Chapter 29 - His Song

Chapter 29 - His Song

May mga nagtatanong kung paano kapag nabuntis si Lorelei. H'wag kayong mag-alala kasi baog siya. Joke! Pero no kiddig aside, lahat naman ng katanungan niyo nasasagot paunti-unti. 

Avia's POV

I felt rejuvenated. Ang sarap sa pakiramdam. Ang gaan-gaan talaga ng pakiramdam ko.

"Wow gising ka na!" Bungad sa akin ni Wynner na nakangiti. Mukhang bagong ligo siya at may dala pang tuwalya na nakasabit sa balikat niya.

"Oo nga eh. Parang ang haba nung pahinga ko. Ang sarap sa pakiramdam." Sabi kong nakangiti sakanya

"Ika ba naman ang halos tatlong araw na tulog." Sabi niya tapos tumawa.

"Tatlong araw?" Gulat kong tanong. "Nasaan si Kuya? Tapos si Edric?"

"Si Aric, wala akong alam. Si Edric nasa hospital kasi binabantayan si Kyla."

"Kumusta si Lorelei?" Tanong ko. Hindi naman ako galit sakanya. Gusto ko ding mapakinggan ang paliwanag niya. Alam ko naman kasing mabuti siyang tao.

"Ang alam ko nakuha siya nung mga pinuno nung Transcendals, which is Trever. You know the guy?"

"Nababanggit siya dati ni Kuya. Karibal siya ni Kuya kay Lorelei."  Sabi ko. May inabot sa aking papel si Wynner. Kinuha ko 'yon at pareho kaming nabigla ng maging abo ito.

"Avia." Gulat na sambit ni Wynner. Pati ako nakatitig sa abo. Ano'ng nangyari?

"Malakas pa din ang kapangyarihan mo." Sabi niya tapos lumapit sa akin. Hinawakan niya kamay ko. At naramdaman ko na lang na parang kumakalma ito.

"S-salamat." Tipid kong sabi. 

"Para saan?"

"Lagi kang nandyan para sa akin. Basta salamat sa lahat. Akala ko inis lang ang nararamdaman ko para sayo. Pwede naman pala tayong maging magkaibigan eh." Nakangiti kong sabi sakanya.

"Kaibigan? Haha. Oo nga. Kaibigan nga. Haha." Hindi ko alam kung pinipilit ni Wynner na tumawa o talagang masaya lang siya kasi tinawag ko siyang kaibigan.

"Saan ka pupunta?" Tanong ko nang makita ko siyang papalabas ng kwarto.

"May gagawin lang ako sa labas. Pahinga ka na lang muna dyan.." Sabi niya. May sasabihin pa sana ako pero tuluyan na siyang nakalabas ng kwarto.

Ang wierd talaga ni Wynner.

Tumayo ako para na din mag-ayos ng sarili. Ang gulo ata ng buhok ko. Nakakahiya naman pala kay Wynner na nakikita ako. Mabuti na lang at wala si Kier kung hindi-- OMG! Si Kier!

Agad akong tumakbo sa dresser ko kinuha yung phone ko. Hindi na ako nagulat na maraming missed calls at text lahat galing kay Kier. Tatlong araw na ang nakalipas simula noong birthday ko at nangako ako sakanyang magpo-post celebrate kami.

Agad kong dinial ang number niya.

Nakatatlong  tawag na ako pero hindi niya sinasagot.

"Ugh! Kier sagutin mo please?"

Apat. Lima. Anim. Pito. Wala pa din. Galit ba siya? Hala! Baka naman may nangyaring masama sakanya? Baka inatake nanaman siya sa puso.

Nagmadali akong maligo at magbihis. Kinuha ko purse ko at phone saka tumakbo pababa. Nakita ko naman si Wynner na may hawak na bola. Napatingin siya sa akin at napakunot.

"Bawal kang lumabas, Avia." Sabi niya.

"Hindi. Si Kier kasi."

"May nangyari nanaman ba sakanya?"

"Hindi kasi siya sumasagot sa tawag ko."

"Pero mahigpit na bilin ng daddy mo na h'wag kang palalabasin."

"B-but--"

"No buts Avia. Hindi ka lalabas ng bahay. Pati, maraming bantay na nakapalibot sa bahay. Kahit gusto kitang samahan, hindi takaga pwede." 

"Kainis naman!" Nakanguso kong sabi.

"Pero may surpresa ko sayo. Tara?" Nakangiti niyang sabi. Sinuri ko naman mukha ni Wy kung nagjojoke lang.

"Surprise? Para saan?"

