Chapter 5 - Escape for Clubbin'

Chapter 5 - Escape for Clubbin'

Nyx's POV

"Bakit ka ba nakapangalumbaba dyan? Malayo pa ang byenes santo uy!" sita sa akin ni Kyla. Nasa school kami at tatlong lingo ko ng hindi nakikita si Aric. Alam ko dapat hindi ko siya iniisip pero hindi ko talaga mapigilan. Wala naman akong gusto sakanya eh. Diba? Hindi ako denial kasi wala naman talaga akong nararamdaman sakanya.

"Wala! Ang boring lang kasi talaga ng buhay" sabi ko.

"Eh di let's go party? You want? Matagal na din tayong hindi nakakapag-party." she said. Nag-isip naman ako. Sabagay, simula nung nag 18 ako hindi na ako tumatakas sa gabi. Kung kailan tulot naging legal na ako saka ako hindi nagpaparty. Now i don't need a fake ID.

"Sure!" sagot ko. Pumalakpak naman si Kyla na nasiyahan. Pero there's this other voice my head na sinasabing wag akong pupunta.

'Please promise me you'll be safe. Be safe for me.'

'Remember your promise.'

Ugh! Hindi naman niya malalaman eh. Tsaka ngayon lang, kasama ko naman si Kyla. Kahit kailan hindi pa kami napahamak sa pag paparty namin.

"Just like the old days. Hihintayin kita sa labas ng bahay niyo. I'll bring my car." she giggled.

"Yeah yeah. Bring Maurice para mas masaya." sabi ko. Si Maurice ay yung blockmate namin sa Literature na kasundo namin sa party.

"Ofcourse! Ohhh i can't wait for tonight. Good for you, you're legal now. But don't worry weeks from now i'll be 18 too and i don't need that fake ID." she said.

After our whole day class, Kyla and i make separate ways. Siya na daw bahala kay Maurice. Habang ako naman pinagpaplanuhan lung paano mamaya makakatakas. Halos dalawang buwan na din akong hindi nakakapag party eh.

Pagdating sa bahay wala pa si Uncle Kent. Sabagay, 5:30 pa lang naman. 11PM kami laging tumatakas ni Ky eh and so far hindi pa ako nahuli ni Uncle. Kasabwat ko kasi si Yaya pero this time ayokong idamay si Yaya. Tulog na si Uncle kapag 10 kaya no worries ako.

Inihanda ko na lang yung susuotin ko. I decided to wear my skinny jeans matched with my hanging black printed tank top. Simple yes. Ayokong nang-aagaw ng attention sa bar kaya simple lang ako. Pinili ko yung flats ko para hindi masakit sa paa mamaya at ayokong magreklamo sa sarili ko kung bakit ako nag-suot ng heels.

I recieved a text from Kyla na ok na daw ang lahat. Maurice will be waiting at the bar na lang.

7:00 na kaya bumaba ako sa living room wearing my pajama. Nadatnan ko si Uncle Kent na may kausap sa phone, as usual.

"Uncle let's eat na po." i called him. He made a hand gestures saying 'mamaya na'. Tumango na lang ako saka ko sinimulang kumain. 

Natapos na akong kumain pero hindi pa din tapos si Uncle sa conversation niya sa phone. Haay. Bumalik na lang ako kwarto. Inihanda ko yung make up kit ko sa shoulder bag ko. Sa kotse na lang ako ni Kyla maglalagay ng make up.

Nahiga ako sa kama saka kunwari naglalaro ng Hero farm Saga sa tablet. May less than 4 hours pa ako para magtulogtulugan. Buti nga at hindi naman ako nahahalata ni Yaya. Hindi na ata sumasagi sa isipan niya na nagpaparty pa ako.

Alas nwebe na at naabutan ako ni Uncle na nanunuod ng TV. Nakadapa ako at umupo siya sa corner ng kama ko.

"Sorry i didn't join you for dinner" he said. So what's new. 

"Ok lang po" sagot ko habang agsscan ng channels.

