Chapter 28 - Leave or Stay

Chapter 28 - Leave or Stay

Edric's POV

Tatlong araw na at up until now nasa hospital pa din ako nagbabantay kay Kyla. Hindi pa din siya nagigising at nag-aalala na ako. Panay tanong sa akin ng mga doctor kung ano ang totoong nangyari pero hindi ko sakanila masabi ang katotohanan.

Flashback

Nasa gazebo kami ni Kyla dumeretso after nung sayaw. Ipagtatapat ko na sakanya ang lahat. I don't want to hide my self to her. Bahala na kung matakot siya sa akin, ang importante malaman niya ang totoo.

 

 

"Ano ba'ng ginagaw natin dito, Edric? Pasok na lang kaya tayo sa loob? Hindi ko pa nage-greet ang kambal ah." Sabi niya. Tinignan ko naman siya ng mataman. Ang ganda-ganda ni Kyla. Hindi ako magsasawang tignan siya sa mukha.

 

 

"Oh? Bakit ganyan ka makatingin sa akin?" She looked amused. "Baka naman mahal mo na ko niyan ah." Pabiro niyang sabi.

 

 

"Paano kung Oo?" Sabi ko. Napaseryoso naman mukha niya.

 

 

"Anong Oo?" Kunot noo niyang tanong.

 

 

"Paano kung mahal kita? Paano kung  sabihin ko sayong noon pa mahal na kita?" Nakita kong nagulat siya ng bahagya. Hindi siya makaimik at tinignan lang ako. Maybe to see if i was joking.

 

 

"E-edric--"

 

 

"I am not pressuring you. I am not asking for you to--"

 

 

"Mahal din kita." She cut me.

 

 

"Ha?"

 

 

"Ay bingi! Sabi ko mahal din kita." Nakangiti niyang sabi. 

 

 

Halos mapatalon ako sa kinatatayuan ko. Gusto kong tumakbo ng mabilis at sumigaw. Ang sarap sa pakiramdam. Ngayon masasabi ko ng naiintindihan ko na ang nararamdaman ni Aric. Iba pala. Para kang inililipad sa era. Basta iba.

 

 

"Hindi ka ba magsasalita?" Nakangiti niyang tanong. Napakamot ako sa batok ko. Bakit ngayon pa ako dinaga?

 

 

"Uhh... Seryoso ka ba sa sinabi mo?" Napasimangot naman siya at naghalukipkip.

 

 

"Ay hindi! Hindi ako seryoso! Gusto ko lang ipahiya sarili ko sayo!" Sabi niya tapos umirap.

 

 

"Ganun ba?" I heard her hissed. Joke niya lang ba yun?

 

 

"Ang sarap mong batukan alam mo yun? HIndi mo ba alam ang salitang sarcasm?!"

 

 

"So gusto mo ko?" Paninigurado ko.

 

 

"Ah ewan ko sayo!" Sabi niya saka umalis. She is mumbling while walking. Sinundan ko siya at panay pa din ang mumble niya.

 

 

"Mahal kita, Kyla." Sigaw ko. That made her stopped. Lumingon siya sa akin. "Mahal na mahal kita." Pag-uulit ko. She smiled at me.

 

 

"Mahal din kita." Sabi niya. Nilapitan ko siya. Pareho kaming nakatayo sa ilalim ng malaking kahoy.

 

 

"Pero may kailangan kang malaman." Seryoso kong sabi.

 

 

"Ano yun?"

 

 

"Do you believe in vampires?"

 

 

"Pfft~ Seriously? Edric naman eh!" She pouted. Gusto kong kurutin pisngi niya. How cute.

 

 

"I'm asking you. Do you believe they exist?" Naging seryoso yung mukha niya.

 

 

"I think i do. At kung totoo man sila o hindi, ayaw kong makakilala ng isang vampire. Kapag naalala ko nga yung berdeng mata na nakita ko sa kwarto halos ikamatay ko na eh. Vampira pa kaya?"

 

 

"A-ahh. G-ganun ba?" I faked a laugh. Parang umurong ang dila ko. Hindi ko na lang sasabihin sakanya. Mas nakakatakot isipin na lalayuan niya ako.

 

 

"Why are you asking pala? Don't give me this joke na isa kang vampira, because i'm not buying it. You're too nice to become one." Nakangiti niyang sabi.

 

 

"May mga vampira naman kasing mabubuti. Alam mo yun? Sila yung mga tinatawag na vegetarian, very powerful. Yung mga umiinom ng dugo ng tao, sila yung Sanguinarian. Yung mga Damphyrs naman, sila yung isang hybrid ng isang vampire at Human, they're harmless. Blood suckers are those people na ginawang vampire lang through bite, uncontrollable sila. Venomous Vampires are those human na pinainom ng venom ng isang vampire to be a vampire, unlike Blood suckers, they're harmless too. Transcendals, well they are a vampire wannabe that exercise Voodoo to become as powerful as vampires."

