Chapter 4 - The Damphyr Princess

Chapter 4 - The Damphyr Princess

Avia's POV

30 minutes na akong palibot-libot sa mundo ng tao pero hindi ko mahanap kung saan ang MOA na sinasabi ng lalaking nakasakay sa sasakyan ko ngayon. Tulog siya kaya hindi ko naman matanong. Please MOA magpakita ka sa akin. 

Dahil natraffic kami, kinuha ko yung cellphone ko at in-on ang GPS ko. Please lang gumana ka. Tinype ko yung MOA at agad din namang lumabas.

PASAY, near manila bay. It's actually Mall of Asia.

Hindi ko rin alam kung saan 'to eh. Haay. I press the navigation para maituro ang direction. Lumuwang yung daan kaya derederetso na ang pagdrive ko.

Nakahinga ako ng maluwang ng makita kong nagmumura sa laki ang pangalang Mall of Asia na nakikita ko sa daan. Lumiko ako na siya namang ikinagising kitong tulog na lalaki.

"We're here." Nakangiti kong sabi. Napaunat siya at nilibot ang tingin.

"Sige." agad siya bumaba. Teka, wala man lang thank you ganun? Inis na ini-start ko ulit ang makina, pero bago pa ako makalabas dumungaw siya sa bintana ng kotse at nagsignal ng 'wait'. Baka magpapasalamat na siya. Hihihi. Binuksan ko yung bintana.

"Yes?"

"Uhh, kasi late na ako sa date ko eh. Pwede bang ikaw ang sumipot sakanya?" halos mapaarko ng 360 degrees ang kilay ko. Aba! nag-uumapaw pala 'tong lalaking 'to sa kakapalan ah!

"..tatanawin kong utang na loob ito sayo kapag ginawa mo to. Please?" nagmamakaawa yung niya. Napabuntong hininga ako. Dahil sa wala akong magawa pumayag ako. 

"Sige. But.. in one condition." i said. I heard him sigh.

"Anything."

"Pakatapos kong sipotin ang kadate mo, ako naman ang ililibot mo sa mundo niyo-- i mean sa manila. deal?" hinintay kong sumagot siya. Ang tagal naman!

"Fine!" sagot niya. Yes! Pinark ko ang sasakyan saka umibis dito. Sabi niya, nasa *** restaurant daw yung kadate niya. Bumili kami ng isang bouquet ng roses saka hinanap yung date niya.

"Ayun siya oh. Yung nakasuot ng blue." tinuro niya yung babae. She seem nice. Panay ang tingin ng babae sa wrist watch niya. 

"Paano ako makakasigurong hindi mo ako tatakasan pakatapos nito?" Aba, kailangan kong maging sigurado. Baka iwan ako nito eh!

"Here. My Cellphone." inabot niya yung phone na agad ko namang kinuha. Nagpalit kami ng phone kasi daw dapat naka standby ang call mode para marinig niya ang sasabihin ng date niya.

Naglakad na ako palapit sa resto dala ang bulaklak. Nilapitan ko yung babae at napatingin lang siya sa akin na parang alam na niya at ineexpect niya ako.

"Let me guess, he made you come here! Where is he?!" mataray niyang tanong. Hindi ko naman pala masisisi yung lalaki kung bakit ayaw niyang sumipot. Uy ay pala ang babaeng ito eh!

"He wants to be here personally but unfortunately he was sooo tired last night so hindi ko na siya ginising para katagpuin ka. We had a great night kasi kagabi and you know, nasabi niya yung tungkol sayo kaya ako na nagprisinta na pumunta dito." nakangiti kong sabi. Halata namang nag-uusok siya sa galit sa sinabi ko kaya napatayo sya.

"How dare you! FYI malanding babae fiance ako ni Keir! If he slept with you for sure kagustuhan mo yun! Slut!" Nangangati na ang kamay ko para sampalin siya pero dahil maganda ako, i tried my best para icomposed ang sarili ko. I gave her my million dollar smile saka siya tinignan baba taas.

