Chapter 50 - Take time to Realize
Chapter 50 – Take time to Realize
Lorelei’s POV
“Mama!” salubong sa akin ni Hunter pagpasok ko sa kaharian. Magkasama sila ng aking mag-ama.
“Kumusta na ang baby ko?” ginulo ko buhok niya. Bakit ba kasi ang bilis lumaki ng anak ko? Hindi ko tuloy maramdaman na mag-alaga ng baby. Hindi ko man lang siya nabuhat at kargahin.
Niyakap niya ako sa bewang at ngumiti. “Namiss kita, Mama.” He said. Napangiti lang ako. Tinignan ko naman si Aric na nakangiti lang sa amin.
“Hmmm, nawala lang ako sandali eh. Nag-laro ba kayo ng Papa mo?” bumitiw siya sa akin saka tumango.
“Nagtaguan po kami. Ang galing po ni Papa, nahahanap niya agad ako.”
“Hay naku. Panigurado dinaya ka ng Papa mo.” Natatawa kong sabi.
“Oy ah. Hindi ko dinadaya ang anak natin.” Depensa ni Aric.
Umupo ako at tumabi kay Aric at pinagitnaan ni Hunter.
“Gusto niyo ng picture?” napatingin ako sa nag-salita.
“Avia!” pababa siya sa hagdan at nakasuot siya ng itim na dress. Nakangiti siya pero ramdam kong pilit lang ‘yon.
“Ang saya niyo naman. Nakita niyo ba si Wynner?”
“Nasa labas ata ‘yon nakita ko.” Sabi ni Aric.
“Ah sige. Labas muna ako. Bye Hunter.”
“Bye Tita!” sabi ni Hunter nang makalayo si Avia.
“Hunter, baby. Pasok ka muna, mag-uusap lang kami ng Papa mo.” I told my Son.
“Ok po, Mama. Puntahan ko lang po sila Lolo at Lola.” He said tapos tumakbo palabas.
“Ano ba pag-uusapan natin at kailangan mo pang paalisin si Hunter?” Aric looked at me playfully saka niya inakbayan at inamoy-amoy ang leeg ko. Ay pisti, nakikiliti ako!
“Ano ba ‘yang iniisip mo, Aric?” nakataas kilay kong sabi.
“Baka kako gusto mo akong masolo.” Nakangisi niyang sabi.
“Hindi ‘yon!” irap ko sakanya.
“Eh ano?” umayos siya ng upo at humarap sa akin.
“Pag-usapan natin ang pagiging vampira ko.” Napaseryoso bigla ang mukha niya.
“What about it?”
“I think I am ready, Aric.” Natahimik siya ng konti. Na parang nag-iisip. Tinignan niya ako na parang binabasa ang mukha ko.
“H’wag muna.” Tangi niyang sabi.
“Huh? Why?” ayaw niya ba akong maging kagaya niya? Hindi naman kami pwedeng ikasal na tao ako lalo na’t kung magiging Reyna ako. Baka naman ayaw niya akong pakasalan?
“I don’t want to push things through just because we already have an offspring—“
“What?!” I can’t believe Aric is saying all these! Ano ‘to? after my almost—No rephrase that, after I die just to save our son eto sasabihin niya? Sa lahat ng sacripisyo na ginawa ko, heto siya nagdadalawang isip?!
“It’s not that, mahal ko.”
“Don’t call me that.” I said clamly. Hindi ko lugar ‘to kaya wala akong karapatan pag-taasan ng boses ang kaharap ko ngayon. “First of all, I am not expecting that answer from you. Really Aric? Just because we already have offspring we have to marry each other?! ‘Yon ba ‘yon?!” gusto ko mang pigilan ang sarili ko na hindi sumigaw, pero kung ikaw ang sa kalagayan ko talagang mapapasigaw ka. Baka nga mapamura ka pa.
“Tell me na kailangan ko ng magsisi na nagpabuntis ako sayo! And right this very moment at papatayin ko ang sarili ko sa harapan mo!” Mas gugustuhin ko pang bumalik sa hukay kesa sa marinig pa ang sasabihin niya.
“Lorelei, listen to me—“
“No! You listen to me, Aric!” halos nag-iinit ang tenga ko at at parang gusto ko ng sumabog sa sobrang galit. Nakakagago ‘tong si Aric eh! “Sana naisip mo ‘yang sinasabi mo the moment you got me pregnant!”
“Lorelei—“
“Shut up, Aric! H’wag ka ng mag-salita kung ayaw mong mas sumama pa ang loob ko.” And wit that, I left him.
