Chapter 46 - Alive
Chapter 46 – Alive
Kent’s POV
Back to normal. ‘Yan ang lagi kong sinisiksik sa sarili ko. Pinipilit kong ibalik ang lahat sa dati pero mukhang hindi na ‘yon mangyayari lalo na’t wala na ang pamangkin ko. Masakit pero ‘yon ang totoo.
“Kent, hijo. May naghahanap sayo sa baba.” Sabi sa akin ni Yaya habang nag-aayos ng mga papeles.
“Sino daw?”
“Laura ang pangalan. Pinapasok ko na kasi kamag-anak niyo daw siya.” Nanigas naman ako sa kinauupuan ko.
What is she doing here?
Agad akong bumaba papuntang living room at doon ko nadatnan si Ate Laura na prenteng nakaupo.
“Ano’ng ginagawa mo dito?” malamig kong tanong. Tinignan niya lang ako at blanko ang expression niya. Napa-iling na lang ako sa suot niyang itim na bestida. Sa totoo lang, nagmumukha siyang mangkukulam! Nagtataka tuloy ako kung bakit siya pinapasok ni Yaya.
“Nagluluksa sa pagkamatay ng pamangkin ko.” Sabi niya tapos tumayo.
“Kung ‘yon ang ipinunta mo dito, maari ka ng umalis! Hindi ko kailangan ang sympatya mo!” I hissed. Nakita ko namang ngumisi siya kaya mas lalo akong nainis!
“Talaga lang ah? May maganda pa naman sana akong sasabihin sayo. Pero kung ayaw mo, ‘wag na lang.” sabi niya tapos akmang aalis. Agad kong kinuha braso niya at hinarap ko siya sa akin.
“Ano ‘yon?” napangisi siya saka niya winaksi ang kamay ko sa braso niya.
“Igalang mo ako, Kent! Kapatid mo pa din ako! Hindi ako ang kaaway dito, pero kung itrato mo ako para bang may ginawa akong masama sa pamilya natin!”
“May ginawa kang masama! Dahil sa pinili mo ang asawa mo, nagkawatak-watak tayo! No’ng pinipilit ka ng Papa at Mama at sumama sa amin, mas pinili mo ang asawa mong halimaw! Siya ang pumatay sa magulang natin pero naatim mo pa ding pakisamahan siya?! Anong klase kang anak?!” Panunumbat ko sakanya. Hindi siya makaimik.
“Dahil sayo naging desperado si Ate Niṅa ang Ina ni Lorelei sa paghahanap ng vampirang makakatalo sa asawa mo! And that’s when she found out about the Transcendals who eventually killed her instead of helping her. Now tell me, Ate Laura. Sabihin mong hindi ikaw ang kaaway dito. Sabihin mong ikaw ang walang kasalanan sa atin.” Nakita kong may tumulong luha sa mata niya pero agad din naman niya itong pinalis.
“Pinagsisisihan ko ang lahat, Kent. Maniwala ka sa akin. Patawarin mo ako at hindi ako naniwala sa inyo na ang asawa ko ang pumatay sa magulang natin. Masyado akong nabulag sa pagmamahal ko sakanya hanggang sa dumating ang araw na ginawa niya akong sanguinarian. Akala ko maayos na ang lahat eh. Hindi mo din alam ang pinagdaanan ko nang makumpirma kong ang asawa ko nga ang pumatay sa magulang natin.” Humarap siya sa akin at tinignan ako sa mga mata.
“I killed my sanguinarian husband, Kent. You don’t know how it hurts me. kasi kahit masakit, kailangan kong gawin… every night, Mama and Papa is haunting me. nakonsensya ako. Halos patayin ko na rin ang sarili ko!”
Para naman akong nanghina nang makita ko si Ate na umiiyak. Sa aming tatlo, alam kong siya talaga ang pinakamahina. Siya ang mapagmahal, at mas emosyonal.
“Hindi mo na maibabalik ang nangyari. Kahit pa anong sabihin—“
“Tanggapin mo ulit ako Kent. Ituring mo ulit akong kapatid. Magsimula tayo ulit bilang pamilya.” Hinawakan niya ang mga kamay ko.
Then and there, naramdaman kong sincere siya. Wala sa sariling nayakap ko ang Ate ko.
“B-bakit ngayon mo lang naisipan na bumalik, Ate. B-bakit kung kailan hindi na tayo kumpleto.” Anas kong sabi.
