Chapter 24 - Party or Tragedy
Chapter 24 - Party or Tragedy
I cannot contain my feelings right now. Masyado kasi akong excited sa birthday ni Aric at Avia. Siguro kasi first time niyang magbirthday na kasama ako.
Natapos ko na din yung regalo ko para kay Aric. I make a small note at nilagay ko sa loob at may mga lumang coin at strings din ako nilagat. Yung susi niya nasa labas ng bottle kaya tumutunog siya kapag tumatama sa isa't-isa. Nilagay ko siya sa brown pouch bag at nilagay ko muna sa loob ng wood box na nakapatong sa book shelves.
Nagbabad din ako kanina sa bath tub para marelax ang sarili. Sabi nga ni Tito masyado daw akong halata na excited. Kahapon pag-gising ko wala na si Aric sa tabi ko. Pero may iniwan siyang kwintas, may note din sa gilid ng bed side table ko na amulet daw yun para makapasok kami sa Vampire City. May susundo daw sa amin ni Kyla.
Actually, hating gabi ang party pero sabi ni Aric kailangan ko daw magbiyahe tatlong oras bago ang dumating ang hating gabi kasi malayo ang Vampire City. Inaalala ko nga si Kyla eh. Paano kung malaman niya? Baka magalit siya.. or worst, matakot.
Naglagay ako ng cutix sa paa ko ng makarecieve ako ng text kay Kyla. Siya na lang daw pupunta sa bahay. at syempre, hindi nawala ang sabi niyang excited siya.
Alas singko y media ng dumating ang make up artist na magme-make up sa amin ni Kyla. Natawa pa nga ako nung magkasabay silang dumating ni Kyla, yun pala kasi sunundo niya.
Yung buhok ni Kyla ay kinulot na parang si goldilocks. Ako naman ay naka-up do pero may mga strand ng hair na nakalugay at kinulot din. Pareho kaming pula ang lipstik ni Kyla. Yu daw kasi ang kulay na dapat para magmukhang victorian.
Nang isuot ko ang damit ko, halos mapaupo ako. Mabigat talaga. Hindi pa ako makahinga kasi sobrang higpit ng corset.
Nakita kong nagsusuot ng kwintas si Kyla kaya naalala ko ang amulet na binigay ni Aric.
"Kyla, kasi hindi yan ang dapat mong suotin na kwintas." Sabi ko sakanya.
"Ha? Eh eto ang bagay dito eh. Tsaka hindi ako bumili ng bagong jewelry." Kinuha ko yung amulet na para kay Kyla. Kanina ko pa pinractis ang palusot ko sakanya kaya sana tumalab.
"B-bigay ni Edric. Gusto niyang isuot mo daw yan." Nakita kong nanlaki ang mata niya. Please sana maniwala ka.
"Pero, bakit sayo niya pa binigay?" Nagtatakang tanong niya.
"Kahapon niya daw kasi dapat yan ibibigay kaso nakalimutan niya kaya pinabigay niya na lang kay Aric kasi alam niyang magkikita kami. Sige na isuot mo na." Natuwa naman si Kyla kaya nakahinga ako ng maluwang. Kapag si Edric talaga hindi na umaangal si Kyla.
Bumaba kami sa kwarto at hirap ako idagdag mo pa ang sapatos ko na masakit kasi bago.
"Alam mo ba nagtext sa akin si Avia kanina, h'wag daw tayong magbibigay ng regalo kundi maiinis siya sa atin. Ang wierd ano?" Biglang sabi ni Kyla kaya naalala ko yung regalo kay Aric. Tinext din ako ng ganun ni Avia kahapon kaya hindi ko na siya binili ng regalo.
"Oh Nyx. Saan ka pupunta?"
"Puntang kwarto. Yung regalo ko kay Aric eh."
"Ako na ang kukuha. Hirap kang maglakad eh. Saan ba yun nakalagay?" Napangiti ako bigl kay Kyla. Ang sweet naman.
"Sa may book shelf. Nasa wood box yun, nakabalot sa brown pouch bag." Sabi ko sakanya.
"Sige, kukunin ko lang."
Tinignan ko ang relo at alas otso na. Hindi pa naman pati dumadating yung sunod namin. Hindi nagtagal bumaba na si Kyla dala yung maliit na pouch bag. Nilagay ko siya sa red clutch bag ko kasi kasya naman.
