Chapter 32 - Mystery

Chapter 32 - Mystery



Queen Ingrid's POV



Nasa bulwagan kami ngayon at kausap namin ang ilan sa mga Elders. Seryoso lang naming pinapakinggan ni Hansel ang mga hinaing nila tungkol sa pagkakaroon ni Aric ng isang Nobya na tao.



"Bigyan niyo ng panahon ang Prinsipe. Mag-uusap lang kami ng Mahal na Reyna tungkol sa bagay na ito. Makakaalis na kayo." Sabi ni Hansel sa mga Elders.



"Masusunod, kamahalan." Sabi nila sabay umatras saka tumalikod.



Napahawak na lang ako sa sintido dahil sa mga Problemang haharapin ng anak namin ni Hansel. Naramdaman ko na lang ang kamay niya sa likod koo at parang inaalo ako. Napatingin ako sakanya at nagtatanong ang mga mata kung ano ang gagawin namin.



"Ingrid, h'wag mo na munang isipin ang mangyayari. We'll solve this for our Son. Gagawa tayo ng paraan." He beamed at me. Somehow, parang gumaan ang pakiramdam ko. Naniniwala akong malulutas namin 'to. Marami kaming pinagdaanan at ang bagay na ito ay wala kumpara sa mga problemang hinarap namin. Pero ibang usapan kung si Aric na ang invloved. Matigas ang ulo ni Aric na hindi ko alam kung kanino niya minana. Paano kung hindi niya sundin ang gusto namin?



"Kinausap ko na siya kanina. Pero hindi ko pa nasasabi ang balak natin. I told him na kailangan niya munang layuan si Lorelei pero mukhang ayaw niya. Hindi ko alam ang tumatakbo sa isipan ng Anak natin, Ingrid."



"Para naman sakanilang dalawa ito eh."



Balak naming ipadala sa Italy si Aric at doon mag-aral muna. Kapag kasi nag-aaral siya, hindi siya pipilitin ng mga Elders na magpakasal sa isang Vampirette. It's just a matter of time. 'Yan ang kailangan nila. Wait for each other.



"Pero pagmamahal ni Aric kay Lorelei ang nangingibabaw sakanya ngayon." Hansel insisted.



"Hindi nga niya pwedeng suwayin ang utos natin! Kung ayaw niyang mabawian siya ng korona ng mga Elders kailangan niyang sumunod! Alam mo naman 'yun diba?"



"How about Lorelei? Should we tell her?"



"The Elders already warned us about this, Hansel. Hindi nila gagalawin si Lorelei lalo na ngayon..." I trail off. Tumingin ako sa paligid. I tiptoe saka ako lumapit sa tenga ni Hansel saka bumulong.



"W-what?" Mahina ngunit mariin niyang sabi. Napatango ako.



"How? Why? P-paano niyo nalaman?"



"Si Erina. Nabasa niya."



"So It talked to her?"



"Yes. Amazing, but yes."



Hindi makapaniwala si Hansel sa sinabi ko. Ako man. Nung nalaman ko kay Erina hindi rin ako makapaniwala.



"Wow! Should we tell Aric?"



"Then what? Bibigyan mo lang siya ng dahilan para hindi sumunod sa atin. We'll send Aric to Italy and protect Lorelei at the same time, ok?"



"Kung ako ata ang anak natin hindi ko 'yun kakayanin. Imagine you are Lorelei tapos iiwan kitang ganyan ang kalagayan?" Gusto ko namang matawa sa sinabi ni Hansel.



"Aba! Nag-salita! Iniwan mo naman ako noon ah! Mas worst ka pa nga kasi hindi mo man lang sinabi sa akin! Hmp!"



"Eeee! Ang Reyna ko nagtatampo." Bigla na lang niya akong niyakap. I snuggled to him.



"Pero Hansel, hindi ka ba nag-aalala sa anak natin?" Tanong ko habang nakayakap sakanya.



"Nag-aalala din. Lalo na kay Avia na nasa luwas. Pasalamat na lang nga tayo kay Wynner eh." Napatango naman ako.



"Oo nga."



"Pero as long as na buo tayong pamilya. Lahat ng pagdadaanan natin, makakaya natin. Wala atang sinusukuan ang Pamilya Kang!" Umakbay sa akin si Hansel at inamoy ang buhok ko. "Asawa ko." Malambing niyang sabi.



"Bakit?" Sabi ko.



"Gusto mo, gumawa ulit tayo ng isa pang Little Aric at Little Avia?" Nakangisi niyang sabi.



"Heh! Tumigil ka nga! Kung kailan isang century na ang mga anak mo saka mo pa 'yan naisip?!" Irap ko sakanya.



"Hehehe. Babakasakali lang. Ikaw talaga."



"Tss." Siniko ko siya pero tumawa lang.



Kahit sobrang tagal na naming nagsasama ni Hansel, pakiramdam ko isip teenager pa din kami. Hari at Reyna nga kami pero kapag nabibigyan kami ng pagkakataon na makatakas sa mabigat na responsibilidad, bumabalik pa din ang dating Hansel at Ingrid na kilala ng lahat.



***



Avia's POV



Napatakip ako ng bibig ng marinig ko ang sinabi ng doctor kay Kier. Hindi maganda mag-eavesdrop pero hindi ko naman hahayaan na maging clueless ako. Alam ko naman kasing hindi 'yun sasabihin sa akin ni Kier eh.



