Chapter 52 - Getaway
Chapter 52 – Getaway
Lorelei’s POV
“Can we play hide and seek?” rinig kong sabi ng anak ko sa isa sa mga kawal.
“Hindi po pwede, Mahal na Prinsepe eh.” Napapakamot na sabi no’ng kawal. Lumapit ako sakanila.
“Hunter, anak.” Masiglang napalingon naman si Hunter.
“Mama, nabo-bored na po ako.” Nakangusong sabi ng anak ko. Napangiti lang ako. Ang cute cute niya kapag nagpa-pout. Para lang si Aric ang nguso. Hahaha
“Gusto mo bang pumunta sa mundo ng tao?” bulong ko sakanya. Agad naman siyang tumango.
“Ok lang po ba kay Papa?” tanong niya.
“Hindi siya papayag pero tatakas tayo. Gusto mo ba?”
“Opo! Opo!” masaya niyang sabi.
“Bihisan muna kita saka tayo lumabas ng portal, opo?” sabi ko saka ko ginulo buhok.
Pinagsuot ko lang ng jumpers at pinagsuot ng red cap. Kahapon binilhan siya ng madaming damit ni Kyla. Tuwang tuwa siya kasi may anak-anakan na daw siya.
“Excited na ako, Mama.”
“Shhh… Quite ka lang at baka may makarinig sa atin.” Pareho kaming bumingisngis.
Pa-simple lang kaming naglalakad palabas ng kaharian. Wala namang nagdududa na lalabas kami since naka-rugged lang akong suot.
“Mama baka mahuli tayo ni Papa. Hindi po kaya hanapin niya tayo?” natatawang sabi ni Hunter.
“Hayaan mo na. paminsan-minsan mamiss naman niya tayo.” Nakatawa kong sabi.
“hala? Si Mama talaga. Eh Mama ang layo pa po ng lalakarin natin.” Reklamo ni Hunter.
“Wala akong kotse anak eh.”
“Kapit ka na lang po sa akin, Ma.” Inabot niya kamay niya sa akin.
“Bakit?”
“Teleport po tayo.”
“Aba marunong ka na no’n?” mangha kong tanong.
“Oo naman po.” Sabi niya saka hinawakan kamay ko.
Naglalakad lang kami ng anak ko pero parang ang bilis naming naglalakad. Para na lang ngang isang guhit ang paligid sa sobrang bilis nito. Napakamakapangyarihan talaga ng anak ko. Syempre hindi siya sa akin nag-mana kundi sa Papa niya.
“Nandito na po tayo, Mama.” Nasa isang Park kami. Maraming tao dito na nagpipicnic. Masayang pamilya na nagbabonding. Nakakainggit kasi hindi ko ‘to naranasan. Pero hindi ko hahayaan na maging kagaya ko ang anak ko. Ipaparamdam ko sakanya na buo ang pamilya niya at napakadami ng nagmamahal sakanya.
“Mama! Gusto ko no’n Mama!” tinuro niya ‘yung cotton candy. Lumuhod ako sa harap niya para maging magka-level kami. Tinignan ko siya ng maigi.
“Hindi pwede anak. Isa kang vampire, hindi kumakain ng pagkain ng tao ang mga tulad niyo. Kagaya ng Papa mo, he don’t eat human’s food.” Umilin naman siya sa akin.
“No, Mama. I can eat human’s food. Grand Lolo Vladimir and Lolo Hansel say I’m a hybrid vampire. I can be human if that’s what I want or can be a vampire if I say so.”
“Huh? Hindi ko ata ‘yon alam. So kagaya ka ng Tita Avia mo?”
“Hindi ko po alam, Mama. Sabi din po ni Lolo Hansel kailangan magsimula na daw po akong mag-aral kasi tagapagmana ako ni Papa.”
Napatulala ako. Ilalayo nila sa akin ang anak ko. Masyado pang bata si Hunter para sa mga bagay na ‘to. Hindi ko ba siya pwedeng makasama kagaya ng mga normal na Nanay na inaalagaan ang anak nila? gustong-gusto ko lagi sa tabi ko si Hunter. And him schooling this early will keep me away from him. Ayoko nang gano’n.
Ibinili ko na lang si ang anak ko ng cotton candy. Enjoy na enjoy naman siyang kinakain ‘to. I also bought him spongebob balloon though hindi niya kilala kung sino si Spongebob.
