Chapter 39 - My Heart Almost Stopped
Chapter 39 – My Heart Almost Stopped
A.N: Ayan, heto na ang POV ng mga busy. HAHA. Papalit-palit ‘to ng POV kasi gusto ko maguluhan kayo. Djoke, para malaman niyo ang mga iniisip nila. K? So ‘yun. Lezz start.
Pero para mas feel niyo ang binabasa niyo, try listening to “Fix You” of Boyce Avenue or Coldplay. Pero bet ko ang Boyce. Paplay nang sa mulimedia. :) Thanks.
Kier’s POV
“Ayeee~ ang cute cute talaga ng baby natin.” Masayang pahayag ni Avia. Napangiti naman ako. Kinuha n’ya ‘yung baby bottle saka pina-inom sa anak namin.
“Hello baby Aeri (Eyri). Gutom ka na? Gutom na?” kausap ni Avia sa anak namin.
Arf~ arf~
“OMG! Kier naiintindihan niya ako.”
Wala pa kaming anak ni Avia na totoo. Isa ‘yung baby shih tzu na nabili namin sa petshop. Nakakatuwa nga kasi isang anak ang turing sakanya ni Avia.
May stroller pa ang baby namin kaya sa unang tingin, parang may anak na talaga kami. Pero hindi ko alam kung mangyayari pa talaga ‘yun.
Nasa bayan kami ngayon ng isang lugar na pinuntahan namin. Konti lang ang tao at sariwa ang hangin. Nag-uupa naman kami ng bahay ni Avia sa isang village. Para siyang kagaya ng tinitirahan namin ni Granpa sa maliit naming bahay.
“Kier?”
“Hmm?”
“Ok ka lang?” she asked me. hindi kasi ako gaanong umiimik. Avia amuses me kaya parang na-sspeachless ako. Gusto ko lang siyang titigan. Gusto ko lang subaybayan bawat galaw niya.
“Oo naman.” Nakangiti kong tugon.
“Mamaya may pupuntahan tayo.” She happily announced.
“Saan?”
“Secret.” She said then winked.
Hinawakan ko kamay niya at pareho kaming nakahawak sa stroller habang naglalakad.
Madilim na nang bumalik kami sa bahay namin. 2 storey house ang tinitirhan namin ngayon. May maliit na front yard at malawak na backyard.
Sa likod mayro’ng maliit na lagoon at may isda. Lagi kami doon tumatambay ni Avia at nagpapahangin.
“Avia, akyat lang ako sa kwarto.” Paalam ko sakanya. Medyo napagod kasi ako at gusto kong magpahinga kahit sandali.
“Sige, tapos baba ka agad ah? Maghahanda ako ng hapunan natin.” Ngumiti lang ako sakanya at tumango. Tatalikod na sana ako nang tawagin ko ulit s’ya.
“Hmm? Bakit?” nagtataka niyang sabi.
Nilapitan ko siya at biglang niyakap. Hindi ko alam kung bakit pero gusto ko siyang yakapin ngayon.
Tumawa siya ng bahagya habang kapag ko. “Kier talaga. Magpahinga ka na sa kwarto. tatawagin na lang kita, ok?” she said after I let go.
“Mahal na mahal kita, Avia.” I said as I brush my fingers through her hair. She closed her eyes.
“Mahal na mahal din kita, Kier.”
-=-
Avia’s POV
Napapangiti lang ako habang nilalagay ko ang mga kubtertos at plato sa mesa. Feeling ko mag-asawa na kami ni Kier eh. Walang araw na hindi nadadagdagan ang pagmamahal ko sakanya.
Nilagay ko na ang ulam at kanin sa mesa. Hmmm, kailangan ng uminom ni Kier ng gamot niya. Pero bago ‘yun, kailangan niyang kumain.
Umakyat ako papuntang kwarto namin. Dalawa lang naman kasi ang silid dito, isa sa taas at isa sa baba. Eh pareho naming ginagamit ‘yung sa taas.
I knocked the door three times before entering. Pagbukas ko, nakita ko siyang nakahiga. Napangiti nanaman ako. Pagod na pagod naman ata s’ya?
“Kier, gising ka na muna. Kakain lang tayo.” Malumanay kong sabi. Tinapik ko siya ng mahina.
“Kier, get up na. lalamig ang pagkain sa baba.” Tinapik ko ulit siya. This time napakunot na ako.
“Kier! Kier, gumising ka na! hindi na ako natutuwa!” medyo nilakasan ko na boses ko. Kinakabahan na ako at ang lakas na ng kabog ng dibdib ko.
“K-kier! Ano ba! Wake up! N-nagtatampo na ko sayo!” gusto ko siya sigawan para gumising pero baka natutulog lang siya at baka talagang mahimbing lang ang tulog niya. Oo, tama. Mahimbing lang ang tulog niya.
Hinila ko braso niya at pinaharap sa akin. Napaluha ako ng maramdam kong malamig ang katawan niya. Nanginginig ang mga kalamnan kong nilapit ko ang tenga ko sa dibdib niya.
