka noon. Pero diba sabi mo ginagawa mo ‘yon para maging miserable ako? Kasi gusto mong makita akong naiinis. Hanggang ngayon ba Wynner ‘yon pa din ang gusto mong mangyari?” puno ng pait kong sabi. Nakakatampo. Kasi akala ko iba na siya.

“I admit. ‘Yon nga ang plano ko. Ang gawing miserable ang buhay mo kapag kasal na tayo. Pero lahat ng iyon nag-iba. Nag-iba no’ng pangalawang beses kitang hinalikan sa bahay niyo. Naramdaman kong hindi lang pala ‘yon ang gusto ko sayo. Gusto ko maging akin ka ng buo.” Naguguluhan ko siyang tinignan. Sa totoo lang, wala akong makuha sa mga gustong iparating ni Wynner.

"Bakit ka ba nandito?!" i asked instead.

"To marry you, remember?" he grinned.

"Marry your face! Hinding hindi ako magpapakasal sa hambog na gaya mo!" sabi ko saka ko siya tinalikuran. Nasaan ba kasi ngayon si Kuya? Hindi man nya ako makampihan pagdating kay Wynner, atleast may distraction sa pagiging feeler niya.

"I'm your first kiss, remember?" he said from afar.

First kiss ko siya. First and only kiss ko. Naging kami ni Kier pero hanggang kamay at noo lang ang hinalikan niya sa akin. Ah! kasi mas gentleman si Kier kay Wynner.

Minsan hindi ko mapigilang hindi manggalaiti kapag naalala ko nang nakawan niya ako ng halik. Lalo na ‘yong pangalawang beses. I wanted to bury him alive. Nakapa-manyak! Saan niya kaya namana ang pagiging pervert niya. Nakakabwesit!

Naglakas ng loob na akong mag-tanong sakanya. It’s now or never. Besides gusto ko ding malaman.

“May gusto ka ba sa akin, ha, Wynner?!” tinignan ko siya sa mga mata. Hindi man lang siya umiwas. Para ngang ako pa ang nahiya sakanya. Hindi ba marunong ma-intimidate ang vampirang ‘to? talagang makikipag-titigan siya sa akin?

“Nagpapatawa ka ba? Hahaha! Hindi kita gusto!”

“Eh gago ka pala eh! wala ka sa aking gusto tapos sasabihin mong gusto mo akong maging iyo lang? napakamakasarili mo talaga!”

Ngumisi lang siya sa akin at hinawakan ang mga kamay ko. Sa isang iglap, nakapunta kami sa isang mataas na gusali. Nasa rooftop kami at natatanaw ko ang mga maliliit na sasakyan sa baba.

“Ano ba, Wynner! Saan ba tayo?!” angil ko sakanya.

“Akala ko ma-rerealize mo agad ang gusto kong iparealize sayo.” Sabi niya.

“Ano?! T-teka nga bitawan mo nga ako!” nagpupumiglas ako sa hawak niya pero mas hinigpitan niya ‘to. bagkus nilapit niya ako sakanya.

“Kung hindi ka madadala sa santong dasalan. Baka pwede sa santong paspasan?” nakangisi niyang sabi.

“What?! Wynner—amph!”

Hindi na ako nakapagsalita ng halikan niya ako. Bwesit ka Wynner! Nakakailan ka na ba, ha?!

Ang mulat kong mata ay kusang nagsara ng maramdaman kong nadadala ako ng mga halik niya. Parang may mga flashbacks din na pumapasok sa utak ko.

 

"Who are you meeting?"

I felt goosebumps on my skin when i heard those voice behind me. Dahan-dahan akong napalingon sa likod ko.

"What are you doing here, Wynner?!" Nakapameywang kong sabi.

"Grabe ka naman. ‘Yon agad ang tanong mo? Wala man lang, kumusta ka na Wy? Or na-miss kita Wy?" Nakangisi siya at mas lalo akong napikon.

"Bwesit!" I utter. Agad akong umalis sa kinatatayuan ko at pumasok sa loob ng bahay. Hindi na ako nagtaka kung paano niya nahanap ang bahay ni Kuya, isa siyang tracker.

Mag-aayos na lang ako sa sarili kasi magkikita kami ni Kier ngayon.

"Mag-usap naman nga tayo, Avia." habol niya sa akin kaya napalingon ako.

"Ugh! Pwede ba, Wynner?! Just this once! Wag mo akong iistorbohin, iinisin, o pipikunin! May importante akong pupuntahan at ayokong ma-stress dahil sayo!" i yelled at him. Natigilan siya. His smiling face disappeared at napalitan ng seryoso.

"Yon ba ang tingin mo sa akin, Avia? Isang nuisance?" he sounded hurt.

