Chapter 30 - Restless Worries

Chapter 30 - Restless Worries

Kier's POV

"Hijo, pumunta siya. Gaya ng sinabi mo, sabi ko wala ka." Sabi sa akin ni Manang Wenna. Saka umalis.

Masakit man sa akin na layuan si Avia pero kailangan. Sa araw-araw ko siyang makikita, mas lalo akong mahuhulog sakanya. At hindi 'yun maganda para sa akin.

Bawal sa akin maging malungkot. Pero bawal din sa akin maging masaya. At kapag kasama ko si Avia, nagiging sobra-sobra ang kasiyahang nararamdaman ko na pakiramdam ko ikakamatay ko na.

Bumalik si Manang Wenna na may dalang tray. Mga gamot ko na halos isumpa ko sa tuwing makikita ko. Umupo ako sa pagkakahiga at ibinaba ko ang comforter na nakabalot sa katawan ko.

"Oh eto na Hijo gamot mo. Bakit ba kasi ayaw mong magpa-admit sa hospital? Napapadalas ata 'yang sakit mo sa puso ah." Naiiling na sabi ni Manang saka inilapag ang tray sa bedside table.

"Ok lang po ako, Manang. Natural lang 'to." Sabi ko sakanyang nakangiti.

Ganito ang buhay ko kapag gabi. Ganito ako kapag hindi ako nakikita ni Avia. Gamot ang buhay ko. Hindi pwedeng hindi ako makainom ng aking gamot at manghihina ako.

Nainom ko na lahat ng gamot ko nang makatanggap ako ng isang text galing sa unknown number.

From: xxx

H'wag kang pa-importante! Kailangan ka ni Avia!

Napakunot ako ng noo. Sino naman 'tong nagtext? Hindi kaya may masamang nangyari kay Avia? Kaya ba hindi siya nagparamdam sa akin ng tatlong araw?

Nagreply ako at tinanong ko kung sino siya. Nanlalamig ang kamay ko habang nagtitipa ng message. Kinakabahan ako eh. Alam kong hindi ako pwedeng mag-alala lalo na kung involve ang feelings ko dahil baka mas lalong umiksi ang buhay ko.

Naghintay ako pero wala ng reply. Nakakaasar naman! Tinawagan ko 'yung number ni Avia pero unattended na. Walang silbi kung magtetext pa ako.

Nagulo ko tuloy buhok ko s frustation. Why do i have to live like a weak person? 

***

Wynner's POV

Panay ang iyak ni Avia habang tulog. Sa iyak niya binabanggit niya palagi pangalan ni Kier. Masokista mang masabi pero wala akong pakialam kung iba ang gusto niyang makasama ngayon. Ang importante ako ang kasama niya. Kasi, mahal ko siya.

Kailan ba dadating na ako, Avia? Kailan dadating ang panahon na ako lang ang hahanapin mo. That me Wynner, who stick by your side.

Bata pa lang kami inaasar ko na siya kasi interesado na ako sakanya. Hindi ko naman siya pagtutuunan ng pansin kung hindi ko siya gusto. Akala ko kasi mapapansin niya ako kapag ginawa ko 'yun. Mali pala ako kasi mas lalo siyang lumayo sa akin. Pero syempre, hindi ako sumuko. Nandyan ako lagi sa tabi niya. 

Nakakatawang isipin na naniwala ako sa love story nila mommy at daddy. The more you hate the more you love ang peg nila nun. Dapat pala hindi ko ginaya ko si daddy. Siguro sinwerte lang siya kay Mommy. Siguro kasi yun ang kailangan ni Mommy ang makahanap ng katapan niya.

Bakit, kung naging mabait ba ako sakanya magugustuhan niya ako? Mamahalin niya ako?

Gaya ng dati, hinaplos ko ang noo niya habang natutulog. Nagiging paborito ko ata ang ganitong scenario ah-- nakahiga siya habang ako walang sawang tinitignan ang mukha niya.

"Why are you staring at me?" Nagulat ako ng magsalita siyang nakapikit.

"A--"

"Aish! H'wag ka ng magdeny dyan! Huli ka na eh!" Minulat niya mata niya at tinignan ako ng nagtataka.

