Chapter 31 - Be my girlfriend, or leave the Carriage

Chapter 31 - Be my girlfriend, or leave the Carriage

Wynner's POV

Dali-dali akong tumakbo palabas ng marinig ko ang sigaw ni Avia. Ano nanaman ba'ng nangyari? Sinabihan ko na siyang h'wag lalabas eh! Ang tigas talaga ng ulo niya!

"Avia! Avia ano'ng nangya--" Natigilan ako ng makita siyang yakap si Kier na walang malay. Lalapitan ko sana sila pero napako ang paa ko nang paulit-ulit niyang sinasambit ang salitang gusto kong marinig mula sa kanya para sa akin.

"Please wake up, Kier. Hindi ko pa nasasabi sayong mahal kita!" Sh cried.

Masakit. Nakakagago lang eh! Napatingin siya sa akin at humihingi ng tulong ang mga mata niya.

"W-wynner... Wy tulungan mo ako!" 

Walang imik na nilapitan ko sila. Hospital ang makakatulong sakanya inutusan ko yung guard na kunin yung sasakyan.

Sabay naming binuhat si Kier papasok sa kotse. Pareho silang nasa likod habang nagda-drive ako.

Agad kaming in-assist ng mga nurse ng makapasok kami sa hospital. Naawa ako kay Avia at kung bakit sa isang mahinang lalaki pa siya nagmahal. Sa lalaking hindi siya kayang ipagtanggol. I grab her hand saka ko siya niyakap ng mahigpit.

Oo nagseselos ako kasi mahal niya si Kier. Pero hindi ako ganun kasama para isipin ang sarili. Mahal ko si Avia at kung saan siya masaya, doon siya. No pressures.

"He'll be alright. Don't worry."

Halos tatlong oras ang hinintay namin sa labas ng ER. Avia called Kier's Lolo na nasa Cebu pala kaya uuwi 'to ng wala sa oras. Nilipat si Kier sa Intensive Care Unit at araming aparatus na nakakabit sakanya. Somehow, i pity the guy. Masyado pa siyang bata para maranasan ang ganitong buhay.

Umupo si Avia sa gilid ni Kier at tumayo naman ako sa paanan niya nang lumabas ang Nurse. Masakit man sa akin ang gagawin ko pero kailangan. I need to heal him sa abot ng aking makakaya.Walang assurance na mapapagaling siya at gaya ng dati, maaring bumalik ulit sakit niya. Lahat ng kapangyarihan ay may limit at hindi namin kayang kontrolin ang buhay ng tao. Hindi ko kayang bumuhay ng patay na. Kapag nireject ng katawan ng tao ang healing power ko, wala na akong magagawa. Ibig sabihin nun, hayaan na siyang mamatay. Ayaw niyang magamot.

"Let me heal him." I said. Napatingin sa akin si Avia.

"You can't Wynner. Mapapahamak ka. You can't heal a person twice. Ikakamatay mo." Nag-aalala niyang sabi. Or feeling ko lang yun. Masarap kasing isipin na nag-aalala din sa akin si Avia.

"But you need him." I insist.

"Naniniwala akong lumalaban si Kier." Sabi niya. Napatango na lang ako.

Nahihiling ko na sana ako na lang sa kalagayan ni Kier. Weak but atleast, Avia will love me.

Hindi ko akalain na dadating sa punto na ang isang kagaya kong vampira ay mate-tame ng isang Damphyr. How pathetic.

Nakatungong papalabas ako ng ICU ng tawagin ako ni Avia.

"Bakit?" I said polite, but in a way that is cold and formal.

"W-wala." Binalik niya tingin niya kay Kier. Dali-dali na akong lumabas at tuluyang iniwan ang dalawa. They don't need me there. Mas gugustuhin nilang mapag-isa, without me.

***

Avia's POV

I wanted him to stay. I badly need him to stay pero hindi 'yun ang lumabas sa bibig. Pero tama na din sigurong umalis siya kesa sa paguluhin niya ang magulo kong puso.