"Hindi ka pa ba inaantok?"

"Hindi pa po. Magbabasa pa ako ng libro Uncle para pampaantok." i beamed at him.

"Sige. Labas na ako. This day is very tiring for me. Maaga akong matutulog." humikab siya. Halata naman na pagod siya dahil napakalalim ng mata niya saka ang nangingitim niyang eyebags. Sayang naman ng Uncle ko, napaka gwapo at hindi man lang nag-asawa dahil sa akin.

"Sige po, Uncle Kent. Goodnight." lumapit ako sakanya saka siya kiniss sa cheeks. He beamed at me. Palabas na siyang kwarto ng ng lingunin niya ako.

"Wake up early tomorrow, dadalhin kita sa companya." he said saka tuluyan ng lumabas. OH EM! Kung wasted akong uuwi imposibleng magising ako ng maaga without Yaya's wake up voice. Should i tell Yaya? Agad akong umiling sa naisip ko. Hindi pwede. Buti na lang laging nakatago yung rope ladder sa bushes ng garden sa ilalim veranda ko.

Alas onse na. Tumayo ako saka nagbihis. Pinatungan ko ng bath roab ang damit ko saka ako lumabas ng kwarto para icheck kung tulog na si Uncle. I slowly opened his doorknob without making any noise.

Napangiti ako ng makita kong tulog na si Uncle. I tiptoe pabalik sa kwarto ko saka ko nilock ang lock sa loob. Hindi dapat makapasok si Yaya sa kwarto ko.

*BEEP! BEEP!* 

Napasilip ako sa bintana saka ko nakita si Kyla na kumakaway sa akin. I mouthed 'wait sign' tumango lang siya. Kumuha ako ng jogging pants saka plain white blouse saka ako umalis na. I locked my door sa ako dahan-dahan na bumaba  papuntang back door.

Tinaas ko ang bakod na yari sa bakal. Buti na lang at expert na ako sa ganito.

"Ayeee! Me so egzoited!" Kyla squeals as i jumped out he fence.

"Tara na bago pa sila magising." sabi ko. Agad kaming sumakay sa kotse niya. Ako naman nagsisimula ng maglagay ng make up sa mukha at tinanggak ko ang roab sa katawan.

"Malapit na tayooo~" she said singing like.

Bumaba kami sa Stratosphere Club house. Maraming mga magagarang kotse na nakapark. Well known 'tong bar na to as night out ng mga College student sa school namin, almost.

Hindi na namin kailangan ipakita ang ID namin sa bouncers dahil kilala na nila kami ni Ky.

"Log time no Club Ms. Nyx." sabi nung head waiter sa amin.

"We want the usual." Kyla said.

"Ofcourse. Ms. Maurice is there already, waiting." he guided us to a VIP area. Nasa second floor siya ng Club. It was a couch type at may round table sa gitna na may mga ladies drink ng nakaready at some pika-pika.

"Giiiiirls!" Maurice squeals. She stands up habang tumatalon-talon.

"Hi Mau." nagbeso-beso kami saka umupo sa couch.

"Gee! Nyx mas gumaganda ka lalo. Legallity suits you dear!" sabi niya saka kami binigyan ng tig-isang shot glass.

"Haha. I know right. Ang sarap maging legal." sabi ko.

"Cheers!" Kyla lift up her margarita glass na kakukuha pa lang niya.

"Cheers!" we second the motion.

Nagkwentuhan lang kami at nagtawanan habang umiinom. Ladies drink lang naman 'to kaya light lang. Kahit pala nung wala kami laging nandito si Mau. Wala daw siyang absent kaya masaya siya na bumalik kami dito sa Club.

I checked on my wrist watch and it was 2:30 in the morning. Napasarap naman ata ang kwentuhan namin. Hanggang sa nagyaya si Maurice na sumayaw. We agree naman dahil kahit nasa table pa lang kami napapasayaw na kami sa malakas na tugtug.