"Ikaw Avia ah! Nagiging assuming ka na!" Kunwaring inis kong sabi.

"Siguro nga." Biglang nalungkot ang mukha niya.

"U-uyy! Joke ko lang yun Avia ah!" 

"Ok lang. Matamlay niyang sagot. Tumayo siya at sinuot ang bunny slippers niya.

"Saan ka pupunta?" Tanong ko.

"Sa baba. Nakakabagot dito." Sagot niya at derederetsong lumabas. Napailing na lang ako.

Kahit ginawan ko na siya ng surpresa, nararamdaman ko pa din na hindi siya masaya.

***

Lorelei's POV

Gusto kong magwala. Gusto kong magmura. Hanggang ngayon hindi pa gumigising si Tito. Natatakot na ako. Kung pwede ko lang siyang alugin para magising na eh. Hindi ko kayang nakikitang nakaratay siya at walang malay. Hindi ako sanay na makitang mahina si Tito. Malakas siya eh. Alam ko yun at alam kong hindi niya ako iiwan.

"Mahal ko, magpahinga ka na." Sabi sa akin ni Aric. I almost forgot na kasama ko pala siya.

"A-ayaw ko. H-hihintayin kong magising si Tito." Matigas kong sabi.

Sa isang buong araw ata isang beses lang akong nakakain at sandwich pa yun na hindi ko naubos. Lahat ng pagkain na dinadala sa akin ni Aric hindi ko pinapansin.

"Pero ikaw naman niyang magkakasakit." Sabi niya. Hindi ko siya pinansin at nakaharap lang kay Tito. Kaya ko ang sarili ko. Kakain ako kung gusto ko. Hindi lang ngayon.

Parang magsasariling magsasara ang talukap ng mata ko kaya napagdesisyunan kong matulog sa maliit na higaan sa gilid ni Tito. Umunan ako sa lap ni Aric.

Kahit tulog na ako hindi pa rin ako mapalagay. Parang bukas pa din ang diwa ko kahit tulog ako. Naririnig ko pa din kapag bumubukas ang pinto. Naririnig ko pa din ang mahinang tunog ng TV sa kwarto.

Nagising ako ng maramdaman kong pinupulikat ang kaliwa kong braso. Bumangon ako at tinulungan ako ni Aric.

"Nagugutom ako." Sabi ko sakanya. Tatayo sana siya ng pigilan ko siya. "Ikaw na lang dito. Baka hindi ko gusto ang orderin mo eh." Pinilit kong ngumiti sakanya.

"Sige-sige. Dito lang ako, Mahal ko." Nakangiti niyang sabi.

Nagmadali akong lumabas ng kwarto saka bumaba at pumunta sa canteen ng hospital. Pagdating ko sa canteen, agad akong natakam sa nakita kong pagkain na nakadisplay. Parang doon ko lang naramdam ang gutom ko. Wala munang diet diet ngayon. 

Marami akong in-order na food. Dito na lang muna ako kakain. Kaya naman siguro ni Aric dun.

Gaano ko man gustong namnamin ang bawat subo ko sa pagkain pero kailanga kon bilisan para makabalik agad ako sa taas. Uminom lang ako ng tubig saka bumili ng junk foods para mamaya may makain ulit ako at para hindi na ako bumaba pa.

Sa escalator ako sumakay kasi marami ang sa elevator. Mas madali sana dun kasi pagliko mo yung kwarto na ni Tito. Hindi kagaya dito sa escalator na tatlong nurse station pa ang madadaanan mo bago ka makarating.

Malapit na ako sa kwarto nang makita kong may pumasok na mga nurse sa loob at may dalang aparatus. Teka-- A-anong nangyayari?

Dali-dali akong tumakbo papasok. Nabagsak ko ang dala kong plastik bag nang makita ko kung ano ang nangyayari sa loob.

"Miss bawal po kayong--"

"SHUT UP! PAPASUKIN MO KO!" Tinignan ko si Aric na pilit din'g pinapalabas ng mga nurse pero masyado siyang malakas kaya hindi nila magawa.

"ARIC! ANO'NG NANGYAYARI?!!"

