Chapter 37 - Vision

Chapter 37 – Vision

 

A.N: Lahat na lang kayo maka-Wynner! Huhuhu. Nasaan ‘yung mga maka-Kier? May reader akong gusto si Kier eh. Sa’an ka na? Lumabas kayo at ipagtanggol niyo si Kier! HAHAHA

 

Lorelei’s POV

 

“Lore, wag kang lalayo ah. Magdidilim na!” Sigaw ni Nay Lina bago ako makalabas ng bahay.

“Hindi naman po.” Sagot ko. Si Kyla, ando’n sa beach nagseselfie. Babaeng ‘yun talaga.

Naka-suot na nga ako ng duster eh, hindi na kasya ‘yung mga dinala kong damit. Mga damit daw ito ni Mommy no’ng pinagbubuntis ako. Sleeveless siya na hanggang tuhod ang haba at may bulsa sa gilid and color yellow na floral. Imagine me wearing this, nakakapanibago talaga.

And no one dares to ask why my tymmy is bloated. Kapag dadaan ako sa mga katulong o body guards, iniiba nila tingin nila sa akin. O kaya naman, casual lang nila akong binabati.

Napabuntong hininga ako ng humangin ng malakas. Ang ganda sana dito, kaso may kulang. Wala siya. Wala si Aric. For some reason, hindi ako nakakaramdam ng galit sakanya. Weird nga eh.

Nakita naman ako ni Kyla na palapit kaya kumaway siya sa akin.

“Picture tayo.” She mouthed. Tumango lang ako.

Papalapit pa lang ako when she took pictures of me.

“Ang blooming mo.” She said.

“Lagi naman.” Biro ko sakanya.

“Hindi. Iba ngayon. Parang may glow sa’yo eh. Maganda ang aura mo.”

“Dala siguro ng pagbubuntis ko.” Ani ko.

“Baka nga. Bagay pala sayo magbuntis ano? Ano bang feeling? Mabigat ba?” gusto kong matawa sa mga tanong ni Kyla. Hindi naman kasi siya mabigat, para lang may extra part sa katawan mo na tumubo.

“Masarap sa pakiramdam.” Nasabi ko na lang. pareho kaming humarap sa dagat at pinagmasdan ang mahinang alon ng dagat.

“Maswerte ka Nyx. Kasi hindi ka pinapabayaan ni Tito Kent. Kung sa akin siguro ‘yan nangyari baka tinakwil na ako.” Sabi niyang nakatingin sa kawalan.

“Maswerte ako kasi nandyan ka.” Tumingin ako kay Kyla at nakita kong nagblush siya habang napapangiti.

“Kaibigan mo ako. Ganyan ka naman siguro sa akin kung nangyari ‘yan sa akin diba?” She looked at me.

“Oo naman.”

You know what is weird? Konting kwentuhan lang naming ni Kyla tawa agad kami. Adik na ba kami? Ang saya kasi ng feeling ko eh. May something sa anak ko na nakakapasaya sa paligid.

Nasa kusina na kami at napagdesisyunan namin ni Kyla na magluto ng paella. Tinulungan naman kami ni Nay Lina at siya gumagawa ng mga errands.

“Ako na maghiwa ng karne.” I volounteered.

“Sige.” Binigay sa akin ni Kyla ‘yung knife and pork.

Lumabas sandali si Nay Lina kasi tinawag ng asawa niya. Ako naman hook na hook sa kinekwento ni Kyla habang naghihiwa kami ng mga isasahog sa paella.

“Nagtatanong na nga si Mau kung nasa’n daw tayo. Hindi ko naman masabi na nandito tayo kasi mamimilit ‘yun. Walang preno bunganga no’n at alam kong hindi n’ya mapipigilan ang ipagkalat sa pagbubuntis mo.”

“Hayaan mo na lang. Ayaw ko din naman ng maraming kakilala dito. Tama na sa akin ikaw at si Tito.”

“Aww~ touch naman ako.” Mapang-asar niyang sabi.

“Hahahaha. Bali— Araaay!” Pareho kaming napatingin ni Kyla sa kamay ko.

“OMG! Wait! Kukuha ako ng band aid!” Tumakbo siya palabas ng kusina habang ako naman titig na titig sa daliri kong ang lalim ng hiwa.

Masaganang dugo ang lumalabas sa akin. Tumayo ako at hinugasan ang daliri ko sa gripo. Pinatuyo ko lang s’ya gamit ang apron ko.

“Buti na lang at may dala akong first aid kit. Eto oh—“

Pareho kaming natigilan ni Kyla. Kita ng dalawa kong mata kung pa’nong unti-unting nawawala ang sugat sa kamay ko.