Pinipigilan ko ang hindi maiyak. Hindi ‘to ang kailangan ko ngayon. I need to be strong for him. He needs me right now. And me being weak will not help him.
“K-kier… K-k…K-kier please wake up… P-please?” I cried while hugging him.
Hindi pa ako handa eh. Ayoko pa. Gusto ko pa siyang makasama ng matagal. Gusto kong araw-araw naririnig ang salitang mahal kita. Gusto kong suotan niya pa ako ng singsing. Gusto kong marinig niya ang I do ko.
“H-h’wag ngayon…please?” I cried with cracking voice.
Pakiramdam ko unti-unti ding namamatay ang puso ko. Parang nanghihina na din ako. Ang sakit sakit. Ayoko pa. Pakiusap h’wag niyo muna siyang kunin sa akin.
“S-sabi mo… S-sabi mo hindi mo ko iiwan ng hindi nagpapaalam.” Hinigpitan ko pagyakap sakanya. Nakikita na ba ni Kier ang ilaw? Kung gano’n hindi ko siya pakakawalan. Hindi ko hahayaan na magcross over siya.
“S-sabi mo gusto mong nagkaroon tayo ng maraming Litte Avia at Little Kier.” ‘Yun na ba ‘yung kanina? ‘Yun na ba ang huling yakap niya? ‘Yun na ba ang huling salita na maririnig ko sakanya?
Hindi ko na maramdaman ang tibok ng puso niya. Pati kasi ako namamanhid na din. Sana panaginip lang ‘to. Isa lang ‘tong masamang panaginip.
Susunod naman ako sayo eh. Pero h’wag naman sana pa ngayon. Kasi alam kong pareho tayong hindi pa handa.
“M-mahal na mahal kita, Kier. Mahal na mahal na mahal.” Sabi ko bago tumulo ang luha sa sa kabilang mata ko.
Ipipikit ko na sana ang mga mata ko ng maramdaman kong may humaplos sa buhok ko. Agad akong napabangon at nakita ko ang nakangiting Kier. Bukas ang mga mata niya at may luha din sa gilid ng mata niya.
“K-kier…” anas ko. “B-ba…B-bakit ang hirap mong gisingin ah? Pinag-alala mo ako!” I heard him laugh a little.
Nagulat na lang ako ng hilain niya ako kaya napasubsub ako sa dibdib niya. Niyakap niya ako ng mahigpit.
“Ang ingay mo kasi kaya nagising ako. Tatawid na dapat ako kaso nakalimutan kong hindi pa pala ako nagpapaalam sayo.” His voice are breaking na animo’y pinipigilan din ang pag-iyak.
“H’wag mo na ulit ‘yon uulitin ah? Mangako ka ng hindi mo na ulit ‘yon uulitin.” Tumingin ako sakanya kaya magkalapit lang ang mukha namin.
He smiled weakly. May tumulong luha sa mga mata niya at pinunasan ko ‘yon gamit ang daliri ko. “H’wag mo kong iiwan.” Bulong ko.
“Hindi kita iiwan, pangako.”
Kier’s POV
Pumunta muna akong CR bago nahiga. Huhugasan ko mukha ko para naman marefresh pakiramdam ko. Nakatingin lang ako ng mataman sa salaming habang pinagmamasdan ang sarili. Hindi naman ako mukhang mahina. Kung titignan nga, mukhang malakas pa ako sa kalabaw. Kaya ko naman atang mabuhay pa ng matagal. Katawan ko ‘to eh. Ako ang nakakaalam kung kailan dapat sumuko.
Naglalakad ako papuntang kama ng maramdaman kong nanghihina ang tuhod ko. Para akong babagsak sa sahig. Hindi pwede. Ok naman pakiramdam ko kanina ah.
Kahit nanghihina, pinilit kong makalapit sa kama. Ipapahinga ko lang ito. Baka kasi nasobrahan ako sa lakad kanina.
Nakahiga na ako nang maramdam ko ang paninikip ng dibdib ko. Gusto kong sumigaw pero hindi ko magawa dahil pati lalamunan ko nanghihina na din. Isa ‘to sa mga epekto ng may mga heart failure.
“A-aa… Avia~” pakiramdam ko naman malakas ang pagsigaw ko pero alam kong kulang ‘yun. Mahina na ako.
Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari. Isang putting liwanag ang nakikita ko ngayon. Para akong inaakit na tumawid.
Gusto kong lumapit pero parang may pumipigil sa akin. Parang hindi tama. Parang may kulang. Pero sa kabila naman ng utak ko gustong gusto nang lumapit sa liwanag. Parang natatalo nga ako ng utak ko eh.
Pikit matang lumapit ako sa liwanag. Inabot ko ang mga kamay ko para makatawid do’n. papasok na sana ako ng makarinig ako ng hikbi.
“K-kier… K-k…K-kier please wake up… P-please?”