Napaupo na lang ako sa waiting area. Hindi ko kayang mawala siya sa akin. Ayoko. Hindi ko kaya.



"Hindi na maganda ang lagay ng puso mo, Kier. Did you tell your Girlfriend?" I heard the Doctor say.



Napabuntong hininga na lang ako. Nasasaktan ako eh. Sobrang sakit.



"She doesn't have to know." Sagot ni Kier. "I want to spend my remaining life with her without thingking about my health." He added.



Hindi ko na kaya. Napatakbo ako. Nanlalabo ang paningin ko dahil sa luhang kanina pang dumadaloy. Until i bumped someone. Someone that is giving me comfort. Napaangat ako ng tingin and saw Wynner. Malamlam siyang nakatingin sa akin na animo'y dinadamayan ako sa sakit na nararamdaman ko.



"Let me hug you, Avia." He whispered. Mas lalo akong napahagulhol. Paano na lang kung wala si Wynner? Baka nag-break down na ako sa sobrang sakit na nararamdaman.



"Ayoko siyang mawala sa akin. Wynner!" Nararamdaman kong hinahaplos niya likod ko.



"Sshhhh... Magiging ok din ang lahat, Avia."



"I need to do something, Wy. Will you help me?" Kumalas ako sa yakap niya.



"Oo naman. Anything for you."



***



Lorelei's POV



Halos takbuhin ko ang silid na kinalalagyan ni Tito Kent nang ibalita sa akin ni Aric na gising na siya. Excited na akong mayakap ang Tito Kent ko.



"Lorelei..." Nakangiting lumabas si Aric sa silid ni Tito. He gave me a nod na pwede na akong pumasok. Tumakbo ulit ako papasok at sinugod ko ng yakap ang Tito Kent ko. Napaiyak na lang ako sa sobrang tuwa. Buhay na ulit ang Tito ko. 



"Namiss kita Tito." Sabi ko after the hug. Hindi siya umimik bagkus tinignan lang ako. Sinuri ko ang mukha niya. Kagaya ng mata ni Aric, color blood na siya. Ang makikinis niyang balat ay mas lalong kuminis na animo'y kagaya sa Wax museum. Maputla na din siya na parang isang taong hindi nabilad ng araw.



"Let's go home." Nagulat ako sa lamig ng boses ni Tito. Matagal ko siyang hinintay tapos 'yun lang ang sasabihin niya? Tumayo siya and left me dazed. 



"T-tito—"



"Come on, Lorelei. We need to go home." Sabi niya habang naglalakad.



Sumunod ako sakanyang naguguluhan. Bakit siya ganun? Para tuloy gusto kong umiyak at maglupasay para pansinin ako ni Tito. But i am not a kid anymore. Baka mas magalit and worst, hindi ko alam kung ano ang mga kaya niyang gawin.



"Try to understand him, Lorelei. Remember hindi na siya tao." Aric reminded me. Nakasunod pala siya sa akin.



"U-uuwi na kami. 'Yun ang gusto ni Tito. Ihahatid mo ba ako?"



"Of course.Tara na at para makapagpahinga ka na din sa inyo."



Hinatid kami ni Aric gamit ang kotse niya. Si Tito nasa likod ng inuupuan ko at tahimik na nagmamasid sa madadaanan namin. Hindi ko naman mapigilang hindi magbuntong hininga. Hanggang kailan siya magiging ganyan? Paano kung 'yan na ang ugali niya forever?



Nakarating naman kami sa bahay. Para ngang ayaw ko ng pumasok eh. Madami lang akong maaalala na masasakit na bagay. Pumasok kami sa loob at dumeretso lang si Tito sa library kung nasaan ang opisina niya.



Sinamahan naman ako ni Aric sa kwarto. Kung ano ang hitsura niya nung iniwan ko siya, ganun pa din.



"It's safe here. Pwede ka ng magpahinga." He said. Medyo malalim na din ang gabi kaya nakakaramdam na ako ng antok.



"Don't leave me. Please stay with me tonight." Sabi ko. I heard him sigh. Niyakap niya ako ng mahigpit. This time, iba ang naramdaman ko. Why is it that i have this feeling that something will happen. I don't know. Woman's instinct maybe. Pero kakaiba 'yung mga yakap ngayon ni Aric eh.



Tinulungan niya akong mahiga sa kama ko saka ako kinumutan.



"Dito lang kao. Matulog ka na." He whispered bago niya hinalikan ang noo ko.



"Good night, Aric." I said before closing my eyes.



Hindi ako sigurado kung mali ang narinig ko pero parang he something na parang nagpapaalam.



I suddenly turned to him and hugged him while we're both lying. Ayaw ko siyang bitawan. Ayaw ko siyang mawala. Kasi pakiramdam ko, kapag hindi ko siya hinawakan, mawawala siya. At parang hindi ko na ata kakayanin pa na magkahiwalay ulit kami.

_____________________________________________

A.N: Sorry for this very short update. I have no valid reason excuse to say, but i hope you'll understand. Laging masakit ang mata ko kasama ulo. So 'yun. All mysteries will be revealed soon. Few remaining chapters then Epilogue, it depends. :)

For those who haven't read yet the Special Chapter of Book 1, click the external Link. That will be my second to the last Special chapter then next is, i dunno when. So yeah, read at your own risk though it's not SPG. It's actually kinda funny.

XOXO

-Thyriza

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top