Chapter 44 - Puzzled
Chapter 44 – Puzzled
Avia’s POV
Napailing na lang ako kay Kuya. Sa’an ba ‘yon pupunta? Iniwan niya lang pati sa akin si Hunter.
“Sa’n kaya pupunta si Papa, baby? Hmmm?” kausap ko sa pamangkin ko. Tumawa lang siya. Mabuti pa ‘to walang problema sa buhay.
“Alam mo ang bilis mong lumaki. Kung ako sa’yo, hindi ko mamadaliin ang paglaki. Madami ka agad na iisipin sa buhay eh.” Nakatingin lang sa akin si Hunter habang tumatawa. Naaalala ko tuloy sakanya si Lorelei. Ganyan din ang mga ngiti niya eh.
“Aliw na aliw ka dyan sa bata ah.” agad akong napalingon sa nag-salita. Si Wynner! Lumapit siya sa akin habang nakapamulsa.
“U-uy! Wy! Long time no see!” Masaya akong makita siya. Matagal ko din siyang hindi nakita eh. Namiss ko din ‘tong lalaking ‘to!
“H-ha? Ah Oo nga! Haha. Kumusta ka na?” hinawakan niya kamay kamay ni baby at pinalaruan ‘to.
“Ok naman ako. Eh ikaw? Saan ka ba nagpunta?” natahimik lang siya at mukhang nag-isip.
“May binantayan lang sa tabi-tabi.” Sabi niya.
“Huh? Sino naman? Taga bantay na lang ba ang ka-gwapuhan mo?” natatawa kong sabi.
“Ganun talaga kapag nag-mamahal eh.” His expression was hurt. But wait, he love someone?
“Sino ba ‘yan at kailangan pang bantayan? Hindi mo man lang sinabi sa akin na may nagugustuhan ka na. Akala ko pa naman kaibigan an ang turing mo sa akin.” Nagtatampo kong sabi.
“Hindi mo na kailangan pang malaman. Tsaka hindi nga alam no’ng vampirette na nagugustuhan ko na mahal na mahal ko siya. Lakas ba naman ng nakaturok na anesthesia sa katawan no’n sa sobrang manhid.” Nakatingin siya sa akin sa mata na parang may kung anong mensaheng pinapadala.
“Aww. Kawawa naman ang Wynner ko.” I pouted then encircle my right hand through his arms. I feel him fliched. Naiilang ba siya sa akin?
Marahan niyang tinanggal ang kamay ko sa braso niya na ikinabigla ko. Ngayon lang ako sakanya naglambing dahil namiss ko siya. I felt rejected. For some reason, nagulat ako. May kung anong kirot akong naramdman eh.
“H’wag kang mag-alala. Nag-momove on na ako.” He said then beamed.
“Talaga? Good for you.” I tried to be happy for him. Is moving meaning I will lose him? I have this weird instinct na mawawala siya sa akin eh. Feeling ko nga, kahit magkasama kami ngayon, malayo ang loob niya sa akin. ‘Yun bang feeling an ‘You’re near, Yet so far’ ang peg. Gano’n ang nafe-feel ko ngayon.
“Malapit na birthday ko. Ano regalo mo sa akin?” sabi niya. This time ibang Wynner nanaman nakita ko. Wala na ‘yung lungkot. He grinned playfully.
I don’t know if it’s just me pero iba ang naaalala ko kapag birthday na niya ang pinag-uusapan.
My first kiss!
Feeling ko tuloy namumula ako. ‘Yon talaga naaalala ko eh!
“O-oo nga ‘no? Ano bang regalo ang gusto mo?” naiilang kong sabi.
“Dapat surpresa! Mag-effort ka ah?!” sabi niya tapos kumindat. Aba at ang demanding! Sabagay, eto ang totoong Wynner. Balasubas at maloko.
“Tss! Regaluhan kita dyan ng bomba eh!” I retorted. Natawa naman siya sa akin.
