Chapter 48 - Broken Heart
Chapter 48 – Broken Heart
(Play the music at the right side)
Avia’s POV
Have you ever lost someone you love and wanted one more conversation, one more chance to make up for the time when you thought they would be here forever? Because I do. I wish I could turn back time so I could be able to see his face.
In life, you will always lose someone you can’t live without, and your heart will be badly broken and shattered, and the bad news is that you never completely get over the loss of that person.
They say, all these feelings i am feeling right now is temporary. But i doubt that. Bacause everytime i close my eyes, all the pain and hurt remains. I could feel my heart shattered for a million pieces. And no one can mend my broken heart. No one.
Because i live in this cruel world, with only one man in my mind and in my heart. Kier.
“Avia…” napalingon ako kay Wynner.
“Hmm?”
“Hindi ba tayo lalapit?” tanong niya sa akin. I sadly smiled at him.
“We can’t. Galit sa akin si Granpa.” Sabi ko saka tumingin ulit sa malayo.
“Sige, hintayin na lang natin silang makaalis.”
“Hindi rin. A-ayoko. T-tara, alis na tayo.” Sabi ko kay Wynner.
“Avia…”
“Tara na, Wynner.” Sabi ko saka nakatunong lumakad.
Hindi ko matanggap na ako ang dahilan kung bakit namatay si Kier. Hindi ko matanggap na sa gano’n siyang paraan namatay. Oo alam kong mawawala din s’ya. Pero mas masakit pala kung ikaw na mismong gustong mabuhay siya ng matagal ay magiging dahilan din para mas mapaiksi ang buhay niya.
“Avia please…”
A tear fell down my cheeks. “I love you so much, Kier.” I sobbed.
“Avia come here…” lumapit siya. Umatras naman ako. “Not until you take back your words. Say you love me.” hindi niya ako pinansin saka siya tumingin sa kanan ko.
“Aviaaa!”
Para akong nanigas sa bilis nang pangyayari. Nangingibabaw ang emosyon ko kaya parang na-mental block ako at naging estatwa sa kinatatayuan ko.
Tinulak niya ako ng malakas para iiwas sa paparating na kotse. Nakapunta ako sa kabilang kalye. Lumakas ang kabog ng dibdib ko nang makita kong nakahinto ang kotse. Napatakbo ako pabalik sa pwesto ko at nakahinga ng maluwang nang makita kong hindi nasagasaan si Kier.
“Baliw ka ba! Bakit mo ‘yon ginawa?!” pagalit ko sakanya habang naiiwak. Tinignan niya lang ako na parang hinihingal.
“Kier?” sabay-sabay naming sambit ni Granpa at Wynner na nagulat din sa bilis ng takbo ng pangyayari.
Napahawak siya sa dibdib niya at bigla na lang nag-collapse.
“Kier!”
Tumatakbo kami papuntang ER kasabay kay Kier na nakahiga sa stretcher. Papasok sana ako sa ER pero pinigilan na ako ng mga Nurse.
Napahagulhol ako habang nakatakip ang kamay sa mukha.
“Kasalanan mo ‘to, Avia!” matigas na sabi ni Granpa. Napaangat ako ng tingin at pinunasan ko ang luha ko.
“G-Granpa… S-sorry po… Pa—“
“My Grandson asks you a simple request pero ang tigas ng ulo mo! Kapag namatay siya, wala akong ibang sisisihin kundi ikaw!” pagduduro niya sa akin. Napapikt lang ako. Totoo naman kasi. Kasalanan ko naman talaga. Isip bata ako kanina.
Ilang oras ang hinintay namin sa waiting area kahit tinataboy na ako ni Granpa. Mabuti na lang at nandito si Wynner sa tabi ko. Baka nabaliw na ako kung ako lang ang dito.
A woman wearing a white jacket went out the ER saka siya lumapit kay Granpa.