"You know what? You look matured. No wonder Kurt-- i mean Kier hooked up with me. Narealize niya kasing kapag magkasama daw kayo, nagmumukha kang matrona!" inilapag ko yung bulaklak sa mesa niya.

"If you'll excuse me. Kier is waiting for me outside!" tapos agad akong umalis. Mahirap na, baka masabunutan ako nung babae. 

Nakita ko yung lalaki na Kier ang pangalan na nakatayo sa block 3 at sinalubong akong nakangisi.

"Gosh! You're an angel!" he gave me a quick hug.

"Angel?" taka kong tanong.

"Gustong gusto ko na talaga yung hiwalayan eh. Kaso lagi akong tinatakot. Ikaw lang pala ang makakatalo sakanya. Anyway, I'm Kier Ford. And you are?" he extend his arm. Kinuha ko yun saka nakipag shake hand sakanya.

"Avia Dysis Kang." sagot ko.

"Nice name. So friends na tayo ah. Sorry for being rude kanina." nakangiti na niya ngayon. Nawawala pala ang mata niya kapag ngumingiti.

"So tara? As promised. I'll tour you around." he said.

"Sige." masaya kong pahayag.

***

Nyx's POV

Naglibot-libot lang ako sa mall at minsan kapag may nagandahang damit binibili ko.

Kinuha ko phone ko ng vibrate 'to sa bulsa ko.

From Kyla:

Where are you? Pumunta ako sa inyo.

Kita tayo. I have something to tell you.

Agad akong nagreply upon reading her message. Ano naman yung sasabihin niya? Pero ok na din yun para may kasama ako dito sa mall.

To: Kyla

Here at mall. 

I'll meet you at the foodcourt.

Binalik ko sa bulsa ang phone sa naglibot nanaman. Napansin ko ang dalawang lovers na masayang nag-uusap habang naglalakad. Yung lalaki nakaakbay sa babae, yung babae naman nakahawak sa bewang ng lalaki.

A picture perfect. Ano kaya ang pakiramdam ng boyfriend? I never had one. At hindi naman ako nahihiya na NBSB ako. Actually hindi daw halata na NO BOYFRIEND SINCE BIRTH AKO since marami talagang umaaaligid sa akin simula nung high school pa lang ako.

Bakit nga ba hindi ako nagpaligaw? Bakit wala akong natipuhan ni isa sa manliligaw ko? Ah! Kasi masyadong mataas ang standard ko sa lalaki.

Gusto ko kasi yung kaya akong protektahan. 

Gaya ni Aric? 

Hindi!

Gusto ko yung pamysterious look pero madaling mabasa kung ano ang iniisip. 

Si Aric yan. 

Hindi nga kasi eh!

Tsaka gusto ko yung maraming pasurpresa sa akin.

Confirmed! Si Aric nga!

Bwesit hindi nga! Bakit ba tinatraydor ako ng utak ko ngayon? Lahat na lang si Aric ang naiisip! Eh hindi naman siya tao! Isa siyang.. vampire.

Tsaka hindi ko alam kung ano kami. Maybe he's a friend? A friend? A friend who gave you flowers? A friend who kisses you in forehead ad neck? Napailing ako. Nagmomonologue nanaman ako. I shouldn't be thinking of him in the first place.

"Nyx!" napalingon ako sa tumawag. Nandito na pala ako sa foodcourt hindi ko man lang napansin. Papalapit na sa akin si Kyla at mukhang bothered ang mukha.

"Kanina pa kita tinatawag! Nakatulala ka." sabi niya sa akin. Kasalanan ito ng Aric na yun! Siya na lang lagi kong naiisip!

"Guni-guni mo lang yun!" palusot ko. Pumasok kami sa beanbag saka nag-order ng cheesecake.

"Naku, sana nga guni-guni ko lang ang lahat!" sabi niya after naming makapag-order. Ang late naman ata ng sagot niya? nag buffer naman ata masyado ang utak niya.