(Now Playing: Get Loose - Sohanny ft. Vein)

Nakipagsiksikan kami sa mga nagsasayaw. Lights were dark pero nakikita ko mga mukha nila. Mga familiar faces na nasa school namin nag-aaral.

"GET LOOSE!" Maurice screams wildly together with Kyla. Yeah, wild sila sa sayawan. Ako din naman pero i never danced with a man na parang kinikiskis na ang katawan sa kasayaw gaya ng ginagawa ngayon ni Maurice. Natawa na lang ako. 

May lumapit na lalaki kay Kyla at nakipagsayaw. He was handsome and all pero Kyla snobs her. That's make the man looked pissed. Napahinto ako sa pagsasayaw ng hablutin niya sa kamay ni Kyla.

"Don't touch me you twerp!" Kyla hissed. Agad kong nilapitan si Ky at galit na hinarap yung lalaki.

"Back off! Can't you see my friend isn't interested in dancing with you!" mataray kong sabi ko.

"Whoa! Tigress! I love that!" he smirked. Napahalukipkip ako. May lumapit na apat na lalaki sa kaharap namin.

"Bro, let's go!" the man called him. Tinignan ako nung lalaki na gustong sumayaw kay Kyla saka siya ng grin.

"Wait lang!" he said tapos lumapit sa akin.

"Type mo ba ako?" My eyes rolled. Ang hangin pala ng nilalang na 'to!

"The hell! Wag kang assuming Mr-not-so-nice-guy." nakapameywang na ako. Si Kyla naman kumapit sa braso ko at parang gusto akong hilain.

"Nyx, tara na. Wag mo na siyang pansinin." Kyla whispered to me. I sigh. Tumango ako saka kami sabay a tumalikod.

"Wait wait wait!" sigaw nung lalaki pero hindi namin pinansin ni Kyla. Pataas na sana kaming hablutin niya braso ko. Napatingin ako sakanya. I gave him a death glare. Bwesit ang sakit at ang higpit ng hawak niya sa braso ko ah!

"No one dares to turn their back at me! Ikaw pa lang!" nag-aapoy sa galit ang mukha niya.

"Good to know." i smiled para mas maasar siya pero mas lalo niyang hinigpitan ang hawak sa braso ko.

"Nyx tama na." again Kyla's voice behind me.

"Hindi mo ba ako kilala?" i narrowed my eyes. Pakialam ko ba kung sino siya? I really don't care!

"As you can see, no!" pagtataray ko. Bigla na lang na dumating si Mau at pumagitna sa amin.

"Trever. Pasensya ka na. Mga kaibigan ko sila." my eye brow literelly arched when Mau apologizes dito sa hambog na lalaking 'to. Hindi siya pinansin nung lalaki na Trever pala ang pangalan bagkus tinigtan niya ako at binigyan niya ako ng nakakalokong ngiti.

"Now you got my attention, Miss." he gave me a mischievous smile.

"..see you around." tapos umalis na siya kasunod nung apat na lalaki.

"What was that?!" i asked Maurice.

"Siya ang may-ari ng Club na 'to, Nyx." nagulat ako pero hindi ko pinahalata.

"So? I am still a customer at bastos siya kanina! An owner doesn't act that way!" inis kong sabi.

"Pero hindi mo na dapat pang pinalaki yung gulo. Ayan tuloy wanted ka na niya." sabi ni Mau.

"Wanted?" sabay naming sabi ni Kyla.

"You know, we go the same school. At dahil napansin ka na niya, for sure ikaw ang bagong toy niya." my eyes widened. TOY?!

"Not gonna happen!"

"Pasensya ka na, Nyx. I drag you to this thing" sabi ni Kyla. Umiling ako.

"It's not your fault Kyla. Kung sa akin din yun nangyari for sure ipagtatanggol mo din ako sa.. sa Trever na yun!" she nod.

"Thank you." she simple said. 

Bumalik na kami sa table namin at saka ulit umunom. This time puro sparkles na lang ininom namin. Nagtatawanan kami kasama si Mau. Hindi na siya humiwalay sa amin dahil baka daw kung sino nanaman ang mangtrip sa amin.