“Tignan mo si baby oh, tumatawa din.” Napatingin ako kay Hunter at ngumingisi din ito. Animo’y naiintindihan niya ang mga pinag-uusapan namin ni Wynner.
“Hunter ang pangalan niya. Ang cute ano? Say Hi to Tito Wynner baby.” Humagikhik lang si baby. Ang hyper ng batang ‘to.
“Hunter? Pinag-isipan masyado ah!” natatawang sabi ni Wynner.
“Hahaha. ‘Wag ka nga! Si Lolo Vlad sakanya nagpangalan! Lagot ka!”
“Eh joke lang naman!” sabi niya tapos pareho kaming natahimik.
Ang awkward nga ng katahimikan eh. Alam mo ‘yung may gusto kang sabihin na kahit ano para lang h’wag kang mailang pero natatakot ka din kasi baka iba masabi mo?
Then suddenly, a flashback came over me. It was so random at hindi ko alam kung bakit ‘yon pumasok ulit sa utak ko.
“Eh si Wynner? Diba kasama mo siya?” Kuya asked me. nagtatakang tinignan ko siya. I’m with Kier alone. Wala si Wy kaya bakit naisip ni Kuya na kasama ko siya?
“Hindi ah. kami lang ni Kier ang magkasama.” Sabi ko. I can see na nagtataka din si Kuya. O baka naman naisip niya lang talaga na magkasama kami kasi close kami, ata?
“Avia, ok ka lang?” untag sa akin ni Wynner.
“H-ha? Ah wala, sige pasok na ako.” Sabi ko saka mabilis na iniwan si Wynner sa labas.
Pagdating ko sa loob ay agad kong inibigay si baby Hunter sa mga maid. Feeling ko kasi nakakadagdag ang bigat niya sa bigat na nararamdaman ko ngayon.
Hindi ko pati maintindihan ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Nakakalito. Kapag inisip mo mas lalo kang maguguluhan.
Pagtingin ko sa kanan ko, nakita ko si Lolo Vladimir na nakatingin lang sa akin at nakangiti. Anong ngiti naman kaya ‘yon?
“Lolo!” tawag ko sabay lapit. Namiss ko din ‘to si Lolo eh! Spoiled ako neto at mas mahal niya ako kesa kay Kuya Aric. HAHAHA.
“Oh Apo. Nasa’an na si Wynner? Diba kasama mo lang siya?” napangiwi lang ako. Lahat na lang siya hinahanap at talagang dapat lagi ko siyang kasama ah? hanapan ba ako ng isang Wynner Paxton?
“Nasa labas po.” Sabi ko saka nag-kiss sa cheeks ni Lolo.
“Aba’y papasukin mo. Eto talagang batang ‘to! hanggang ba ngayon ayaw mo pa din sakanya?” ayaw ko ba kay Wynner? Noon ‘yon! No’ng ang sama pa ng trato niya sa akin! No’ng lagi niya akong inaasar! No’ng… no’ng ninakaw niya halik ko. At no’ng… no’ng inulit niya.
“Hindi na po ‘yon magbabago.” Nasabi ko na lang. mapanuri pa naman ang Lolo ko. Baka kung ano nanaman ang sabihin.
“Dapat maging mabait ka sakanya. Kasi kapag mag-asawa na kayo—“
“LOLO!” I whined. He burst out laughing na parang ngayon lang nakarinig ng isang joke. Well isang malaking joke naman talaga ang sinasabi niya! My god! Asawa? Si Wynner?! I can’t even imagine myself with him. That is so… not me. I mean, from the start nakatatak na sa isip ko na ang isang Wynner the player and Wynner the pervert. You know, like he is so full of himself na isa din sa reason kung bakit hindi ko siya makasundo.
“What?? There is nothing wrong of marrying him, Apo. You’re single. He’s single. You’re both compatible.” I gave Lolo a ‘yuck’ expression. Alam kong may kapangyarihan si Lolo na makita ang future. But his imagination is way futuristic and… overrated! Me and Wynner will never go far except friends!