"What do you mean?" i asked while taking pictures of my cake. It looks good kasi. Perfect for insta. Lols.

"Kagabi, bago ako matulog lumabas ako sa veranda ng kwarto ko which i always do naman diba?" there is a bit anxiousness on his face.

"Oh tapos?"

"Remember the acasia tree infront of my veranda?" Tumango ako.

"..well i saw an eye looking to me!" then she cried. Tinabihan ko naman siya kasi she needs comfort.

"Anong eye? As in mata? Eyeball alone?" i asked.

"It has shadow. Human figure. Pero mata lang yung nakita ko. Color red siya and it's freaking me out! Sa palagay mo ba minumulto ako?!" gusto kong matawa sa sinabi ni Kyla pero pinigilan ko dahil baka mainis siya sa akin. Kung siya minumulto, ako naman pala binabampira?

"Are you sure? Hindi ka naman ba nagddrugs?" paninigurado ko. She punch me lightly sa braso.

"Nyx naman eh! I'm serious here! Ikaw lang pinagsasabihan ko kasi alam kong pagtatawanan lang ako nila kuya at Kirby! Para ngang ayaw ko ng sumapit ang gabi eh! I'm really scared!" Somehow, alam kong nagsasabi ng totoo si Kyla. There's no reason for her to invent stories.

"You want some sleep over in my house?" i said. Napatingin lang siya sa akin.

"Then what? Another sleep over again? I can't do that every night. If i could hire a person to guard me while sleeping i will do that. I don't care the price, he or she just have to guard me without sleeping." Hindi ko alam kung ano ang sasabihin kay Ky. Hindi ko pwedeng sabihin na 'Hey Kyla, it's ok. Ako nga may vampira sa kwarto ko kagabi.' No! I can't do that! It will worsen her fright.

"Wag mo munang isipin. Basta mamaya mag sleep over ka sa amin. Para nama bonding natin." hinawakan ko ang kamay niya trying to make her ok.

"Sige. That's a good idea para na din makalimutan ko yun. Grabe it still gives me creeps!" sabi niya habang nakahawak ang kaliwang kamay sa kanang braso at hinihimas-himas yun.

Sa tingin ko nakalimutan ni Kyla yung creepy moment niya daw nung pumasok kami sa dept. store. Agad niya akong hinila sa mga new arrival at nagsulat ng shoes.

"I love parisian talaga." sabi niya habang sinusukat yung neon green stiletto.

"Change the color! Para kang traffic enforcer" commento ko. She pouted.

"But i liked it. Tsaka limited editio oh." hinayaan ko na lang siya at tumingin din ako ng iba. May nakita akong doll shoes kasi walang size ko. Nakakahiya mang sabihin pero maliit talaga paa ko. 5 or 6 lang ako kapag bumibili.

"Miss may 5 ba kayo neto?" tanong ko sa sales lady.

"Wala po ma'am eh. 7 po kasi ang starting size sa section na 'to. Try niyo po yung kiddie section." Napasinghap ako sa sinabi niya. Sarap batuhin ng high heels ah!

"Oh? Anyare sayo?" tanong ni Kyla nung binalikan ko siya.

"Bwesit kasi yung sales lady!"

"Let me guess. About sa size ng paa mo yan no?" natatawa niyang hula.

"Kasi eh!" pagmamaktol ko. Eh kasi, magkapareha kami ng height ni Kyla pero 7 ang size ng paa niya tapos ako 5.

"Alam mo pasalamat ka yan lang defect mo, paa. Sabi kasi ni lord masyado ka ng maganda kaya lagyan din ng kaunting imperfectness." napa 'tss' lang ako sa sinabi niya.

"..and you should be happy, ganyan din ang size ng paa ni Cinderella."

"I'm no Cinderella" i said.

"Hmm. Sabagay. Masyado kang mayaman at hindi ka inaapi."

