Chapter 35 - Beside You
Chapter 35 – Beside You
Song for this chapter is Beside You by Marianas Trench
Kier’s POV
“Saan ba tayo pupunta?” Panay tanong ko kay Avia.
Hila dito. Hila doon. Hindi naman ako napapagod kasi siya kasama ko. Hyper nanaman kasi ‘tong babaeng mahal ko. Ang sarap niya tuloy kurutin sa pisngi.
“Swing tayo?” Aniya. Napatingin naman ako sa paligid, may playground sa gilid ng isang park. May mga bata doon na naglalaro.
“Nakakahiya naman ata kung makikisali tayo sa mga bata?” Napapakamot kong sabi.
“Aish! Tara na! Gusto ko dun!” Hinigit nanaman niya braso ko at nauna siyang naglalakad. So parang nagpapakaladkad ako.
Naalala ko tuloy ‘yung sinabi niya kanina. “Hindi kita tatratuhing may sakit para makalimutan mo muna. Magsasaya tayo, kaya tatagan mo.”
May bakante namang dalawang swing at agad ako doong pinaupo ni Avia. Pati siya umupo din.
“Dali! Tulak niyo na kami!” She said giggling. Napatingin naman tuloy ako sa likod ko. May tatlong bata, dalawang lalaki at isang babae. Luh? Mga saan ‘to galing?
“ONE. TWO. THREE. YAAAAH~” Nahigit ko hininga ko at napahawak ng mahigpit sa bakal. Nagulat ako ng konti nang itulak ako nung dalawang bata.
Tanging tawa lang ni Avia ang naririnig ko kaya habang gumagalaw back and fort ang swing, nakatingin lang ako sakanya. Ang saya naman niya. Nakakahawa. I closed my eyes and feel the moment. First time kong mag-swing. OA pero ‘yun ang totoo.
Habang gumagalaw ang swing, nakapikit ako at mukha ni Avia ang nakikita ko. Ang ganda ng ngiting pinapakita niya. I genuinely smile back at her.
Paano ko s’ya iiwan ng ganito? Araw-araw mas nadadagdagan ang pagmamahal ko sakanya. Kung pwede ko lang na mapatigil ang oras para mas matagal ko siyang makasama, gagawin ko.
Dahang-dahang humihina ang galaw ng swing. Hanggang sa tuluyan na itong huminto. Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko.
Si Avia agad nakita ko. Nakangiti siya at mukhang Masaya.
She squeals. “Masaya ka?” Tumango naman ako. “Good. Marami pa tayong pupuntahan na lugar.” Tumayo ako. She intertwined her fingers on mine. Her left hand waved at the kids para magpaalam.
May nadaanan kaming Mamang sorbetero, at gaya ng inaasahan, hinila nanaman ako ni Avia.
“Dalawa po.” Tapos naglabas siya ng bente pesos. “Salamat.” She added ng ibigay ang ice cream.
Magkahawak kamay kaming naglalakad habang kumakain. Savoring every moment. Pakibagalan ang oras, please?
“Doon tayo?” Tinuro niya ‘yung park.
Naupo kami sa grass at pinanuod ‘yung pamilyang naglalaro ng saranggola. Ang saya naman nila. Pangarap ko din’g magkaroon ng masayang pamilya. Pero mukhang hindi na ‘yun mangyayari, unless may mangyaring himala at maawa sa akin ang Dyos at pahabain pa ang buhay ko.
“Ok ka lang?” Nakatingin niyang sabi.
“Oo naman.” Tipid kong sagot.
“Teka, may ipapakita ko sayo.” Aniya. Tumingin muna siya sa paligid. Nilahad niya kamay niya at may kung anong lumabas doon. Nakapukunot ako.
Isang apoy na hugis tao ang lumabas sa kamay niya. I stared at the dancing fire. Ang isang hugis tao na nagsasayaw ay naging dalawa. Para silang nagsasayaw ng ballroom.
Kinumpas niya ang kamay niya at napalitan ng tubig ang apoy, kulay asul ito. Ang sarap sa mata. Tubig na sumasayaw, higis tao pa. ang dalawang tao nadagdagan ng isa, medyo mas maliit. Silang tatlo naghahabulan.
Hangang sa kinumpas nanaman niya kamay niya. From water, it turned into a gray silhouette. Para siyang hangin. Gaya ng dati, masayang naghahabulan ang tatlo. Hindi ko mapigilang mamangha sa kapangyarihan niya. Nakakabilib.