 

 

Hindi umimik si Kyla. Hindi ko alam kung ano iniisip niya. 

 

 

"Adik ka! Hahaha. Ang laki mo na nagpapaniwala ka pa sa ganyan!" Hinampas niya braso ko habang natatawa.

 

 

"Pero seryoso ako." I heard her softly laughed.

 

 

"Yeah. Yeah. You got me there. Sige na, vampire ka na. And i'm your damsel and distress that has to be saved from those blood sucking vampires." Natatawa niyang sabi.

 

 

Mukhang hindi ata siya maniniwala sa akin. Oh baka pinipigilan niya ang sarili niyang maniwala. Mas maganda na din sigurong ganito. I don't want her to recognize me as a monster.

 

 

"Mag-lakad lakad na lang tayo. Ililibot kita sa City namin." Kinuha ko kamay niya saka nagsimulang maglakad.

 

 

"Let me guess, this is a vampire City?" Natatawa niyang sabi.

 

 

"Hahaha. Yeah."

 

 

Naglalakad lang kami habang magkahawak ang kamay at walang nagsasalita. I like the silence, it's comforting, not awkward silence, comforting silence.

 

 

"Edric, si Nyx yun ah!" Tinuro niya yung sa labas ng palasyo sa gilid ng fountain.

 

 

My eyes widened when i saw Avia on the ground. Lorelei's crying. Napatingin ako sa kinakausap niya. Bigla na lang na hinawakan niya si Lorelei at nawalan 'to ng malay.

 

 

"HEY! WHO THE HELL ARE YOU?!" Lumingon yung lalaki na nakasuot ng black cloak pero madilim ang mukha niya. Lalapitan ko sana siya ng hawakan ako ng mahigpit ni Kyla.

 

 

"A-ano'ng nangyari sa bestfriend ko?" Natatakot na sambit ni Kyla. Bigla na lang siyang bumitaw sa akin at tumakbo palapit kay Lorelei.

 

 

"Kyla!"

 

 

"Nyx! Nyx wake up!"

 

 

Lalapitan ko sana ang pwesto ni Lorelei at Avia ng maramdaman kong may tumusok sa tagiliran ko. Tinignan ko 'to at nakita kong isang knife dahilan para  mapaluhod ako at nanghihina.

 

 

"OH NO! EDRIC!"

Yun ang huli kong narinig ko sakanya. Siguro takot na takot siya. Wala man lang akong nagawa. Napaka walang kwenta ko naman atang vampira. Naturingan pang may kapangyarihan eh ni hindi man lang naligtas yung taong nagugustuhan.

Napaayos ako ng upo ng may pumasok na Nurse. They checked her vitals saka may kung ano-anong tinurok sakanya saka nagsusulat sa papel. Kawawa naman si Kyla. Siguro nasasaktan siya kahit walang malay.

Paglabas nung nurse, nilipat ko yung upuan sa tabi ng higaan ni Kyla. I hold her warm hand saka yun pinisil.

"Gising ka na, Kyla. Hindi pa tayo tapos sa kwentuhan natin. Hindi ka pa nga naniniwala na vampira talaga ko eh." I played with her fingers. Pinag-isa ko mga daliri namin. Napapangiti lang ako. Ang lambot kasi ng kamay niya. Ang sarap pisil-pisilin.

Natigilan ako sandali ng biglang kumislot ang hinliliit niya. Akala ko guni-guni ko lang pero biglang gumalaw ulit ng dalawang beses.

"Kyla?" Hinaplos ko noo niya. I saw how her eyes slowly opened. Matagal bago niya ako tinignan. I smiled at her, but she frowned.

"E-edric?!" Natatakot niyang sabi.

"Mabuti at gisi--"

"U-umalis ka dito! I-isa kang vampira! H-hindi ka tao! Umalis ka dito!" I can see in her eyes na natatakot talaga siya. Nakita kong may kinakapa siya sa likod niya at paulit-ulit na pinindot.

"K-kyla..."

"Umalis ka! Isa kang halimaw! Masama ka!" I winced with her words. Masakit. Para akong sinaksak ng silver knife sa dibdib ng paulit-ulit. Pero sana nga nasaksak na lang ako. Mas kakayanin ko pa yun. Kesa sa marinig ko ang taong mahal ko na kinamumuhian ako at kinatatakutan.

"Magpapaliwanag ako sayo, Kyla."