Sunod naming pinuntahan ang grocery store. Bumili kami ng maraming bag of chips like lays and ruffles. Favorite namin yun eh though 60 percent ng binibili namin is air. Atleast masarap.

"Are we going home na ba? Samahan mo ako sa amin. Kukuha ako ng damit saka magpapaalam ako kay Kuya." sabi niya. Tumango lang ako. Napag-alaman kong nagtaxi lang pala si Kyla. Dumaan kami sa bahay nila. Wala ang parents niya kaya sa kuya niya siya nagpaalam. 

Nakita ko naman si Kirby at panay ang sorry sa akin dahil hindi niya daw ako nasipot. Bigla na daw kasi siyang nakaramdam ng tawag ng kalikasan. I told him it was ok. Way ok dahil nakilala ko finally si Aric.

We drove to my house at naabutan ko na dun si Uncle Kent. Alas singko pa lang ah.

"Uncle, mag-ssleep over po dito si Kyla. Ok lang?"

"Oh sure." nakangiting sabi ni Uncle. I heard Ky giggled. Kinikilig nanaman 'to.

"Gwapo talaga ng Uncle mo, Nyx" mahinang bulong niya.

"Hahaha. Uncle gwapo ammph!" agad niya tinakpan bibig ko. Hahahaha.

***

Avia's POV

"So you're actually a rebel?" i asked this man named Kier.

"Yup."

"But you don't look like one. Wala ka namang piercing and such. Do you smoke? Tsaka yung motor mo hindi naman siya bigbike.. and.. you're not wearing a leather jacket." natawa siya sa sinabi ko.

"I said rebel. I didn't say goth."

"Goth? You mean gothic people?" he nodded.

"Nagrerebelde lang ako kasi ang lolo ko gusto niya siya lagi nasusunod. I was actually his only grandson-- illigitimate grandson if i may say so."

"Kawawa ka naman pala." sabi ko.

"Oh please don't. I actually enjoy my life right now. Kanina nung nakita mo ako galing akong tagaytay. Pero tinawagan ako ni Lolo na sipotin ko si Ariana. He said puputulin niya ang sustento sa akin kapag hindi ko siya pinuntahan."

"Nakakatakot naman pala ang lolo mo. I am lucky my Grandfather is so nice to me." i said giggling.

"He's lucky to have a beautiful grandchild like you." he said. Alam ko ngayon pa lang nagbblush na ako. Kapag nalaman niya kayang half human half vampire ako, ano gagawin niya? Kakatakutan ba niya ako?

"..saan ka pala nag-aaral? Highschooler ka ba?" i was taken aback. Do i look that young? Graduate na ako sa college. Infact, i am planning to go to italy to pursue Pyschology.

"College na ako. First year college. Pero nagstop ako kasi hindi ko pa alam kung ano ang course kong kukunin." nagpalusot na lang ako.

"Ahh. Sorry na-offend ata kita."

"Ok lang. It's actually a compliment for me." pareho kaming nagtawanan sa sinabi ko.

"So where do you live Miss Avia?"

"Oh everywhere." i joked. He narrowed his eyes.

"Yung seryoso."

"Uhh, sa malayo ako nakatira. The truth is, this is the first time na nakapag gala ako." tinignan niya akong parang hindi naniniwala pero hindi nagtagal ngumit siya sa akin.

"That's why you want me to tour you around?"

"Yes."

"Then it will be my honor to be your tour guide. Where do you want to start? Because roaming around the mall cannot be considered as touring." he said.

"And your point is?"

"We can go to different places. Like i always do. Tatlong taon na akong nagtatravel sa iba't ibang places simula nung-- hehe simula nung nagrebelde ako." bigla nag-iba yung hitsura niya. He seems hiding something pero ayaw niyang ipahalata o ipaalam sa akin. Sabagay, we just met each other. It doesn't mean na friends na turingan namin eh kailangan mag share na kami ng secrets kasi even me-- not ready to tell him the truth.