“Mama…”
“Hmmm?”
“Why do you love Papa?” he asked habang nakaunan sa lap ko. Napa-isip naman ako.
Why I love Aric? Madaming dahilan pero parang ang hirap sabihin. Parang hindi sapat yung ‘because that’s what I feel’ malalim ang nararamdaman ko sakanya eh. I don’t even know how to start. Baka kulangin sa isang libro ang pag explain ko kung bakit ko siya mahal.
“Gets ko na, Mama.”
“Ha? Wala pa naman akong sinasabi ah.” nakangiti kong sabi sakanya.
“Isa ako sa ebidensya kung bakit mo mahal si Papa diba?” my heart flatters. Why my child is so smart? Way smarter than me.
I pinched his nose saka tumawa. “Ang talino ng baby ko.”
“Mana sayo, Mama!”
It was afternoon na nang mapagdesisyunan kong besitahin si Tito Kent. Alam kong gusto niyang makita si Hunter eh. Kung hindi ako nabuhay, gugustuhin kong siya ang kasama ni Hunter.
Hindi naman sa wala akong tiwala kay Aric. Hindi ko lang maatim na mag-isa si Tito. Hindi na nga siya nakapag-asawa dahil sa pag-aalaga sa akin tapos iiwan ko pa siya?
I felt sorry for Tito kasi kailangan niyang paalisin ang mga kasambahay naming pati mga bantay. Ayaw niyang may makaalam ng secreto niya. Balita ko din lilipat siya ng bahay sa hillside. Malayo sa ciudad.
“Lolo Kent!” salubong ni Hunter kay Tito.
“Ahh! Don’t call me Lolo. Nagmumukha akong matanda. Call me Daddy Kent.” Natawa naman ako kay Tito.
“Nyx…” he gave me a quick hug saka ngumiti ng tipid.
“Si Tita Laura po?”
“Nasa loob. Pasok kayo.”
Naunang pumasok sa akin si Hunter. Batang talaga ‘yon ang hyper.
“Ang lungkot na ng bahay, Tito.” I said as we enter inside. I saw Hunter talking with Tita Laura.
“Yeah. Kaya nga lilipat na ako ng tirahan eh.”
“Sa hillside? Tito naman eh! Pwede kang tumira sa Vampire City. You know na welcome na welcome ka do’n.” matagal ko ng pinipilit si Tito na tumira doon pero ayaw niya. Ewan ko ba kay Tito. Ako ngang tao do’n na titira, siya pa kaya?
“May business tayo, remember? I promised your dad na ako magpapatakbo ng companya.” Napabuntong hininga na lang ako.
“Pero dumalaw ka din sa kaharian Tito ah. Masaya kaya do’n.”
“Gusto mo na din bang maging vampire?” natahimik ako. Before, buo na sa isip ko na gusto ko. Pero ngayon nagdadalawang isip na ako. Si Aric kasi eh! kung ano pinagsisiksik sa utak ko.
“I don’t know, Tito. Pinag-iisipan ko pa.”
“Kung ako ang masusunod, ayaw ko. Pero para kay Hunter, kailangan mo. Para ma-protektahan mo din siya.”
“Iniisip ko din po ‘yan.”
“Masaya ka ba, Nyx?” he asked.
“Opo.” I didn’t think twice answering. Masaya ako kasi kasama ko na si Aric at Hunter. Basta masaya ako. Sana lang h’wag babawiin sa akin ang kasiyahan.
“Mama, can I go to your old room?”
“Sure baby.” Sabi ko saka siya agad na tumakbo paakyat. Naiwan naman si Tita Laura na nakangiti.
“Ang kulit ng anak mo, parang si Kent lang no’ng bata pa.”
“Hyper nga po siya Tita Laura eh.”
“Naku, kung buhay pa ang mga magulang mo? Matutuwa ‘yon kung ganyang kabibo ang apo nila.”
“Apo niyo din naman po siya—“
“MOMMY~”
Lahat kami nagulat sa biglaang sigaw ng anak ko.
“Hunter?!” patakbo kaming umakyat sa kwarto ko. Pagbukas ko ng pinto nakita ko si Hunter na nakatali sa lubid na may kuryente. Nanghihina na siya at naiiyak.