She snapped. It turned to dust. Dinala siya ng hangin palayo sa amin. Sinundan ko ‘yun ng tingin hanggang sa mawala ng tuluyan. Tinignan ko si Avia na pinagmamasdan din ang hinanging abo. Hindi ko maintindihan ang expresyon ng kanyang mukha.
“Why?” She muttered. “Why it has to be you.” Mahina niyang sabi. Napatungo ako.
“Avia—“
“Napakabuti mong tao. Bakit ikaw pa ang may sakit. Marami namang masasama d’yan! Bakit ikaw pa?” Kumikinang ang mata niya, nagbabadya ng pag-iyak.
“Hindi ganyan ang patakaran ng mundo, Avia. Hindi ibig sabihin na mabuti ka ay ligtas ka sa pasakit. ‘Yung mga masasamang tao, nabubuhay sila ng matagal kasi hinihintay ng Dyos na magbago sila. Binibigyan pa sila ng maraming pagkakataon para magbago.” I explained to her.
“So literally if you’re good, wala kang chance na mabuhay ng mahaba?” Aniya.
“Hindi sa gan’on, Avia. May plano ang Dyos kaya niya ‘to ginagawa.” Siya naman umiling.
“What plan? Ano pang plano ang gagawin n’ya kung wala ka na?”
“As I’ve said, everything happens for a reason. H’wag mo siya sisisihin, Avia.” Natahimik naman siya.
Matagal na katahimikan ang nangyari. Alam kong nasabi lang ‘yun ni Avia kasi nasasaktan siya. Ako din naman. ‘Yung pakiramdam na iiwan ko siya. Parang hindi ko kakayanin. Hindi pa nga nasasaktan na ako.
Naramdaman ko na lang na lumapit siya sa akin at pinilig ang ulo sa balikat ko. Lihim akong napangiti. Nilagay ko balikat ko sa likod niya.
Nakita kong nagdidilim na ang paligid, nagbabadya ng pag-ulan. Nagtatakbuhan na ang mga tao sa paligid para maghanap ng masisilungan pero si Avia hindi gumagalaw kaya pati tuloy ako hindi rin makatayo.
Bumuhos ang malakas na ulan at nakaupo pa rin kami sa Grass. Ang pinagtataka, bakit hindi kami nababasa? Parang may invisible shed kaya kahit konting talsik ng tubig ay wala.
“Sorry, pinaulan ko. Naiiyak na kasi ako kaya pinaulan ko na lang.” She said and looked at me. Namangha naman ako.
“It’s ok.” Sabi ko tapos inamoy ko buhok niya. Kasi gan’on din ako. Gusto ko din’g umiyak.
Lorelei’s POV
Tapos na ang school year. Laking pasalamat ko at wala akong bagsak. Naawa pa naman sila kahit papa’no sa akin.
Nandito nanaman kami sa sea side ni Kyla, parehong depress. Kahit sinasabi ko sa sarili ko na baka busy lang si Aric, iba pa din ang iniisip ko. Parang may alter akong nagsasabing ‘Iniwan ka na niya. H’wag ka ng umasa!’
“Break na kami!” Inis na sabi ni Kyla.
“Huh? Nagbreak na kayo? Nagparamdam na si Edric?” Tanong ko.
“Hindi! Para sa akin wala na kami! Napakawalang kwenta niya palang nobyo eh! Nang-iiwan nang walang paalam pakatapos makuha ang matamis kong Oo. Buti na lang pala hindi ko pa sinusuko ang bataan!” Paghihimutok niya. Para namang may sumabog na bomba sa harapan ko.
“Buti na lang pala hindi ko pa sinusuko ang bataan!”
Pa’no na lang akong Oo? Iniwan na nga ba talaga kami ng magpinsan? Pa’no na ko? Pero hindi gan’on si Aric eh. Alam kong may rason siya.
“Kaya ikaw Nyx ah! Kahit pilitin ka ni Aric, h’wag mong isusuko ang bataan.” Tinaas niya pa kamay niya na parang may pinaglalaban.
Hindi naman ako makaimik. Already, Kyla. ‘Yan ang gusto kong sabihin kaso nahihiya ako. Baka husgahan niya ako.