Napaluha na lang ako. Was I wrong? Mali ba ang pagkakilala ko sakanya? Takte kung ganito lang naman pala kababaw ang magiging dahilan para maghiwalay kami eh di sana hindi ko na pinaglaban ang pagmamahal ko sakanya.
Naramdaman ko na lang na may humapit sa bewang ko at niyakap ako.
“Mahal ko.” He whispered. Napapikit na lang ako.
“What?!” pagalit kong sabi.
“Hindi naman ‘yon ang ibig kong sabihin eh.” Naramdaman ko ang tampo sa boses niya. Napairap lang ako kahit hindi naman niya nakikita.
“Eh ano pala?! Obvious naman eh!”
“Mahal ko…” pinaharap niya ako sakanya saka naghinang ang mga mata naming. Nakakainis ‘to si Aric. Nagdadrama pa ‘ko eh!
“Ayaw kong gawin kang vampira kasi kailangan, kasi may anak na tayo, kasi magiging reyna ka na. Ayaw ko ng gano’n. Parang naging need na siya kasi ‘yon ang dapat.”
“Pero gusto ko din.”
“Sige nga, sabihin mo kung bakit gusto mo?” natameme naman ako. Ang totoo kinausap ako ni Queen Ingrid na kung gusto kong maging pamilya kami kailangan ko ‘yong gawin.
“Because I want us to be strong. Gusto ko maging pamilya tayo at hindi dadating ang panahon na mapaghihiwalay tayo kasi isa akong tao. Gusto ko maging akin ka kasama ni Hunter. Kung sa human term, I want us to be legal.” Ngumiti siya sa akin saka hinawakan ang pisngi ko.
“Then wait for my proposal, ok? Hindi ikaw ang mag-aaya sa akin kundi ako. You deserve a descent proposal.” Muntik ng mahulog puso ko. Para akong tangang pinipigilan ang ngumiti. Ikaw na talaga Aric. Pinakilig mo nanaman ako.
-=-
Avia’s POV
“Nandito ka lang pala.” Kanina ko pa hinahanap si Wynner eh. Nag-uusap kasi kami ng bigla na lang siyang umalis. “May problema ka ba?”
“Avia…”
“Galit ka ba sa akin? Pasensya na kung puro si Kier ang bukang bibig ko. Namimiss ko lang kasi talaga siya.” Ngumiti naman siya sa akin.
“Ok lang. naiintindihan kita.”
“Eh bakit natahimik ka? May dinidibdib ka ba?”
Matagal bago siya sumagot. Alam kong may problema si Wynner eh.
“Pwede na ba kitang iwan, Avia?” nagulat ako sa sinabi niya.
“Ha? Bakit? Saan ka pupunta?”
“Kailangan na ako sa kaharian namin. Pinapabalik na din ako ng mga Elders sa amin.” Napatulala ako. Masyado ata akong nasanay na nasa paligid ko lang si Wynner.
“K-kung ‘yon ang kailangan, hindi kita pipigilan.” Sabi ko. Napangiti siya ng mapait.
“You won’t stop me?” he asked with disbelieve.
“No. Why will I do that? Ayokong maging sagabal sa responsibilidad mo. Besides, marami ka ng bagay na ginawa para sa akin. I think it’s time for me to be independent.”
“But I don’t want you to be independent.”
“Huh?”
“Pwede ka bang sumama sa akin, Avia?” napatingin ako sakanya.
“What?”
“Tutulungan kitang makalimot. Hindi ko papalitan si Kier sa puso mo. Pero pwede bang hayaan mo akong pasayahin ka?” hindi ako makapagsalita.
“W-Wynner…”
“Aalis ako ngayon. Babalik ako sa amin. Hindi muna kita isasama. Pero umaasa ako na susunod ka kapag may narealize ka na.” he said. Napakunot noo naman ako.
“Anong marealize?”
“Ikaw lang makakaalam ng mga bagay na ‘yon.”
“Ha?”
“May mga bagay na hindi pwedeng sabihin para ikaw mismo ang makatuklas. I don’t want to pressure you, Avia. I care for you, so much. So much that it already hurts.” He said. I was so confuse with Wynner’s words. Why is he hurting?
“Babalik ka ba?”
“I don’t know. I am testing my belief. Sana ngayon, ikaw naman. Ikaw naman kahit ngayon lang, Avia.”
“Naguguluhan naman ako sayo, Wynner eh!” naiiyak na ako dahil sa sobrang lungkot ng boses niya.
“Paalam, Avia.”
“T-teka… Wynner!”
“Hihintayin kita. At sana hind imaging huli ang lahat habang pinaparealise ko sayo ang mga bagay.”ngumiti siya ng tipid. Inabot ko siya but he’s slowly fading.
Napatulala ako sa bilis ng nangyari. Ano ‘yon? Iniwan niya ako ng ganito lang? Walang paliwanag? Baliw ba siya?