“Hunter anak ko!” lalapitan ko sana siya ng may lumabas sa likod niya.
“Hanggang dyan ka lang, Nyx Lorelei!” hindi na ako nagduda na siya ang may kagagawan nito.
“Ano nanaman ba ang kailangan mo sa amin, Trever?! Hindi mo ba kami patatahimikn?!” I shouted at his face.
“Pakawalan mo ang Apo ko!” maawturidad na sabi ni Tito Kent.
“At hayaan kayong maging masaya? Hindi. Hindi ako papayag! Kung hindi ka magiging akin, Nyx. Pwes hindi ko hahayaan na maging masaya ka!” napaluha ako ng makita kong namimilipit sa sakit ang anak ko.
“P-pakawalan mo ang anak ko! Wala siyang kinalaman dito! Please, Trever!” naiiyak ko ng sabi. Kaya kong ibigay lahat h’wag niya lang patayin ang anak ko.
“There’s nothing you can do that can change my mind. I wanted to kill the offspring of Aric!”
“No! H’wag, please! Gagawin ko ang lahat. Just… just don’t hurt my Son. Trever nakikiusap ako sayo.”
“M-mommy~ don’t!”
Lalapit sana ako kay Trever ng pigilan ako ni Tito. “Don’t do this, Nyx.”
“M-mahal ko po ang anak ko.” Saka ako tumalikod at lumakad palapit kay Trever.
Nakita kong handa na ang mga kamay niya at hinihintay na hawakan ko ang nakaabot niyang kamay.
Napapikit ako ng tuluyan niyang mahawakan kamay ko.
“Please runaway with me. Mas magiging masaya tayo kung ako ang kasama mo.” Bulong niya sa akin.
“Pakawalan mo ang anak, saka ako sasama sayo!” mariin kong sabi
“Mawawala ang lubid sakanya kapag umalis na tayo. Sa ngayon ang kailangan ko ay ang siguridad na hindi mo ako lolokohin. Sasama ka sa akin at hindi ka tatakas.” Tinignan niya ako sa mga mata ko. Hindi ko magawang umiwas. Parang sa pangalawang pagkakataon na control nanaman niya ang katawan ko.
‘Lorelei’
“Sasama ako sayo ng matiwasay.” Sabi ko.
‘Aric’
“Mabuti.” Ngumiti siya sa akin ng maluwang. “Tara?” tumango ako sakanya.
‘Lorelei’
‘Aric tulungan mo ako! Aric!’ piping dasal ko.
Narinig ko ang malakas na iyak ng anak ko. Pinipigilan kong hindi umiyak. Pinipigilan kong hindi siya lingunin.
Hinawakan ni Trever ang mga kamay ko at nakapikit na naramdaman kong tinatangay kami ng hangin.
‘Lorelei’
Nakaramdam ako ng malakas na sampal sa magkabilang pisngi ko kaya gulat ako napamulat.
Tumambad sa akin ang nag-aalalang mukha ni Aric, Queen Ingrid, at King Hansel. Ano’ng ginagawa ko dito? Diba namasyal kami ni Hunter? Diba tumakas kami? Nasa bahay ako naming kanina eh.
“Nananaginip ka, Mahal ko. Kanina mo pa sinisigaw ang pangalan ko. Sorry kung nasampal ka ni Mommy. Hindi ka kasi nagigising.” Ngumiti siya sa akin ng tipid. Napatingin naman ako kay Queen Ingrid na parang humihingi ng pasensya sa ginawa niya.
“Nasaan si Hunter?” agad kong tanong. Wala kasi siya sa loob.
“Kasama siya ni Tita Erina sa bulwagan.” Sagot ni Aric.
“Iwan na muna namin kayo, Anak.” Rinig kong sabi ni King Hansel. Tumango lang si Aric saka sabay na lumabas ang mag-asawa.
“Aric, si Trever! Napanaginipan ko siya. Kinuha niya daw ako! Aric natatakot akong baka saktan niya ang anak natin!” hinaplos naman ni Aric ang pisngi ko.
“That… will never happen. Hanggang sa nabubuhay ako. Hindi mahahawakan ni Trever ang kahit dulo ng buhok ng anak natin. Poprotektahan ko siya.”
“Pero parang totoo. Akala ko talaga totoo ang lahat. Panaginip lang pala.”