Narinig kong dumating na ang kotse ni Tito. Ang luwang ng ngiti niya ng makita kami ni Kyla.
"Wow! Akala ko maligaw na ako ng bahay ah. May dalawang Queen Elizabeth sa bahay ah." Biro ni Tito.
"Si Tito naman eh."
"Anonng oras ba kayo susunduin? Quarter to 9 na oh?"
"Dadating din yun Tito."
Saktong alas nwebe dumating ang sundo namin. Akala ko kotse lang pero nagulat ako ng makita kong itim na limousine.
"Girl, bongga 'to! Mayaman kami pero wala kaming lomousine."
"Sshhhh. H'wag ka ngang maingay. Napapaghalataan tayo eh."
"Ako nga po pala si Vance. Ako po ang kanang kamay ng Hari at Reyna. Pinapasundo po kayo ng Prinsepe Aric para sakanyang kaarawan." Napatingin ako bigla kay Kyla para tignan ang reaksyon niya pero nakangiti lang siya.
"Royal na royal. Ang galing." Akala siguro ni Kyla kasama pa ito sa theme ng party. Naramdaman ko namang tinigna ako ng mataman nung Vance habang papasok ako sa limousine. May kung ano sa tingin niya na hindi ko gusto.
***
Avia's POV
"Ang ganda niyo naman po Prinsesa Avia sa suot niyo. Sigurado akong mabibighani sa inyo ang mga nasa party." Sabi sa akin ni Smitt habang inaayusan ako. Tipid ko lang siyang nginitian.
Hindi ko alam kung masisiyahan ako o hindi. Birthday ko kaya dapat maging masaya ako. Pero hindi eh. Si Kier kasi, he can't make it tonight. He was advised by the doctors na h'wag magpupuyat beyond 9 o'clock in the evening. Kahit masakit sa akin, kailangan kong sundin ang sabi nung doctor. Mas importante sa akin ang kalusugan ni Kier. Isang gabi lang naman 'to. Pwede naman kaming magcelebrate bukas.
"Smitt pakuha nga nung cellphone ko?" Agad namang lumipad si Smiit at anabot sa akin ang phone ko. I dialled Kier's number.
[Sabi na nga ba at hindi mo ako matitiis na hindi tawagan eh.] Agad na bungad sa akin ni Kier kaya napangit ako.
"Kung pwede lang sanang umaga ganapin ang party eh."
[Pwede naman tayong magcelebrate bukas eh]
"Pero iba ngayon."
[Sorry ah. Pasensya na at hindi ako healthy.]
"Ano ka ba! Hindi mo dapat pinag-sosorry ang kalagayan mo. Hindi mo naman yan ginusto. Tsaka ok ka na naman diba? Pinag-iingat ka lang ng mga doctor."
[Sige, Avia. Goodnight na. Papagalitan kasi ako ni Manang Wenna kapag nakita akong gising pa. Happy birthday ulit.]
"Sige na. Sweet dreams."
[Mag-enjoy ka dyan. H'wag mo akong isipin.]
"I'll try."
[And Avia?]
"Hmm?"
[I.. i love you.]
Then he hang up, leaving my mouth open. Suddenly biglang naging napakalakas ng kabog ng dibdib ko. AHHH~ Kier kasi eh!
***
Aric's POV
"Ano dude, wala pa din sila?" Pang limang tanong na sa akin ni Edric. Kung gaano siya ka-excited na makita si Kyla, ay ganun din ako kay Lorelei, triple pa.
"Wala pa eh. Alas dose na at magsisimula na."
May magaganap kasing Victorian dance at syempre si Lorelei ang gusto kong makapareha. Si Avia kasi si Wynner ang kapareha dahil hindi nakakapunta si Kier niya.
"Prince Aric, kailangan na nating simulan ang sayaw. Naiinip na sila." Sabi sa akin ni Larque. Kahit labag sa loob ko tumango ako. Nasaan na ba kayo, Lorelei?
Lahat kami pumunta sa dance floor. Kagaya ng ginagawa nung Victorian era, kailangan kaharap mo ang kapartner mo pero pareho kami ni Edric na walang kapareha.
