Chapter 3 - Who is he?
Chapter 3 - Who is he?
Nyx's POV
"At bakit mag-isa kang umuwi? Nasaan si Manong Andy?!" sabat agad sa akin ni Uncle. Inaabangan na pala niya ako sa labas ng gate dahil ginabi ako. Nagulat pa siya ng bumaba ako ng taxi.
"Nagtext po kasi siya sa akin na magpapagasolina pero ang tagal niya kaya nauna na po ako." pinilit kong maging casual despite yung nangyari kanina. As much as possible ayaw kong malaman yun ni Uncle dahil baka mas lalo niya akong higpitan.
"Ganun ba? Oh sige na pumasok ka na at papagalitan ko pa yung si Manong Andy."
"Ya! Uncle wag na. Nagpahintay kasi ako sakanya ng matagal sa loob ng school kasi tinatapos ko yung term paper ko. Wag mo ng pagalitan, kawawa naman." sabi ko.
"Hahaha. Joke lang. Ikaw talaga Nyx, you're taking all my words too seriously." Napailing na lang ako. Pumasok ako sa kwarto ko at sakan nagbihis. Lumabas ako sa veranda dahil may inaantay ako. He promised he will come. Nasaan ba siya?
Halos isang oras akong naghintay sa taas hanggang sa tinawag na ako ni Yaya para sa dinner. Disappointed na bumaba ako sa kwarto at tumungong dining table. Tahimik lang ako ng kumain. Oo mag-isa ako dahil si Uncle may kausap na supplier.
Pakatapos kong kumain pumanhik agad akong kwarto. Napabuntong hininga na lang ako ng wala akong makitang Mr. Black Rose. He promised pupunta siya. I waited.
Pinailaw ko ang switch pero bigla itong nag-off ulit. Imposible namang walang kuryente kasi naka on yun lamp sa study table.
"Hi." halos mapatalon ako sa kinatatayuan ko ng marinig ko nanaman ang baritonong boses niya. Kanina pa ba siya dito?
"H-hello." medyo nahihiya ako sakanya. Hindi ako makatingin. Lumakad siya palapit sa akin at naramdaman ko ang lamig na bumabalot sa katawan niya. Gustong gusto kong itanong kung bakit siya malamig. Kung bakit para siyang yelo.
"Please don't be afraid of me." he said.
"I-i am not." i stutter.
"Who are you? How did you you get in here? Why do you keep on giving me black roses? You're so mysterious. Please tell me. I beg you." i heard him chuckle.
"You'll freak out if you'll know me a lot." he said.
"Try me." i said.
"I'm not what you think i am." he look intently through my eyes.
"What are you? A creature? A monster? Are you gonna kill me?"
"I'm more than a monster." napangisi ako.
"Yeah right." lumayo ako sakanya ng konti.
"..stop joking around Mr. Black Rose--"
"Hahahaha" napatingin ako sakanya. Why is he laughing?
"You call me Mr. Black Rose. Good to know you recognize me." he gave me an amuse look.
"Well you didn't tell me your name. What am i suppose to address you?" i asked with full of sarcasm.
"I'm Aric." i stared at him. Aric. Sound like a protector.
"Why do you keep on sending me black roses, Aric?"
"I don't know."
"How old are you?" He looks young. At his age, alangan naman na bata pa siya nagbibigay na siya ng bulaklak sa akin.
"21"
"Liar. Tell me the truth. Because i don't think you are human." i said.
"I am not." kahit alam kong yun ang isasagot niya nabigla pa din ako.
"Then tell me what are you. Wag mo akong papaghulain kung anong klase kang nilalang. Kasi sa umpisa pa lang alam ko ng hindi ka ordinaryong tao." sabi ko na ikinangisi niya.
"You are really are smart, Lorelei." he touches my hair.
"If i'm smart i'd be able to know what kind of person are you."
"I am a--"
*TOK! TOK! TOK!*
Sabay kaming nagkatinginan sa pabukas pabukas na pinto. Niluwa nito si Uncle Kent. Napatingin ako kay Aric pero wala na siya.
"Nyx? Why are the lights out?" tanong niya.
"P-po? Eh kasi ano eh.. Uhh." napakamot na lang ako ng batok. In-on ni Uncle yung ilaw saka tumingin sa akin na nagdududa.
"May tinatago ka ba?" Uncle looked around. Saan kaya siya nagtago? Bakit bigla siyang nawala?
"H-ha? Wala po. Kanina pa ako sa veranda nakatambay eh. Katext ko kasi si Kyla. Hindi ko napansin na naka off yung ilaw kasi maliwanag ang buwan." i crossed my fingers. Sana maniwala siya.
"Is that so?"
"Opo. Bakit po pala kayo nandito?"
"Akala ko kasi tulog ka na. Just want to check on you if you are in bed." Uncle said.