I gently massage Kier's hand. He's so warm. A sign that he's alive. He will and he should. 

I was examining his face and memorizing every part of it nang makita kong gumalaw ang talukap ng mata niya. I was astounded. For a minute hindi ako nakagalaw at tinitignan ko lang siya na animo'y kinukumpirma kung tama nga ang nakita ko.

"A-avia.." His voice were hoarsly.

"Kier! Ok ka na ba? Nauuhaw ka ba? You want something to eat? Oh wait, i'll call the doctor." Tatayo na sana ako nang pigilan niya mga braso ko. Napatingin ako sakanya at nakita kong nakangiti siya.

"Kier--"

"Masaya akong makita ka. Belated Happy Birthday." Tuluyan akong naiyak. Bigla ko na lang siyang nayakap habang nakahiga. Bakit ganun? Siya may sakit pero ako itong iyakin.

"Pinakaba mo ako. H'wag mo 'yun gagawin ah. Ako pa ata unang mamamatay sayo eh!" I whined. I heard him chuckled. Oh how i miss those laugh.

I am seeing him winced from once in a while kaya nag-aalala ako. He's not fully recovered. Kaya kahit ayaw niya, tinawag ko ang Nurse ni Kier pati yung doctor.

"Kumusta ka na, Kier?" Tanong nung Doctor. 

Tipid naman siyang ngumiti at napapahawak sa dibdib. Nakiya kong ni-check ng Nurse ang Vitals niya. Bumaling naman sa akin si Kier at tumingin.

"Avia, pwede mo ba kaming iwan muna?"

"Ha? Ah oh sige. Dyan lang ako sa labas." Sabi ko tsaka lumabas.

***

Aric's POV

Nandito ako sa Veranda ng palasyo at pinagmamasdan ko lang si Lorelei na nakikipaglaro sa mga kaibigan ni Avia. Masaya akong makita siyang masigla. Mukhang nakalimutan na niya ang trauma niya. 

Hindi ko tuloy mapigilang hindi mapangiti. What will happen to my boring life kung hindi ko siya nakilala? For sure boring pa din. Lorelei brings nothing but happiness to me.

Nakita kong pinapaligiran siya ni Smitt at ng kapatid nito. Tuwang tuwa sakanila si Lorelei. I just hoped my Sister was here. Mag-eenjoy din yun kasama si Lorelei at sila Smitt.

Nilagyan nila ng flower tiara sa ulo si Lorelei. Nagmukha siyang Dyosa sa paningin ko. Nadadala ako sa mga ngiti niya.

"She's something, huh?" Napalingon ako sa nagsalita.

"Dad."

"How is she?" Tumingin siya sa direksyon ni Lorelei.

"She's doing fine." I said.

"She's now your source of happiness, Aric. You need to protect her." Dad said.

"Trever is in jail already. Nothing to worry about, Dad."

"H'wag kang kampante. Isang komplikadong buhay ang pinasok ni Lorelei. Marami kayong haharapin. Lalo na ngayon." Seryoso niyang sabi. Napatingin ako sakanya na nagtataka.

"Ano po'ng ibig niyong sabihin?"

"The Elders, Aric. Tutol sila sa pakikipagrelasyon mo sa tao." I was taken aback. "We can't just ignore the Tradition of Elders, Aric."

"B-but... H-how... W-what will i do?" Napatingin ako sa gawi ni Lorelei na nakaupo sa wooden bench. 

"I talked to the Elders. I told them you're not ready to marry to be a King." He sighed. "Alam kong mahal mo si Lorelei. At hindi namin 'yun hahadlangan ng Mommy mo. You know we support you. Hanggang sa makakaya ko, gagawan ko ng paraan para hindi nila hilingin na ipakasal ka sa iba."

"How about Lorelei?"