"I don't need your explanation! Ayaw ko sa lahi niyo! Dahil sa inyo napahamak ang bestfriend ko! Pinilit siyang gawin ang isang bagay na ayaw niya para iligtas ako sa mga kagaya niyo!" Naguluhan naman ako sa sinabi ni Kyla.

"Ano'ng ibig mong sabihin?"

"Yung Vance, yung sumundo sa amin. Kakampi yun nga sinasabi mong Tanscendal Vampires na akala ko joke lang! Pinilit nila ang bestfriend kong traydurin si Avia para makuha nila! At ang masaklap pa doon, ikakasal siya sa pinuno nila!" Puno ng dalamhati na sabi niya.

"K-kung ganun... Walang alam si Lorelei dito?" Paninigurado ko. Kung ganun, walang dahilan para magalit si Avia kay Lorelei. "At yung Vance na pinagkakatiwalaan nila King Hansel ay, traydor?"

"Wala akong pakialam! Umalis ka na!" Biglang may pumasok na mga nurse sa loob ng kwarto. "Nurse paalisin niyo po siya! i don't want him here!" Naramdaman kong hinawakan ako sa braso nung Nurse para igiya palabas.

"Hindi na kailangan. A-aalis na lang ako." Sabi ko saka malungkot na tumalikod.

Nakayukong naglalakad ako palabas ng hospital. Nakita ko kung gaano siya katakot sa akin. Kung gaano siya galit sa lahi namin. Kahit ayaw kong umalis sa tabi niya, kailangan kasi ayokong dumagdag pa sa trauma niya. Masakit na katakutan ka ng mahal mo. Parang pinipiga ang pagkatao ko.

Dahil ayaw ko pang umuwi sa Vampire City, naupo na lang ako sa isang sa bench. May park kasi sa harap ng hospital na pwedeng pagtambayan.

***

Kyla's POV

 

"Ma'am, ang harsh mo naman po sa boyfriend niyo." Sabi nung nurse na nag-aayos ng dextrose ko kasi dumugo.

"Hindi ko siya boyfriend." Nasabi ko lang. Hindi ko nga alam kung kailangan ko siyang i-consider na boyfriend kasi una, hindi siya tao.

"Ay ganun po? Akala pa naman namin. Lahat po kasi kami kinikilig sa nurse station eh. Hindi po siya umalis sa tabi niyo. At hindi rin po natutulog. Ang sweet nga po eh." Napatingin lang ako dun sa Nurse. Mukhang seryoso at hindi ako binibiro.

Para naman akong nakaramdam ng konsensya. Pinagtabuyan ko siya pero hindi naman yun ang gusto ko. Hindi ko rin alam. Natatakot kasi ko eh. Oo, duwag ako pagdating sa mga supernaturals kaya ako ganito. Hindi ako kagaya ni Nyx na malakas ang loob. Mahal ko si Edric. At masakit din sa akin na ipagtabuyan siya. Natatakot kasi ako sa magiging consequence kapag hinayaan ko ang sarili kong makasama siya.

"Ay Ma'am. Gusto niyo po bang tawagan ko ang family niyo? Wala pong magbabantay sa inyo dito eh." Natigilan naman ako. Si Daddy. Sigurado akong nag-aalala na yun. Ano ang ipapaliwanag ko sakanya kung bakit ako nasa hospital?

"H'wag na. Pwede na naman ata akong ma-discharge?"

"Wala pa po kasi si Doc eh. Mamaya pa po yun babalik."

"Ok na naman pakiramdam ko eh. Sige na." Pakiusap ko.

"Baka po kami ang mapagalitan eh." Sabi niya. Napanguso na lang ako.

"Eh pwede mo ba akong dalhin sa labas? Gusto ko lang lumanghap ng fresh air."

"Ay sige po. Kuha lang ako ng wheelchair." Sabi niya saka lumabas.

***

Edric's POV

 

"Sige, iwan mo muna kami." Napalingon ako sa nagsalita.

"Babalikan ko na lang po kayo after 30 minutes." Sabi nung nurse saka umalis. Napatayo agad ako ng makita ko si Kyla na nakaupo sa wheelchair.

"Kyla--"

"Edric, can we talk?" Tumango agad ako. Baka kasi magbago pa isip niya. Pumunta ako sa likod niya at ako ang nagtulak ng wheelchair niya. Sa gilid kami ng park naglalakad habang tinutulak ko siya. May mga pasyente din na namamasyal kasama ang nurse nila.

"S-so... Lahat ng sinabi mo sa akin noon about sa Vampira ay totoo?" She started.

"Y-yes." Nakita kong tumango siya.

"What category are you in?" She asked.