"Maaga pa naman uncle, maya-maya matutulog na ako." he nod tapos lumapit sa pinto.
"Good night." tapos sinara na siya yung pinto. Ni-lock ko naman ito saka sumampa sa kama ko. Nasaan na kaya si Aric? Gusto ko ulit siyang makausap. Sobrang dami ko pang itatanong.
Pinatay ko yung ilaw at in-on naman yung lampshade. Kinuha ko yung libro saka nagbasa. Ito ang pampaantok ko. At pampasira daw ng mata, sabi ni Kyla. She find me wierd reading english novels. Sabi niya pa, hindi daw ako magkakalove life kung panay ang basa ko ng mga english novels kasi ang hahanapin kong standard sa lalaki ay yung gaya sa libro.
"What are you reading?" My eyes widened seeing Aric behind me at nakikibasa sa libro ko. Nakatagilid ako kasi gusto ko mailawan ng lampshade ang book at siya naman nasa likod ko at napakalapit sa akin. Did i gave him permission to lay on my bed?
"Saan ka ba nagtago?! Bakit hind man lang kita naramdaman ng pumanhik sa higaan ko?!" medyo may halong inis sa boses ko. Kasi naman eh!
"Hindi ako nagtago. Dito lang ako. Hindi lang ako sa inyo nagpakita." sabi niya. Pinangilabutan ako.
"Engkanto ka ba?"
"Pffft! HELL NO!"
"Haay. Sige, hindi na ako magtatanong kung anong klase kang nilalang cause i don't think you are human. But please, act normal infront of me. Hindi ako sanay." he just smiled. Medyo maliwanag na ang ilaw sa mukha niya. And to describe him a handsome is not enough. He have this perfect jawline na talagang maaakit ka. His pointed nose at almond eyes na matapang kung tumingin. His lips.. ugh! He has the most kissable lips i've ever seen. Compare to Cris Evans, mas gwapo 'tong si Aric. Idagdag mo pa ang pa iba-ibang kulay ng maa niya pati buhok.
"Done checking me out?" he smirked.
"A-anong-- wag ka ngang feeling!" tinalikuran ko siya saka pinagpatuloy ang pagbabasa.
"Hindi ka pa ba matutulog?" tanong niya.
"Hindi pa ako inaantok." patamad kong sabi. I am reading pero hindi ko naman maintindihan dahil na kay Aric ang attention ko.
"Dati lagi kong hinihintay ang pagtulog mo para mapagmasdan ka." sabi niya. This time hinarap ko na siya.
"What?" i whispered.
"Matagal na kitang pinagmamasdan. Hindi mo ako napapansin pero nandito lang ako sa paligid mo." hindi ako makaaimik.
"Nakakatakot ka. Alam mo yun?" umupo ako saka sinandal yung likod ko sa headboard ng kama.
"Sabi nga ng kapatid ko, baka daw magfreak out ka kapag nalaman mo kung anong klaseng nilalang ako."
"So hindi ka engkanto?"
"No."
"Are you a witch?"
"No."
"Hmm. Vampire? Hahaha." hinintay ko ang sagot niya pero wala. Isa.. dalawa.. tatlo..
"OH MY GHAD!" I shrieked.
"I am not going to suck your blood if that's what you think." he said. Tumayo ako saka lumayo sakanya.
"Kahit na! Gosh! You're a freaking vampire! Oh my gosh! Oh my gosh! Is this some kind of a joke?!" i said like hyperventillating. Hindi pa din ako makapaniwala.
"Kung masama akong vampire eh di sana noon pa biniktima na kita. Hindi na sana ako nagpakilala sayo." lumapit siya saka naman ako lumayo. I step back. He step forward. Yun ang ginagawa namin hanggang sa macorner niya ako sa pader.
"Stay there! W-wag kang lalapit kundi.. kundi sisigaw ako!" pananakot ko sakanya pero hindi naman siya natinag.
"Please don't be afraid of me." lumapit pa din siya. Wala akong makapa na pwedeng panlaban sakanya. At kung meron man, matatalo din naman ako. Duh?! He's a vampire!
"Are you insane?! Sinong hindi matatakot sayo? Vampira ka! Vampira! Gaya kayo ng mga lamok na sumisipsip ng dugo!" natawa siya ng kaunti sa sinabi ko.
"But i don't have wings." he shrug.
"Even though." lumapit pa din siya sa akin. Closer hanggang sa isag dipa na lang ang alayo ng mukha niya sa akin. Dahan-dahan niyang linapit ang mukha niya sa akin. I thought he's going to kiss me pero dumeretso siya sa leeg ko.
"AAHH~" Napatigil ako ng inamoy niya leeg ko saka niyakap ng mahigpit. What is he doing?
"I've been dreaming to hug yoy like this my entire life. And now, here i am hugging you. And it feel so good." he said in a husky voice.
