Chapter 40 - Missing

Chapter 40 – Missing

 

Kyla’s POV

“OMG~ May manggahan pala sa likod bahay.” Nasabi ko habang naglalakad-lakad sa buong Villa. Hapon na kasi kaya wala akong magawa. Si Nyx naman nasa kwarto niya at natutulog. Hinahayaan ko na lang kesa naman ma-stress siya sa kaiisip kay Aric.

Kumuha ako sandali ng asin sa kusina saka bumalik sa manggahan dala ang panungkit ng mangga.

Enjoy na enjoy ako habang nanungkit ng mangga ng makita ko ang malaki at habal na mangga. Kaso ‘di na s’ya abot nitong panungkit ko.

Wala akong choice kundi akyatin ang manggahan. Kaya ko naman ata. Tsaka, marami namang sanga, may maapakan ako. ‘Di naman siguro ‘to mababali eh.

I breath in and out bago ako umakyat. Dahan-dahan lang at ingat na ingat para hindi ako mahulog. Naku! Katakawan mo kasi Kyla eh. Eh bihira lang kasi akong makakain ng injan na mango, kadalasan carabao Mango.

Nasa gitna na ako ng puno ng biglang humangin at parang narinig ko yo’ng mga ibon na nagliparan. Hala! Baka nagambala ko sila.

Bumaba na lang kaya ako? Ihahakbang ko pa sana isa kong paa sa isang sanga ng biglang nadulas yung isa.

“Shit!” napamura ako nang makita ko ang baba. Masyado na palang mataas ang naakyat ko!

“WAAAAH~ Pa’no na ‘to?! Kasi naman Kyla eh!” Totoo nga ‘yung sabi nilang madaling umakyat ng puno pero mahirap ang bumaba. Hindi ko naman ‘to pwedeng talunin at alam kong mapipilayan ako.

Pumikit ako at dahan-dahang kinakapa ng paa ko ang pwedeng maapakan pababa. Halos mahigit ko ang hininga ko kasi talagang natatakot ako at kinakabahan.

Nahilo ako pagtingin ko sa baba. Nagpapawis na kamay ko saka ko naramdaman na parang nagdudulas ang kamay ko sa isang sanga na hawak ko.

“N-no… No.”

Kapag nahulog ako dito, hindi naman ako mamatay. Pero pwede akong mabalian. Pwede akong mapilay. Pwedeng mabali braso ko. At kapag nangyari ‘yon, hindi ko na mababatukan si Edric sa pang-iiwan niya sa akin ng wala man lang pasabi!

I heard a slight creak. A sign na nababali na ang suporta ko para hindi mahulog. Napapikit na lang ako. Ito ang napapala ng isang matigas ang ulo kahit alam naman na hindi kayang umakyat sa puno.

Unti-unti kong naramdaman na mahuhulog na ko. Syet lang! Nagagawa ko pang mag-narrate kahit nasa bingit na ako ng aking kabalian sa buhay.

Then everything seems so slow. Or was it just my imagination. Gusto kong papaniwalain ang sarili ko na slow motion nga para hindi ko maramdaman ang sakit.

Pero hindi eh. Nakita kong pati ang mga ibon na lumilipad sa langit ay mabagal din ang lipad. Pati ang sayaw ng dahon mabagal din.

Hinintay kong makalapat ang mga paa ko sa lupa pero parang nasalo ako ng isang bagay na malambot. Nababaliw na ata ako. Nasobrahan na ata ako sa kababasa ko sa mga fanstasy stories at kung ano-ano na ang naiisip ko.

“Ang lakas ng loob na umakyat sa puno hindi naman pala marunong bumaba.” My body stiffened. How can I forget that voice?

Dahan-dahan akong lumingon sakanya. Nakita ko ang mga mata na matagal kong kinasabikan. Para akong natulala sakanya. Bakit ba parang naipit ang dila ko? Diba marami akong gustong sabihin sakanya?

“E-edric?” hindi ako makapaniwalang nandito siya, karga ako. At matamang nakatitig sa akin. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Saya kasi sa wakas nandyan na siya. O inis dahil bigla-bigla na lang niya akong iniwan ng walang pasabi.