"Para sana sa birthday mo kaso nakidnap ka kaya hindi natuloy." Kinuha niya kamay ko saka ako giniya pataas sa kwarto niya.

Dahan-dahan niyang pinihit ang seradura ng pinto. Madilim. Naramdam kong bumitaw siya.

"Wait. Wynner wala akong makita." I said.

"Nandito lang ako." Sabi niya. Bigla ko na lang naramdaman na excited ako. Hindi na ako makapaghintay sa surpresa ni Wynner.

"Isa... Dalawa... Tatlo... Tadaa~"

I saw Wynner sitting at the middle of his bed at may hawak na gitara. Ang kwarto niyang napupuno ng floating balloon at may mga picture sa dulo at yung iba mga qoutable qoutes. Wala akong masabi. Ang ganda. At sobrang overwhelmed ang nararamdaman ko. Si Wynner ba talaga 'tong kasama ko?

"Belated happy birthday, Mahal na Prinsesa." Nakangiti niyang sabi. I chuckled. Tumayo siya sa higaan at kunuha ng isang balloon at ibinigay sa akin. He gently tied it's sting on my index finger. "H'wag mong tutunawin ah." He kidded. Giniya niya ako paupo sa kama niya. Halos hindi ko na makita ang ceiling ng kwarto dahil sa iba't-ibang kulay ng lobo.

"This song is for you, Princess. I have a mixtape of all songs that is dedicated for you and this song is my personal favorite. Listen."

♫♪Let me in

To see you in the morning light

To get me on and all along the tears they come♫♪

His eyes were closed. Nakatingin lang ako sakanya. Pangalawang beses na 'tong kinantahan niya ako ah. Hindi ko talaga minsan maintindihan si Wynner. Minsan mabait sa akin. Minsan naman masungit at madalas ang sama ng ugali kapag dating sa akin.

♫♪See all come

I want you to believe in life

But I get the strangest feeling that you've gone away

Will you find out who you are too late to change?♫♪

He winked at me ng mahuli niya akong nakatingin sa kanya. Napailing na lang ako habang natatawa. Isa talaga sa quality niya ay yung kahit nakakainis na siya hindi mo pa din mapipigilang hindi mamangha sa kagwapuhan niya. Hindi kasi nakakaumay ang mukha ni Wynner eh. Bakit kaya wala pa 'tong nagugustuhan?

♫♪I wish I could be 

Every little thing you wanted

All the time

I wish I could be 

Every little thing you wanted

All the time 

Some times♫♪

His expression changed. Parang may pinaparating siyang mensahe sa akin na hindi ko maipaliwanag. Nalungkot yung mukha niya bigla. I'm confused. Nakikisabay pa sa gulo itong dibdib ko na sobrang lakas ng kabog.

♫♪Lift me up 

Just lift me up don't make a sound

And let me hold you up before you hit the Ground♫♪

I smiled at him but he didn't. Napaseryoso naman niya. Wasn't he happy? Kasi ako masaya ako. With all these balloon and harana (?). And i will be a hypocrite kung magdedeny ako.

♫♪See all come

You say you're all right

But I get the strangest feeling

That you've gone away - you've gone away

And will you find out who you are too late to change♫♪

Ginuhit ko daliri ko sa labi ko para ngumiti siya. Then there, he smiled. A weak smile. 

♫♪I wish I could be 

Every little thing you wanted

All the time

I wish I could be 

Every little thing you wanted

All the time 

Some times♫♪

Bakit ba parang may kirot ang lyrics? Why are you doing this to me, Wynner? Pinapagulo mo isipan ko.

♫♪Don't give me up

Don't give me up tonight

Or soon nothing will be right at all

Salvation 

Will you find out who you are too late to change?♫♪

Gusto kong murahin ang nararamdaman ko. Hindi pwedeng ganito. Hindi. Mali 'to. I hate him diba? So may possibility na mag-iba tingin ko sakanya?

♫♪ I wish I could be 

Every little thing you wanted...♫♪

Halos mabulong niya lang na kinanta  yung last verse. Nagkahinang lang ang mga mata namin. 

"I wish... I wish it was me, Avia." He said. I frowned with confusion.

Umiling ako sakanya. Hindi. Si Kier mahal ko eh. Siya ang gusto ko. Hindi ko pwedeng lokohin si Kier. 

Tumayo ako at tumakbo palabas ng kwarto niya. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Nadatnan ko na lang sarili ko sa rooftop. I locked the door.

"WYNNER! THE VAMPIRE BOY WHO TOOK MY FIRST KISS! THE VAMPIRE I LOATHE THE MOST! BUT WHY AM I FEELING INDIFFERENT TOWARDS HIM??! THIS IS WRONG! THIS IS ALL WRONG!" I Shouted. 