“Nawalan ako ng lakas ng loob. Patawarin mo ako.” Tumango lang ako saka ko siya iniharap.
“Lalaki ang anak ni Lorelei. Gusto mo ba siyang makilala?” tanong ko.
“Ano’ng pangalan niya?”
“Hunter. Hunter Kang.”
-=-
Aric’s POV
Dumating ako sa kaharian at nakita kong nakikipaglaro ang mga kaibigan ni Avia na sina Smitt kay Hunter. Napangiti lang ako. My son is already 3 feet high. Mabilis lumaki kumpara sa ordinaryong vampira. Nakakapaglakad na din ito at nakakapagsalita na ng konti.
Napatingin sa akin ang anak ko at nagtatalon ito ng makita ko.
“Papa! Papa! Nandito ka na.” paulit-ulit niyang sambit. Nakonsensya tuloy ako. Bakit hindi ko siya maalagaan. Dapat hindi si Lorelei ang lagi kong iniisip. May anak na kami, siya ang alaala ni Lorelei kaya dapat ko siyang alagaan.
“Pasensya na anak at hindi ka naalagaan ni Papa ah.” ngumiti lamang ito. Mabuti apa ‘tong anak ko walang problema sa buhay. Samantalang ako, halos bitbitin ko na ang lahat ng problema sa mundo.
Inalalayan ko siya patayo at lumabas kami sa silid niya.
Madilim na pero gusto kong mag-ikot-ikot kami sa palasyo. Gusto ko din namang ipakita sa anak ko na siya ang magmamana ng lahat ng ito.
Palabas na kami sa palasyo nang mapansin kong medyo bothered ang galawa ng mga kawal. Napakunot noo lang ako. Ano ba’ng nangyayari?
“Aric!” napalingon ako kay Edric.
“Ano ba’ng nangyayari?” kunot kong tanong.
“Mas mabuti kung ipasok mo na muna si baby Hunter. Nakatakas daw si Trever!”
“ANO?!”
“Sabi no’ng mga kawal dumating na lang bigla si Vance at pinagpapatay ang mga bantay!”
“Ipasara niyo ang Portal!” utos ko.
“Nagawa na. Pero tao si Trever kaya makakalabas siya!”
“Fvck!”
Agad kong ipinasok si baby Hunter sa palasyo at pinabantayan kela Mommy at Tita Erina. Agad kaming pumunta ni Edric sa may portal. Nando’n sila Daddy at iba pang mga kawal.
“Bakit niyo ba hinayaan na makatakas ang gagong ‘yon?!” sigaw ko sa mga kawal.
“Aric! H’wag mo silang sisihin. Masyadong malakas ngayon si Vance at hindi ko alam kung bakit!” sabi sa akin ni Daddy.
Napahawak na lang ako sa noo ko.
“Shit! Malamang alam na niya na wala na si Lorelei!” nagpapanic kong sabi.
“Ano naman gagawin niya kay Lorelei eh wala na?!” tanong ni Edric.
“Nakalimutan mo bang Transcendal si Trever?!”
“Fvck shit dude! Gagawa niya ng Voodoo si Lorelei!”
-=-
Kahit malayo ang Batanes, ginawa naming ang lahat para makarating ng mabilis. Bakit ba kasi ako pumayag na do’n ilibing si Lorelei?
Nakakaramdam ako ng panlalamig at kaba. Pa’no kung makuha niya si Lorelei? Pa’no kung buhayin niya ‘to?! Pa’no kung—
“Nasa Villa na tayo! Bilisin niyo!” sigaw ni Edric sa mga kawal.
Pagdating naming sa lugar kung saan nilibing si Lorelei, napupuno ito ng ilaw. Hindi nga kami nagkamali. May mga kasamang Transcendals si Trever at hinuhukay nila ang pinaglibingan ng babaeng mahal ko.
“TREVER!”
Napapaligiran namin sila. Hinarang naman ng mga kasamahan niya ang grave ni Lorelei at handing lumaban sa amin!
“FVCK YOU KA TREVER H’WAG MONG GAGALAWIN ANG KATAWAN NI LORELEI!”
Nakita kong nakikipaglaban na ang iba sa mga kawal naming laban sa mga Transcendals. May mga pumoprotekta sa naghuhukay kaya hindi kami makalapit.