“Ano pala kung hindi ako dumating?” ibinaba niya ako. Ako naman parang tangang nakatitig lang sakanya na animo’y nahypnotismo. Ayaw kong tanggalin ang tingin sakanya dahil baka isa lamang itong ilusyon at mawala nanaman siya sa paningin ko.

Wala sa sariling hinawakan ko ang pisngi niya. Nakaramdam ako bigla ng lungkot. Lungkot na noon ko pa pala binabalewala. Kasi nagtatapangtapangan ako. Kasi pinapakita ko na galit ako. Pero ang totoo namimiss ko siya.

“I-ikaw ba talaga yan, Edric?” naluluha kong sabi. Nagulat na lang ako ng bila niya akong yakapin ng mahigpit. Doon ako napahagulhol. Totoo nga. Si Edric nga ‘to. Yakap ako ngayon ni Edric and it wasn’t just a mirage.

“Sshhh. I’m here now. Don’t cry.” Pag-aalo niya sa akin.

Matagal na gano’n kami. Yakap lang namin ang isa’t-isa. Natatakot kasi akong baka niloloko ako ng aking sarili.

“Wag na ‘wag ka ng aakyat ng puno lalo na kung naka-bestida.” Sabi niya sa akin. Napamaang naman ako. “Ang cute pala ng polka dots, ‘no?” napasinghap ako dahil sa sinabi niya.

Marahas akong kumalas sa yakap niya at sinamaan ko siya ng tingin. Bwesit ‘to! mamboboso!

“Pervert!” I scowled. Napa-smirk naman siya. Kainis na vampirang ‘to! may gana pang inisin ako eh ang dami na niyang atraso sa akin!

“I am?” natatawa niyang sabi. Inirapan ko siya. Pero hindi ko naman maitago ang galak sa puso ko. Napapangiti ako sakanya kahit inis ako. Ah ewan!

Nagulat naman siya ng paghahampasin ko siya gamit kamay ko.

“Bwesit ka! Bakit ngayon ka lang nagpakita ah?! Hindi mo man lang ba naisip ang mararamdaman ko?! I hate you! I hate you!” sabi kong panay palo sa braso niya.

Nagulat ako ng bigla niya akong hilain palapit sa kanya at niyakap ako.

“Ghad I miss you!” he said. Napatulala naman ako. Akala ko tuwing umaga na lang ako kikiligin kapag nagjijingle. Hindi pala.

“N-namiss din kita.” Nauutal kong sabi sakanya. Kahit ang totoo gusto ko siyang murahin at sabihin na miss ko na siya. Eh magtatatlong buwan na siyang nawala eh.

“Hindi na muli akong mawawala sayo. Pangako.” Bulong niya. I gently pull away at tumingin sakanya habang nakayakap sa batok niya.

“Pangako?”

“Pangako.” He said before giving me eskimo kiss.

Papasok na kami ni Edric sa bahay. Napag-alaman kong kasama niya pala ang Lolo niya na nasa bayan kasama ni Tito Kent kasi do’n nila nakita si Tito.

“Tulog pa ‘yon si Nyx eh. Silipin ko lang kung gising na.” sabi ko sakanya.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng kwarto ni Nyx. Napakunot ako ng makita kong wala siya sa higaan. Saan naman kaya ‘yon nagpunta? Niluwangan ko ang pagbukas saka ako pumasok. Si Edric naman nasa likod ko lang.

“Nyx? Nandyan ka ba?” sabi ko sa may pinto ng CR. Pagbukas ko neto, wala naman siya. Luh? Saan naman kaya ‘yon nagpunta?

“Baka lumabas?” sabi ni Edric.

“Tss. Alam naman niyang hindi siya pwedeng lumabas eh. Ang kulit talaga ng lahi niya! Sana lang hindi ‘yon mamana ang anak niya.” Sabi ko tapos napatingin naman ako kay Edric.

“Kasama mo ba si Aric? Alam niya bang buntis si Nyx?” napailing naman si Edric.

“Hanapin muna natin si Lorelei. Saka ako magkekwento sayo. Ok?” napatango naman ako.

-=-

Kent’s POV

“Libutin niyo ang bayan! Kung kailangang pati maliit na butas silipin niyo para lang mahanap kung sa’n nakatira si Laura!” utos ko sa mga kasama ko. Sila ‘yung mga vampira galing sa kaharian nila Aric na pinadala sa amin para bantayan si Lorelei.

