Chapter 45 - Man to Man Talk
Chapter 45 – Man to Man Talk
Flashback po ito ng Chapter 42. Right after Kier proposes to Avia. Before Lorelei dies.
(Play the video on the right side. It's the song for this chapter. ^___^)
Kier’s POV
“Avia…”
“Hmm?”
“Thank you for saying yes.” I said. Naramdaman kong hinawakan niya kamay ko at pinisil ‘yon.
“I will always say yes, Kier.” She said.
Napangiti ako sakanya. It was the best day of my life when Avia accepts my proposal. Pero may pagdududa pa din ako na baka tinanggap niya ‘yon kasi naaawa siya sa akin. Pero ayaw ko ‘yon isipin. Makukuntento ako sa ganito. Kasi maiksi na lang ang ilalagi ko sa mundo.
“But I’ll understand if you decline it. Ang isang tulad ko na—“ she cut me off.
“Kier. I love you, ok? I have to marry you because I need you as much as you need me too.” Para namang nag-init ang pisngi ko. Akala ko noon hindi kinikilig ang mga lalaki. Pero heto ako ngayon, parang teenager na kinikilig dahil sa sinabi niya.
“I love you more, Avia.” I said.
“Eh pa’no ‘yong wedding preperations? Kailan natin ‘yon aasikasuhin?” she asked. Ngumiti naman ako sakanya at hinaplos ang buhok niya.
“I’ll take care of it, Avia. You don’t have to worry anything.” I said. Tumango naman siya.
“I think we need a blessing from my parents.” she said.
“Pa’no nila malalaman?” I queried.
“Sasabihin ko kay Mommy. Magpapadala ako ng mensahe. “ ani niya.
“Matatanggap kaya nila ako?”
“They will and they should.” Natatawa niyang sabi.
“Eh kumusta na pala yung kaibigan mo? Si Wynner ba ‘yon?” sabi ko. I can see in her expression na nagulat siya.
“Hindi ko alam eh. Umuwi ata sakanila. Bakit?”
“Wala naman. Gusto ko lang sana siyang makausap.”
“Close pala kayo?” biro niya sa akin. Nginitian ko lang siya saka ginulo buhok niya. She frowned then pouted. Alam ko kasing ayaw na ayaw niyang ginugulo buhok niya.
“Akyat lang ako, Avia sa taas.” Sabi ko. Nakita ko naman na medyo worried siya.
“Samahan na kita.”
“Ok lang ako. Promise hindi ako magiging tulog mantika.” I assured her.
“S-sige.” Sabi niya saka ako tumalikod.
Pag-akyat ko ng kwarto agad akong dumeretso sa medicine cabinet at ininom ang gamot. Medyo kumikirot kasi dibdib ko. Eto ang mahirap sa akin eh, nasanay na ako sa gamot. Kaya malamang, ikakamatay ko na kapag isang araw akong hindi nakainom ng gamot.
Nagulat ako ng may rebulto ng lalaki na nakatayo sa bintana ng kwarto ko. Nakatalikod ito at may pinagmamasdan sa baba.
“SINO KA!” Kung magnanakaw ito, hindi ako magdadalawang isip na labanan siya kahit may sakit pa ako.
Dahan-dahan itong lumingon sa akin at namilog ang mga mata ko ng mapagtanto ko kung sino ang lalaki.
“Anong ginagawa mo dito?!” hasik ko. Bakit siya nandito sa kwarto ko? Pwede naman siyang maghintay sa sala kung gusto niyang—
“You’re looking for me, remember?” he smirked then lumapit siya sa akin.
“Yeah, pero hindi ko naman alam na dito ka pupunta. Pwede mo kaming pinuntahan ni Avia sa likod ng bahay. For sure—“
“At istorbohin ko ang sweet moments niyo? No! Hindi ako spoiler.”
“Eh bakit ka nga nandito?” tanong ko.
“Eh bakit mo kasi ako hinahanap?”