Mabilis kong sinugod si Trever at sinakal ang leeg niya. “Hindi mo siya makukuha!” sigaw ko sa mukha niya. Ngumisi lang siya kaya mas lalo akong nakaramdam ng galit at inis.
“Pati ba naman bangkay ni Lorelei ipagdadamot mo pa, ha Aric?!” hindi ko alam kung saang pwersa niya nakuha ang lakas niya at nabitawan ko siya. Malakas ngayon si Trever.
Sinipa ko siya sa tagiliran na ikinatumba nya pero agad siyang bumangon. Nanlilisik ang mga matang tinignan ko siya. Napatingin ako sa mga naghuhukay at nakita kong nailabas na nila sa casket ang katawan ni Lorelei.
Lalapit sana ako para pigilan sila ng sinugod nanaman ako ni Trever dahilan para mapatumba ako. Nasa ibabaw ko siya at sinasakal niya ako.
“Kasalanan mo ang lahat ng ito! Kung hindi mo inangkin si Lorelei hindi sana siya mamamatay! Ikaw ang pumatay sakanya!”
“Acck~” Naramdaman kong nanlalabo na ang paningin ko dahil sa sobrang higpit ng pagkakasakal niya sa akin.
“B-bi.. bitawan mo ako!” pinilit kong lumaban pero mas lalo niya pa akong sinakal.
“Mamatay ka na!” sigaw niya. Napatingin ako sa gilid ko at kahit medyo Malabo na ang paningin ko ay nakikita kong lumalaban sila Edric para hindi makuha si Lorelei. Malakas talaga ngayon ang mga Transcendals.
Then lightning strikes. Hindi ko alam kong saan ‘yon galing pero biglang umulan ng malakas kasabay ng kidlat.
Naramdaman kong lumuwang ang pagkakasakal sa akin ni Trever. Pagdilat ko ng mata, bigla na lang siyang tumilapon sa malayo at natama ang likod sa puno.
Nanghihinang napabangon ako at tumingin sa lugar kung saan nanggaling ang kapangyarihan.
Halos manlaki ang mga mata ko pati na nila Edric nang mapagsino kung sino ang nagpatumba ng mga Transcendals.
“H-hunter?”
“Papa…” agad ko itong nilapitan ng niyakap. “Papa… Sorry po sumunod ako. N-naramdaman ko po k-kasing nasa panganib si Mama.” Naiiyak niyang sabi.
“Sshhhh… Tama na. Hindi galit si Papa. Proud pa nga ako eh.” Ginulo ko ang buhok niya at niyakap ko siya.
“Papa…” pinakawalan ko siya at nakita kong tinuturo niya ang katawan ni Lorelei.
Nilapitan naming ang katawan ni Lorelei na basing basa dahil sa ulan. Nakapatong ito sa casket. Napakunot akong makita kong walang nagbago sa katawan niya.
Nagkatinginan kami ni Daddy at ni Edric.
“Mama…” lumapit si Hunter kay Lorelei at niyakap ito habang umiiyak.
“H-hunter… Wala na ang Mama. I-ibalik na natin siya.” Emosyonal kong sabi.
“Hindi!” umiling ito. “Hindi patay si Mama! N-nagpapahinga lang si Mama!” singhal niya sa amin. Naawa ako bigla sa anak ko.
“Hunter…”
“Sabi ni Mama nagpapahinga lang siya. Kasama ko kanina si Mama at sabi niya handa na siyang bumalik sa katawan niya!” I was taken aback. What exactly is my child?
“Sige na, Mama. Pwede ka na pong bumalik sa katawan niyo.”
--------------------------------------------
A.N: Unexpected ang scene na 'to. Hindi 'to kasama sa plano pero bakit ganito kinalabasan. HAHAHA Hindi talaga kasi ako mapag-update kanina. Ewan, nawala yung vampire spirit sa katawan ko. 'Yan tuloy nagkaroon ng mini war. hahaha Abs pala ni Luhan ang solusyon para makapag update ako. :) Alam 'yan ng mga facebook friends ko :P
Add niyo ko sa fb para magkulitan tayo sa mga status ko. hahaha Thyriza Wattpad lang naman just click the external link--->
PS: May pambili na ako'ng ticket sa concert. Moahahaha :"> Wala lang, just sharin' :P
XOXO
©Thyriza
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top