"Leave this problem to me, Aric. I'll stall them. Hindi ako mawawalan ng alibi sakanila. Besided, i am the King. Just trust me, Son." Tumango ako kay Daddy. For i thought eerything will be ok. Pero heto nanaman, may panibagong problema nanaman.

"Pero pwede ka nilang alisin bilang Hari kung pakikialaman mo ang tradisyon, Dad." Sabi ko.

Elders. Kung baga sila yung mga gumagawa ng mga Policy. Parang mga ministro na may karapatang tanggalin ang Hari kung hindi nila nagustuhan ang pamumuno nito.

"That... will not happen." He patted my back.

Bigla namang napatingin sa gawi namin si Lorelei at kumaway ito. I waved back.

"Go with her. You need quality time before i send her back to her own world." Daddy said.

"Ha?"

"Kakausapin natin ang Elders. Pero kailangan mo munang layuan si Lorelei." Nanlaki mata ko.

"Is that necessary? H-hindi! Hindi ko kaya!"

"Kayanin mo Aric! Believe me son i know what you feel. Iniwan ko din ang Mommy, beyond my expectation pa! So makinig ka sa akin. Hayaan mong maging tahimik ang buhay ni Lorelei. Kapag ginalaw siya ng Elders para masunod ang gusto nila, may magagawa ka ba? Isipin mo, itong gagawin mo ay para sa inyong dalawa din."

Napasuntok na lang ako bigla sa Pillar. Fvcking Elders. Nawala na nga sa landas ko ang fvcking Trever na yun! 'Yun pala may kasunod pa! 

***

 Lorelei's POV

Nagtataka akong makitang seryoso ang mukha ni Aric. Kanina lang nakangit siya. Mukhang seryoso ang usapan nila ng daddy niya ah.

"Gusto niyo ba akong makitang mag-magic Miss Lorelei?" Masayang sabi ni Smitt kaya nabaling tingin ko sakanya. Ngumiti ako saka tumango.

"Gusto ko 'yung mabibilib ako ah." Nakangiti kong sabi.

"Ay Oo naman po." Sabi niya tapos bigla na lang siyang umikot. "Tadaa~ Pareho na tayo ng damit. Hihihi."

"Wow! Kaya mo din bang gayahin hitsura ko?" Mangha kong tanong.

"Ay hindi po pwede. Magagalit ang Mama ko." Sabi niya.

"Mukhang nagkakasiyahan kayo ah." Tumingin ako sa likod ko at nakita ko si Aric na nakatayo.

"Uy! Halika upo, dali." I giggled. Tumabi siya sa akin at nakita kong kinikilig ang mga kapatid ni Smitt. "Seryoso ata usapan niyo ng Dad mo." Sabi ko sakanya.

"H-ha? Ah wala 'yun. About sa Palace lang." Sabi niya.

"Ah. Eh kailan ba magigising si Tito Kent? Ay wait nga pala, 'pag gising niya ba sama pa din siya? I mean 'yung mabait at malambing na Tito?" Nag-aalala din kasi ako at baka makalimutan ako ni Tito eh. O baka naman magbago pakikitungo niya sa akin.

"He'll be fine, Lorelei."

"Sabagay, si Queen Ingrid nga mabait pa din kahit isang Vampress na siya." Sabi ko. Tumingin ako kay Aric. Nakangiti siya pero parang pinipilit lang. Nararamdaman ko eh. Alam kong may pinoproblema siya ngayon. At alam ko din'g wala siyang balak sabihin sa akin. Kasi dapat ngayon pa lang sinasabi niya na.

"Lorelei, kapag gising na ang Tito mo, pwede na kayong bumalik sa inyo." Sabi niya. Medyo nagulat ako sa sinabi niya. G-gusto niya akong umalis dito? Ayaw niya na ba akong makasama?

"G-ganun ba? Sige. No problem." Sabi kong nakangiti sakanya kahit deep inside may iba. Praning na kung praning pero alam kong may tinatago sa akin si Aric.

