Chapter 34 - I Won't Let Go

Chapter 34 - I Won’t Let Go

Song for this chapter: Somewhere in the middle by Dishwalla

 

Lorelei’s POV

 

Tatlong araw! Tatlong araw na kaming walang communication ni Aric! Hindi ko alam kung ano na ang nangyayari sakanya. Nag-aalala na tuloy ako, baka kung ano nanaman nangyari.

“Nyx, eto ‘yung mga pinabibili mo.” Binigay sa akin ni Kyla ang paper plate at barbeque stick. Nasa sea side kami ngayon at kumakain. Eto ‘yung lugar na unang pinagdalahan sa akin ni Trever noon. Ewan ko nga kung bakit naisipan kong pumunta dito.

“Salamat.” Simple kong sagot. Tinignan naman niya ako na parang nadidiri. “What?” inosente kong sabi.

“You’re weird, alam mo ‘yun? Sa pagkaka-alala ko, diring-diri ka sa betamax. Bakit ngayon naka-tatlong stick ka na?” takang tanong n’ya. Nagkibit balikat lang ako. Hindi ko rin alam eh, siguro ngayon ko lang na-realize na masarap talaga ang betamax.

“Alam mo bang hindi nagpapakita sa akin si Edric?” napatingin naman ako sakanya. Siya din? Luh? Baka may problema nanaman sila?

“Sa’kin din eh, baka busy lang.” sabi ko habang panay kain.

“Pero kahit na. Nangako sa akin ‘yung lalaking ‘yun eh! Makita niya, aawayin ko siya!” pababanta ni Kyla. Nailing na lang tuloy ako. Poor Edric.

“Basta ako, may tiwala ako kay Aric. Nangyari na din ‘to dati eh. Matagal siyang hindi nagpakita kasi may inaasikaso. Try to understand Edric. Baka ganun lang din.” Sabi ko.

“Sabagay.” Sabi niya.

“Manuod tayo ng sunset.” Sabi ko.

“Huh? Mamaya pa ‘yang 6 eh. Alas tres pa lang kaya.” Sabi niyang nakatingin sa relos. “Tsaka may exam tayo bukas para sa final exam. We need to review.” She reminded me.

“Oo nga pala. Next time na lang tuloy.” Uminom ako ng pineapple juice na binili sa akin ni Kyla. Muntik ko ng isuka dahil sa ‘di ko nagustuhan ‘yung lasa.

“Ack~ Bakit ganito ‘to?!” Sabi kong nakatingin sa in-can pineapple juice.

“Alin?” takang tanong n’ya.

“Mapait ‘tong Pineapple juice! Nakakasuka!”

“Patikim nga!” inagaw niya sa akin yung in-can saka uminom. “Hindi naman ah! Matamis nga eh!” aniya tapos binalik sa akin. “Epekto siguro ng pag-kain mo niyang betamax. Nagkahalo-halo na.”

“Ay Oo nga. Naku, hindi ko na ulit ‘to pagsasamahing dalawa. Yuck pala ang lasa eh!”

4PM pa lang nang mapagdesisyunan naming umuwi, magrereview kasi kami at baka dalawin ako mamaya ni Aric sa kwarto. Namimiss ko agad s’ya eh.

Pagdating sa bahay, nakita ko si Tito Kent na naka-cross legs habang nagsasagot ng cross word puzzle. Hindi ko pa nakausap si Tito simula nung conversion n’ya.

“Tito Kent.” Tawag ko. Tumango lang siyang hindi tumitingin sa akin. “Tito, kausapin niyo naman po ako oh. Namimiss ko na kulitan natin.” Naka-pout kong sabi. Tumingin naman siya at naningkit ang mga singkit niyang mata.

“What do you want?” He asked coldly.

“B-bakit po ganyan na kayo?” Naluluha kong sabi.

“Nyx, I am now a fvcking vampire. How do you expect me to live in a place full of people? Kung alam mo lang kung gaano ko tinitiis ang amoy niyo. Gusto kong gawing hapunan ang mga katulong!” nagulat naman ako. Bakit hindi ko naisip ang possibilities? Malamang makakaramdam siya ng gutom.

“Don’t look at me like I am going to drink you. You’re still my Niece. I can control my thirst, don’t worry.” He said tapos bumalik ang tingin sa sinasagutan. Mukhang kailangan kong I-lock mamaya ang kwarto. Err!