"The nice one." I tried to make our conversation light. Pero mukhang hindi siya natutuwa o ano man. Nararamdaman ko pa din ang malamig na pakikitungo niya

"Bakit hindi mo agad sinabi sa akin?"

"Natatakot kasi ko. I tried telling you pero mas pinipili kong manahimik. Believe me, hindi ko gustong magsinungaling sayo. Alam ko kasi na takot ka sa mga tulad namin kaya hindi ko na lang sinabi sayo. Expected ko ng mangyayari 'to. Hindi ko lang napaghandaan na ngayon na pala yun. Too soon." I tell she didn't respond.

Matagal na katahimikan ang namagitan sa amin. Nakarating kami sa lilim ng malaking puno at hindi pa din siya umiimik. Pinagmamasdan niya lang ang mga tao.

"What if i told you to stay away from me. H'wag mo na akong kikitain, susundin mo ba?" She suddenly asked.

"Matigas ang ulo ko, Kyla. Sabi ng Mommy ko, i am a pain the ass kasi pasaway akong anak. Pero kung sasabihin mong layuan kita, gagawin ko yun kung yun ang gusto mo. Kahit masakit at mahirap, i'll still do it. Kasi mas pipiliin ko yung ikakabuti mo. Kesa sa ikakasaya ko." Pumunta ako sa harap niya at lumuhod. "Pero kung sasabihin mo sa akin na h'wag kitang iiwan." I trail off and held her hand. "It will be a promise of forever. Habangbuhay akong nasa tabi mo. At kahit dumating ang araw na ipagtabuyan mo ulit ako, wala ka nang magagawa kasi matigas talaga ulo ko. Sayo lang ako." I saw her flinched at halatang tinatago ang ngiti sa labi.

"K-kung ganun, maghanda ka." Seryoso niyang sabi.

"Para saan?" Takang sabi ko.

"Kasi kailangan mong tiisin ang kakulitan ko at pagiging moody ko, habangbuhay." Her words slowly process on my mind hanggang sa. "Ayokong lumayo ka sa akin. Hindi ko na lang iisipin na isa kang Vampira. Natagalan mo ngang magpanggap sa harap ko, siguro naman pwede mo ulit yun gawin."

Para namang sasabog ang nararamdaman ko. Gusto ko siyang yakapin but i wanted to make things slow and... normal. Ayaw ko siyang biglain.

"Salamat, Kyla. Maraming salamat." I tell her. She beamed at me and gently squeez my hands.

***

Lorelei's POV

Magkayakap kaming nakaupo sa backseat ng kotse ni Aric. Hindi ko alintana ang lamig, basta kasama ko siya. Nababaliw na nga ata ako. Pero mas mababaliw naman ako kung hindi siya ang makakasama ko. Tanga na kung tanga dahil binigay ko sakanya ang virginity ko. Pero wala eh, mahal ko kasi. At kapag mahal mo, handa kang ibigay yun.

"Ano iniisip mo?" Tanong niya bigla habang hinahaplos ang buhok ko. I looked up to him.

"Marami." Simple kong sagot.

"Hmmm." He hummed. "Paano ang Tito Kent mo? Iiwan mo ba siya?" Natigilan ako sa tanong niya.

"S-si Tito Kent. K-kasama niya si Trever." Natatakot kong sambit.

"Sshhh. Hindi gagalawin ni Trever ang Tito Kent mo." Napaayos ako ng upo.

"P-paano mo nasabi?" I asked. Silently praying na sana nga tama siya.

"The moment we left your sub, i already texted my family to arrest Trever. Hindi ko naman hahayaan na iligtas ka pero yung taong nagpalaki sayo mapapahamak." He said beaming. Halos mapaibabaw ako kay Aric ng bigla ko siyang yakapin. Para akong nabunutan ng malaking tinik sa lalamunan.

"Oh sheez! What to say?" Sobrang saya kong sabi sakanya.

"How about kiss me first then thank me afterwards." He playfully said. I grinned at him then immediately kiss him. Kisses that i can't never get enough.

"Thank you so much, Aric." I said between our kisses. I heard him chuckled.

"Come on. I'll drive you home." He said. Akma siyang lalabas pero pinigilan ko siya.

"Am i still his wife?" I asked referring to Trever.

"Kagaya niyong mga tao, uso din ang separation sa amin. Different process, but we call it annulment." Tumango naman ako.

"Mabuti naman. Ayokong makasuhan ng adultery." I kidded. Hinawakan niya pisngi ko at hinaplos.

"Everything will be back to normal, Lorelei. I promise you that."

---------------------------------------------------------------------------------

AN: If you think this is their happy ending, well think again. Because everything in this story has an unexpected twist. *wink*

PS: Kyla nd Edric at the right side :))

XOXO

-Thyriza

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top