"Lorelei--"

"Sir, Ma'am. Labas na po muna kayo--"

"TITO KO 'YAN EH! ANO'NG NANGYAYARI SAKANYA?!" Halos naghehysterical na ako sa loob. Lumapit sa akin si Aric at niyakap ako.

"Sshhh. He'll be ok, Mahal ko. H'wag kang mag-alala."

Umiiyak ako pero feeling ko wala namang lumalabas na luha. Napahawak na lang ako bigla sa dibdib ko. Pakiramdam ko nagkakaroon ako ng panic attack.

"Titooo~" I cried. Nakikita kong nirerevive siya pero sumama lang katawan niya sa Defibrillator na parang manika na sobrang gaan. Naramdam ko nanaman ang sakit. H;wag please. H'wag niyo po siyang kukunin sa akin. Nakikiusap ako. Hindi ko kayang mawala si Tito. Hindi ko na kakayanin. Ikakamatay ko na.

Napayakap ako ng mahigpit kay Aric when i heard the doctor announce the time of Tito's death. Lumapit sa akin ang doctor and as if on cue, naramdaman kong parang nanigas katawan ko at nag black out paningin ko.

***

"Tito eto pa po oh." Nilagyan ko ng napakaraming pagkain ni Tito Kent sa plato niya. Alam kong gutom siya dahil matagal din siyang nakaratay sa higaan. Tumingin lang siya sa akin at nginitian ako.

"You don't have to do this, Lorelei." He beamed at me.

"Malaki na po ako. Kaya ako naman na ang mag-aalaga sayo. H'wag magrereklamo Tito ah." Sabi kong nakanguso. Tumawa naman si Tito. Ang sarap sa pakiramdam ng tawa niya. Parang masaya siya eh.

"Lorelei, alagaan mo sarili mo ah. Ayaw kong nagpapagutom ka."

"Si Tito talaga. Kung makapagsalita parang mawawala." Natatawa kong sabi. Natahimik naman siya.

Dahan-dahan akong napatingin sa kanya. "T-tito..."

"H'wag mong kakalimutan na mahal na mahal ka ni Tito ah." Nakangiti siya ng makahulugan.

Nakita kong unti-unting nagiging transparent ang katawan niya. Pinipilit kong abutin siya pero parang ang layo naman niya. Gusto kong umiyak o sumigaw pero parang wala ng boses na lumalabas. 

H'wag! Please, h'wag!

"NOOOOO!" Napabangon ako bigla. Naramdaman ko ang bigat ng puso ko. Agad kong ginala ang tingin ko. Nasaan ako? Para siyang makalumang kwarto.

Kinapa ko leeg ko at may suot akong isang kwintas. Teka, ito yung kwintas na suot ko nung pumasok ako sa Vampire City.

Napatingin ako sa pintuan na dahan-dahan na bumukas. Nayakap ko ang sarili ko nang maramdaman ko ang lamig na pumasok sa kwarto ko. Nakita kong pumasok si Queen Ingrid sa kwarto. Nakangiti siya at may dalang tray na may pagkain.

"Kumusta na ang pakiramdam mo, Lorelei?" Nakangiti niyang tanong. Inayos ko upo ko at nagbigay pugay sakanya. "Ano ka ba! Ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi mo na dapat 'yan ginagawa?"

"P-pasensya na po." Nakayuko kong sabi.

"Hayaan mo na. Heto at kumain ka muna. Ako ang naghanda niyan."

"Bakit po ba ako nandito?" Tanong ko. Nag-bago naman yung expression ng mukha niya.

"Limang araw ka ng walang malay. Kapag gigising ka, nagwawala ka kaya binigyan ka ng tranquilizer." Sabi niya.

Napahawak naman ako sa ulo ko. Wala akong maalala na may ganung nangyari. Ang alam ko lang nung umiiyak ako kasi si Tito Kent ay-- 

"S-si... Si Tito Kent? N-nasaan siya? Nasaan ang Tito Kent ko?"

"Lorelei, relax. Your Tito is ok."

"Talaga po? Na-revive siya?" Queen Ingrid just beamed at me at hinawakan ako sa kamay.

"Come with me."