“Haaay naku Apo! You have no idea.” Naiiling niya pang dagdag.
“Kayo ang walang idea, Lo! Look oh!” pinakita ko sakanya ang ring finger ko. “I’m engage to be married. Sa taong Mahal ko.” I emphasize the word.
“But—“
“Lolo naman eh! I know you can see the future but please… just this once. H’wag mong titignan kung ano ang hinaharap ko.” Sabi ko sakan tumalikod. I know it’s rude to turned your back to Elders but I can’t help it.
Medyo malayo na ako nang marinig ko si Lolo magsalita. “But you’ll get hurt.” Mahina ngumit sapat sa akin para marinig ko.
Masasaktan ako. Alam ko. Alam na alam ko ‘yon. Pero wala akong pakialam. Masaktan na kung masaktan. Ang importante ay in-enjoy ko siya.
-=-
Mag-gagabi na nang lumabas akong portal. Pumunta ako sa mansion ni Kier pero hindi ko do’n naabutan si Granpa at Kier. Nasabi ng katulong na nasa Hospital para sa check up.
So I immediately go to hospital. And there, naabutan ko si Granpa sa labas ng private ward ni Kier. Nakayuko siya at nakalagay ang kamay sa noo. There’s something room, I know.
“Granpa.” I called him.
He was happy to see me. His crinkled forehead disappeared and was amend with glee. Pero nakita kong namumula ang mga mata niya as if galing lang sa sobrang iyak.
“Kumusta byahe sa Leyte?” he asked cheerfully. And yes, ang paalam ko kay Granpa ay punta kong Leyte dahil sa family matter. Hindi naman niya kasi alam kung sino ako talaga kaya Kier suggested na mag-alibi kay Granpa.
“It was fun.” I said then crinkle my nose. Yes, that was me every time I lied to something.
“Si Kier tulog pa. pina-inom siya ng gamot na may pampaantok. I guess bukas pa siya ididischarge.” He said.
“How was he po? Any progress?” I asked. Matagal bago nag-response si Granpa. As if he was processing my simple questions. Then he shook his head.
“No progress hija. The doctor said his heart is getting weaker and weaker. Pasalamat na lang daw tayo at lumalaban si Kier. I advise you, Avia hija, na ihanda mo na ang sarili mo. Hindi natin alam kung kailan. But we don’t have to wait for it. We just have to enjoy every moment he survives.”
Pumasok ako sa kwarto ni Kier. He’s soundless sleeping. Kung wala lang nakakabit na mga apparatus sa katawan niya malaman naisip ko na mahimbing siyang natutulog.
“Kier…” bulong ko sa pangalan niya. Umupo ako sa tabi ng kama niya at hinawakan ko kamay niya. “Magpagaling ka ha? Aayusin na natin ang kasal natin. Pwede naman ‘yung simpleng wedding diba? Ang importante maikasal tayo. Kasi… excited na akong maging Mrs. Ford eh.” Tear fall down my cheeks. Hayan nanaman eh. Iiyak nanaman ako! Napakatraydor na luha! Hindi dapat ako nagpapakita ng kahinaan kay Kier kasi alam kong mas malulungkot siya kapag nakita niyang pinanghihinaan ako ng loob.
Pero hindi ko kaya eh. Kung hindi ko ilalabas ang sakit na nararamdaman ko baka bigla na lang akong sumabog.
Napatingin ako sa tabi ni Kier. Yung notebook niya. Napangiti ako ng may makita akong mga bagong doodles. Magaling mag-draw si Kier eh. Maganda din penmanship niya.
May isang page na doodle ng pangalan ko lang. sa kabilang page naman ay may nakalagay na #Avier.
Napatakip ako ng bigbig ko habang naiiyak na natatawa. Avier is the combination of our name. it was so cute of him. Kasi ako hindi ko ‘yon naisip.
I closed the notebook nang makita kong gumalaw ang kamay niya.