"Lorelei? You look tense. Believe me magiging ok ang Tito mo." He patted my back. Eh hindi naman 'yun ang iniisip ko eh!

"Haha. Oo nga." Tumayo ako saka pinagpag ang shorts ko.

"Saan ka pupunta?" He asked.

"May itatanong lang ako kay Queen Ingrid." Nakangiti kong sagot.

"Samahan na kita. Nasa Pavillion siya."

"Ay hindi na. Ako na lang. Kaya ko namang hanapin. Sige bye." Sabi ko saka dali-daling tumakbo paalis.

Bakit nga ba gusto kong makausap si Queen Ingrid? Ewan ko din. Masakit kasi kapag may tinatago sa akin si Aric. Alam kong hindi dapat pero gusto ko lahat ng problema niya sinasabi niya sa akin. Ganun ang nafe-feel ko. I know i don't have that right. Pero diba ganun tayo'ng mga girlfriends? Gusto natin alam natin lahat? Ugh! Nakakabaliw. Siguro kasi vampire siya at tao ako kaya hindi niya alam ang mga emotional stress na mararamdaman ng isang girlfriend kapag may tinatago ka.

***

Kyla's POV

"Miss Marquez, tell Miss Park na kapag hanggang bukas na hindi pa siya pumasok i'll drop all her subject! Lahat ng subject instructor niya nagrereklamo na!" Sabi sa akin ng Department Dean namin. 

"Ma'am kasi po--"

"H'wag mo ng ipagtanggol ang kaibigan mo, Miss Marquez. This institution will not tolerate a kind of student like Miss Park.  She's already a Candidate for expulsion!"

Nakayukong lumabas ako ng office ni Dean. Naaawa tuloy ako kay Nyx. Ang sabi sa akin ni Edric tinext daw siya ni Aric at ok na daw si Nyx at nakulong na din si Trever.

Lalo na ngayon na sinabi sa akin ni Edric na namatay 'yung Tito niya dahilan ni Trever. Bwesit talagang lalaking 'yun! Kumusta na kaya siya? Wala man lang akong magawa na isang bestfriend.

Pagbaba ko ng College Building, i saw Edric waiting for me in the School lobby. Lihim akong napangiti. Seneseryoso niya talaga ang panunuyo sa akin.

"Hey." Masigla siyang kumaway sa akin.

"H-hey." Sagot ko. 

"Sorry wala akong flowers ngayon. Sobra kasi akong nagmadali tapos--"

"Edric. Ok lang. Ayaw ko din'g maging flower shop ang kwarto ko." Natatawa kong sabi sakanya. Naramdaman ko namang naging ease siya kaya napangiti na siya sa akin.

"May balita na pala ako sa Tito ni Lorelei." Sabi niya.

"Talaga? Kailan libing? Saan nakalamay si Tito Kent?" Sunod-sunod kong tanong.

"Ah... Actually h-hindi siya patay."

"Huh?"

"He was turned into a vampire." Halos manlaki mata ko. Teka, tama ba 'yung narinig ko o niloloko nanaman ako ng tenga ko. "Hindi pdaw siya nagigising pero malapit na. Masaya naman daw si Lorelei at siya pa nga daw ang humiling na gawin 'yun." Sabi niya pa.

OMG! Kung ganun vampire na si Tito Kent? Ang napaka-gwapo, macho at mabait na si Tito Kent. Parang hindi ko ata ine-expect 'yun ah.

"Nasa Vampire City ba si Nyx? Hindi ba siya uuwi? Hinahanap na siya ng mga Instructors namin eh."

"Uuwi din 'yun. H'wag kang mag-alala." Nakangiting sabi sa akin ni Edric.

Naramdaman kong hinawakan ni Edric kamay ko. Para akong nakuryente sa malamig niyang kamay. Lagi na lang ganun epekto niya sa akin. Parang hindi pa din ako sanay sakanya. Nakakakilig na ewan. Nakakainis din kasi parang laging may circus sa tyan ko.