***

I secretly sneaked outside the house. I need yo see Kier. I need to confirm my feelings. Magulo eh. Feeling ko magkakaroon ako ng migrain.

Pinuntahan ko ang Village nila kung saan niya ako dinala dati. Nadatnan ko ang isang matandang babae na nagwawalis sa harap ng bahay nila.

"Hi po. Nandyan po ba si Kier?" Tanong ko. Tinignan muna ako nung matanda.

"Sino ka?" Mataray niyang tanong. Feeling ko ito si Manang Wenna na sinasabi sa akin noon ni Kier.

"Kaibigan po ako ni Kier. Nandyan po ba siya?" I genuinely asked.

"Wala siya! Nasa mansion! Sino ka ba?"

"Ako po si Avia. Uhh, pakisabi na lang po dumaan ako." Sabi ko sakanya saka tumalikod na.

Galit kaya sa akin si Kier? Bakit ba kasi hindi niya sinasagot mga tawag ko? Haaay. Kier answer my call.

I was staring at my phone and waiting for a miracle na sagutin ni Kier ang tawag ko pero wala. Hanggang sa bumuhos ng malakas ang ulan. Great! Just my luck. Naghanap ako ng masisilungan and i saw a small shed 100 meters away from me kaya tinakbo ko yun.

Napabuga na lang ako ng hangin dahil sa frustation. Ayaw ko naman kasing pumunta basta-basta sa mansion nila. Nakita ko ang mangilan ngilan na tao na tumatakbo din para sumilong. Yung iba kahit nakapayong na naghahanap pa din ng masisilungan.

Napahawak ako bigla sa dibdib ko. Parang kumikirot kasi eh. Ano 'to? May sakit na din ako sa puso gan'un?

Ang ulan ay nahaluan ng kulog at kidlat. Feeling ko nawawalan nanaman ako ng kontrol sa sarili. Parang gustong lumabas ng kapangyarihan ko. Kailangan ko itong pigilan. Makakasakit ako ng tao kung magkataon.

Medyo kinakabahan na din ako kasi hindi ko mahupa ang ulan at kidlat. Sinabayan pa ng kakaisip ko kay Kier. Pati na din si Wynner na nagpapagulo sa akin. Naghahalo-halo na at feeling ko hindi na siya kayang i-contain ng puso ko.

Then i felt it again. The sting i felt kapag hindi ko na nakaya. Nanlabo ang paningin ko at naramdam kong unti-unti akong bumabagsak sa lupa. Hinintay kong maramdam ang pagbagsak ko pero para akong nasalo ng isang malambot na bagay. Bigla kong naramdaman ang comfort at safetiness.

"What will you do without me?" I heard the voice says. I tried to regain my strength but i failed. Nanghihina nanaman ako. I should have listened to Wynner na hindi ko pa kaya ang katawan ko. "I'm here. You're safe now." I heard him say before i passed out.

***

Lorelei's POV

Pauwi na kami ni Aric sa bahay. Naghahalong takot at kaba ang nararamdaman ko ngayon. Sana lang ligtas si Tito Kent. Masyado ata akong naging makasarili at hindi ko naisip ang kaligtasan ni Tito.

"Ano 'yang sa kamay mo Lorelei?" Aric asked me. Hawak ko ang pulang lubid na ginagamit sa akin ni Trever para ma-possess ako.

"E-eto yung ginagamit ni Trever." Sabi ko.

"Ano?! Akin na nga 'yan!" Kukunin sana ni Aric pero inilayo ko 'to.

"Baka kasi... Kasi Aric kapag nagkagipitan ang hingin ni ako ni Trever kapalit ng kaligtasan ni Tito--"

"Hindi yun mangyayari Lorelei! Don't you trust me?!" Ramdam ko ang iritasyon sa boses ni Aric kaya natahimik ako. "Ok, sorry for yelling. Ayaw ko lang na isasakripisyo mo ulit ang sarili mo para sa kaligtasan ng iba. So akin na 'yan. Please?" Nag-aalinlangan na ibinigay ko kay Aric ang lubid.

Hinawakan niya yung lubid at laking gulat ko ng bigla na lang itong naging abo.

"Mas makapangyarihan ako kay Trever, kaya h'wag mo naman sana akong maliitin. Kasi sa ginagawa mo, i felt like a useless vampire prince. Remember that i am the who should protect you. Not you, got that?"  Tumango ako sakanya.