Am I already imagining things? Tell me this is only my imagination.

“N-nyx… A-anong nangyayari?” Pati si Kyla hindi rin makapaniwala sa nakikita.

“W-wow!” I almost whisper.

“Gosh! Ano ka? Aswang at nagsasariling gamutin ng katawan mo ang sugat mo? Ang creepy mo Nyx, ah!”

The whole night, hindi mawala sa isip ko ang nangyari. Wala naman akong powers ah! And definitely not a vampire.

Ang dami ng kababalaghan na nangyayari sa akin ah. Dahil ba ‘to sa pagbubuntis ko?

-=-

Edric’s POV

Compassionate and Mental & Physical Illusion.

‘Yun ang nabasa ko sa libro. At maaring ‘yan ang maging active and passive strengths ng anak ni Aric at Lorelei.

May dalawang uri din daw ng isang hybrid or damphyr.

Ang kagaya ni Avia na isang damphyr, isang elemental vampire. Pero ang pure human na hindi chosen at ang isang vampire prince ay isang vague.

Wala akong makitang records na isang Prinsepe na nagkaanak sa isang tao na hindi itinakda kaya palaisipan din sa akin kung ano ang mangyayari.

Sa pagkakaalam ko lang, kapag tao ang babae at isang ordinaryong vampire ang magkaroon ng anak, 100% na mamamatay ang Nanay.

Aish! Sumasakit ang ulo ko dito! Bakit ba wala akong katulong sa paglutas nito? Kung nandito lang sana si Wynner o kaya si Avia man lamang.

Bumalik ako sa loob ng palasyo at nakita ko nanaman sila do’n sa bulwagan na nag-uusap-usap. Papasok sana ako para komprontahin sila at para sabihin ang nalaman ko ng may humila sa akin.

“Lolo?!” Nagulat akong makita ang Lolo ko. Ano naman ginagawa niya dito? Akala ko nasa Italy siya kasa si Lola Veruca.

“Apo!” niyakap n’ya ko saglit saka ako sinenyasan na lumabas daw.

Giniya n’ya ako papasok sa isang chamber na ngayon ko lang napasukan sa palasyo. Madilim dito at malamig. Sa palagay ko nasa underground ‘to ng palasyo.

May sinindihan si Lolo na isang kandila pakatapos ay bilang nagbukasan ang lahat ng ilaw sa loob. Hindi siya ordinaryong chamber na maiimagine mong nakakatakot. Maganda sa loob at may mga lumang aklat at lumang kagamitan.

“I had a vision apo kaya ako pumunta dito. Iniwan ko na muna si Aric sa Italy kasama ng Lola Veruca mo. Nag-aaral s’ya do’n at wala siyang alam sa nangyayari at mangyayari.” Napakunot naman ako.

“Kumusta naman po do’n si Aric?”

“Ayos lang siya. Naniniwala naman ang mga elders na ‘yon talaga ang layunin niya, ang mag-aral. Good thing hindi sila pumipili ng ipapakasal sa pinsan mo. Kapag nangyari ‘yan, wala na silang chance nung… Anon gang pangalan nang babaeng gusto n’ya?”

“Si Lorelei po.”

“Oo, yun! Kaya ang kailangan nating gawin ay protektahan si Lorelei nang hindi nalalaman ng mga magulang mo.”

“Po?”

“Kapag nalaman nilang nasa panganib si Lorelei, ililigtas nila ito. At sino ang mamamahala sa kaharian? Wala. Gagawin natin ‘to para hindi mangyari ang nasa vision ko.”

“Ano po ba ang nasa vision niyo, Lolo?”

“The downfall of Vampire City.” Nagulat ako. Babagsak ang vampire City? Pero matatag ‘to! walang makakatalo sa amin.

“Ano pong kinalaman ni Lorelei?” curious kong tanong.

“The moment Ingrid and Hansel finds out that Lorelei is in danger, ofcourse they will help her together with your parents. Iiwan ka nila dito para bantayan ang kaharian at para may mamuno. Hindi niyo pa nahahanap si Vance diba?”

“Hindi pa po. Pero nakakulong na po si Trever ang pinuno ng Transcendals.” Napatingin ako kay Lolo at parang nakuha ko ang ang logic. “Papalayain niya si Trever habang wala ang Hari at habang kulang ang lakas ng kaharian?” Tumango naman si Lolo.

“Tayong dalawa, ang gagawa ng paraan para hindi mangyari ang vision ko.”

“Eh hindi nga po ako pinapalabas ng portal eh!”