Iniwas ko na lang tingin ko. Hirap pala kapag guilty, wala kang masabi. Ayoko namang magpaka-ipokrita na ‘Ay Oo nga Kyla! Hindi ko isusuko ang bataan kasi hindi pa ko handa!’ ang plastic ko naman nun! Better na ang walang sinasabi.
“U-uwi na tayo, Ky?” Pag-iiba ko ng usapan. Ang totoo kasi niyan, gusto ko ding magpahinga. Ewan ko ba sa sarili ko, miss lagi ang kama. Nagiging Miss antukin na nga ako eh. ‘Buti na lang at wala ng pasok.
“Oh sige. Bukas punta ko sa bahay niyo ah? Mga umaga.” Napatango lang ako.
Sumakay na kami sa kotse niya at hinatid niya ako sa’min.
Pagpasok ko sa amin, nakita kong naglilinis ang mga katulong. Dumeretso lang ako sa kwarto ko saka nagbihis.
Kinuha ko ‘yung libro ko saka nagbasa. Pampaantok man lang. hindi pa nangangalahi ang isang page na binabasa ko ng maramdam kong nadadala na ako ng antok ko.
Naramdaman kong humangin ng malakas kaya nagising ako. Madilim na at ang lakas ng ulan. Kahit tinatamad ako, bumangon pa din kasi kailangan kong sarahan ang pinto ng terrace ko. Tsaka nababasa din kasi ang kutina.
Ni-on ko ang heater dahil ang lamig talaga. Pinatay ko ang ilaw at lampshade lang ang natira. Pabalik na akong higaan ng mahagip ng paningin ko ang pamilyar na bagay.
Dahan-dahan akong lumingon.
Black Rose.
Agad ko ‘yung kinuha at napatingin sa paligid. Aric! Nasaan ka?
Lumabas akong kwarto ko patakbong lumabas ng bahay. Kahit malakas ang ulan, binuksan ko ang gate at tumakbo sa kawalan.
I’m starting to cry. Ang bigat ng pakiramdam ko eh. Dati natutuwa ako kapag binibigyan niya ako ng itim na rosas, pero ngayon parang may masamang ibig sabihin.
“ARIC! NASAAN KA! MAGPAKITA SA AKIN, please?” Halos bulong na lang ang lumabas sa huli kong nasabi.
Hindi ko alam kung bakit ako tumatakbo. Umaasa lang akong makikita ko siya. Bakit ba siya hindi nagpapakita sa akin?
Naiiyak na napaluhod na lang ako sa daan. Doon ko naramdaman ang lamig. Biglang nanikip ang dibdib ko at parang umiikot ang paningin ko.
Nasapo ko ang ulo ko sa sobra nitong sakit.
“A-aric…” I whispered before my eyes completely close.
-=-
Naramdaman ko ang haplos sa noo ko. Hindi ko pa mamulat mga mata ko dahil parang ang bigat ng pakiramdam ko.
Hanggang sa maalala ko ang nangyari.
“Aric!” Napabangon ako. But to my disappointed, it was Kyla. Nag-aalalang nakatingin siya sa akin. “K-kyla? W-what… what are you doing here?”
“Magpahinga ka na muna. Bumibili si Tito Kent ng prutas para sayo.” She said, half smiling.
“Prutas? Ok lang naman ako eh.” Pinilit kong tumayo pero napaupo ulit ako ng biglang nag-cramps ang tyan ko.
“Ouch!” napahiga uli ako sa sakit.
“H’wag kang gagalaw. Na-stress ka kagabi kaya siya nagrereklamo.” Nakangiti ng makahulugan sa akin si Kyla.
“Huh?” Confuse kong nasabi.
“Basta magpahinga ka na lang. makakasama ‘yan sa baby niyo ni Aric.” She widely smile.
“W-what?” Anas kong sabi.
“You’re pregnant, Nyx. May bata sa loob ng sinapupunan mo.” Masaya niyang pahayag.
A-ano daw?
----------------------------------------------
A.N: Maikli lagi ang UD. Kapag hinabaan ko kasi matatapos na 'to agad. So hinahati-hati ko.
So ayan na, Buntis na si Nyx. Sorry pero hindi sakanya mangyayari 'yung gaya sa twilight. May orignality ako. Kk?
Survey: Sino favorite niyong character, why? Ako si KIER! Hahaha.
Complete characters sa gilid, nakaGIF siya so baka mabagal ang transition.
XOXO
©Thyriza
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top