“Wynner! Hindi ka nakakatuwa ah! Wynner!” sigaw ko. Nagpalibot-libot ako pero wala na siya.
Ibang lungkot ang naramdaman ko this time. Yung parang wala akong iiiyak sa sobrang pagkagulat.
“Baliw ka pala eh! You want me to realize something eh hindi ko nga alam kung ano ‘yon! Ang sabihin mo pagod ka ng kasama ako kaya gumagawa ka ng alibi!” I yelled hoping he will hear it.
Napaupo na lang ako sa bench at malungkot na nakapangalumbaba.
Iiwan ba ako ng lahat ng mga importante sa akin? Una si Kier ngayon naman si Wynner? Am I in a curse or something? Sinumpa ba ako para maging malungkot lagi?
“Mahal na Prinsesa…” nakita ko si Smitt. Lumilipad habang papunta sa gawi ko.
“Oh Smitt?”
“Bakit po kayo malungkot?” napangiti lang ako ng mapait kay Smitt. Kahit kailan talaga hindi ako makapagtago ng secreto kay Smitt. “Dahil pa rin po ba kay Kier?”
“Aalis na si Wynner.” I said.
“Diba po ‘yon naman ang gusto niyo?” naatingin naman ako sakanya.
“I never said that.”
“Hindi nga po. Pero marahil ‘yon ang pinaramdam niyo kay Prince Wynner.” Nagulat naman ako sa sinabi ni Smitt.
“What do you mean by that, Smitt?”
“Mahal na Prinsesa, alam ko pong matalino kayo. Malalaman niyo din po ‘yon. At mas maganda kung kayo ang makakatuklas, diba? Ayaw kayong i-pressure ni Prince Wynner kasi…”
“Kasi?”
“Ah basta po. Hihihi”
“Smitt naman eh!”
“Eh Prinsesa Avia, ano gusto niyo? Sabihin ko agad? Mawawala na ang thrill.”
“Ano ba ang pakialam ko sa thrill? Sabihin mo na kasi.”
“Makapangyarihan ka nga po pero hindi mo makita ang mga bagay na ganito? Nakakalungkot, mahal na Prinsesa.”
“Smitt!” saway ko.
“Pasensya na po, Prinsesa pero hindi ko sasabihin. Ba-bye!” and with that naglaho na siya.
Napakamot na lang ako ng ulo.
“Ano ba pinagsasabi ni Smitt? Seriously, hindi ko ma-gets!”
-=-
Magdamag nang sobrang occupied ang utak ko. Lang hiya ka Wynner! Aalis kang ganito ako? You left me no clues! Nakakabaliw kayo ni Smitt.
Gabi na at napagdesisyunan kong lumabas ng portal. Pupunta ako sa grave ni Kier. Kailangan mailabas ko ang sama ng loob ko.
Pumunta ako sa mansion nila Kier. Nakalibing siya sa katabi ng tomb ng Mommy niya. Madilim na kaya wala sa aking makakahuli.
Napaupo ako sa grass saka ko hinaplos ang tomb niya.
Kier Ford.
Napangiti ako ng mapait. Kung hindi niya siguro ako niligtas baka hanggang ngayon ok pa din ang puso niya. Siguro hanggang ngayon lumalaban pa siya. Kasalanan ko ang lahat.
“Patawad, Kier. Ngayon lang ako nakapunta sa puntod mo. Galit pa sa akin si Granpa eh.” Mahina kong sabi. “Sorry din kung wala man lang akong dalang bulaklak o kandila.”
Binunut ko ang maliliit na damo na nakapaligid sa puntod niya. Masaya na kaya ngayon si Kier?
“Miss na kita.” Anas ko. Kasabay ng pag-luha ko ang pag-iyak ng langit. Umuulan nanaman. Laging nakikidalamhati ang panahon kapag masama ang pakiramdam ko.
“Hindi ako handa no’ng umalis ka. Madaya ka, Kier. Pareho kayong madaya ni Wynner. Umaalis kayong hindi ako prepared!”
“Kier, matutulog ako mamaya. Pwede ka bang magpakita sa akin? Kahit do’n lang. Gusto kitang mayakap eh.”
“Kier, sana mapatawad na ako ni Granpa. Gustong-gusto ko siyang makausap eh.”
“Kasalanan ko kung bakit ka nawala kaya naiitindihan ko siya. Patawarin mo din ako Kier ah. Mahal na mahal kita. At kung dumating man ang panahon na magmahal ulit ako, alam ko sa sarili ko na hindi mapapalitan ang pagmamahal ko sayo kahit na nino. You will always be here in my heart.”
xxx
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top