"Margarita on the house for Miss Nyx Park." sabi ng waiter sa amin na ikinagulat ko.

"On the house? Hindi nga ako nag-oorder niyan eh" sabi ko.

"Sabi po ni boss" lumingon yung waiter sa gawi nung boss nila at halos masamid ako sa iniinom kong Pina Colada ng makita ko kung sino yung nagpapabigay.

"Si Trever?" ani Mau.

"Yes po ma'am. Peace offering daw po ni boss." sagot nung waiter. A playful smile form on my lips.

"If he wants peace he should have atleast make all our orders on the house. Can you tell him that?" i heard Kyla and Mau gasped but then giggled after.

"That's the Nyx i know." Mau exclaimed.

"Hahaha. Nice on nyx." si Kyla naman nagsalita. Tch! Akala siguro ng Trever na yan madadala niya ako sa isang Margarita lang? Hindi ko naman sinasabi na kung gagawin niya talagang libre lahat ng kinain at ininom namin ngayon eh mawawala na ang impression ko sakanya. First expression last. At naniniwala ako dun!

~~

Alas singko y media ng ihatid ako ni Kyla sa park ng subdivision namin. Nagbihis muna ako ng jogging pants at tshirt.

"Sure ka ba dyan sa gagawin mo? Hindi ka kaya mahimatay dyan? Wala ka pang tulog." nag-aalala niyang sabi.

"Sure ako. Isang ikot lang sa village saka ako babalik sa amin. Gusto ko isipin ni Uncle o ni Yaya na nag jogging ako kaya wala ako sa kwarto ko." sabi ko sakanya. Sa totoo lang ako mismo nabibrilliant'an sa idea ko. Hahahaha.

"Eh how about your hand bag? Hindi naman pwedeng nagjogging ka at may dalang hand bag." she said.

"Iiwan ko muna dito sa kotse mo. Kukunin ko lang phone ko at wallet." she nodded.

"Bilib na talaga ko sayo girl." natatawa niyang sabi.

"Sige-sige. Alis ka na baka may makakita pa sayo." sabi ko. Kumaway ako ng papalayo na siya sa akin. Naupo muna ako sa pavement saka huminga ng malalim. Naku naman, kakayanin ko ba 'to? Kaya ko to. Kaya ko to.

Kahit 10 minutes lang basta pagpawisan ako. Hindi naman siguro magdududa si Uncle. Tsaka lagi ko naman talagang nilolock ang kwarto ko kapag aalis ako. Ang hindi lang ata kapani paniwala ay ang pag gising ko ng maaga at mag jojogging.

Nakita kong may nagwawalis na sa labas ng bahay namin, isa sa katulong. Isang oras akong tumambay sa park at 10 minutes na nagjog. Tama na siguro yun. Medyo hinihingal na lumapit ako sa katulog namin. Nanlaki mata niya ng makita ako.

"Young lady? Akala ko po tulog pa kayo?" nagtataka niyang tanong. Ngumiti lang ako.

"I need exercise." sagot ko. Tumango lang siya.

"..gising na ba si Uncle?" tanong.

"Opo, Young lady. Nagkakape po siya sa gazebo." i nodded to her saka pumasok ng bahay. Pumunta agad ako sa kwarto ko saka ako naligo. Medyo nawala yung pagod na nararamdaman ko. Pakatapos kong maligo naramdaman ko agad ang antok. No. Hindi ako pwedeng antukin. Sabi ni Uncle dadalhin niya ako sa company. Mahahalata niya ako.

Nagsuot lang ako ng floral dress para hindi mahalata ang dull face ko. Kinailangan ko ding lagyan ng BB cream ang ilalim ng mata ko dahil nangingtim ito.

Bumaba na ako at nakita ko si Uncle na nakabihis na din may binabasa sa journal niya.

"Oh Nyx, good thing at gising ka na. Kakatukin na sana kita sa kwarto mo." sabi niya.

"Maaga po akong gumising Uncle Kent. Nag-jogging po kasi ako." nakangiti kong sabi.