“H-h’wag ngayon…please?”
“S-sabi mo… S-sabi mo hindi mo ko iiwan ng hindi nagpapaalam.” Hinayaan ko ang boses niya. Parang may humihigop sa akin papasok sa liwanag pero para namang may pumipigil sa akin. Parang may nakatali sa akin para hindi makaalis.
“S-sabi mo gusto mong nagkaroon tayo ng maraming Litte Avia at Little Kier.”
“Susunod naman ako sayo eh. Pero h’wag naman sana pa ngayon. Kasi alam kong pareho tayong hindi pa handa.”
“M-mahal na mahal kita, Kier. Mahal na mahal na mahal.” Para akong nakarinig ng magic word nang sabihin ‘yon ni Avia.
As if all my senses disappeared and now they’re back because of Avia’s voice. Naramdaman kong parang bumalik ang kaluluwa ko sa katawan ko. Unti-unti kong minulat ang mga mata ko at nakita ko si Avia na nakayakap sa akin at umiiyak.
Napangiti ako sakanya habang hinahaplos ko buhok niya. I can see the relief on her face.
I’m sorry, Avia. I almost leave you. I-I’m sorry… my heart almost stopped.
-=-
Avia’s POV
Pagkatapos ng pangyayaring ‘yon, hindi na ako natulog. My advatage being a nocturnal vampire can now be used. Babantayan ko na s’ya palagi at kung pwedeng lagi kong ichecheck ang heartbeat niya, gagawin ko. Masiguro ko lang na buhay pa s’ya. Parang nagkaro’n ata ako ng phobia eh.
Hindi na rin natuloy ang surpresa ko kay Kier kaya pinagpaliban ko na muna. Haay. Kumusta na kaya sa amin? Kumusta na si Kuya at Lorelei? Tapos si Edric. Hmmm. Bakit ba kami nagkahiwahiwalay. Kasi may sari-sarili kaming buhay sa labas.
Eh si Wynner kaya? Nasa’n ba ‘yon? Baka umuwi sakanila? Wala na akong balita sakanya after ko siyang nakita sa hospital.
Napadungaw ako sa bintana at nakita ko si Kier na nakikipaglaro kay Aeri. Napangiti lang ako. Siguro nag-overreact lang ako kagabi. Baka naman talaga natutulog lang siya tapos ako etong OA at umiyak agad.
Bumaba akong kwarto at nakita kong nakatayo lang si Kier sa gitna ng backyard. Nakangiti siya sa akin at parang hinihintay ako.
“Bakit ganyan ka makatingin?” Tanong ko. Nakangiti lang siya. ‘Yung parang hindi nagbabago ang expression ng mukha niya.
“Lapit ka pa.” he said. I move closer. Mga 1 meter away na lang. “Lapit pa.” Again, lumapit din ako, mga one foot na lang.
“For you.” Inabot n’ya yung red rose galing sa likod niya. Napangiti tuloy ako ng maluwang. Simple gestures yet kinikilig ako. Inabot ko ‘yun.
Pagkakuha ko no’ng bulaklak, nagulat ako ng hilain niya ako mas palapit sakanya.
I gasped. “K-kier.” Ang lapit ng mukha niya sa akin. Nakakaduling, pero nakakakilig. Parang kinikiliti ang loob ng tyan ko.
“Payakap ako ah.” sabi niya tapos tumango naman ako.
“Can we stay like this, forever?” I said. Naramdaman ko namang umiling siya.
“No.” he said. Para namang may kumurot sa puso ko.
“Why?” pinipigilan kong h’wag tumulo ay mga luha ko. Then he let go of his hug. Malungkot ko siyang tinignan.
“No, because I still have something to ask you. And if we hug each other forever, I won’t be able to ask and give this to you.” He slid his finger on his pocket at nakita ko ang itim na kahita. Inabot n’ya ‘yon sa akin.
“K-kier… A-ano yan?” napatakip na lang ako ng bibig ng makita kong buksan niya ang maliit ng kahita.
“Walk down the aisle with me first, then we can hug each other, forever.”
-----------------------------------------------
A.N: OMG~ Ayan na. Sarreh pero hindi ko talaga kayang patayin si Kier. Mahal na mahal ko siya to the moon and the back. May maganda na akong plano sa ending ng story na 'to. Oo, na-plot ko na siya kagabi. Konting ayos na lang ng problema. Alam ko kung ano ang sasabihin niyo, POV ni Wynner. HAHAHA.
Wala ba kayong napapansin sa story ko? Wala na siyang spacing diba? Tama na din mga tagalog apostrophe(?) ko kaya wala ng magrereklamo na hindi ako sumusunod sa tamang bantas. Kung may mali man, pasensya na at sa MS Word ko siya ginagawa kaya uso ang Auto correct.
Babus na muna at ako ay magbebeauty rest.
Avia &Kier at the multimedia. :) Touching isn't it? </3
XOXO
-Thyriza
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top