"Tayo na lang dude!" Biro niya. I hissed. Malalagot sa akin ang Vance na yun! Siya nagpilit na sumundo sa mahal ko at--
I cannot believe what i'm seeing right now. Nakita kong pumasok si Kyla sa malaking bulwagan at agad siyang sinabat ni Edric. Nasa huli niya si Lorelei, which my eyes is only focused on her. As if they new she was with me so they make a way for me.
Alam kong maganda si Lorelei pero, damn! I am speechless!
I can feel she's trembling. I held her hand and kiss it.
"Sorry we're late." She said. I manage to smile at her. Ngayon lang ata ako natameme ah. Giniya ko naman siya pagitna sa bulwagan. She hesitantly walk with me. Hindi ko alam kung bakit nahihiya siya eh siya kaya ang pinakamaganda dito, no offense with my sister kasi alam naman niyang maganda siya.
"Beautiful." I said to her.
"T-thank you." She silently said. Nahalata ko naman na sakanya nakatuon ang lahat lalo na ang mga vampirang lalaki. I feel like i wanted to rip off their eyeballs.
"Marunong ka bang mag victorian dance?" I asked.
"Hindi eh."
"Parang cotillion lang." Tumango naman siya.
Then the dance started. The whole dance sakanya lang ako nakatingin. I suddenly have the urge to kiss her pero pinigilan ko sarili ko.
"You're tempted." Sabi niya kaya natawa ako. I remember na sinabi ko din yun sakanya noon.
"Because your tempting." I asnwer back. She chuckled.
"I forgot to greet you.. Happy birthday, Aric."
"Thank you. You alone is the best gift ever. Thank you for coming" I said. She beamed. Lorelei looked like a Senior Seductive Vampress. 10th century ago, eto ang suot ng mga vampire, and Lorelei definitely look like one kaya walang magdududa na isa siyang tao.
"I won't miss it for the world. This is your birthday at importante yun sa akin."
***
Third Person's POV
Pinagmamasdan niya habang sumasayaw si Lorelei at Aric. He is grinning like a devil. Malapit ng maisakatuparan ang mga plano niya. His eyes focused on Avia. She is dancing with Prince Wynner. He hissed.
"Bakit ba nandito ang mga Royals?" He asked himself.
"Pinuno." Tawag sakanya ng sa likod niya. Hindi siya lumingon. His presence is unknown. With the help of one of Kang's faithful Eunuchs, he was able to enter the Vampire City.
"Mabuti naman at alam mo pa din kung kaninong loyalty ka dapat, Vance!" Matalim na sambit ng Pinuno ng Trascendal Vampires.
"Tinutulungan kita kasi sawa na ako sa pamumuno ng mga Kang. Alam kong hindi ako dapat nakikipag-usap sayo dahil isa kang Trascendal, pero alam kong ikaw lang ang pwede kong magiging kakampi sa ngayon." Si Vance, ang kanang kamay ni King Hansel. Isa siyang pure blood vampire na nakipagsabwatan sa mga Transcendal Vampire.
"Ang kailangan ko ngayon ay ang dugo at puso ng mahal na Prinsesa. Kapag nagawa ko yun magiging makapangyarihan ako, higit pa sa kapangyarihang tinatamasa ng inyong Hari at Reyna. At para na din makaganti." Sambit ng Pinuno.
"At kapag nagawa mo yun, tutulungan kitang pabagsakin ang Kang family at ako na ang mamumuno ng Vampire City." Sabi naman ni Vance. Matalim nilang tinignan ang isa't-isa. Bagama't may pagdududang nararamdaman ang dalawa, wala silang ibang pagpipilian kundi tiisin ang bawat isa.
Ngumisi lang ang Pinuno.
"Unknown to Lorelei, akala niya naliligtas niya ang malapit sakanya. Hindi niya alam na siya mismo ang nagbibigay ng kapahamakan, lalo na kay Avia."
***
Lorelei's POV
Hinanap ko si Kyla after nung dance but she's nowhere to be found. Baka kasama ni Edric. Besides, this palace is ten times the size of the venue of my debut. But worried din kasi ako, baka malaman ni Kyla na nasa Vampire City siya. For sure she'll freak out to death.
"Enjoying your self?" Napalingon ako sa nagsalita. Si Queen Ingrid. Ang ganda ng suot niyang black victorian dress. She looks like a vampire goddes.
"I actually am, Queen Ingrid." I slightly bowed my head to give respect.
"Oh don't do that. Girlfriend ka ng anak ko, nakakailang." Natatawa niyang sambit.