Paalis na sana ako nang may naalala ako. “Uhh, Tito. Ano po strength niyo?” Matagal bago sumagot si Tito. Akala ko hindi siya sasagot kaya tumalikod na lang ako. Hindi pa ako nakakapanhik sa hagdan nang marinig kong nabasag ang Vase. Agad akong napalingon at nakita kong basag ‘yung Vase na nakalagay sa malapit sa TV. Then bigla itong nakabalik sa dati. My eyes literally widened.

“Cool, isn’t it? I can move things, malakas din ang hearing aid ko. And I think I can smell danger.” Napalunon ako ng malalim. Nakakatakot ang Tito ko.

“S-sige po. Akyat na ako.” Sabi ko. Pinilit kong h’wag kabahan. Malay ko ba kung nakakaamoy din si Tito ng takot.

Halos mawindang ako sa mga subjects na nirereview ko. ‘Yung iba kasi diti, eto ‘yung hindi ko napasukan. Nangangapa tuloy ako. Haay. Consequence of life! Sana naging vampire na din ako. Gusto ko ang power ko X-ray vision. Para makikita ko ang sagot ng classmates ko. Hahaha. Pero nakakatakot naman ata ‘yun. Imagine makikita ko din ang loob ng tao kahit may saplot.

Kinuha ko ‘yung isa ko pang libro saka ito in-scan. Walang pumapasok sa kahit ano mang binabasa ko.

Napatingin ako sa wall clock. T’was 8:57PM. Nasaan na kaya si Aric? Hindi niya ba ako dadalawin? Baka nagpapamiss lang? Eh! Kung nagpapamiss siya, Oo na, effective siya!

Tapos na akong magreview at naisipan kong mag online sa facebook. Aba, matagal ko na din ‘tong hindi nabubuksan ah. Pag log in ko, agad kong pinalitan ang relationship status ko. Saying walang facebook si Aric. Mang-iinggit pa naman sana ako kung gaano kagwapo ang boyfriend ko.

Nakita kong online si Kyla kaya agad kong chinat.

Kyla Marquez

      Magreview ka oy! :P

Ay ang bruha na-seenzoned ako! Sinara ko na lang laptop ko at bumalik sa higaan. Bakit ba ako tinatamad? Alam kong hindi ako masipag na tao, pero hindi naman ako ganito katamad dati. Nakakaantok. Pero ayaw ko pang matulog, baka kasi dumating si Aric.

“Lorelei, kailangan natin’g mag-usap.” Sabi sa akin ni Aric. Ang tagal kong naghintay sa pagdating niya. Bakit ba ngayon lang siya?

“Huh? Oh sige. Ano ‘yun?” nakangiti kong sabi.

“Kailangan na natin’g maghiwalay. Lorelei, hindi na ako Masaya sayo.” Nawala bigla ‘yung saya ko. Parang may bombang sumabog sa harapan ko.

“What?” Hindi ko makapaniwalang sabi. “You’re joking right?”

“I’m afraid I am not, Lorelei. Let’s broke up. I don’t love you anymore.” Naramdaman ko na lang na tumulo ang luha sa mata ko. Ano bang ginawa ko? May nagawa ba akong hindi niya nagustuhan? Pwede ko naman ‘yung baguhin eh.

“M-mahal na mahal kita, Aric. Isn’t that enough? I gave you everything!” maluha-luha kong sabi.

“It doesn’t mean that we have had sex means I have a committment to you.” Casual niyang sabi. Napahawak ako sa dibdib ko. Pakiramdam ko sinasakal ako. I cannot believe those words coming out from Aric’s.

“You used me!” I accused.

“You let me use you. Lorelei, I’m tired saving you. I’m tired protecting you.”

“But you said—“

“I said nothing. I just wanted to get inside your pants.”

I slapped him pero hindi tumatama sa pisngi niya. Feeling ko malakas ang sampal ko pero hindi dumadampi kahit kaunti. Naramdaman ko na lang nanghihina ako. Parang unti-unti akong pinapatay ng sakit sa puso ko.

 

Shit! Ano bang klaseng panaginip ‘yun? Ugh! I hate nightmares! Kakaisip ko kay Aric iba tuloy napanaginipan ko. Akala ko tuloy totoo. Natakot pati ako. Hindi ko ata kakayanin na magkatotoo ‘yun.

Napatingin ako sa orasan, alas kwatro na ng medaling araw. 7 ang exam ko, straight ‘yun hanggang 3. Dahil feeling ko hindi na ako makakatulog, bumangon na ako. Malamig kaya sinuot ko ‘yung roba ko. Bumaba ako at nakita kong bukas ang ilaw sa likod.