“Kier?” I softly said. He slowly opened his eyes. Agad niyang nahanap ang mga mata ko kaya napangiti siya.
“Nauuhaw ka? Gusto mo ng tubig?” I asked. Ngiti lang ang sinukli niya sa akin.
“I’m fine.” Medyo malat niyang sabi. “Kanina ka pa ba?”
“Hindi naman. Enough to hear you snoring.” I teased. Nanlaki naman mga mata niya.
“Humihilik ako??” I burst out laughing with his expression. Para siyang hiyang hiya at namumula ang mga tenga niya.
“Joke lang. you’re soundless, no worries.” I beamed.
“Mabuti naman. Nakakahiya sayo.” Nakanguso niyang sabi.
“Ikaw talaga.” Tumayo ako at lumapit sa table na may mga prutas. “Ipagtalop kita ng mansanas, gusto mo?” tumango naman siya. Ayaw kasi ni Kier ng apple na may balat. Mapait daw yung lasa para sakanya.
“Kailan ba ako lalabas? Nakakabagot naman dito.”
“Baka bukas na lang. h’wag kang mabagot at nandito naman ako. Marami akong ikekwento sayo.” Sabi ko.
“Ay Oo nga pala. Kumusta na ang kambal mo? Wala na ba talaga yung si Lorelei?” Alam din kasi ni Kier yung tungkol do’n.
“W-wala na. pero may blessing naman na kapalit, si baby Hunter. Napakabibong bata nga eh.” Para tuloy namiss ko agad ang pamangkin ko. Kung pwede ko lang siyang itakas eh. Hahaha. Kaso baka mapatay ako ni Kuya.
“Mabuti naman ‘yon. Atleast may alaala siya.”
Natahimik kami pareho. May gusto akong itanong kay Kier eh. Pero natatakot ako sa isasagot niya. Pero gusto ko talagang malaman. Haaay! Hingang malalim Avia. Lakasan mo loob mo.
“Uhh, Kier?”
“Hmmm?”
“Ok lang ba sayo kung… what if gawin kitang vampire. Ok lang ba sayo? Kaya mo bang maghintay ng kalahating taon?” hindi siya sumagot umupo siya sa pagkakahiga at tinignan lang ako. Kaya naman niya siguro ang 6 months pang mabuhay diba? Kasi 6 months na simula nang gawing vampire ang Tito ni Lorelei. Eh isang taon ang kailangang hintayin para hindi siya maging blood sucker.
Nagulat ako ng umiling si Kier. “No Avia. Ayoko.” He simple said. I was about to say something when he cut me off. “I’m bound to die. At ‘yon ang dapat mangyari.”
“A-ayaw mo ba akong makasama ng matagal?” I wanted to hide all the disappointment I am feeling right now. Pero amsyadong transluscent ang feelings ko ngayon kaya kahit wala akong sabihin alam akong nababasa ‘yon ni Kier.
“It wasn’t like that, Avia. I wanted to spend the rest of my life with you, forever. I do, I really do. But please let me be, Avia. Someday, someday malalaman mo kung bakit ito ang pinili ko. And one day, you’ll thank me.”
I was hundred percent puzzled by Kier’s words. It was like a riddle that is hard to analyze.
----------------------------------------
A.N: I'm leaving a little piece of puzzle here. Can anyone guess what Kier's meant? It's obvious anyway.
Lay low muna dito si Aric ah? Yung mga makukulit kong readers, Oo nga! Deadski na si Lorelei. As in burried 6 feet under. May mga hindi kasi naniniwala. HAHAHA. Hindi ko kayo jinojoke. Why would i do that? :"> Ganyan talaga. Tanggapin niyo siya gaya ng pagtanggap ko na namatay si Stefan Salvatore, with a twist.
Oh siya! ciao na mga vampire, vampirette and vampress. At ang dyosa ng kagandahan *flips hair* ay matutulog na.
XOXO
-Thyriza
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top