"Ako nga po naiilang sa inyo eh. Halos magka-edad lang ang hitsura natin."
"Unless you changed your mind. You will live longer."
"Ano pong ibig niyong sabihin?"
"Become a vampire. Hindi kita pinipilit. But i assure you, that being a vampire with loving family is never boring. Masayang mabuhay ng habambuhay kung makakasama mo ang mga mahal mo sa buhay." She gave me an encouraging smile bago umalis.
Pero hindi yun ang gusto ni Aric.
"Lorelei." I turned around. Si Aric palapit sa akin.
"Hmm?"
"Come. Ipapakilala kita sa family ko." And with that, hinigit niya ako sa braso papunta sa.. family niya?
Huminto kami sa group of beautiful creatures. Ang gagandang mga nilalang.
"This is my Tita Erina and Tito Cris, Edric's parents." Simula ni Aric. "Tito, Tita, this is Lorelei. The one i've been telling you about."
"I see my Nephew has a taste. Nice to meet you, Lorelei." Sabi ng daddy ni Edric. Dapat makilala din sila ni Kyla, or not? Magtataka lang yun kung bakit mukhang bata pa ang parents ni Edric.
"Hi, I'm Erina." Nilahad niya kamay niya at nakipag-shake hands ako sakanya. "You remind me of someone." She trail off. "Ate Ingrid perhaps?" Then she chuckled.
"Where's Edric anyway? I haven't seen him around." Sabi ni Tito Cris.
"He's with Kyla." Sagot ni Aric.
"Kyla? Who's Kyla, Aric?" Tanong ng mommy ni Edric.
"Kaibigan ko po siya. Close po kasi sila ni Edric eh." Sabi ko naman. Nagkatinginan lang ang mag-asawa at nagtawanan.
"These kids remind me of us wayback then, Cris."
"Me too."
***
"Pwede ba kitang iwan muna dito sandali? Dumating kasi ang mga Senior Vampires from Italy and France. Ok lang ba?" Aric hesistantly asked me. I smiled at him and nod.
"Ok lang ako. Lalabas din muna akong palasyo niyo paar na rin hanapin si Kyla." I said to him.
"Sige, doon kita pupuntahan sa garden ah. Give me 10 minutes or less. Madaling-madali lang talaga ako." Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko. Natawa tuloy ako sakanya. Kasi naman, gusto niyang umalis pero heto siya nakahawak ng mahigpit sa kamay ko.
"Sige na. Hindi naman ako mawawala." I told him.
Pagtalikod niya, saka naman ako naglakad palabas ng palasyo. Nakahinga ako ng maluwang ng malanghap ko ang sariwang hangin sa labas. Nakakatakot silang kasama kahit papano. I was thankful na nandyan lagi sa tabi ko si Aric.
"Dumeretso ako sa may vintage fountain na may iba't-ibang kulay na nagrereflect sa tubig. Ang ganda niyang pagmasdan. Pati ang lagaslas ng tubig, ang sarap din sa pandinig.
"Nandito ka lang pala Lorelei eh." Medyo nagulat ako kaya napatalon ako ng kaunti. Napalingon ako at nakita ko si Avia na humahagikhik. "Did i startled you? I'm sorry." She apologize.
"Ok lang. Bakit ka ga pala na dito sa labas?" Tanong ko. Dapat ata kasama siya ni Aric kasi this is also her party.
"Dapat nga ako niyan nagtatanong sayo. Anyway, ano palang regalo mo kay Kuya? Nabanggit kasi sa akin ni Kyla na iginawa mo siya ng DIY necklace?" Halos manlaki ang mata ko ng maalala ko yung regalo ko kay Aric.
"OMG! Mabuti't pinaalala mo. I almost forgot!" I shrieked. Tumawa naman si Avia. "Dapat sana reregaluhan din kita. Bakit pala ayaw mong nireregaluhan?" I querried habang kinukuha yung pouch bag na nilalagyan ng gift ko for Aric sa loob ng clutch bag ko.
"Wala naman. I just don't like presents." She shrugged. "Yan ba regalo mo kay Kuya? Patingin niya." Inabot ko sakanya yung pouch bag kahit hindi ko pa nailalabas yung necklace.
"Yes. I made--"
"Stone? I thought necklace?" Inosente niyang tanong sa akin.