Pagpasok namin sa sub, nagulat ako nang makita kong maraming kotse ng pulis sa labas ng bahay. Agad akong bumaba sa sasakyan at hindi ko na nahintay pa si Aric.

Nakita ko si Yaya na umiiyak at yakap ang isa pa naming katulong. Hindi ko alam pero bigla na lang tumulo ang luha sa mata ko. Hindi. Mali ang akala ko.

"Y-yaya." Halos walang boses na lumabas sa bibig ko. Napalingon sa akin si Yaya at lalong naghagulhol nang makita ako.

"Hija." She cried.

"Y-yaya! A-ano po ang nangyari?! N-nasaan si Tito Kent?" Kabado kong tanong.

"Y-yung asawa mo Nyx, k-kasi kagabi may pumasok ditong mga hindi namin kilala. Nag-aaway yung asawa mo at yung isang grupo ng lalaki. Tapos... tapos bigla na lang nagkagulo..."

"YAYA! SABIHIN MO SA AKIN KUNG NASAAN SI TITO KENT!" Sigaw ko. Hindi ko na ata kaya. Aatekehin na ata ako sa puso dahil sa nararamdaman.

"H-hinostage siya nung asawa mo nung nagkakagulo na sa loob. Hija masamang tao pala ang napangasawa mo."

"YAYA!"

"Si Kent kinuha nung mga medics. May saksak siya sa tagiliran tapos-- Hija saan ka pupunta?"

Hinanap ko agad ang ambulansya at doon ko nakita si Tito na pinapasok sa loob.

"Tito! Tito Kent!" I run towards him at nakita kong napupuno ng dugo ang damit niya. Walang malay.

"Miss bawal ka po dito." Hindi ko pinansin ang lalaki. Napahagulhul na lang ako sa nakita. Lahat ng nakaraan ko, kung paano pinatay ang magulang ko ay biglang nagsidatingan sa utak ko. Para silang sirang plaka ng paulit-ulit sa utak ko.

Napahawak ako sa ulo ko habang naiiling. Hindi 'to maari! Hindi 'to totoo! Isa lamang 'tong panaginip.

Naramdaman ko naman ang pagyakap sa akin ni Aric sa likod. Humarap ako sakanya at mahigpit ko siyang niyakap. Hindi ko magawang lumapit kay Tito Kent ngayon. Natatakot ako.

"Pamilya ka ba niya, Miss?" Tanong nung lalaki. Napatango lang ako sakanya.

"Gusto mo bang sumama? 50-50 ang biktima at--"

"Sasama ako!" Tinignan ko si Aric.

"A-aric. K-kailangan kita ngayon." Pakiusap ko sakanya.

"Hindi kita iiwan. Pero sandali lang. May sasabihin lang ako kela daddy. I'll teleport. Before you know it, nasa tabi mo na ulit ako." He kissed me on my forehead bago umalis. Lumulan ako sa ambulansya at saka ko nakita ulit ang mukha ni Tito Kent. I held his hand and begun to cry... again.

"Please don't leave me, Tito Kent. Ikaw na lang ang pamilya ko. Please."

Gagawin ko ang lahat mabuhay lang si Tito. Ikakamatay ko ata kung iiwan niya pa ako.

***

Aric's POV

"Ano na dad?!"

"We captured Trever at dinala na siya ng Tito Cris at Tito Tom mo sa Vampire City para ikulong. Ang trabaho ko ngayon ay para palabasin sa pulisya na isang ordinaryong krimen lang ang nangyari." Nakita kong nakasuot si dad ng pang pulis na kasuotan.

"Do what you need to do, dad. Lorelei needs me right now."

"Sige, ako na ang bahala dito."

Agad kong hinabol ang ambulansyang sinasakyan ni Lorelei. Nakita kong nasa loob na sila ng compound ng hospital kaya sa loob na ako naghintay. Sinalubong ko si Lorelei na nakasunod sa Tito niya. Inalalayan ko siya hanggang sa makarating kami sa emergency room.

Naupo kami sa waiting area. Nakasubsub lang ang ulo niya sa dibdib ko. Kung kaya ko lang palisin ang sakit na nararamdaman niya ginawa ko na.

"A-aric. Tell me mabubuhay si Tito. Please you have to tell me na mabubuhay siya." She cried.

"He will live. Makikita niya pa ang mga anak natin eh." I tried to cheer her up.

"K-kapag hindi siya nabuhay... C-can you do me a favor?" She asked me. Napatingin ako sakanya.

"Anything."

"Can you make him a vampire?"

.........................................................................................................

HAPPY BIRTHDAY LUHAN! <3

XOXO

-Thyriza

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top