Napabuntong hininga na lang ako.”Alam mo naman sigurong mawawala na ako, diba?” I started. Hindi siya umimik.
“Hindi ko na maaalagaan si Avia. Masasaktan ko siya at maiiwan ko siya.” I paused. Hindi ko nanaman mapigilang hindi maiyak sa ideyang iiwan ko si Avia.
“The idea of you taking care and loving Avia hurts me but—“
“What do you mean, Kier?”
“I know you love Avia. I know you cared for her. I know that!” hindi siya makaimik. Ramdaman ko ‘yon. Do’n pa lang sa bahay nila no’ng una kong makilala ang buong pamilya ni Avia. Lalaki din ako at hindi ako manhid.
“So what? Ikaw ang mahal niya. What exactly are you implying, Kier?”
“I want you to take good care of her when I’m gone. Gusto kong ikaw magpatuloy ng pagmamahal na hindi ko na maibibigay sakanya. Can you do that?”
“I’m afraid I can’t.” nagulat ako sa sinabi niya.
“Why?”
“I love her, yes. Pero hindi ko ipipilit ang sarili ko sakanya. Kung mawala ka man alam kong ikaw pa din ang mamahalin niya. It will always be you, Kier.”
“But—“
“I will take good care of her, yes. But to force her to love me, No. Natanggap ko nang ikaw ang mahal niya. Suko na ako sa pagmamahal ko sakanya. Isang daang taon ko na siyang mahal at sa palagay ko oras na para sumuko ako.”
“Kung sumusuko ka na, bakit ka pa rin nandito? Bakit binabantayan mo pa din siya?”
“Hindi ibig sabihin na sumuko ako sa pagmamahal sakanya, eh titigil na din ako sa pag-aalaga sakanya. As I’ve said, I’ll take care of her.”
“Pa’no kung mahal ka din niya pala?” nagulat siya.
“W-what are you—“
“Susuko ka pa rin ba kung malaman mong may pag-asa ka sakanya?”
“Ibibigay mo ba sa akin si Avia kung sabihin kong hindi ko siya isusuko?” ako naman ang natameme sa sinabi niya. Hindi ko kaya.
“Hindi mo man lang ba hihintayin na mawala ako?” I tried to put humor on our conversation pero hindi siya natuwa sa sinabi ko.
“Kapag ginawa ko ‘yon, hindi maaalis sa puso ni Avia na ikaw pa din ang mahal niya. Maaring maisama mo sa hukay ang pagmamahal niya. Maaring hindi na siya magmahal ulit.”
“Anong ibig mong sabihin do’n?”
“H’wag mong ituloy ang kasal! Bawiin mo ang sing-sing! At hiwalayan mo siya! Gusto mong ako ang mahalin ni Avia diba? Kapag ginawa mo ang mga bagay na ‘yan, magagalit siya sayo. At may pag-asang ako ang mahalin niya! Kaya mo ba ‘yon?!” pag-hahamon niya sa akin.
Kaya ko bang mawala sa akin si Avia? Pero mas importante sa akin ang kasiyahan niya. Gusto ko kahit wala na ako, magawa niya pa ding magmahal. Gusto ko mamuhay siya ng normal.
“Gagawin ko.”
“Ha?”
“Gagawin ko ang gusto mo. Basta ipangako mong hindi ka susuko sa pagmamahal sa kanya.” He narrowed his eyes on me.
“Why are you doing this, Kier? Kung ako sa kalagayan mo hindi ko hahayaang—“
“Mahal ko siya, Wynner. Ayokong maging makasarili. Alam kong kaya mong maibigay ang pag-mamahal na mas deserve ni Avia.”
-=-
Present day…
After kong makalabas ng hospital, agad kong niyaya si Avia mag stroll sa park. Medyo madilim kahit hapon pa lang. nagbabadyang uulan ng malakas.