I involuntarily encircled my arms to his neck. He's right. It feel so good.
"Aric.."
"Hmm?"
"N-nothing." ayaw kong magsalita pa. I don't want to let go from his hug. I wanna stay like this.. forever. To my disappointed, he let go of me. Tinignan niya ako at hinaplos ang pisngi ko.
May kung anong salita siyang binulong na hindi ko naintindihan.
"What did you say?"
"Wala. Sabi ko matulog ka na. Dito lang ako babantayan kiya."
"Hindi pa naman ako--" sasabihin ko sanang hindi pa ako antok pero traydor ang aking bibig at bigla na lang itong bumuka at humikab.
"That's what i though." he chuckled. Giniya niya ako pahiga sa kama. Kinumutan niya ako saka inayos ang unan ko sa buhok ko.
"Makikita pa ba kita pag-gising ko?" i asked in a sleepy voice.
"You will." yun ang huli kong narinig bago tuluyang kainin ako ng antok.
Nagising ako ng maaga and to my disappointment, wala si Aric. Wala siya sa tabi ko. Ginala ko ang tingin ko pero wala siya. Kahit inaantok pa ako, bumangon ako dahil 8 ang first subject. I quickly took a shower at agad nagbihis. Pagbaba ko sa dining room, nagulat si Yaya na makita akong nakabihis.
"Young Lady, bakit ka nakauniform?" tanong niya. Napaisip naman ako.
"May pasok akong alas otso." kumuha ako ng sandwich at pinalamanan ng peanut butter.
"Diba po sabado ngayon?" nahulog ko ang kutsara saka napanganga.
"Kyaaaah! Oo nga pala! Wala akong pasok! Eeee!" halos gusto kong maglupasay sa kusina. Natatawa lang si Yaya sa akin.
"WAG KA NGANG TUMAWA, YA! Nakakaasar naman!" iniwan ko yung sandwich saka bumalik sa kwarto. Kasalanan 'to ng Aric na yun! Excited kasi akong gumising kaya ganito! Argh! Nakaainis talaga!
Nagbihis lang ako ng jeans at tank top saka kinuha ang handbag ko. Pagbaba ko, nakita ko si Yaya na may dalang tray ng breakfast.
"Aalis ka?"
"Ay hindi, Ya! Matutulog ulit!" pasuplada kong sagot. Napailing na lang siya.
"Hindi ka na ba mag-aagahan?"
"Hindi na po. Sa mall na lang." sabi ko saka siya tinalikuran.
"Hahanapin ka ng Senior!" pahabol ni Yaya.
"Tell him i'm out." kinuha ko na yung susi ng kotse saka lumabas.
***
Aric's POV
"Where have you been?" Agad na salubong sa akin ng aking ama. Si King Hansel.
"Lumabas po ng portal, dad." You know what? It felt wierd seeing your dad almost look like your age. Hindi kami tumatanda. Though elders na ang tawag kela daddy, they still looked young.
"Haay. Magagalit ang mommy kapag nalaman niyang lumabas ka ng portal." sabi niya sa akin. Masyado kasing strict ang mommy ko pagdating sa paglabas-labas sa portal.
"Lumabas ka nanaman Aric sa portal?" Tss. Sabi ko nga matalas ang pandinig niya.
"Masama ba mommy lumabas ng portal? Gusto ko lang ng bagong atmosphere." Sabi ko saka ko sila timalikuran.
"Aric! Come back here!" hindi ko na sila pinansin.
"Ano na ang gagawin ko sa anak natin, Hans?" i heard Mom said.
"Hayaan mo na. Ganyan din naman tayo noon." sabi ni daddy. Tuluyan na akong lumabas ng palasyo. Nakita ko si Avia na may kausap pero wala naman siya kasama.
"Avia!" tawag ko sakanya.
"Sige. Just send him the message, ok? Bye." kumaway pa ito sa kausap kahit wala akong nakikita.
"Who are you talking to?" i asked. She giggled.
"Si windy." she said. Minsan mas wierd 'tong kapatid ko. Dahil sa kapangyarihan niya pwede niyang makontrol ang hangin, tubig, lupa at apoy.
"..napagalitan ka nila mommy noh?" she said while playing fire on her hands.
"I'm used to it." sagot ko.
"Ipakilala mo ako kay Nyx, kuya ah." she said tapos biglang pinalipad yung apoy sa kamay niya at naging abo.
"Alam na niya kung ano ako." bigla siyang napatingin sa akin.
"Ano? Bakit mo sinabi?" hinila niya ako palayo sa palsyo na parang ayaw niyang may makarinig.
"Nalaman niya. Masyadong matalino si Lorelei."
"Alam mo naman kuya na bawal ang pag-ibig na nararamdamam mo diba? Hindi kayo pwede." I nod. Alam ko naman na hindi kami pwede dahil tao siya.