***

Nyx's POV

Katatapos lang namin magdinner ni Kyla kasabay ni Uncle Kent. Nagbihis na kaming pantulog at siya naman pumipili ng movie na papanourin namin.

"May napili ka na?" i asked her.

"Let's try this? Have you watch this already?" Pinakita niya yung DVD cover. The movie titled Pee Mak.

"I told you, Uncle Kent always buying me DVD's and i have no time to watch." she nodded.

"Sige eto na lang na Pee Mac. Parang comedy 'to eh" sinalang na niya sa player saka tumabi sa akin. Binuksan ko naman yung ruffles saka nagsimula na kaming kumain.

Thai movie pala yung papanuodin namin, nung una romantic siya kasi mahal na mahal nung lalaki yung asawa niya. Pero bigla na lang kaming napa..

"AHHHH~~" sigaw namin nung nasa part ng hindi naniniwala yung lalaki na patay na yung asawa niya at pilit siyang pinapaniwala nung mga kaibigan niya.

"Where the hell is the remote?!" i almost shout. Hindi naman kasi talaga ako nagulat dahil dun sa movie. Nakatuon kasi ako sa pinapabuod ko ng biglang sumigaw si Kyla. Nagulat siya nung nagpakita yung babae.

"I don't know it was some kind of horror! Ghad! If i know! Kaya nga ako matutulog dito para makalimutan yung nightmare ko tapos eto nanaman naalala ko!" Nakita ko talaga sa mukha ni Kyla na takot siya. I immediately turn on the lights at pinatay yung player.

"We should sleep. Oh gusto mo maghanap tayo ng comedy para mawala sa isipan mo yung.. you know." she shook her head.

"Matulog na tayo." she said. Nagtabi kami. Queen size bed ang higaan ko kaya kasya kami. Pinatay ko na yung ilaw leaving the lamp shade on.

"Good night, Nyx."

"Good night, Kyla." sabi ko. I closed my eyes when Aric's face appeared on my mind. I opened my eyes. Bakit ba siya ang naisip ko? Speaking if him. Sana naman hindi siya pumunta. Matatakot sakanya si Kyla eh.

I checked on Kyla and saw her sleeping soundless. Pinikit ko na din mata ko para matulog.

My eyes closed pero bukas ang isipan ko. Hindi pa ako inaantok. Parang may hinihintay ako.

What. Are you waiting for Aric? My mind asked in disbelief.

"I'm not waiting for him. Hindi lang talaga ako makatulog." mahina kong sabi. 

Hindi nagtagal, dinalaw na din ako ng antok. Napahikab na ako kaya tuluyan ng nilamon ang bukas kong isipan ng aking antok.

_

(Play the video on the side, it matches suits this chapter.)

Nagising ako sa malamig na hangin na dumampi sa balat ko. Sinulyapan ko si Kyla at mahimbing na natutulog. Napansin ko naman na yung kurtina nung sliding door sa veranda ay gumagalaw. Hindi naman yun gagalaw unless.. bukas!

Sinaraduhan ko yun i swear! Dinouble check pa yun ni Kyla kasi nga takot siya. Bumangon ako para isarado yun pero nakita ko sa labas ng veranda may rebulto ng lalaki na nakatalikod. Parang nagtaasan ang lahat ng balahibo ko.

"Hindi ko alam na may kasama ka pala." he said without looking at me. So alam niya agad ang presence ko?

"A-aric.." i whispered his name. He slowly turned to me.

"Matulog ka na ulit. Ayokong nagpupuyat ka." he said. Nilapitan ko siya.

"Bakit wala ka na sa tabi ko nung pag-gising ko?" i asked him.

"Leaving you that day was the hardest thing for me but i had to. Hindi ako dapat nagpapaabot ng umaga at baka may makakita sa akin." he said.

"Oh." nasabi ko lang.

"Sino yang katabi mo? Si Kyla ba?" Napatingin ako sakanya. Kilala niya si Kyla?