"Yes so stay away!"  I retorded and walk away.

Bago pa ako makalayo sakanya, naramdaman ko ang paghatak niya sa braso ko. He forcedly drag me and cornered me in a wall. Nagpumiglas ako pero mas malakas siya sa akin.

"I won't." he said in a low voice. "I won't stay away. Especially if i know someone has jeopardize your relationship with me." He smiled mishievously.

"What relationship? We don't have relationship, Wynner. Except for the fact that your parents is my parent’s bestfriend. So tigilan mo na ang pamimilit sa akin na may tayo! Dahil sa simula pa lang, wala na. I loathe and i loathe you forever!" I respond sharply. Biglang lumuwag ang pagkakahawak niya sa akin.

Naramdaman kong mas lumalim ang mga halik niya. Parang naramdam ko ang sakit na naramdam niya. Parang pinaparusahan niya ako sa mga halik niya. Parang lahat nang mga sinabi ko sakanyang masasakit ay bumabalik sa akin. Hindi ko namalayan na naluluha na ako. Hindi ko alam kung bakit. Basta ang alam ko nasasaktan ko siya at nasasaktan din ako para sa kanya.

"Avia? Avia ok ka lang?" Napasimangot ako ng makita si Wynner. Inismiran ko siya saka umalis. Lumabas akong bahay para makasagap ng fresh air. Mag-gagabi na at wala pa si Kuya at Edric. Akala ko nga pagdating ko kanina wala dito si Wynner.

"Avia mag-usap naman tayo oh." rinig kong sabi niya.

"Wag mo nga akong sundan!" sigaw ko ng hindi siya tinitignan.

"Please?" he pleads. Tumigil ako at hinarap siya. Nakita kong seryoso ang mukha niya at parang nag-aalala ang mukha.

"Ano'ng gusto mong pag-usapan natin?! For kissing me!? ‘yon ba ang gusto mong topic natin?!" i almost shout at him.

"I wanted to apologize. Sorry for what i've done. Hindi ko ‘yon sinasadya. I don't know what's got into me to do that to you. There's just this strong lust inside me to kiss you." Napamaang ako sa sinabi niya.

"You're crazy." i muttered.

"Maybe i am. Baliw nga talaga ako. Baliw ako for not treating you right. Baliw ako for not considering your feelings, lalo na't isa kang damphyr, you think like human and you feel like human. And i am so sorry for being an asshole to you."

"Sorry won't change my expression on you. Bata pa lang ako palaisipan na sa akin kung bakit gano’n mo ako tratuhin! Bakit? Kasi damphyr ako? Mababa ba ang tingin mo sa akin dahil do’n?" sumbat ko sakanya.

"Hindi Avia. Mataas ang tingin ko sayo. Bilib nga ako sayo eh. Kasi kahit ganito pakikitungo ko sayo, hindi mo ako pinapatay." he chuckles kaya medyo naging light ang heavy emotios sa paligid.

"Mahal ko si Tita Maxhene at Tito Denver kaya hindi ko ‘yon magawa. Sorry pero walang patutunguan itong usapan natin kaya kung pwede ba? Umalis ka na at marami akong iniisip." sabi ko saka ko ulit siya tinalikuran.

Akala niya siguro mahuhulog nanaman ako sa mga bitag niya? Minsan na niya akong nauto noon na sabi niya nagsisisi siya sa lahat ng ginawa niya sa akin. Pero binaliktad niya ang lahat nung kaharap ko na sila mommy. He said piapatawad niya na ako sa pang-aaway ko sakanya. At ako ang lumabas na masama sa tingin nila mommy at daddy.

"Dahil ba ‘yan sa proposal niya?" Bigla niyang sabi. I frozed. How the hell?! Galit na nilingon ko siya.

"You followed me?!" I said angrily. He gave me a smug look. That's what i thought. Balik nanaman siya sa pagiging hambog niya.

"I can follow you wherever i want to." he smirked.

"You jerk! Kailan mo ba ako titigilan ha?!"

"Until matupad yung sinabi ko noon na magpapakasal tayo." he smirked again.

"Hinding hindi ‘yon mangyayari. Mas gugustuhin ko pang makasal sa palaka kesa sa isang vampirang tulad mo!" i retorted.

"So do i have to turn him into a frog?!" he said and grinned.

"What do you mean?!

"You said mas gusto mong magpakasal sa palaka. Eh di gagawin kong palaka yung lalaki mo?!" And there, i saw his infamous evil grin.

"You don't have the power!" i shouted at his face. Sa sobrang galit ko, bigla na lang na may pumalibot na apoy na pabilog sa akin. Hindi ko alam kung napaano pero namumula ang tingin ko ngayon kay Wynner at gustong gusto ko siyang patayin ngayon.