Kailangan kong mahanap ang kapatid ko at pigilan siya sa balak niya. Hindi ko makakapayag na galawin niya si Lorelei o kahit ang sanggol sa tyan nito.

Hindi ko alam kung bakit gustong-gusto niyang makuha si Lorelei. Alam kong may masama siyang binabalak. Alam kong hindi maganda ang hangarin niya.

Siguro nakatulong din ang pagiging vampira ko. Naamoy ko kung may paparating na hindi magandang pangyayari.

“Sir Kent! Wala po dito sa bayan! Baka po nasa mga bukid-bukid?” sabi no’ng isang kasama ko.

Napatingin ako sa bahaghari. Hapon na pala. Dapat bumalik na kami at hindi magandang magpagabi dahil baka maisahan kami ni Laura!

“Balik na muna tayo sa Villa!” sabi ko saka sila tumango sa akin.

Sasakay na sana ako sa kotse ng biglang may kumalabit sa braso ko. “Sino ka?!” sinamaan ko siya ng tingin. Hindi siya tao. Isa siyang mataas na uri ng vampira.

“Vladimir. Dating Hari ng Vampire City.”

“What do you want?” malamig kong tanong.

“Nandito ako para tumulong sa inyo at protektahan ang babaeng nagdadala ng sanggol na mamumuno sa Vampire City.” Natahimik naman ako. Sinabihan ko naman siyang sumakay sa kotse.

Nasabi niya sa akin ang tungkol sa Vision niya daw. Mga balak niya para hindi madamay si Lorelei at anak nito.

“Dito muna kami sa Villa naninirahan. Sa loob tayo mag-usap. At para na din makita mo ang pamangkin ko.”

Pagdating namin sa Villa, nagulat akong makitang parang nagkakagulo sa loob. Para silang may hinahanap.

-=-

Kyla’s POV

 

Nilibot na namin ang buong Villa pero hindi talaga namin mahanap si Nyx. Naiiyak na tuloy ako. Pa’no kung bigla siyang nadepress at maisip n’yang magpakamatay? Aish! Kyla ang morbid mo ah!

Lahat na nga naghahanap eh. Lagot ako neto kay Tito Kent! Baka magalit ‘yon sa akin. Huhuhu.

“H’wag kang mag-alala, Kyla. Mahahanap din natin si Lorelei.” Sabi ni Edric. Nag-aalalang napatango lang ako.

Mas lalo akong nakaramdam ng kaba nang makita kong papasok na ang kotse ni Tito Kent. Parang gusto ko ng magtago sa kwarto. magaglit ‘yan si Tito.

Sa labas pa lang rinig ko na ang boses ni Tito. Sabay kaming bumaba ni Edric at sinalubong namin si Tito.

May kasama itong isang lalaki na makisig. Sino naman kaya eto?

“Lolo, nawawala po si Lorelei.” Napatingin ako kay Edric at nagpalipat-lipat ang tingin ko sakanilang dalawa. Siya pala ang Lolo ni Edric. Ang gwapo naman. Hindi matanda tignan.

“Saan mo ba siya huling nakita, Kyla?” tanong ni Tito Kent.

“E-eh, iniwan ko po siya sa kwarto niya kasi nakatulog siya habang nanunuod kami ng pelikula.” Nakakagat ko na lang labi ko. Feeling ko tuloy napaka-iresponsable kong kaibigan. Dapat binabantayan ko siya. “S-sorry po, Tito Kent.” Mababa kong sabi.

“It’s not your fault. It’s nobody’s fault. Hahanapin natin siya kahit anong mangyari.”

-----------------------------------------------

A.N: wala akong maisip na i-author's note. ^___^

#Happy200K sa book 2. 

'Yung mga nagbabasa ng 'Under Your Spell' hindi ko alam kung mapapagpatuloy ko pa 'yon. Ewan, nawalan ako ng gana magsulat nun dahil sa issue ngayon ng EXO kay Kris. Eh si Kris ang bida ko do'n. Pero imma try my best na i-update 'yon. :((

#WeAreOne #WeAreEXO

XOXO

-Thyriza

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top