“He did not make it.” Mahinang sabi nang Doctora. Mahina ngunit sapat para makita ko ang reaksyon ni Granpa. “I’m sorry.” She added then leave.
Napatulala ako. Parang nanlamig ang katawan ko sa mga nangyayari. Seems so unreal. Parang gusto kong saksakin ang sarili ko para matauhan ako.
Naramdaman ko na lang na niyakap ako ni Wynner habang pinapalo siya ng baston ni Granpa na dapat ay ako ang pinapatamaan.
“Kasalanan mo ‘to! Pinatay mo ang Apo ko!”
“Nakikiramay ako, Mahal na Prinsesa.” Sabi sa akin ni Smitt.
Nakauwi na ako sa Vampire City at wala akong imik kahit tuwang-tuwang simalubong ako nila Mommy at Daddy. Nakita ko si Kuya at alam kong naramdaman niya ang nararamdaman ko ngayon.
He walked towards me saka ako niyakap nang mahigpit. I hugged him back. Wala na kasi akong maiiyak pa ngayon kaya hinayaan ko na lang na malunod ako sa kalungkutan na nararamdaman ko ngayon.
Sa lahat ng Vampira, si Kuya ang mas nakakaintindi sa akin. Magkahati kami sa mga bagay kaya alam kong sa ngayon, magkahati din kami sa pagdadalamhati.
Sinamahan ako ni Wynner na umakyat sa kwarto ko. Para ngang siya na ang naging kamay, paa, mata at bibig ko eh. Nakatulala lang kasi ako kaya wala akong pakialam kung ano na ang nadadaanan ko.
Inihiga niya ako sa kama at kinumutan.
“Umiiyak ka nanaman.” Sabi niya tapos pinunasan pisngi ko. Parang namanhid na kasi ang mukha ko eh. Hindi ko na din maramdam na may luhang lumalabas sa mga mata ko.
“Gusto mo bang mapag-isa? Gusto mo bang iwan muna kita?” hindi ko siya pinansin saka ako tumalikod. Narinig ko naman siyang tumayo saka lumabas ng kwarto. Bigla na lang akong napahikbi. Lahat nang comfort and care ay nasa paligid ko lang. Pero ni isa walang nakakapagpagaan ng damdamin ko. It takes time to heal. At alam kong matagal na matagal ang gugugulin ko para makalimot.
Nakakainis isipin na mas matagal pa ata ang pag move on ko, kesa sa panahon na nakasama ko siya. Naalala ko tuloy no’ng una naming pagkikita.
"Hi, may maitutulong ba ako?" This is the first time na may kakausapin akong tao kaya dapat mabait ako since he look nice naman. Tinignan niya ako baba taas saka ako in-snob. Say what?
"Wag na miss. Baka ako pa ang may maitulong sayo." Hindi ko nagustuhan yung sinabi niya kaya napataas ang kilay ko. Gano’n pa man, i tried my best para maging nice pa din.
"My tools ako sa kotse. Gusto mo bang hiramin?"
"Wag na! This motor is useless anyway!" tapos tumingin siya sa akin. "Can you give me a ride?" maangas niyang tanong. Ngayon ko lang nakita ang mukha niya and he look so cute. Masungit tignan pero gwapo siya.
"Sure. Saan ba punta mo? Pwede kita ihatid." pagmamagandang loob ko. Hindi nya ko sinagot bagkus kinuha niya phone niya sa bulsa at nagtext. Tapos tumingin siya sa akin.
"Sa MOA. May kakatagpuin ako."
Do’n ako naniwala na first expression is not lasting. He’s not what I think he is. He effortlessly captured my heart. Pero kahit kailan hindi ako nasisi na nakilala ko siya.
Mabilis akong nagtiwala sakanya. Sumama nga ako agad nang imbetahin niya ako mag-bakasyon sa Vigan eh.
Napabuntonghininga ako. Bumangon ako kasi hindi naman ako makapagpahinga. Mas naiisip ko lang siya. Mapapraning na ako kung laging ganito.