"You know her?" i asked. He smiled meaningful. Gusto niya ba si Kyla? Parang hindi ko gusto yung idea na yun. Gusto kong ipagdamot si Aric kaht kanino.

"Yes." tipid niyang sagot. Baka gusto niya si Kyla tapos ginagaw niya lang akong tulay para mapalapit kay Kyla? Eh ano naman kung may gusto siya kay Kyla? Hindi naman kami.

"S-sige, matutulog na ako." sabi ko. Tatalikod na sana ako ng magsalita pa siya.

"Can i have a request?" he asked. Request? Baka sasabihin niyang kung pwede ko siyang ilakad kay Kyla?

"Anything." i said instead.

"Can you give me a hug? Before i leave? Baka kasi matagalan bago tayo magkita ulit." Nararamdaman kong malungkot ang boses niya. At somehow, mas nakakalungkot sa part ko ng sabihin niyang matagal bago ulit kami magkita.

"S-sure." i hesistantly move closer to him and gave him a hug. It was a quick hg for me. I was about to pull away ng hilain niya ako pabalik and hugged me tighter. He's cold but a can feel warm. Warm on his cold hug.

"Please be safe. Promise me na hindi ka magpapagabi. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may mangyari sayong masama at wala akong nagawa. Can you promise me that?" he whispered near my ears.

"Why are you saying those words to me? What it is to you if i am not safe? What it is to you kung magpapagabi ako sa da--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla niya ako siniil ng halik.

My eyes widened. I was so shocked! Being kissed by Aric was never in my wildest dream pero heto ako ngayon, savouring the moment. Feeling and responding to his kisses. I felt the need. I need him. I don't want him to go. I want him always by my side. I felt him smiled between our kisses.

Hinihingal akong kumalas sa mga halik niya. He was my first kiss and it was worth it.

"Please promise me you'll be safe. Be safe for me." he almost whispered. Pinagdikit niya nag noo namin.

"I promise." sabi ko though hindi yun ang gusto kong sabihin. Gusto kong sabihin sakanya na ayaw ko siyang umalis.

"Good." he smiled. Papasok na sana akong kwarto ng nilingon ko ulit siya.

"Ah.. Aric?" Sige Nyx, sabihin mo sakanya na ayaw mo siyang umalis.

"Hmm?" he wasn't smiling but his eyes do. Para naman akong natorpe. Nahihiya ako.

"W-wala. Sige." pumasok na ako ng tuluyan sa kwarto.

"Remember your promise." he said. I turned around pero wala na siya. I sigh. Why do i feel this way? There's something inside na parang nawala at naisama ni Aric. Hindi niya sinabi kung ano'ng reason niya at mawawala siya pero alam kong babalik siya. I trust him. And i'm willing to wait for him.

_____________________

Hmm. Saan kaya pupunta si Aric? Kasi ako personally hindi ko pa alam. Wahahaha. Mag-iisip ako ng magandang dahilan. 

Sa right side po ang complete characters na lumabas na sa chapters. Wala pa dyan si Wynner at iba pa. Arraso? :)

Sa naguguluhan heto ang makakapaglinaw sa isipan niyo.

Aric Drake & Avia Dysis is the son of Hansel & Ingrid

Nyx Lorelei is some random girl na nagustuhan ni Aric. She has nothing to do with vampires. Love interest siya ni Aric.

Edric Calix is the son of Erina & Cris

Kyla Martinez is the friend of Nyx na type ni Edric

Kier Ford is the guy that Avia met. 

Wynner (Pronounced as Wayner) is the eldest son of Maxhene & Denver. Hindi pa naman siya lumalabas sa story kaya hindi ko muna sasabihin kung ano siya. 

Questions? PM me. 

Alam ba ng kambal na dating tao ang mother nilang si Ingrid? Darating tayo dyan. :)

That's it for today. See you on the next update. :)

XOXO

©Thyriza

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top