"Talaga? Maganda yan. Dapat talaga ganyan ginagawa mo." alam kong natutuwa si Uncle sa sinabi ko kaya lihim ako napangiti.

"..mauna ka na sa kotse. I'll just get my suit case." he said. Tumango lang ako at pumunta na sa labas. Sabay naman na napahikab ako. Err, buti na lang walang nakakita.

Tahimik lang ako habang nagbibyahe papuntang Park Company. Uncle owns a lot of Restaurant pero may isa pa siyang company na talagang oroginal business ng family namin. Ang Park Airline Company. Bilib din ako kay Uncle kasi nahahandle niya ng maayos ang business namin.

Pagpasok namin sa mataas na gusali, lahat ng empleyado doon ay bumabati sa amin. They now me dahil ako ang nag-iising pamangkin ni Uncle at wala ka kaming ibang relatives sa side ni mommy.

Pinidot ng elevator lady yung 17th floor dahil doon daw ang conference.

"Ipapakilala kita sa anak ng isa sa major stock holder ng ating company, Nyx." napatango lang ako.

"..you'll get the chance to know him pero kung ayaw mo sakanya ok lang naman. Hindi kita ipapasok sa convenience marriage. I want my niece to be happy." sabi ni Uncle. Again, i nodded.

Isang malaking palapag ang tumambad sa akin pagbukas ng elevator. Napakamodern ng design. May mga cubicle doon that is made of glass kaya kita mo ang ginagawa nila. Napaka organize ng mga gamit nila at wala kang makikitang tambak na paperworks. Lahat nasa sa ayos. Sophistication is all over the place. Sa right side naman may isang room na may malaking glass door, bukas siya and after that another door nanaman pero nakasarado na. May dalawang table dun na magkaharap which is the two secretaries of Uncle Kent. Then a third door is opened. Makikita mo ang nakasulat sa pintong 'Office of the CEO'

This is the third time na nakapasok ako sa office ni Uncle. I find it very masculine. Sa likod ng swivel chair niya ay isang over looking glass panel at makikita mo ang buong ciudad.

"Any minute by now dadating na yun si Mr. Yu at yung anak niyang si Cai Shin." napangiwi ako. Ang pangit naman ng pangalan niya.

"Dito po natin sila hihintayin?" tanong ko.

"Sa conference room, hija." he said.

Lumabas kami sa office ni Uncle saka sumakay ulit sa elevator at pinindot and 20th floor. Paglabas naming elevator, may isang malaking foyer dun kung saan pwede kang mahintay.

Pumasok kami sa isang two door room na made of frosted glass panel kaya hindi makikita ang sa loob only their figure.

"President Park.." bati sakanya ng isang medyo matandang lalaki na sa tantya ko ay nasa mid 60's na.

"Mr. Sanchez.." tumingin sa akin yung matandang lalaki saka ngumiti.

"And you must be, Nyx."

"Nice to meet you, Mr. Sanchez." i slightly bow my head.

Pinaupo ako ni Uncle sa hulihan samantalang siya sa ginta. May isa pang pumasok at rinig ko yun daw yung Mr. Yu at yung anak niya. Nakaramdam ako ng gutom dahil hindi pa ako nag-bebreakfast.

"Psst. Ate.. ate." mahina kong tawag sa secretary ni Uncle.

"Ano po yun Ms. Park?" nakayuko siya sa akin.

"Pwede bang gawan mo ako ng coffee? Nagugutom na talaga ako eh. Tsaka samahan mo din ng sandwich." mahina kong sabi. Ngumiti siya sa akin saka tumango.

"Sige po Ms. Park." tapos umalis na siya. Yung isang secretary naman ni Uncle busy na nagbibgay ng portfolio sa lahat kasama ako. Binuklat ko naman yung folder. Ano 'to? Bakit ba kasi ako sinama ni Uncle dito eh. I have no idea out here.

"Nyx, come here." tawag ni Uncle sa aki kaya pumunta akong unahan.