 

Unti-unting nagiging malinaw sa akin ang lahat. Habang tumatagal niya akong hinahalikan, mas lalo kong naiintindihan ang nararamdaman niya. It was his mask. Ginagawa niya ‘yon para mapakita sa akin na importante ako sakanya. Now I know. Pero bakit? Kasasabi niya pa lang na hindi niya ako gusto diba?

This time I initiate the kiss. Humawak ako batok niya. Marami pa akong gustong malaman. Marami akong gustong makumpirma.

Napahawak ako sa leeg ko. My power is overtaking me. I can't... i can't.

"W-WY..WYNNEEEEER!" Hindi ko na alam pa ang sumunod na mangyari no’ng unang bese na kontrolin ako ng aking kapangyarihan.

Pero ngayon nakikita ko kung paano humupa ang kapangyarihan ko. It was Wynner. Siya ang nagpahupa sa galit ko. Niyayakap niya ako patalikod at paulit –ulit niyang sinasabi ang mga katagang gustong-gusto kong malaman ang ibig sabihin.

“Ich Leibe dich, Avia. Control your power. Please.” Nakita ko siyang umiiyak. Hindi ako makapaniwalang umiiyak no’ng oras na ‘yon si Wynner.

Ich Leibe dich. Ang salitan familiar sa akin pero hindi ko maalala kung ano ang ibig sabihin. I once heard it nang magbakasyon kami sa Germany.

“Ich Leibe dich, Sweety!” sabi ni Tito Denver kay Tita Maxhene habang nasa bulwagan kami ng palasyo ng Paxton Clan. Mga bata pa lang kami noon at eto ‘yong time na pinagpipilitan ko ang sarili ko kay Wynner na maging magkaibigan kami.

“Tita, what’s Ich Leibe dich means?” I asked out of curiosity.

“It means I love you, little Princess.” Sagot ni Tito Denver.

 

Napabitaw ako kay Wynner. Parang naalala ko na. ‘Yon ang lagi niyang sinasabi sa akin.

“Du mich, Wynner?” I asked. [You love me, Wynner?] Nanlaki ang mga mata niya. Ngumiti ako sakanya. “Alam ko na ang ibig sabihin ng Ich Leibe dich.”

Tumingin siya sa akin at naningkit ang mga mata. Umirap naman ako sakanya kaya natawa siya.

“Ja, Ich leibe dich, Avia.” [Yes, I love you, Avia.] he confirmed. “Wie über Sie, liebst du mich?” [How about you, do you love me?]

“No.” sagot ko na naging dahilan para maging malungkot ang mukha niya. Napayuko siya at ramdam ko ang lungkot niya. “Pero napag-aaralan naman ‘yon diba?”

Agad siyang napatingin sa akin at lumiwanag ang mukha. Para ding nag-nining-ning ang mga mata niya.

“Gusto kitang pingutin, alam mo ‘yon?” sabi niya.

“At bakit?!”

“Kasi ang talino mo pero ang tagal mong narealize na Mahal kita. Gusto mo bang halikan pa kita para makita mo pa yung iba ko pang ginawa para sayo?” nakangiti siya ng nakakaloko. Hinampas ko naman siya sa braso.

“Subukan mo at ihuhulog kita!” irap ko sakanya.

“Matagal na akong nahulog sayo.”

“Ugh! Wynner naman eh!” tumawa naman siya ng malakas. Nakakaasar na vampirang ‘to!

“Pero salamat, Avia. H’wag kang mag-alala, ‘cause I’ll make you feel my love. Pangako, magiging masaya ka sa akin.”

“Salamat din, Wynner. Sana mahaba ang pasensya mo sa akin. Baka matagal bago kita matutunang mahalin eh.”

“Ok lang kahit matagal. Nakapaghintay nga ako eh. Kaya ko pa ding mag-hintay. Basta ikaw.”

Pareho kaming napatingin sa langit. May isang bituin na kumislap at namumukod tangi sa lahat.

“Salamat, Kier.” Rinig kong bulong niya.

xxx

Sa mga nakapanuod na no'ng teaser vid ni Wynner-Avia-Kier meron do'n yung kissing scene sa rooftop. That scene is this chapter. Kaya nga nasabi ko na kung sino ang makakatuluyan ni Avia ay depende sa pagkakaintindi mo sa video na ginawa ko. May mga konting nakakuha. Alam nila kung sino sila.

Marami pa sanang flashbacks kaso tinatamad akong mag back read. hahaha. Aayusin ko na lang kapag na-publish na din 'tong book 2. :) (spoiler!)

XOXO

-Thyriza

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top