“H’wag ka ng mag-isip, Mahal ko. Ligtas kayo ni Hunter sa loob ng Vampire City.”
Napayakap na lang ako bigla kay Aric. Naramdaman kong hinalikan niya ang noo ko. Napangiti na lang tuloy ako.
“Kinikilig ka nanaman dyan.” Natatawa niyang sabi. Sinubsob ko ang mukha ko sa leeg niya at pilit tinatago ang ngiti sa labi.
“H-hindi ako kinikilig!” pagdedeny ko. Mukhang wala na akong maitatago pa kay Aric eh.
“Kung gano’n, hindi ka na kinikilig sa akin?” parang nagtatampo niyang sabi.
“Is that a trap?” natatawa kong sabi. Humalakhak naman siya saka ko niyakap ng mahigpit.
“Haay. Namiss ko ‘yong ganito.” Sabi niya.
“Ako din. Namiss kita.” Ani ko. Iniharap naman niya ako sakanya at tinitigan ako sa mata.
“Let’s do it again?” he smiled mischievously.
“Alin?” taka kong tanong.
“Y-yung ano… yung dati.” Tapos kumindat siya.
“Anong dati?” ang gulo naman neto ni Aric.
“Aish! Let’s make love again. ‘Yon. I said it!” halos mabilaukan ako sa sinabi niya. Feeling ko nagba-blush ako. Nahihiya ako kainis!
“B-baliw ka ba?!” angil ko sakanya para pagtakpan ang hiya sa sarili. May kung ano din nga akong naramdaman nang sabihin niya yung salitang ‘make love’ parang may anticipation din ako sa loob ko.
“I really missed you. And I’ll be willing to do it again with you.” He huskily said.
“Oy A-Aric ah! tigil-tigilan mo ako dyan!” irap ko sakanya. As much as I wanted to do it again. Pero natatakot ako. Baka kasi may mabuo ulit kami. Natatakot na ako.
“Mag-iingat na ako. Promise.” Mukhang hindi nagbibiro ang mukha ni Aric. Jusme! Nawiwindang ang beauty ko ah.
“A-Aric…”
“Please?” pakiusap niya. Hinintay kong sabihin niyang ‘joke lang’ pero wala. Ughh! Naaakit ka na ba ha, Lorelei?!
Naku, nadala ka din naman niya noon sa isang please tignan mo ang nangyari.
“Pero maghihintay ako kung kailan handa ka na ulit. Hindi kita pinipilit. Nagbabakasakali lang.” sabi niya saka tumawa ng malakas. Hinampas ko naman siya sa braso. Lintek na Aric ‘to! pinakaba ako.
“Gano’n? Oo na sana sagot ko eh. Pero since nagbago pala isip mo, ok h’wag na.” pang-aasar ko sakanya.
“Hala? Mahal ko binabawi ko na. Oo na ah?” sabi niya saka ako tumawa ng malakas.
“Ay wala ng bawian. Nakapagdecide ka na.” sabi ko saka tumayo ako. Bago pa ako tuluyang makalabas ng kwarto agad niya akong hinatak pabalik sakanya at niyakap ako.
“Kahit yakap lang, Mahal ko. Ok na sa akin. Ok lang ba?” he asked. I smiled.
“Ok lang.”
“I love you, Lorelei.” He said as he gave me a smack on my lips.
“I love you more, Aric.”
xxx
I am trying to balance the story. Medyo nagconcentrate lang ako lately sa story ni Avia pero dahil sa medyo madali na lang 'yon, kay Aric and Lorelei naman ako. Nagback read kasi ako from chapter 1 to season 2 so mas madami pa din ang scenes nila Aric and Lorelei kaya hindi ko masasabing natakpan ni Avia ang main story. :)
If ever man na magkaroon ng another BS si Lorelei and Aric baka iprivate ko na siya. Pero baka hindi ko din sila magawan ng BS kasi nirereserve ko ang shrek power ko sa story ni Kent Manjon. WAHAHAHA. Oo medyo R16 'yon sa kapagitnaan ng story. Sa ngayon relax muna siya.
Sa mga hindi pa nakakaalam may story po si Tito Kent entitled 'MY KNIGHT IN SHINING FANGS' Basahin niyo ah. hehehehe On going na 'yon.
Ciao everybody! ^___^
XOXO
-Thyriza
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top