"Pero hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi siya mahalin." sagot ko.
"Kasi naman kuya eh! Ang daming magagandang vampirette dito! Bakit sa tao ka pa nagkagusto?!"
"Hindi mo ako masisisi. Naramdaman ko na lang yun." umuling na lang siya.
"Aric.. Avia.." napalingon kami sa tumawag sa amin.
"Oh Edric." siya si Edric Calix Veron. Anak siya ni Tita Erina at Tito Cris. Siya ang nag-iisa naming pinsan.
"Kumusta? Galing ka nanaman kay--"
"Shhhh!" saway ni Avia sakanya. Alam din ni Edric ang tungkol dito. Minsan siya ang kasabwat ko sa pagtakas ko sa portal. Matanda kami ng limang taon kay Edric pero parepareho ang turingan namin.
"Tsk! Yan na nga ba sinasabi ko. Dude, walang secretong hindi nabubunyag." naiiling niyang sabi.
"Eh bakit ikaw din naman inlove sa tao ah! Tss!"
"Pero hindi ko siya laging pinupuntahan. Tsaka iba si Kyla sa Lorelei mo. Maraming nakapaligid na lalaki sakanya kaya hindi ko siya malapitan." Tama ang hula niyo. Si Kyla na kaibigan ni Lorelei ang gusto niya. Isang beses ng magpasama akong puntahan si Lorelei, hindi maalis ang paningin niya sa kasama ng mahal ko.
"Ang wiwierd niyo! Basta ako, i swear hindi ako magkakagusto sa tao!" sabi ni Avia. I saw Edric smirked.
"Wag kang magsalita ng patapos. Baka mamaya niyang kainin mo yung sinuka mo. Kadiri yun!" inirapan siya ni Avia.
"Ah basta!" napailing na lang kami ni Edric saka lumayo sakanya.
"U-uy! Saan kayo pupunta?" sigaw niya.
"Kay Wynner! Wala kang kwentang kausap eh!" sigaw ko din.
"Ha? Sasama ako!" hinabol niya kami kaya tumakbo din kami ni Edric.
***
Avia's POV
Nakakainis talaga yung dalawang yun! Iniwan nanaman ako! Tatakas nanaman kasi sila puntang Germany. Nandun kasi si Wynner isa sa mga kababata namin. Matanda yun sa amin ng tatlong taon pero parang kaedad lang namin. Prinsepe siya ng Paxthon Clan sa Germany. Panganay siya nila Tita Maxhene at Tito Denver na hari at reyna na ng Clan nila.
Napanguso ako at naupo sa bench. Ang boring kaya ng buhay prinsesa! Eh kung pumuslit din kaya ako sa portal. Ah! Tama! Maglalakwatsa ako sa mundo ng tao. Hihihi. Great idea. Ang talino ko talaga.
Agad akong tumayo saka kinuha ko ang susi ng kotse ko sa kwarto. Nakakatamad kasing magteleport kaya magddrive na lang ako.
Halos paliparin ko ang kotse sa sobra kong bilis magdrive. Mabilis din akong nakalabas ng portal kaya ginawa kong normal ang speed ko. Nasa isang diversion road ako ng may nakita ako sa hindi kalayuan na isang motor at tila nasiraan ito dahil umuusok siya. Nakita ko yung driver panay ang sipa niya sa motor.
Dahil sa likas na mabait ako, hininto ko ang kotse saka umibis dun para tanungin kung ano ang maitutulong ko.
"Hi, may maitutulong ba ako?" i said so nice. This is the first time na may kakausapin akong tao kaya dapat mabait ako since he look nice naman. Tinignan niya ako baba taas saka ako in-snob. Say what?
"Wag na miss. Baka ako pa ang may maitulong sayo." hindi ko nagustuhan yung sinabi niya kaya napataas ang kilay ko. Ganun pa man, i tried my best para maging nice pa din.
"My tools ako sa kotse. Gusto mo bang hiramin?"
"Wag na! This motor is useless anyway!" tapos tumingin siya sa akin.
"..can you give me a ride?" maangas niyang tanong. Ngayon ko lang nakita ang mukha niya and he look so cute. Masungit tignan pero gwapo siya.
"Sure. Saan ba punta mo? Pwede kita ihatid." pagmamagandang loob ko. Hindi nya ko sinagot bagkus kinuha niya phone niya sa bulsa at nagtext. Tapos tumingin siya sa akin.
"Sa MOA. May kakatagpuin ako." sabi niya. Napatango ako. Saan ba yung MOA? Ahh~ bahala na nga.
________________________
Nagsisilabasan na po isa-isa yung characters. Hindi lang 'to puro kalandian ni Aric at Lorelei. Wahahaha. :D
At the right side si Avia, Edric, and Kyla. :))
XOXO
©Thyriza
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top