"Ano po yun?" tumabi ako kay Uncle saka niya pinakilala yung lalaking halos kaedad lang ni Uncle taz may kasama siyang lalaki din na kaedad ko ata. He looks familiar pero di ko makita masyado dahil nakashades siya.

"Niece, this is Mr. Franklin Yu and this is his Eldest son Cai Shin Yu."

"Hello po." nakipag shake hands sa akin si Mr. Yu. Nung tinanggal nung binata yung shades niya, halos manlaki ang mata ko literally sa nakita. Oh ghad! This is not happening! That Trever guy! Pero bakit.. diba Cai Shin pangalan niya?

"Nice to meet you, Nyx." inilahad niya kamay niya kaya wala akong magawa kaya abutin yun. I saw a little smirk on his face. Napaigtad ako ng pisilin niya kamay ko. Alam kong alam niya. I just hoped na hindi siya magsumbong kay Uncle.

Sinabihan kami ni Uncle na umupo sa hulihan para makapagkwentuhan daw. Great! The worst day of my life. Umupo ako at nakita kong nakahanda na yung coffee and sandwich sa table ko. Tinabihan ako nung Trever o Cai Shin na yun!

"Bilib din naman ako sa time management mo. Nagawa mo pang um-attend ng meeting kahit galing ka sa Club." he whispered near my ear. Sinabi niya yun na nakangiti kaya kung titignan, para kaming nagkakasundo. Bwesit talaga!

"Anong Club ang pinagsasabi mo? Hindi kita kilala kaya pwede ba? Don't talk to me!" sabi ko ding nakangiti.

"Tss tss tss. Ano kaya ang masasabi ni Mr. Park kapag nalaman niyang nasa Club kagabi ang-- OUCH!" bigla ko siyang inapakan sa paa.

"Don't you dare!"

"Haha. You amuse me, Nyx." he said grinning.

"Shut up ok?! I'll pretend na hindi kita kilala as long as na wag mo akong pakikialaman! OK??! And one more thing.. Cai Shin sounds gay!" then i laughed. Nakita kong napakunot siya. Mas lalo akong napatawa dahil sa facial expression niya.

"Cai Shin is my name in chinese. I'm using Trever." he said.

"Whatever.. Cai Shin. Pfft.. hahahaha"

"Ok. I'll tell-- Ouch! Sadista ka ba?!"

"Fine! I'll call you Trever. Just.. mind your own business!"

***

Aric's POV

"Ang saya naman kuya, purified ka na. Ikaw na talaga ang crowned prince." sabi sa akin ni Avia.

"Tss. Kailan ba ito matatapos? Kailan ulit bubuksan ang portal?!" inis kong sabi. Tatlong linggo na ako dito sa Vampire City at gustong gusto ko ng makita si Lorelei. Miss na miss ko na siya.

"Relax kuya. 1 week to go pa." she said.

"1 week? 1 WEEK?! Hinihintay na ako nun ni Lorelei! Alam mo ba yung nararamdaman ko ngayon?! Nababaliw na ako kakaisip sakanya! Paano na lang kung maraming nangyari sa loob nung 3 weeks? Tapos another one week pa?! What if he met someone tapos.. tapos.." hindi ko na napagpatuloy ang sasabihin ko dahil ayoko yung isipin. Hindi ko ata kakayanin na may nagugustuhang iba si Lorelei.

"Naiintindihan naman kita kuya eh. Pero yun ang utos ng Elders na isarado ang portal habang nag nakadaos ang Purifiation mo." she explained.

"And this is killing me!" When the first time i kissed Lorelei mas lalo akong nakaramdam sakanya ng kakaiba. I feel connected to her. Mas lumalim ang nararamdaman ko para sa kanya.

"Ang OA kuya ah. 1 week na lang naman. Kayanin mo. For your own good din naman 'to. Ngayon na mas malakas ka na, mas mapoprotektahan mo na si Lorelei mo. Just be patient with everything." she said.