Lumabas kaming kwarto at sabay na naglalakad sa mahabang pasilyo ng kaharian. Nakita ko ang mga malalaking paintings na nakasabit sa wall. Mga iba't ibang portrait ng mga dating namuno sa City nila. Sa baba ng paintings may label ng name at  year of reign. Sa dulo naman, may bakanteng space na nakalagay ang pangalan ni Aric.

Napabuntong hininga na lang ako. Mataas ang expectation nila kay Aric at kailangan ang mapangasawa nito ay isa din'g makapangyarihang nilalang. At hindi ako 'yun. Masakit man na isipin, na walang certainty na maging kami, i still dreamt of us. Like a normal family na sabay-sabay kumain. But i chose this. I had choosed the path that made my life, not so ordinary.

The giant two door opened at napunta kami sa napakalawak na silid.

I was shocked to see my Tito Kent lying in a table like tablet. He's wearing red cloak. Maputla siya na animo'y hindi nabibilad ng init. Bumaling ako kay Queen Ingrid na nakangiti sa akin. I fowned at her.

"A-ano 'to?" Naguguluhan kong tanong.

"Your Tito Kent died 5 days ago." Magsasalita sana ulit ako pero naunahan ako ni Queen Ingrid. "Nabalitaan kong hiniling mo kay Aric na gawing vampira ang Tito mo." Napanganga lang ako sa sinabi ng Reyna. Hindi ko akalain na tutupadin ni Aric 'yung hiling ko.

"Pero bakit po wala pa siyang malay?"

"Matagal pa bago siya gumising."

"Can he live like he used to? May business po kasi kami at--"

"Yes. Pwede siyang tumira sa mundo niyo." Nakangiting sabi ng Reyna.

Nilapitan ko si Tito at hinaplos ko ang malamig niyang balat. Ano na lang pala gagawin ko kung wala ang pamilya ni Aric? Sana lang matanggap ni Tito ang nangyari sakanya.

"Tara na Lorelei sa labas. Nasa bulwagan si Aric." Sumunod ako kay Queen Ingrid. Pagdating namin sa baba, nakita ko si Aric kausap ang daddy niya. Ang lawak ng ngiti niya na animo'y nanalo sa lotto.

"Mahal ko." Masaya niyang tawag sa akin.Lumapit ako sakanya at hinawakan niya dalawa kong kamay.

"Salamat sa ginawa mo ah. You don't know how much it means to me seeing my Tito alive." I sincerely said to him.

"Wala 'yun." Nakangiti niyang sabi. Nagkatinginan lang kami sa isa't-isa habang nakangiti. Simula nung may nangyari sa amin, parang nagkaroon kami ng connection. Alam niyo yun? Yun bang, tingin pa lang namin sa isa't-isa alam na agad. Ngiti pa lang alam ng may ibig sabihin.

"Ehem! Sabihin mo na kay Lorelei ang magandang balita, Aric." Sabi ni King Hansel. Napaiwas tuloy ako ng tingin. Nahihiya ako eh. Nakita ko namang napakamot ng batok si Aric.

"He.he.he. Oo nga pala." Sabi niya. 

"Tara na, Mahal na Reyna. Mag-uusap ang Prinsepe at ang Prinsesa niya." Makahulugang sabi ni King Hansel. I heard Queen Ingrid giggles. Errr, nakakahiya talaga.

"Bakit namumula ka?" Tanong ni Aric nung makaalis ang Mama at Papa niya.

"W-wala! Ano ba 'yung magandang balita na sasabihin mo?" Pag-iiba ko ng usapan.

"Ah Oo. Eh kasi, diba nga nahuli na namin si Trever." Nag-iba yung pakiramdam ko nung marinig ko ang pangalan niya. Bigla akong nainis na ewan.

"Wala akong pakialam sakanya, Aric!" Mariin kong sabi.

"I know that. It's just that, because of that, Nakakuha kami ng dugo niya kaya pwede ka ng mahiwalay sakanya. Anytime soon hindi ka na magiging asawa niya." Nakangiti niyang sabi. Para naman akong nakahinga ng maluwang. 

"That's a good news." I answered.

"Yeah. Para tayo naman na ang ikasal."