“So naisip ko, na yellow pastel ang motif ng kasal natin. Para elegante siyang tignan. Tutulungan daw ako ni Granpa sa pag-aayos ng kasal natin.” Masaya niyang sabi. Magkahawak kami ng kamay habang naglalakad-lakad. Walang gaanong tao sa paligid.
“Gusto ko naka Armani suit ka. Bagay na bagay ‘yon sayo. Tapos ako naman mahabang-mahabang gown.” She keeps on talking about the wedding preparations habang ako naman nag-iisip ng paraan para magawa ang naipangako ko kay Wynner.
“Beach wedding na lang kasi alam mo naman na bawal sa simbahan ang iba sa family members ko.” Pero pipiliin ko ang sinabi ko kay Wynner kasi mahal ko si Avia. At mas masasaktan ako kapag nakita siyang umiyak kapag nalaman na wala na ako.
“Si baby Hunter ang ring bearer natin. Ayeee~ excited na ako.” She keeps on giggling.
Tumigil ako sa paglalakad ta hinarap ko siya sa akin. Nagtatalang tinignan niya ako.
“Bakit, Kier? Masama ba pakiramdam mo?” nag-aalala nanaman niyang tanong.
Paano ko sasabihin sakanya na maghiwalay na kami? Paano ko sakanya babawiin ang sing-sing? Paano ko sasabihin sakanyang hindi na matutuloy ang kasalan?
“Ok lang ako, Avia.”
“Kung gano’n, bakit tayo huminto?”
“A-Avia…I-i…”
“Yes, Kier?”
Suddenly I felt like choking. Biglang parang may bumara sa dibdib ko. Napahawak ako dibdib ko at napaluhod sa sobrang sakit.
“Oh my god! KIEEEER!” I heard Avia crying for help pero parang unti-unting nawawala ang pandinig ko.
I tried to open my eyes to see her pero nanlalabo na din ang mga mata ko. Binuhos ko ang lahat ng lakas ko para hawakan ang kamay ni Avia.
Naramdaman ko na lang na may bumuhat sa akin. Then in just one swift, I felt light. Para akong lumulutang sa hangin.
-=-
Avia’s POV
Nagulat akong makita si Wynner. Walang pasabi na binuhat niya si Kier. Hinawakan niya kamay ko at dinala niya kami sa dating hospital.
The nurses assist Kier to the emergency room. Wala akong magawa kundi ang umiyak. Bakit naman ganito? He seems ok.
“Tama na, Avia. H’wag ka ng umiyak.” Sabi ni Wynner habang yakap-yakap ako. “Nandito lang ako. Tumahan ka na.”
“W-Wynneeeer~ hindi ko kaya! Hindi ko kayang mawala si Kier! Ang s-sakit sakit!”
“Sshhhh… Magiging ok lang siya.” Hinahagod niya likod ko para tumahan ako.
Weird. But knowing Wynner is here felt relieving. Pakiramdam ko magiging ok lang ako kapag nandyan siya.
“Iiwan na ba ako ni Kier? Wynner, hindi pa ako handa.” Panay ang punas ko sa luha ko pero panay din ang tulo nito.
“Avia, you have to accept that people come and go. They’re not like us na mabubuhay ng matagal. Alam kong nasasaktan ka ngayon. Pero kailangan mong maging matapang. Seeing you in like that pains me a lot.”
“W-Wynner…” sambit ko sa pangalan niya.
“Hmm?”
“H’wag mo akong iiwan ha? Dito ka lang sa tabi ko. Kailangan na kailangan kita.”
“Pangako, hinding hindi kita iiwan.” He said then kissed me on the forehead.
---------------------------------------------------------------
A.N: Time to close the deal between Wynner-Avia-Kier issue. After nito mag-coconcentrate ako sa mag-ama. :))
Wala na si Lorelei, sino gustong maging step mother ni Hunter? xD Wahahaha. Joke! Sige kayo, mumultuhin kayo ni Nyx. :P
XOXO
-Thyriza
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top