"Ok" sabi ko na lang

"Prince Aric, Princess Avia." napatingin kami sa bagong dating. Ang kang kamay nila daddy at mommy na si Vance. Avia and I don't like him. We don't know, he seems hiding something?

"Ano yun?" 

"Pinapatawag na po kayo ng mahal na Hari at ng mahal na Reyna."

"Susunod kami" Avia said.

"Sige po" tapos tumalikod na siya. Tumingin sa akin si Avia saka umirap.

"I hate him"

"i know"

Sabay kami ni Avia na pumasok sa palasyo. Naabutan namin sila mommy at daddy nasa bulwagan at nagtatawanan. Isa sila sa patunay that true love do exist.

"Ano ba, Hansel. Malaki na ang mga anak mo naiisip mo pa yan." rinig kong sabi ni mommy.

"Eh ano naman? Gusto ko ng pa ng little girl eh." si daddy naman. Nagkatinginan kami ni Avia na parang alam din niya yung pinag-uusapan nila.

"Ayoko na. Ang sakit kayang manganak!" nagulat ako ng ngumuso si daddy. 

"Pffft~" pinipigilan namin ni Avia ang tawa.

"Ang sweet naman ng mommy at daddy kooo~" lumapit si Avia kay dad at saka pinilig ang ulo niya sa balikat ni daddy.

"K-kanina pa kayo dyan?" gulat na sabi ni daddy.

"Enough to hear my dad asking my mom to make another little sister." i said. Hindi ako masyadong malambing sa parents ko pero si Avia Oo. Daddy's girl siya pero kahit kailan hindi ako nagselos kasi pantay naman ang pagmamahal na ipinaramdam sa amin.

"Dad! I thought ba ako lang ang baby girl mo!" Avia whines.

"You are my daughter pero malalaki na kayo and i miss those times na may naglalaro sa paligid. Yung mga times na hinahabol namin kayo ng mommy niyo." sabi ni daddy. I can't believe na ang daddy ko, ang hari na kinatatakutan ng mga kaaway namin ay may soft side.

"Tama na sa akin si Aric at Avia, Hansel." sabi ni mommy.

"Eh hindi magtatagal may magugustuhan na din 'tong dalawa at magpapakasal. Paano kung isang Prinsepe ang mapangasawa ni Avia, eh di dun na siya titira at mamumuno." sabi ni daddy.

"May nagugutuhan ka na ba, Aric?" tanong sa akin ni mommy.

"P-po? Uhh.." i scratch my nape. Hindi ako naging open sa nararamdaman ko kela mommy at natatakot akong pagbawalan nila akong makita si Lorelei.

"In love ka." mommy said. Tinignan niya ako ng mataman.

"Paano niyo nalaman mommy?" tanong ni Avia. Nagtanong pa siya napatotohanan pa tuloy.

"Kanino?" si daddy naman. 

"Akala ko ba pinatawag niyo kami dito for something important." pag-iiba ko ng topic.

"But this is important to us. To whom you are in love, anak?" Nakangiti si mommy na parang interesado siya.

"Kahit sino pa yan tatanggapin namin yan." sabi ni daddy.

"Kahit po tao?" said Avia kaya napatingin kami sakanya. Pinandilatan ko siya siya. Minsan talaga hindi napipigilan ang bibig nitong kambal ko.

"May nagugustuhan kang tao?" mommy asked. Hindi ako umimik. Hindi ko maintindihan ang tinginan nila mommy at daddy. Parang nag-uusap sila gamit ang mata na sila lamang ang nakakarelate.

"I guess it's about time na malaman niyo ang katotohanan, Aric and Avia." mom said. Napakunot ako.

"Are you sure na sasabihin mo sakanila?" dad asked mom.

"Yes. They deserve to know." my mom said.

_____________________

Cliffhanger. I know and i am terribly sorry. :( I am actually suffering from asthma, again. Ganito talaga kapag malamig. Pasensya na.

At the right side is Trever. :) Ang gwapo niya noh? hihihi So ano dito si Trever? Display lang kasi ang gwapo niya. ^^v

XOXO

©Thyriza

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top