“Magagawan ‘yan ng paraan ng kasama ko.” May bigla namang pumasok na babae sa loob ng chamber, maganda siya at kulot ang buhok. Nakit kong nag-iba ang kulay mga mata niya from red naging chocolate brown.

“Isa s’yang shape shifter. Magagaya niya ang appearance without smelling or knowing the Real Edric.”

“Lolo naman! Bakit ngayon mo lang ‘yan dinala dito? Dapat noon pa!” aba, kung ganyan ang ability ko matagal na siguro akong laging ligtas sa mga kalokohan ko noon.

“Ito talagang apo ko na ‘to! Hindi ko alam kung kanino mo minana ang pagkapilyo mo.”

-=-

Lorelei’s POV

“Naku Kyla ah! Tama na sa pangungulit! Hindi ko nga alam kung pa’no ‘yun nangyari!” Kanina pinapaamin ako ni Kyla kung baka daw isa na din akong vampire. Eh hindi naman!

“Eh bakit ganun? Nakita ko kung pa’no nawala ‘yung sugat mo.” Nasa kwarto kami ngayon at parehong nanunuod ng movie sa laptop na dala ni Kyla.

“Hmmm. Sige, explain mo kung pa’no ‘yun nangyari.” Paghahamon niya. Binato ko naman siya ng unan pero nasagi naman ng braso niya.

“Wala akong scientific explanation kung bakit nangyari ‘yun. Isipin na lang natin na guni-guni lang natin ‘yun. Kasi pati ako naguguluhan din.

Panay pa din ang pangungulit sa akin ni Kyla ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto na pabalabag. Nakita ko si Tito Kent na nag-aalala ang mga tingin.

“H’wag na h’wag kayong lalabas sa kwarto kahit na anong mangyari.” Mariing utos ni Tito.

“Po? Eh lalabas na ako. Punta na kong kwart ko. Inaantok na din ako eh.” Tatayo sana si Kyla pero parang may pumipigil sakanya. “Hala. Hindi ako makagalaw!”

“Dito ka lang. Samahan mo si Lorelei.” Tito said before closing the door.

“Cool, isn’t it? I can move things, malakas din ang hearing aid ko. And I think I can smell danger.” Naalala kong sabi ni Tito nung unang beses na tinanong ko siya kung ano ang strength niya.

“M-mas maganda siguro kung makikinig tayo kay Tito Kent. Hindi maganda pakiramdam ko eh.” Para kasing pati ang anak ko sa loob ng tyan ay bothered din sa sinabi ni Tito Kent.

“Sige-sige. Para may magbantay sayo.”

-=-

Kent’s POV

“Well well well… Isa ka din pala’ng vampire, mahal kong kapatid!” She said then laughed evily.

“Why are you here!”

“Bibisitahin ko lang ang pamangkin ko. May masama ba do’n?!”

“You can’t see her!” mariin kong sabi.

“And why not? Buntis siya diba? Kailangan niya ng isang inang magkakalinga. Kapatid ako ng mama n’ya kaya pwede akong—“

“Umalis ka na dito, Laura!”

“Laura? Nakakalimutan mo na atang nakakatanda mo akong kapatid. Kent!” She hissed. I can see her wild fangs coming out her mouth.

“You’re no longer my sister after you made a pact with a Sanguinarian moster!”

“That monster is the man I love, Kent! Don’t forget that!”

“He killed our Mamita and Papa!”

“Aksidente ang nangyari! Pinigilan nila kami!”

“And now you’re one of them!” I retorted.

“Hah! Isa ka na ding vampire, Kent! H’wag kang magmalinis. Slowly, this earth will be taken by vampires. Maliit ang mundo diba, Kent? Ang pinakaayawan mo, ang nangyari sayo. Ang pinakakasuklaman ng kapatid kong babae, ang pumatay sakanya.”

“Isang Transcedals ang pumatay kay Ate!” sagot ko.

“Alam ko.” Tipid niyang sagot.

“At isang mabuting vampire ang bumuhay sa akin! Isa akong Venomous Vampire.” Napatingin siya sa akin.

“So you consider me as your enemy?”

“Yes. Especially if you harm Lorelei!”

-----------------------------------------------------------------------

A.N: It gives me creeps nung sinabi ko 'yung downfall of Vampire City. xD Hindi ko maimagine na matatalo ang kaharian ni Hansel. Haaay!

Anyway, salamat guys sa mga comments sa previous chapters. Binabasa ko siya lahat though hindi ko mareply'an ang lahat.

Sa lagi ko ngang sinasabi, 'Everything will fall into places' kaya h'wag kayong mag-alala. Again, wala munang POV ni Avia, Wynner, Kier, at Aric. Busy sila. xD

XOXO

 ©Thyriza

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top