Pang may libo-libong paru-paru na nagliparan sa loob ng tyan ko. My ghad! Iniisip ko pa lang kinikilig na ako. Ang sarap kasing pakinggan eh. 'Yun bang, hindi mo na kailangan ng romantic proposal kapag si Aric 'yung nagsalita. Simpleng 'Will you be my Wife' lang ok na sa akin.

***

Avia's POV

"Hindi ako tatakas, swear!" Sabi ko kay Wynner. Tinignan naman niya ako kung seryoso ko hanggang sa tumango siya.

"H'wag lalabas. Magpapasagip ka nanaman!" He said and smirked. Inirapan ko naman siya. Hindi pa rin naaalis ang pagiging mayabang niya.

"Oo na! Ang kulit eh!"

Iniwan na ako ni Wy sa harap ng bahay. Naglalakad lang ako sa paligid pero hanggang gate lang ako. Hindi daw ako pwedeng lumabas. At parang ayoko din'g suwayin ngayon si Wynner. Wala akong ganang makipagdebate sakanya.

"Bawal ka nga dito!" Rinig kong sabi nung gate. Madilim na kaya hindi ko makita kung sino ang kasaup niya sa may labas ng gate.

"Gusto ko lang makausap si Avia. Sige na po!" Napakunot ako. That voice sounds familiar.

"Prinsesa Avia! 'Yan ang itawag mo sakanya! Walang galang!"

OMG! Si Kier.

Agad akong napatakbo palapit sa gate. Si Kier nga. Nagkatinginan kami pareho at nakita ko ang tipid na ngiti na sumulay sa labi niya.

"Papasukin niyo siya!" Utos ko.

"Sige po, Mahal na Prinsesa." Binuksan yung gate at agad kong sinalubong si Kier ng yakap. Mahigpit na mahigpit a ikinagulat niya. Miss na miss ko siya eh. Halos sampung araw ko na din siyang hindi nakikita eh.

"Avia. I'm sorry! I'm sorry ngayon lang ako nagkalakas ng loob para puntahan ka." Sabi niya habang yakap ako. Kumalas ako sa yakap ko at tinignan siya. I slowly lift my hands at hinaplos ang makinis niyang balat.

"Ok lang. Kumusta ka na?" Tanong ko. Ngiti lang ang sinukli niya sa akin. Napakunot tuloy ako. May iba akong nararamdaman.

Nagulat ako ng bigla siyang namutla at nawalan ng kulay ang mapupula niyang labi.

"K-kier? Ayos ka lang?" Tumango naman siya.

"M-may itatanong l-lang sana a-ako sayo." Hirap niyang sabi.

"T-teka! Pumunta ka dito at masama ang pakiramdam mo? Ano ba Kier!" Again, he smiled at me. Natatakot na ako.

"A-a...A-avia. W-will you M-m...M-marry me?" Nagulat ako sa tanong niya. I saw a tear was about to fall on his cheeks. Parang slow motion sa akin ang lahat. Nakita kong dahan-dahang pumikit ang mga mata niya. Mabuti na lang at mabilis ang reflex ko kaya nasalo ko siya.

"K-kier! OMG! Kier! Wake up! Kier wake up!" Inaalog ko pisngi niya. Natatakot ako. Napatingin ako sa paligid. Gusto kong sumigaw pero parang may bumabara sa lalamunan ko.

Naiyak na lang ako habang yakap ko siyang nakaupo. Hindi! Hindi 'to maari!

"H'wag mo kong iiwan!" Halos anas ko lang na nasabi. "Kier... I love you."

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

A.N: Bakit ba feeling ko uso ang nakaratay sa story na 'to? HAHA. Nakakainis ano? Lahat na lang heartbreaking. Achuchuchu~

Sa gilid si Tito Kent. Ang gwapo niya ano?

PS: Gagawan ko ng Side Story si Tito Kent. Siguro kapag tapos na 'tong Book 2. May naisip na kasi akong ipapartner sakanya eh. Mehehehe. Tapos baka Non-teen fiction/Vampire siya kasi matured na si Tito Kent. 

Follow me: @theRealThyriza

Add me: Thyriza Wattpad

#VCNYOVS

XOXO

-Thyriza

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top