"Date ulit tayo." Sabi niya. Napaangat ako ng tingin. Kapag kasama ko siya laging nananakit ang leeg ko. Ang tangkad kaya niya!

"Saan?"

"Kahit saan. Ano ba'ng gusto mong gawin ngayon?"

"Hmmm. Ah alam ko na"

Walang sasakyan. Walang commute commute at nakarating kami sa Tagaytay. Napanganga ako nang makita ko ang amusement park doon. Pangarap kong makapunta sa ganito eh.

"Sakay tayo dun?" Tinuro ko yung napakalaki at napakataas na Ferris Wheel.

Natutuwa ako at game na game din si Edric na sumakay. Bumili kami ng ticket which is mahaba ang pila kaya siya pinabili ko. The perks of having a vampire suitor kasi everything happens in a flash. Kaya hindi siya pumila. Nakita ko na lang na may hawak ticket.

Sumakay kami sa Carriage ng ferris wheel. Every 2 to 3 minutes tumitigil ito hanggang sa marating namin ang tuktok. Ang ganda ng view. Since mag-gagabi na, kaya marami ng ilaw sa paligid. Kita ko din yung bundok.

"Ang ganda. Sana tagalan pa dito sa taas." Nasabi ko na lang.

"Talaga?"

Napatingin ako sakanya. Bigla niyang pinikit ang kanyang mga mata. Napakunot ako. Inaantok ba siya? Boring ba akong kasama? Nakangiting minulat niya mata niya.

"Look." Tinuro niya 'yung sa baba.

Nanlaki mata ko nang makita ko'ng hindi gumagalaw ang mga tao sa baba. 'Yung merry go around na umiikot din ay nakahinto. 'Yung nag-ooperate nitong ferris wheel nakanganga kasi may kausap siya. Napatingala ako at pati 'yung mga ibon na grupong lumilipad, parang estatwa sa taas.

"Ano'ng... Ano-ng nangyayari?" Kunot kong tanong.

"Para mas ma-enjoy natin dito sa taas." Sabi niya tapos lumapit sa akin ng dahan-dahan.

Hala?! OMG! Baka plano niya 'to! Gagawin niya na ba akong hapunan? Sinadya niyang patigilin ang mundo para masolo niya ako at inumin ang dugo ko. WAAAAH~

"Did i tell you na nakakabasa ako ng iniisip ng tao?" He smirked.

"H-ha? E-edric... Haha. A-ano ba--" Nauutal na ako sa sobrang kaba dahil isang dangkal na lang ang layo niya sa akin.

"Hindi ko gusto ang iniisip mo tungkol sa akin." Hindi nawawala 'yung nakakabighani niyang ngisi sa labi. Huhuhu. Help me! "And i think you should be punished." My eyes widened. He grip my waist at inilapit sa kanya. Ang lapit ng mukha ko sakanya.

"E-edric..."

"You only have 2 choices to choose for your punishment." He grinned. Napalunok ako ng malalim.

"A-ano yun?" Namamalat kong tanong. Wow Kyla ah! Gagawin ka na ngang hapunan nagawa mo pang magtanong.

"Be my girlfriend, or leave the Carriage."

____________________________________________________________

A.N: Hahaha. Ang sabaw ng update ko ngayon. Tinatamad talaga ko eh. Ang init kasi plus stress sa buhay. Pigang piga na nga utak ko kung ano ia-update ko eh. Tapos lagi pang masakit ulo ko kasama ang mata. Magsasalaming na ata ako. :((

May napapansin ba kayo sa story? Kasi ako meron.

May ni-post akong Overview ng aking Next story entitled 'Feng Shui Awakening' Nasa external link po siya. Pa-click na lang

PS: Next update will be the POV of Queen Ingrid. Short lang naman. kekeke~

Shoutout to Miss Erika Ramos Dacanay, salamat  sa supporta and don't call me Ma'am, Ate Thy na lang :)). HAHA

XOXO

 

-Thyriza

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top