Hindi ako nagkamali ng hinala nang makita ko si Tito Kent na nakaupo sa harap ng pool habang yung dalawang paa nakabadbad sa tubig.

“You’re up early.” He said without looking at me.

“N-nagising po ako ng maaga eh.” Pumunta ako sakanya. Gusto ko din sanang ibaba paa ko sa pool kaso malamig, baka magkasakit ako.

“Bumalik ka na sa kwarto mo. Magkakasait ka pa, mahamog oh.”

“Hindi na po ako inaantok eh.”

Katahimikan. Nag-iba na nga talaga ang Tito ko. Hindi na siya katulad ng dati.

“Nyx?”

“Po?”

“Mapoprotektahan na kita.” He said. Napatingin ako sakanya. “The guy who killed me is the same guy who took your parent’s life.”

“Trever.” I muttered.

“I was so wrong about him. I thought he was good for you.” Hindi ako umimik. Biglang bumangon ang galit ko kay Trever. “Nang malaman niyang tumakas ka, ako binalingan niya. He had me capture para bumalik ka. But you left your phone so he wasn’t able to contact you. Walang alam ang mga katulong sa totoong nangyayari sa silid ko. Syempre akala nila mabuting tao si Trever.” He smirked.

“Tito Kent. Sorry po at nadamay pa kayo.”

“Matagal na akong damay, Nyx. Nang piñata nila ang mga magulang, matagal na tayong damay. Ang hindi ko lang matanggap ay sinakripisyo mo ang sarili mo para iligtas ako. Sinabi niya sa akin ang lahat ng nangyari after nung party nila Aric. Hindi ko alam na hinahawakan ka niya sa leeg. I’m sorry, Nyx at wala akong nagawa.”

“We wanted to protect each other, Tito.”

“Yeah, pero hindi pa ako kuntento sa nangyari kay Trever. I want him dead, in my two own hands!” Tito’s voice gives me creeps inside me. nakita kong nagtatagis ang ngipin niya.

“Nakakulong na po siya, Tito.”

“Pero buhay siya! What if makatakas siya?” I beamed at him at hinawakan ang malamig niyang kamay.

“You can protect me. hindi niya na ako magagalaw.” Nakangiti kong sabi. Ginulo naman ni Tito buhok ko and first time ko siyang makitang ngumiti after his death.

Nasa school na ako at nagsisimula nang magexam. Nakakasar lang at kung kailan ako nasa school na saka ako nakaramdam ng antok. Aish! Mamaya na lang ulit ako matutulog. Tatapusin ko lang lahat ‘tong exam. Mabuti nga at nasagutan ko naman at medyo confident naman ako ng konti sa mga sagot ko.

Hapon na nang matapos kaming mag-exam. Niyaya ako ni Kyla na kumain sa mall dahil pareho kaming hindi nakakain ng marami nung lunch.

“Sa food court tayo?” Sabi niya ng makapasok kami sa mall.

“Ayaw ko nga! Hindi mo ba alam na puro microwaved ang pagkain dyan? Init-init lang kaya magmumukhang bago!” Sabi ko sakanya.

Napilit ko namang kumain si Kyla sa Savoury. Nag-order ako ng maraming karne tapos extra rice. Nakakagutom talaga ang exam.

“Sigurado kang mauubos mo ‘yan?” Tinuro niya pagkain naming sa mesa.

“Oo naman! Ang sasarap kaya neto!” sabi ko saka nagsimulang kumain.

“Pero puro fats and carbs ‘yan eh!” she complained.

“Aish! Wala munang diet diet! Eh sa nagugutom ako eh!” nakita kong napailing na lang siya. Hindi ko kasi talaga mapigilan ang sarili kong hindi kumain. Madali akong magutom ngayon.

Pagkatapos naming kumain dumaan kami sa bookstore. Bibili daw kami ng mga books tungkol sa vampires. As if naman makakakuha siya ng makatotohanan dun. Puro fiction ang nakalagay sa libro.

“Tinawagan ko kanina si Edric, unattended ang phone. Sa palagay mo, Nyx. Ano kayang nangyayari sa kanila?” Tanong bigla ni Kyla.

“Busy lang talaga sila. Hayaan mo na muna. Magpapakita din ‘yan.” Pinilit kong pasiglahin ang boses ko. Naaalala ko nanaman kasi ‘yung panaginip ko eh. Kahit panaginip lang yun, nasasaktan ako.