Nakaupo na ako sa kama ko nang mahagip ng tingin ko ang isang sobre. Napakunot ako saka ko ‘to binuksan.
To my beloved Avia,
Nahigit ko sarili ko nang mabasa ko ang panimula. Sulat kamay niya ‘to. Kilala ko sulat niya. Pinagpatuloy ko ang pag-babasa ng sulat niya.
H’wag kang umiyak. Sige ka, dadalawin kita.
Napatawa ako sa unang sentence niya. Kahit sa sulat nagagawa niya pa din akong pangitiin.
Alam kong nasasaktan ka sa nangyari noong buhay pa ako. Pero gusto ko sanang ipangako mo na kahit nasaktan kita, na kahit iniwan kita, gusto ko na makaramdam ka pa din ng kasiyahan. Buksan mo ulit ang puso mo para mag-mahal. Alam kong may mas makakahigit pa ng pagmamahal ko sayo.
H’wag mong hayaan na malunod ka sa kalungkutan na ako ang may dulot. Masasaktan ako kapag nakita kitang miserable dahil sa akin. H’wag mong hayaan na ma-guilty ako at hindi ko mapapatawad ang sarili ko.
Pasensya na kung pinatulakan kita. Mas madali kasi ‘yon para sa akin para umalis. Pero sabi ni Wynner matigas daw ang ulo mo kaya kailangan galingan ko ang pag-papanggap na na kunwari ayaw ko na sayo. Patawad kong sinabi kong hindi na kita mahal. Nasaktan kita alam ko ‘yon.
Ang hiling ko lang sana ay maging masaya ka sa buhay mo. H’wag mo na akong isipin. Alam mo naman na kahit wala na ako sa paningin mo, nandito lang ako sa paligid, nagmamasid kaya magtatampo ako sayo kapag naging malungkot ka. Be happy, please?
Haay, masyado nang mahaba ‘tong sulat ko. Alam mo bang ginagawa ko ‘to habang naririnig kong pinipilit mong pumasok sa kwarto ko. Pasensya ka na kay Granpa, napag-utusan ko lang eh. Hehehe.
Mahal na mahal kita, Avia. Be happy and be free. Don’t be afraid to love again, ok?
Love, Kier.
Nayakap ko na lang bigla ang sulat habang umiiyak.
“Kier… Magiging masaya ko. Para sayo.”
Paglabas ko ng kwarto, nadatnan ko si Kuya, Wynner, Edric, at Lorelei na nakikipaglaro kay Hunter. Natutuwa ako at nandito na si Lorelei at buhay siya.
“Tita Avia…” tawag sa akin ni Hunter. Tumakbo siya papalapit sa akin at niyakap ang legs ko.
“Kumusta na ang baby Hunter ko?” lumuhod ako at niyakap siya.
“Ok naman po ako, Tita.” Masaya niyang sabi.
Nagulat ako nang hawakan niya ang pisngi ko.
“Sana po maging masaya kayo.” Sabi niya. Tapos bigla parang may umilaw sa mata niya at naramdaman ko ang gaan.
Kinapa ko ang dibdib ko at wala na ang nararamdaman kong bigat.
Naluha na lang ako bigla. Hindi dahil sa lungkot kundi dahil sa saya. Hinawakan ko din ang cute na pisng ni baby Hunter saka ngumiti.
“Thank you, baby.” Sabi ko. Ngumiti naman siya ng maluwang saka humagikhik. Tumakbo siya pabalik kela Kuya saka ko siya sinundan.
“Wynner.” Tumabi ako sakanya.
“Ok ka na?” tumango naman ako. “Salamat ah.”
“Wala ‘yon.” Sabi niya saka kinurot pisngi ko.
------------------------------------
A.N: Hindi ako gaanong kuntento sa chapter na 'to. Ang lame.
Avia and Kier at the right side, my trying hard photo gif. hahaha Ang sabaw langsss~
XOXO
-Thyriza
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top