I almost cuss when i saw the stone she's holding. Hindi yan yung regalo ko kay Aric. Oh sh*t! Ibang pouch bag yung nakuha ni Kyla!
"A-avia... A-akin na yan." Kinakabahan kong sabi.
"L-lorelei... B-bakit ako nanghihina?" She asked while still holding the stone.
I immediately grab the stone into her hand but it was too late. She already collapse from the ground.
"OM MY GHAD! Avia wake up! Avia please wake!" Naiiyak kong sabi habang tinatakip ko ang mukha niya.
"Kasalanan ko 'to! Hindi ako nag-iingat. Dapat hindi ko tinabi yung lalagyan ng regalo sa lalagya ng bato." Iyak na ako ng iyak. Kinakabahan na ako ng nararamdaman kong lumalamig ang katawan ni Avia. "Avia, i'm so sorry. Hindi ko sinasadya. Please gumising ka." Inaalog ko balikat niya pero hindi siya nagigising.
Pati ako kinakabahan na. Nilibot ko paningin ko para humingi ng tulong pero walang tao o vampira sa paligid. Mas lalo akong naiyak ng maalala ko si Aric. Hindi niya ako mapapatawad. Kakamuhian niya ako sa ginawa ko sa kambal niya.
"This is all my fault." I whispered while still crying.
Narinig ko namang may papalapit sa amin kaya agad akong napaangat ng tingin. Nakita ko yung sumundo sa amin ni Kyla. Vance ata pangalan nun.
"T-tulungan niyo po ako. S-si Avia po... Please help us." Nasabi ko. Tumayo lang siya sa paanan ni Avia at pinagmasdan ito. Napakunot ako ng tingin sakanya. "Don't just stare at her. Help her! She'a a princess here!" I almost shout at him. Instead of helping, he just flashed an evil grin on his face.
"Good job, Lorelei." He said to me. Nagulat ako. Pero mas kinagulat ko ng may aninong lumabas sa likod niya. At kahit kailan, hindi ko malilimutan ang mukhang yan. Ang mukhang malademonyong kumidnap sa akin. Ang nilalang na pinagkasunduan ko para sa kaligtasan ko.
"I-ikaw." Nanginginig kong sabi.
"Ako nga, Lorelei. Natutuwa ako at tinupad mo ang kasunduan natin." He said grinning. Napailing naman ako. Hindi ko ito pinlano. Wala akong alam.
"I-i... I-i... didn't do it." Halos anas ko lang na sabi. Nanghihina ako na ako. Hindi ko matanggap na kasalanan ko kung bakit walang malay ngayon si Avia.
"Be proud and be happy. Kasi ako, personally pinasaya mo ako sa ginawa mo." He said. Ako naman naiiling sa mga sinasabi niya. Bigla na lang dumilim ang paligid. Nawala ang ilaw ng fountain. Biglang may nagsilabasan na mga nakaitim.
Kinuha nila si Avia kaya napasigaw ako. "NO! H'wag niyo siyang kukunin. Please. Ako na lang. Please ako na lang!"
"I offer you a choice before, Lorelei at ito ang pinili mo. Pero dahil mapili ka. Isasama na din kita!"
***
Aric's POV
"Nasaan ang kambal mo, Aric? Nandito dapat siya." Bulong ni Mommy sa akin. Ginala ko tingin ko.
"Hanapin ko lang po siya." Sabi ko kay Mommy. Aalis na sana ako ng pigilan ako ni Mommy.
"H'wag na. Mag-uutos na lang ako ng pwedeng tumawag sa kambal mo." Sabi ni Mommy kaya napatango ako.
Nakikipag-usap kami sa mga Seniors ng biglang dumulas ang blood wine glass na hinahawakan ko. It shattered in the floor that caught everybody's attention. Napatingin ako kay Mommy at Daddy na nakatingin lang sa basag na baso.
Then suddenly i felt different. Alam kong may mali. Agad pumasok sa isip ko si Avia.
"OH MY GHAD! Aric your eyes!" Mommy shrieked.
........................................................................
A.N: I'm sorry for this chapter. Please don't kill me. >_< HAHA. I told you kailangang lumabas ng transcendals. :P
What happened to Aric's eyes? Naduling. :P Hahaha
Tweet: #VCDNYOVS @theRealThyriza
XOXO
-Thyriza
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top