“Sleep over ako sainyo mamaya, Nyx? Tapos na naman pasukan eh.”

“Eh? Ano ka! Ayoko!”

“Bakit? Namimiss ko na kapag nagmomovie marathon tayo eh.” She pouted. Baka kasi bumisita bigla si Aric.

“Ayaw ko lang.”

“Hmmm. Oh sige, pero bukas gala tayo ah.”

“Tinatamad ako!”

“Eeee! Ang KJ mo Nyx ah! Sige na!” niyugyug niya balikat ko. Ang kulit talaga ni Kyla.

“Oo na! tss! Saan naman tayo pupunta aber?”

“Kahit saan! Oh kaya manuod tayo ng sine. Maganda mga palabas ngayon.”

“Para naman tayo niyang mag-nobya eh!”

“Ok na ‘yun! Tayo muna magdedate habang wala ‘yung magpinsan. Ok na ‘yan ah?”

“Oo na.”

Dahil sa tinakasan ko nanaman si Manong Andy, nagpahatid ako kay Kyla sa amin. Agad akong umakyat sa kwrto. Ugh! I miss my bed!

Nagbihis lang ako saka nahiga ulit. Nakakapagod ang araw na ‘to. emotionally and physically.

Aric, nasaan ka na ba? Namimiss na kita eh!

Avia’s POV

“Ang ganda!” Nakangiting sambit ni Kier habang pareho naming pinagmamasdan ang papalubog na araw. Pareho kaming nakaupo sa buhangin.

Napangiti ako sakanya. Masaya akong ganito kami. Hindi ko na lang iisipin ang future, total mas importante ngayon ang present.

Wala na ‘yun araw. Unti-unti nang nilalamon ng dilim ang liwanag. Ang gana sa mata. ‘yung mga mabiblis na ulap na napapalitan ng itim na bahaghari.

“Pero syempre mas maganda ka.” Natawa ako sa banat niya.

“May alam ka pang ganyan ah.” I said laughing. Nagulat ako nang mahiga siya sa buhangin.

“O-oy! Madudumihan ang likod mo! Oy!”

“Pahinga muna ako ah?” Kinabahan ako sa sinabi niya. I hesitantly nod at him. Then he closed his eyes.

Hindi ko alam kung tulog siya o nakapikit lang mga mata niya. Pero hindi mawala ang takot ko. Paano kung… paano kung… Ugh! Avia h’wag lang mag-iisip ng Negative! Walang mangyayari.

***

Nagising ako nang tumama sa mukha ko ang sinag ng araw. Ugh! Nakaka— napatingin ako sa tabi ko. Shit! Bakit ako nakatulog?!

“K-kier! Kier gising!” tinapiktapik ko ang pingi niya ng marahan. Parang nagkakarera ang kaba ko. Dyoskopo!

“Kier, gising na. tama na sa pahinga.” Sabi ko.

Hindi siya gumagalaw. @#$% hindi ‘to pwede! Ugh! Naiiyak kong tinignan ang paghangos niya.

“K-kier… gising na. Please?” Naiiyak kong sabi. Napayakap ako sakanya. Hindi pa ko handa eh! H’wag muna ngayon!

“asdfghjk”

“KIER!”

“Maliwanag na pala?” hala? Bakit mapula ang mata mo?” nag-aalala niyang sabi. Bigla ko na lang siyang niyakap ng mahigpit!

“Leche! H’wag mo na ulit ‘yun gagawin ah? Baka ako ang atekehin sayo eh! Baka ako pa mauna sayong mamatay!!”

“Sshhhh… Hindi ko hahayaan na iwan kang walang paalam.”

Pesteng kaba na ‘to hindi nawawala. Nakakainis!

Sabay kaming bumalik sa kotse at nagsimula na akong magdrive ulit.

“Saan na tayo pupunta?” He asked.

“Secret.” I said then giggled.

Hinawakan niya kamay ko.

“I won’t let go.” He said.

___________________________________

A.N: Sabi naman sa inyo eh, mag-aupdate ako. :) Marami na akong clues na iniiwan. Ma-gets na sana.

at kung sino makakatuluyan ni Avia? Magegets niyo kung pinanuod niyo ‘yung video na ginawa ko. Nasa chapter 33 ‘yun. Mehehe

goodnight for now! ^___^

 

XOXO

©Thyriza

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top